Naglalakad na mag-isa habang tinatahak ni Dahlia ang daan ng kanilang magulo at maruming kalye upang pumunta sa kaniyang ama. Sanay na ito sa may pagkamahaba-habang lakaran dahil wala naman itong pamasahe papunta roon.
Nakangiti at maayos ang pananamit ni Dahlia dahil sa iniregalo ng kaniyang amang si Gregorio sa kaniya noon. Gusto niyang makita siya nitong maayos kahit na nakatira lamang siya sa iskwater area. Ilan pa'ng minuto ang lumipas nang matapat na siya sa isang malaki at magarang gate. Dahil kilala siya ng bawat nakabantay na guard doon, kusa siya nitong pinapapasok. Palagi niyang nararamdaman ang excite sa tuwing pupunta siya sa mansyon ng ama dahil makikita niya na naman ito. "Dahlia, hija. Mabuti't nakarating ka nang maayos," sabi ng ama ni Dahlia na si Gregorio nang salubungin siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Teka, anong sinakyan mo?" tanong pa nito. Hindi nakaimik si Dahlia at tanging isang ngiti ang ibinato sa kaniyang ama. "Hmm... Naglakad ka na naman?" Unti-unting tumango si Dahlia bilang pagtugon sa kaniyang ama. "Ikaw naman. Sinabi ko sa 'yo na mag-commute ka at ako na ang bahalang magbayad e. O sige, halika rito sa loob. Kumain ka muna at may mga pinahanda ako para sa 'yo. Mamaya, iuwi mo lahat ng grocery na ipinabili ko," sabi pa ni Gregorio at saka sinamahan ang anak upang makarating sa kusina. Si Dahlia ay anak sa labas ni Gregorio. Nabuntis nito si Felina noong naglasing siya sa club dahil sa problema sa kaniyang asawa na si Abella. Pinanagutan ni Gregorio ang anak kahit na ayaw ni Felina na tumira ito sa mansyon niya. Habang hinahainan ni Gregorio si Dahlia, dahan-dahan namang bumaba sa hagdan sina Sonia at ang nakababata nitong kapatid na lalaki na si Semir. Nagtinginan ang magkapatid dahil sa inis kay Dahlia. Inggit ang dalawa dahil hindi malapit ang kanilang ama sa kaniya. "Itay, kumain na rin po kayo. Sabayan niyo na po ako," sabi ni Dahlia sa kaniyang ama habang hinihila ito upang umupo sa isang upuan. "Para sa 'yo 'yan, Dahlia. Kainin mo lahat 'yan. Dapat busog ka," sabi naman ni Gregorio. Nagtatawanan ang mag-ama at bakas ang sabik nila sa isa't isa habang ang dalawa ay palihim pa ring nakatitig sa kanila. Sa iilan pang oras na pananatili ni Dahlia sa piling ng kaniyang ama, ibinuhos ni Gregorio ang oras para dito. Kasalukuyang nagpapahinga silang dalawa habang si Dahlia ay nakangiti. Napayakap na lang siya sa kaniyang ama dahil sa ibinibigay sa kaniya na buong pagmamahal nito. Napatingin na lang si Dahlia sa kung saan nang marinig niya ang boses ng asawa ng kaniyang ama na si Abella. Ayaw na ayaw pa naman nitong nakikita si Dahlia dahil anak lamang ito sa labas. "Greg? Greg? Gr--" nahinto na lang bigla si Abella nang makita niya si Dahlia na katabi ang kaniyang mister. "At anong ginagawa mo ritong hampaslupa ka?" tanong nito kay Dahlia at mabilis nitong hinablot ang kamay ng bata. Dahil sa daing ni Dahlia dahilan kaya't nagising si Gregorio at nakita ang ginagawa ng kaniyang asawa. "Abella! Abella," tawag ni Gregorio sa asawa sabay kuha sa kaniyang anak. "Bakit mo naman sinasaktan si Dahlia? Wala namang ginagawang masama ang bata ah?" tanong pa nito. "Greg, anak mo sa labas 'yang batang 'yan. Hindi siya nararapat na makatapak sa mansyon natin. Mayaman tayo at mahirap lang 'yang lintek na batang 'yan. Ibalik mo na 'yang hampaslupa na 'yan sa nanay niyang malandi!" sabi ni Abella. Dahil sa bigla ay nasampal ni Gregorio ang asawa. Nabigla si Abella sa kaniyang naranasan. "Oo, anak ko sa labas si Dahlia. Pero anak ko pa rin siya. At wala kang karapatan na husgasan ang kung sinong tao, Abella, dahil wala kang karapatan," depensa naman ni Gregorio. Natawa na lang si Abella sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. "Bakit mo ba ipinagtatanggol yung babaeng 'yon, ha? Bakit? Sino ba siya sa 'yo?" tanong ni Abella. Dahil sa ingay ng mag-asawa, bumaba na lang bigla ang kanilang dalawang anak na si Sonia at Semir saka niyakap ang kanilang ina. "Tignan mo ang mga anak natin, Greg, hindi mo sila nabibigyan ng oras. Mas inaalagaan at mas pinahahalagahan mo pa 'yang anak mo sa labas." "Husto na, Abella! Husto na!" sigaw ni Greg at saka napatingin sa kaniyang mga anak. "Ako na lang ang saktan mo, h'wag lang si Dahlia. Sa oras na hawakan at pagbuhatan mo ng kamay ang anak ko, ako mismo ang makakalaban mo," pagbabanta pa ni Gregorio bago sila umalis ni Dahlia. Naiwan si Abella na humihinga nang malalim sa inis habang ang dalawa nilang anak ay napapaiyak na lang.Huminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay.“Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.”“Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa.Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio.Sumunod din kalaunan si Dahlia at pumun
Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit."Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya."D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano."H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang pa
Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial."Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala."Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir."Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa."Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nil
"Bernard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid."Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya."Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito."Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng--" hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magta
"Sabihin mo sa 'kin kung nasa saan si Armano Imperial. Sabihin mo!" tanong nito sa isang duguang tauhan ni Armano habang kinukuwelyuhan ang damit nito at nakatutok din ang kaniyang baril sa noo nito. "Nasaan?!""H-Hindi ko sasabihin. W-Wala kang malalaman s-sa 'kin," pagmamatigas naman ng lalaking 'yon. Napadaing na lang din ito nang likuran siya ni Dahlia. Nakita na lang ni Dahlia ang cellphone nito kaya't kinuha niya 'yon at hinanap kung may numero si Armano rito. At sa ilan pang mga sandali nang tinatawagan na niya ito.[Bakit ka tumatawag? T*r*nt*do ka. Nagpapahinga na ako.]"Ang lakas naman ng loob mong magpahinga, Armano. Buti at pinapatulog ka pa ng konsensya mo. Pero kung gusto mong magpahinga, sige, itutuloy-ituloy na natin 'yan."Nanlaki na lang ang mga mata ni Armano nang makarinig ng isang babaeng boses mula sa kabilang linya. [Lintek ka, Dahlia. Buhay ka pa rin pala,] mariing sabi nito sa guro."Hindi pa ako mamamatay, Armano. Dahil hindi ko pa oras. Pero tingin ko sa 'yo
"Hindi po pupwede, ma'am. Ma'am," pagpipilit naman ng nurse na pigilan si Dahlia. Muli, may pumasok na isa pang nurse at tinulungan ang kasamahan nito sa pagpapatahan kay Dahlia. Unti-unti na lang itong tumahan nang turukan ito nang pampakalma."S-Sonia," tanging sambit ni Dahlia at napaluha na lang ng kusa ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayo't nag-aagaw buhay si Sonia, wala rin si Bernard sa kanila. Napakuyom na lang ang mga kamao ni Dahlia at nanginig pa ito sa tindi ng kaniyang galit. Hangga't hindi niya napapatay si Armano Imperial, hindi matatapos ang sunod-sunod na balakid sa kanilang buhay."Babawi ako. Babawi ako," mariin pang sabi ni Dahlia sa sarili. Wala siyang pakialam kung narinig man siya ng nurse o hindi. Ang mas namumuo sa sarili niya ay ang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay.KAAGAD pumunta ang mga tauhan ni Armano sa hospital kung saan dinala sina Sonia at Dahlia. Pumasok sila sa loob at kaagad tinanong sa front desk kung nasa saan