Share

TAMED (tagalog)
TAMED (tagalog)
Author: Blu Berry

PROLOGUE

PROLOGUE

BIGLA akong nagising sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog. Gusto ko pa sanang matulog dahil nakakaramdam pa ako ng antok lalo't parang iisang oras pa lang akong nakaidlip. Kakauwi ko lamang mula sa dinaluhang party sa isang bar.

Nagsalin ako ng alak sa baso at hawak ito habang naglakad palapit sa salaming dingding ng aking penthouse sa condominium na pag-aari ko.

Nagkikislapan ang mga gusali at ilaw sa labas tila mga munting alitaptap sa kalagitnaan ng madilim na gabi. Normal na tanawin dito sa New York.

Tiningnan ko ang relong pambisig. Alas-dos pa lamang ng madaling araw. Huminga ako ng malalim. Mukhang mailap na ang antok sa akin.

Alitaptap. May naaalala akong tao dahil sa munting insekto na iyon. Insektong hindi naman makikita sa lugar na katulad nito pero hindi ako nilulubayan ng kanyang mga alaala.

Itinukod ko ang siko sa salaming dingding at pinagsawa ulit ang mata sa tanawin sa labas. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa parte ng aking pagkatao na nawala.

Hindi ko maiwasang isipin kung kumusta na kaya siya. Naaalala pa kaya niya ako? Nagmahal ba siya ng iba bukod sa akin? Kung sakali mang bibigyan kami ng ikalawang pagkakataon ay pipiliin kaya niyang mahalin ako ulit? 

Dahil ako, kahit ilang beses pang masaktan, gusto ko pa ring balikan ang lahat ng nangyari sa amin dati dahil isa siya sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Napukaw ang pag-iisip ko dahil sa tunog ng telepono. Wala akong nagawa kung hindi ay sagutin ito.

"Rafael, mabuti naman at sinagot mo ito. Alam kong kapag ganitong oras ay nandiyan ka talaga sa penthouse mo. Ang mga gamit mo nakahanda na ba iyan?" salubong agad ni Mommy sa akin pagsagot ko.

"Yes, Mom," inaantok kong sagot para ibaba na niya ang tawag. Alam ko na kung saan pupunta ang usapan namin.

Mangungulit na naman siya at hindi ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag. Kagaya ng sapilitan niyang pagpapauwi sa akin sa Pilipinas.

"Don't talk to me that way, Lance Rafael. Kapag ako Ang kausap mo ng ganitong oras ay inaantok ka pero if I know ay nagpa-party ka lang naman. Ano bang plano mo sa buhay? Diyos ko, Rafael, simple lang naman ang ipinagdadasal ko gabi-gabi. Na sana ay mag-asawa ka na para may maalagaan na akong apo." Nagsimula na namang mag-drama ang mommy ko.

"Mom, here we go again. Pinagbigyan na kita, uuwi na ako ng Pilipinas para may magma-manage ng mga property natin sa Sta. Elena saka na lang iyang mga apo mo. One at a time kaya chill ka lang, Mom," natatawa kong sabi. Iinit na naman ang ulo niya na lalong magpapasaya sa akin. Ang sarap lang niyang inisin.

"Iri-remind lang kita, Rafael, you're already thirty two years old and yet wala ka pang planong mag-settle down? Hanggang kailan ka ganyan? Tatanda ka talagang binata niyan. You're just jumping from one woman to another," simula ng sermon niya.

"Mom, hold there, binata ako but hindi ako matanda. One day ay may aalagaan ka ring bata riyan kaya i-enjoy lang natin ito." Mas lalo ko pa siyang inasar.

"Wala namang patutunguhan ang usapang ito kaya ibababa ko na ang tawag. Hindi kita maihahatid bukas sa airport kaya ingat ka sa biyahe. Tumawag ka kaagad sa akin kapag dumating ka na ng Sta. Elena," bilin niya bago ibinaba ang telepono.

Bumalik na naman ang katahimikan pagkatapos naming mag-usap ni mommy.

Nahahati ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil babalik na ako sa lugar na may espesyal ng parte sa aking puso at kaba dahil nasasabik akong makita ulit ang isang taong mahalaga sa akin.

Napatawad na kaya niya ako?

Naka moved-on na kaya siya?

Dahil ako ay hindi pa. Sinubukan ko pero sadyang bumabalik pa rin talaga ako sa kanya.

"Bakit ba parang takot na takot kang bumalik ng Sta. Elena?" natatawang tanong minsan sa akin ng pinsan kong si Lance.

Alam kong biro lamang iyon or parte lang ng mga asaran namin but that caught me off guard.

I was there twelve years ago but everytime I want to go back, binabalak ko pa lang ay naduduwag na kaagad ako.

Ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na labing dalawang taon na iyon ay buhay na buhay pa sa aking alaala.

Mga sakit. Sakripisyo. Ang mga dapat piliin.

Nasaktan ko siya pati na rin ako ay hindi nakatakas sa sakit na iyon.

"I'm sorry, Tammy, kung kailangan kong isakripisyo ang relasyon natin," mahinang usal ko.

Tiniis ko ang mga nagdaang taon na hindi siya kumustahin. I even blocked her on my social media accounts kahit hindi naman kami konektado.

Takot ako na baka hanggang ngayon ay hindi pa niya ako napapatawad. Hindi pa rin nawawala ang sakit na idinulot ko.

Kung may pagpipilian lang ako ng mga panahong iyon hindi sana kami magkakasakitan.

Tama na kaya ang narating ko para masabing ako ang pinakakarapat-dapat para sa kanya?

"You're nothing without your surname, Mr. dela Vega." 

Nabuhay muli ang mga katagang iyon sa aking isip. Mga katagang binitawan ng kanyang ina laban sa akin.

"You are just a Dela Vega without that ay wala ka. I want the best for my daughter at hindi ikaw iyon. Wala ka namang narating hindi ba? Nagtatago ka lamang sa likod ng apelyido mo. Wala ka ngang matinong natapos or even good grades. You should stay away from my daughter. May pangarap kaming dalawa ng anak ko at dahil sa iyo baka ay hindi pa niya marating iyon." 

Until now, it hurts like hell. Hindi dahil minaliit niya ako pero ang marinig mismo mula sa kanya na hindi ako ang nararapat para sa anak niya.

Inilapag ko ulit ang hawak na basong may alak. Looking at those skyscrapers reminds me of Sta. Elena.

Kung hindi dahil sa pangungulit ni mommy dahil sa mga properties na naiwan namin doon ay hindi pa sana ako babalik dahil alam kong kulang pa ang aking lakas ng loob pero bahala na. Tinapunan ko ng tingin ang ilang mga maletang dadalhin pag-uwi roon, bukod sa nararamdaman ng aking puso.

Marami akong nakarelasyon pagbalik dito sa States mula nang huling bumisita ako ng Sta. Elena sa pag-aakalang mapapalitan ko rin siya but at the end of day, she's still the one who will complete me.

Wala akong pinagsabihan sa nangyari sa akin sa huling punta ko ng Sta. Elena. Hindi dahil sa ayokong malaman nila pero bumabalik ang sakit kapag babanggitin o naaalala ko iyon.

Bukas ay haharapin ko ulit ang minsan ng tinakasan ko roon.

Ang taong espesyal sa akin.

Ang babaeng may puwang sa aking puso mula noon hanggang ngayon.

Ang babaeng minsan kong binitawan. 

Ang babaeng kailangan kong iwanan kapalit ng mga pangarap niya.

Ang kaisa-isang babaeng minahal ko.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
cessn
ito na pla story ni rafael
goodnovel comment avatar
Amira@ysabelle
thanks ms. blu...
goodnovel comment avatar
Amira@ysabelle
...️...️...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status