Share

CHAPTER 1

Author: Blu Berry
last update Last Updated: 2023-07-31 09:48:25

CHAPTER 1

"TAMMY, ipinapatawag ka ni Mr. Perez. Report ka raw sa opisina niya ASAP," sabi sa akin ni Jewel habang nakasilip ang ulo sa pintuan dahil hindi na siya pumasok sa aking opisina.

"Okay," sagot ko sa bago niya isinarado ulit ang pinto.

Itinuwid ko muna ang bahagyang nagusot na palda at pinasadahan ng tingin sa salamin ang mukha bago lumabas ng aking opisina.

Binati ako ng iilang mga kasamahang empleyado kapag nakasalubong ko sila.

Ako ang head sa department na ito na naka-assign sa mga local news ng Sta. Elena.

Simula pag-graduate ng college ay nagtatrabaho na ako rito at ito ang pinaka-unang publishing house ng isang lokal newspaper ng Sta. Elena.

Dati ang ipina-publish lamang ng kompanyang ito ay mga newspapers na naglalaman ng mga balita araw-araw sa loob at labas ng Sta Elena hanggang sa lumago at ngayon ay naglalabas na sila ng issue ng magazine bawat buwan.

Kagaya ng ibang mga empleyado ay nagsimula ako sa mababang posisyon. Ayokong tumulad sa iba na kahit hindi qualified sa mga posisyon nila pero dahil malakas ang kapit at maraming kakilala kaya napo-promote agad. Ang gusto ko kung tataas man ang aking posisyon ay dahil pinaghirapan ko ito at sa bawat pag-angat ay may natututunan ako.

Ang una kong trabaho ay isang messenger. Utusan ng mga ibang empleyado at sa mga nagdaang taon ay unti-unti na itong tumaas hanggang sa naging head na ako ng aking department.

Sa larangan ng aking trabaho hindi lang ako o ang may-ari ng kompanya na aking pinaglilingkuran ang nakikinabang kung hindi lahat ng mamamayan dito.

Tumikhim muna ako bago kumatok sa opisina ni Mr. Perez, ang aming editor in chief at may-ari ng kompanyang aking pinagtatrabahuan sa loob ng walong taon.

"Magandang umaga po, sir," bati ko sa kanya pagpasok. 

Nakatalikod siya sa pintuan at nakatingin sa labas ng malaking bintana ng kanyang opisina. Makikita kung gaano kaganda ang sikat ng araw sa labas.

"Magandang umaga, Tamara," nakangiting bati niya pabalik sa akin. Ngunit parang hindi umaabot sa kanyang mata ang kasiyahan ng ngiting iyon.

"Maupo ka muna, hija," anyaya niya sa akin at inilahad ng kanyang kamay ang upuan sa harapan ng kanyang mesa.

Umupo na rin siya sa kanyang swivel chair at pinulot ang ballpen saka pinaikot-ikot iyon sa kanyang daliri.

"Kumusta ka, hija?" tanong niya.

"Ayos lang po ako, salamat po sa pag-aalala," nakangiting sagot ko.

"Tamara, maaari ba akong makiusap sa iyo?" Sobrang seryoso ng kanyang mukha at boses. Kinabahan ako sa maaari pa niyang sasabihin. Hindi ko alam kung papayag ba ako agad o tatanungin ko muna kung ano ang ipapakiusap niya sa akin pero sa halip ay nanaig ang huli.

"Ano po iyon, sir? Baka po may maitulong ako."

"Tammy, may ibibigay akong project sa'yo," diritsong sabi niya. Bumundol ang kaba sa aking dibdib parang ang bigat ng hinihingi niya.

"Ano pong project?" tanong ko ulit na sana ay mas mabigyan niya ng malinaw na sagot.

"Please do an interview with Rafael Dela Vega." Para naman akong masasamid sa sinabi niya.

Ako? Ang dami-dami namang empleyado pero bakit ako ang napili niya?

"T-teka lang po, sir, kung hindi niyo po mamasamain, marami naman po kami rito pero bakit ako?" walang pagdadalawang-isip kong tanong.

Hindi dahil sa ayaw ko ang trabaho pero ayaw ko ang taong kakapanayamin.

Pinagmasdan ako ni Mr. Perez ng matagal. Tinging nagsusumamo at nakikiusap. Niluwagan niya ang neck tie bago nagsalita ulit.

"Tammy, nakikiusap ako hindi bilang boss mo pero nakikiusap ako bilang isang ama mo," malungkot niyang sabi.

Wala akong naisip na isagot at iniwasan na lang ang mga tingin niya.

"Tammy, ikaw lang pinagsabihan ko nito at sana ay wala ng ibang makakaalam pa. Hindi maganda ang lagay ng kompanya. Alam naman nating nagsusulputan na ang mga bagong magazine at publishing houses dito sa Sta. Elena at nauungusan na tayo. Ginagawa ko ang lahat para hindi tayo tuluyang magsara at maging kwento na lang din tulad ng inilalathala natin dahil maraming pamilya ang umaasa rito. Marami pa tayong ka-kompetensiya sa labas ng bayan kaya sana ay matulungan mo ako. Bali-balita ang pagbabalik ni Rafael dela Vega at ilang publishing houses at kapwa natin manunulat ang nag-uunahang makapanayam siya dahil malaki siyang balita, Tammy. Pero kahit isa ay wala pa siyang pinauunlakang mag-interview sa kanya. Kaya makikipagsapalaran tayo, Tammy, magbabakasakali na kung tayo ang makaka-interview sa kanya ay baka tataas ang sales natin at kung suswertehen ay babalik tayo sa pamamayagpag," malungkot pa rin ang boses niya.

"Pero, sir, hindi po ba si Charie ang nasa department na 'yan? Local tourism ng Sta. Elena at mga kwento ng mga tao sa lugar natin?" Mabuti na lang at nagkaroon ako ng ideya para hindi mapasa sa akin ang project na ito.

"On leave si Charie, Tammy, dahil nag-bleeding siya sa opisina noong nakaraang linggo kaya bed rest muna siya hanggang sa manganak. Ikaw ang pinili ko para dito dahil magaling ka, pinakamagaling actually, kaya alam kong kayang-kaya mong gawan ng magandang article ang pagbabalik ni Mr. dela Vega at iyon ang ipi-feature natin sa issue ng magazine na ilalabas sa mga susunod na buwan."

"Pero, sir, paano kung may mas mauna sa aking mag-interview sa kanya?" Parang ayaw ko talaga ang project na ito.

"Gaya ng sabi ko, Tammy, wala pa siyang pinapa-unlakang mag-interview sa kanya. Tinawagan ko siya kanina at tayo ang pinaunlakan niya. Nagkataon lang talagang wala si Charie kaya ikaw kaagad ang naisip kong pumalit sa kanya. Kaya pagbigyan mo na ako, anak, ngayon lang ako makikiusap sa iyo." Nakangiti na siya ngayon. Parang tatay na rin talaga namin si Mr. Perez hindi lang dahil sa edad niya kung hindi itinuturing niya talaga kaming parang mga anak kahit sa loob ng opisina.

"Sir, wala na po ba talagang pwedeng humawak sa project na ito?" pangungulit ko pa kay Mr. Perez baka sakaling magbago ang isip niya.

"Ang sabi ni Mr. dela Vega ay ipadala raw sa kanya ang pinakamagaling kong empleyado. Kaya ikaw agad ang naisip ko. May tiwala ako sa kakayahan mo, Tammy. Lahat ng isinusulat mong article mapa-magazine man o newspaper ay bumibinta kaya alam kong kapag ikaw ang susulat ng kwento niya ay mabibigyang buhay talaga. Please, Tammy, kahit ngayon lang," pakiusap niya ulit.

Malalim na hininga ang binitawan ko. Gusto kong tulungan si sir pero ayaw ko namang tanggapin ang project niyang ibinibigay sa akin.

Sa dinami-dami ng pwede kong i-interview bakit si Rafael pa?

Bumalik ako sa aking department at agad sinundan ni Jewel.

"So, Tammy, ano raw? Bakit ka ipinatawag ni sir?" naki-usyoso siya sabay upo sa silyang nasa harapan ng aking mesa.

"May ibinigay na project," maikling sagot ko. Parang wala pa rin ako sa aking katinuan dahil sa sinabi ni Mr. Perez.

"Pero bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa? Hindi ba gusto mo iyong mga ganyan?" naguguluhang tanong niya. Simula high school ay magkaibigan na kami ni Jewel at hanggang ngayon ay kasama ko pa rin siya kaya kilala na niya ako.

Bumuntung-hininga ako bago sumagot. 

"May tao akong dapat i-interview saka ko gagawan ng article para ma-feature sa ating magazine."

"Iyon naman pala, magaling ka naman diyan. Halos lahat ng bagay ay magaling ka naman talaga pero parang hindi ka masaya, te," nakangiwing sabi niya. 

"Sino ba kasi ang taong iyan at nam-problema ka?"

"Si Rafael Dela Vega," diritsong sagot ko. Maiiyak na yata ako. Naihilamos ko ang mga palad sa mukha dahil sa halo-halong pakiramdam.

"Ano? Paano iyan? So gagawin mo? Isa pang tanong, kaya mo ba?" Sunod-sunod iyon na mas lalo yatang nagpasakit ng aking ulo.

Nanatili ang dalawang palad ko sa aking magkabilang pisngi.

"Hindi ko alam, Jewel, mababaliw na yata ako. Naaawa ako kay sir kasi nakiusap siya sa akin na hindi naman gawain iyon ng boss na halos luluhod na lang sa harapan ng empleyado niya pero ang problema ay si Rafael kasi iyon, ayoko ko siyang makaharap. Paano kung pahirapan niya ako? Paano kung ayaw niyang ako ang mag-i-interview sa kanya? Paano kung-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil dinugtungan na niya.

"Paano kung pareho pa pala kayong 'di naka-move on? Or shall I say paano kung hindi ka pa rin nakakalimot sa ginawa niya? Magiging maayos kaya ang muling pag-uusap ninyo?" Problemado na rin ang mukha niya.

"Iwan ko, Jewel. Hindi naman natin pwedeng dalhin ang mga personal na problema sa trabaho 'di ba? Bahala na nga lang, hindi pa naman yata dumarating ang walang-hiyang iyon. Saka ko na iisipin ang mga tanong na ibabato kapag mag-i-interview na ako sa kanya."

"So ibig sabihin ay problemado ka pa rin sa kanya? It's been twelve years, Tammy, kalimutan mo na kasi iyon. Normal lang na ma-broken hearted tayo sa mga ganyang edad kasi mga bata pa tayo, padalos-dalos sa mga desisyon kaya move on na. Ikaw lang din ang kawawa. Si Rafael ay okay na sa life niya, ikaw sobrang affected pa rin. Pero honestly, he's so gorgeous, mouth-watering ang ka-gwapuhan kaya malamang sa tagal na ng nakaraan ninyo ay sobra pa sa move on ang nagawa niya." May kasama pang irap ang mga linya niya.

"Jewel, tulungan mo ako," ako naman ang naki-usap sa kanya.

"Sure, ako ang gagawa ng ilan sa mga tanong na ibabato mo sa kanya. Dapat, Tamara, itanong mo talaga iyon." Parang nagbabanta ang boses niya.

PAGSAPIT ng gabi ay buhay na buhay pa ang aking diwa. Ilang minuto na akong nakaharap sa laptop pero wala naman akong maisip na gawin.

Sinakop na ang aking pag-iisip ng tungkol kay Rafael.

Hinilig ko ang aking ulo sa backreast ng sofa at tumingala sa kisame ng bahay.

For all those years I still hate him.

Nagsimula na namang kumalat ang pait sa akin. Akala ko na sa pagdaan ng panahon ay makakalimutan ko rin iyon.

Pero bumalik na lang siya ay nandidito pa rin ang sakit at pagsisisi.

Bakit siya pa ang lalaking aking unang minahal pero sa huli ay sinaktan lang din naman ako?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amira@ysabelle
love this ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TAMED (tagalog)   EPILOGUE

    EPILOGUE NATARANTA ako nang magising na wala na si Tammy sa aking tabi. Akala ko'y iniwan niya ulit ako pero bumukas ang pinto at pumasok siya na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast in bed," nakangiti niyang wika habang lumalapit sa akin. Tila hinaplos ang aking puso dahil sa kanyang ginawa. "Nag-abala ka pa," kunwari ay alangan kong sabi pero gusto ko ng tumalon dahil sa tuwa. "Hayaan mo na. Ikaw ang laging gumagawa nito kaya babawi ako ngayon." Ipinagsandok niya ako ng sinangag. Niyakap ko siya sa baywang at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg kasabay ng pag-amoy ng kanyang balat. Parang iba ang gusto kong gawin bukod sa kumain. "Raf," saway niya sa akin, "mamaya na 'yan at kumain muna tayo." Inabot niya ang puting T-shirt na isinuot ko naman kaagad. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi bago pa ako mapagalitan at baka maisipan na naman niyang lumayo. Ngayong araw ay kukunin namin ang kanyang mga gamit para tuluyan na siyang lumipat dito. Na-trauma na yata

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 32

    CHAPTER 32 (RAFAEL'S POV)NAGISING ako dahil sa paggalaw ng kamang hinihigaan. May dumantay sa aking hita at yumakap sa baywang. Iminulat ko ang isang mata upang sipatin ang oras. Ala-sais na pala ng umaga at may klase ako ng alas-siyeti y mediya. Napabalikwas ako ng bangon kaya nagising ang aking katabi. "Raf, where are you going?" wika ng inaantok na boses ni Girlie, one of my flings. "School." Sabay pasok sa banyo para makaligo na. I'm just fifteen years old but I have countless of unserious relationships. But who cares, this is the life that I want and it will always remains this way. Wala akong planong magseryoso kagaya ng madalas na sinasabi ni Mommy. Bakit pa? Gayung mas maganda ang ganito, nagkakilala kayo, may nangyari sa kama, then the following day ay pareho na kayong estranghero.I was twenty years old nang pinilit ako ni Mommy na bumalik sa Pilipinas, partikular sa kanyang hometown ang Sta. Elena. I refused to go to college kaya ipinatapon niya ako sa Pilipinas. Wala

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 31

    TAMED CHAPTER 31LUTANG akong bumalik sa kuwarto. Ganito pala kapag sobrang nagulat at hindi makapaniwala ang isang tao, nawawala sa katinuan. Nanginginig kong minasahe ang sariling daliri. Paano nangyaring nabuntis ni Rafael si Wela gayung noong nakaraang linggo pa lang naman kaming naghiwalay, matapos ang tinaggihan kong proposal niya?Kung matagal na rin siyang nabuntis ni Raf dapat ay malaki na ang kanyang tiyan. Gusto kong hilahin at pukpukin ang sariling ulo dahil sa dami ng katanungang gusto kong masagot. Hindi ako pinatulog ng mga tanong na iyon buong gabi. Kung hindi pa natamaan ng sikat ng araw ang aking mukha ay hindi pa siguro ako magigising ngayon. Mabilis akong kumilos at nagbihis. Hindi puwedeng tumunganga na lang at maghintay ng puwedeng mangyari. Malaki ang naging sakripisyo ni Raf at panahon na siguro para gawin ko naman ang aking parte. Kinapalan ko na ang mukhang nagpunta sa front desk ng aking tinutuluyan. Mabuti na lang at nandoon si Sylvanna at kinakausap a

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 30

    CHAPTER 30"TAMMY, sandali lang," agap ni Rafael sa aking pagpasok. Nanatili ang aking mata sa kamay niya na nasa braso ko. Ang init na nakasanayan ko na, ang init na hinahanap-hanap ko."Kung manunumbat ka sa akin, do it here," prangkang saad ko sa kanya."Can we just talk? Sa loob? Promise saglit lang 'to." At siya na ang pumihit ng door knob at pinauna ako ng pasok. Wala na nga siguro akong choice kung hindi ang harapin siya ngayon kahit hindi ko ito napaghandaan.Nakatutunaw ang kanyang tingin. Hindi ko masabi kung ano ba talaga ang ipinapahiwatig nito. Basta hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil nanaig ang kaba sa aking buong sistema."How long have you been here?" pukaw niya sa akin."M-mag-iisang linggo pa lang.""Nag-resign ka na pala. Why?" Pinanliitan niya ako ng mata."Dahil kailangan. ""Bakit? May nagpapaalis ba sa 'yo? Sa pagkaka-alam ko ay wala," tila sumbat 'yon."Paano ako magtatrabaho kung halos lahat ng tao ay galit sa akin?" mapait kong turan.Bumuntong-hininga si

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 29

    CHAPTER 29HABOL ang hiningang sumandal ako sa likod ng pintuan pagkapasok sa kwarto. Para akong nananaginip at kalaunan ay bangungot na pala.Hindi ko alam ang gagawin. Kung iiyak ba o matatakot dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ni Raf ulit.Pero bakit magkasama sila ni Wela? Iisang kuwarto pa ang kanilang tinutuluyan.Nagpabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto. Para na siguro akong baliw kung may ibang taong makakita sa akin.Hindi ako pinatulog dahil sa napakaraming mga iniisip. Madaling-araw na siguro iyon bago ako naka-idlip dahil may iilang tilaok na ng manok sa labas.Masakit ang aking ulo kinabukasan at pakiramdam ko ay lumulutang ako. Medyo napatalon pa ako sa kama nang marinig ang iilang katok sa labas. Inayos ko muna ang nagulong buhok bago pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.Magandang mukha ni Sylvanna ang aking nabungaran. Hinawakan ko ang mata dahil baka may natuyo akong muta samantalang siya ay ang ganda-ganda na niya sa mga oras na ito o sadyang likas

  • TAMED (tagalog)   CHAPTER 28

    CHAPTER 28MAGANDA ang sikat ng araw ngayong umaga at sumalubong sa akin ang huni ng mga ibon. May lungkot akong naramdaman pero medyo magaan na ang aking pakiramdam kumpara noong nakaraang linggo. Kung saan tila ay wala akong kakampi, parang noong mga araw lang na nawala si Mama.Ito ang unang beses na lumayo ako sa kinalakihang lugar. Parang walang mangyayari sa akin kung magmumukmok ako sa bahay at araw-gabing umiiyak.Ayaw pa sanang tanggapin ni Mr. Perez ang aking resignation at bakasyon lang ang inalok sa akin. Makakalimutan din ng lahat ang nangyari kaya huwag ko na lang daw ituloy ang binabalak na umalis sa kanyang kompanya. Pero alam kong higit pa roon ang aking kailangan. Gusto kong maka-usad sa lahat ng mga nangyari at gagawin ko iyon na walang inaalalang trabaho na babalikan.Sa huli ay pumayag na rin siya ngunit bukas pa rin ang kanyang publishing house kung sakaling babalik pa ako. Tinapos namin ang araw na iyon sa pamamagitan ng isang yakap. Tinapik niya ang aking balik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status