Samantala, nang lumabas sina Gregorio at Dahlia, napagdesisyunan na nitong ihatid ang kaniyang anak pauwi. Nang paandarin na ni Gregorio ang kaniyang sasakyan, tumingin na lang si Dahlia sa kaniya. Alanganin pa ito dahil sa hindi siya makapaniwala sa inasta ng ama sa misis nito."Itay, sana hindi niyo na po ginano'n yung asawa ninyo," malumanay na tugon ni Dahlia nang basagin nito ang katahimikan. Sinulyapan ni Gregorio ang kaniyang anak at saka ito binigyan ng isang matamis na ngiti."Anak, ayokong may mangyari sa 'yo. Oo, asawa ko siya. Pero anak kita. Tungkulin ko na mahalin ka, alagaan at protektahan ka," tugon naman ni Greg."Pero sina Sonia at Semir po. Mukha po silang takot sa inyo kanina. Itay, sana lambingin din po ninyo yung dalawa kong kapatid. Ayoko pong magkaroon sila ng trauma sa 'yo. Mga anak mo rin po sila, itay," sabi naman ni Dahlia. Napangiti na lang nang kusa si Gregorio dahil sa sinabi ng anak."Sige, Dahlia, gagawin ko," tugon nito sa kaniya.Sa mga ilang sandali
Terakhir Diperbarui : 2025-09-06 Baca selengkapnya