LOGINSamantala, nang lumabas sina Gregorio at Dahlia, napagdesisyunan na nitong ihatid ang kaniyang anak pauwi. Nang paandarin na ni Gregorio ang kaniyang sasakyan, tumingin na lang si Dahlia sa kaniya. Alanganin pa ito dahil sa hindi siya makapaniwala sa inasta ng ama sa misis nito.
"Itay, sana hindi niyo na po ginano'n yung asawa ninyo," malumanay na tugon ni Dahlia nang basagin nito ang katahimikan. Sinulyapan ni Gregorio ang kaniyang anak at saka ito binigyan ng isang matamis na ngiti. "Anak, ayokong may mangyari sa 'yo. Oo, asawa ko siya. Pero anak kita. Tungkulin ko na mahalin ka, alagaan at protektahan ka," tugon naman ni Greg. "Pero sina Sonia at Semir po. Mukha po silang takot sa inyo kanina. Itay, sana lambingin din po ninyo yung dalawa kong kapatid. Ayoko pong magkaroon sila ng trauma sa 'yo. Mga anak mo rin po sila, itay," sabi naman ni Dahlia. Napangiti na lang nang kusa si Gregorio dahil sa sinabi ng anak. "Sige, Dahlia, gagawin ko," tugon nito sa kaniya. Sa mga ilang sandali pa ng paglalakbay, bumaba na si Dahlia matapos niyang yakapin at halikan sa pisngi ang kaniyang ama. Dala-dala nito ang mga grocery na bigay sa kaniya pauwi sa kanilang tahanan. Samantala, nakangiti habang nakatingin si Gregorio sa kaniyang anak. Hindi siya nagkamaling tanggapin ito dahil mabuti ang kalooban ni Dahlia. At nang makauwi na si Dahlia sa kanilang tahanan, pansin niya na maraming alak ang nagkalat sa mesa at sahig. Pumasok siya ng bahay at inilapag ang dala sa isang tabi. Nang sumilip siya sa kwarto, nakita niyang natutulog ang kaniyang inang si Felina. Batid niyang naglasing na naman nang naglasing ang kaniyang ina. Inayos ni Dahlia ang lahat ng kagamitan. Habang abala sa ginagawa, napapaisip na lang siya sa ginagawa ng kaniyang ina. Ano ba talaga ang problema nito at bakit lubos-lubos kung maglasing. Ni hindi man lang niya makausap ang kaniyang ina nang maayos dahil madalas siya nitong nilalayuan, inaayawan at sinasaktan. Huminga nang malalim si Dahlia at naupo sa gilid. Naalala na lang niyang bigla ang mga tanong niya sa kaniyang ama noon kung pwede ba silang magsama ng kaniyang ina na si Felina at magkaroon ng sariling pamilya. Bagama't maayos ang tugon ng kaniyang ama, alam niyang hindi 'yon maaaring mangyari dahil may asawa na ito. At dahil sa iniisip, napapunas na lang ng luha si Dahlia dahil sa iniisip na hindi na talaga siya magkakaroon ng masaya at maayos na pamilya. KINAUMAGAHAN nang magising si Dahlia, lumabas ito mula sa maliit niyang silid at bumungad sa kaniya ang inang si Felina na kumakain. Sinulyapan lang siya nito ngunit hindi pinansin. Nagsimulang maglinis ng sarili si Dahlia bago siya naghain sa sarili ng maaalmusal. "Ito lang ang pinadala ng ama mo? Walang datong?" tanong bigla ng kaniyang ina. Hindi na sumagot pa si Dahlia at umiling na lang bilang tugon. Dahil dito, napahampas na lang sa mesa si Felina dahil sa inis. "Bakit walang pera? Akala ba niya, sapat na 'tong binigay niyang grocery sa 'tin? Kahit kailan 'yang tatay mo, manggagamit na nga, maramot pa. P*****a." At tumayo si Felina sa inis bago ito umalis. Nakatingin lang si Dahlia sa papalayo niyang ina hanggang sa makalabas ito ng bahay. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang ina sa sinabi nito. Tinapos ni Dahlia ang kaniyang pagkain at naglinis ng paligid, lumabas siya ng bahay upang bumili ng sabon panlaba para sa lalabhan niyang mga damit niya. Habang naglalakad, napadaan na lang siya sa isang grupo ng mga kabataan at narinig ang kanilang pag-uusap. "Grabe! Ang gagaling ng mga sumasali." "Paano ba ang gagawin do'n? Gusto kong sumali." "Dapat malakas ka. Bakbakan 'yon. Kapag nanalo, may malaking pera." "Ay! Maganda 'yan!" "Sanay pa naman ako sa bakbakan." Itinuloy na lang ni Dahlia ang paglalakad at isinawalang bahala ang narinig. Alam niyang may palaro sa kanilang lugar ngunit tago 'yon. Hindi niya ninais na mapuntahan ang mga delikadong lugar sa kanila at baka mapaano pa siya. Nang matapos makabili, nahinto na lang siya nang makita niya ang kaniyang ina na may nilalandi sa kanto. Batid nito na gagawa na naman ng kababalaghan ang kaniyang ina sa kanilang bahay at huhuthot ng pera. Hindi na bago kay Dahlia ang gano'ng gawain ng ina. Ni hindi niya sinubukang awatin ito dahil alam niyang pagbubuhatan lang siya nito ng kamay.Labis ang kaligayahan ng buong pamilya Perez nang maisilang na ang bunsong anak nina Berina at Semir. Pinangalanan nila itong Aliah—sinunod sa pangalan ni Dahlia."Napakagandang bata! Manang mana sa 'yo, Berina!" papuring bulong ni Dahlia habang tinitignan ang kaniyang pamangkin na natutulog sa crib."Iyon nga ang sinabi ng dalawa kong anak e. Ayaw maniwala ni Semir. Ang akala niya, niloloko namin siya. Halata namang sa 'kin magmamana ng kagandahan ang mga babae kong anak, 'di ba??" bulong din niya sa 'kin.Nakatitig si Dahlia sa mukha ng bata. Magkahalong tuwa at sabik ang nararamdaman niya dahil tahimik siyang naghahangad na magkaroon ng sarili niyang anak. Hindi niya alam kung magkakaroon pa ba siya nito ngayo't malapit na siyang magkuwarenta."Sandali lang at may kailangan akong tawagan. Baka mamaya, may kailangan sa 'kin sa shop," paalam ni Dahlia bago siya lumabas ng silid. Kinuha niya ang kaniyang phone mula sa bulsa at tinawagan ang manager ng bakery shop na kaniyang tinayo.S
Thank you so much, guys, for reading Teacher Dahlia. Soon, I'll publish "Teacher Dahlia 2: Pagsasanay sa Pag-ibig at Giyera" You can also read my other stories: > Playing With My Boss > He's Her Nightmare > Loving The Tarvande And more that are soon to be published here on GOODNOVEL! I hope, I see you soon, guys! Love you all!
Huminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay. “Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.” “Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa. Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio. Sumunod din kalaunan si Dahlia a
Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit."Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya."D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano."H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang pa
Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial."Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala."Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir."Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa."Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nil
"Bernard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid."Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya."Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito."Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng--" hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magta
"Pumunta ako sa bahay mo kanina pero ang sabi ng kapitbahay mo, pumasok ka na raw. Sinabi niya na dito ka raw nagtatrabaho bilang guro," tugon naman ni Sonia saka huminga nang malalim. "Dahlia, kailangang-kailangan kitang makausap," sabi pa nito. Napangisi naman si Dahlia sa kaniya."Mak
Matapos ang pagsasalo-salong almusal, nagpaalam na si Armano sa kaniyang asawa. Ngunit bago pa ito tumuloy paalis, sinabihan nito ang binatang si Semir. "Mamaya at bukas ng gabi, may transaksyon tayo, Semir. Maghanda ka," sabi nito saka tinapik ang balikat ng binata. Nagsimula pa lang humakbang n
Samantala, may dala-dalang bouquet ng pulang rosas si Bernard at maayos din ang pananamit nito. Kasama niya ang pamangkin na si MetMet habang papunta ito sa bahay ni Dahlia. Balak din nilang isabay ito sa kaniya papasok sa eskwelahan."Tito, ayusin mo. Paano mo mapapasagot si teacher Dah
Pagsapit na pagsapit ng umaga, sa paggising ni Sonia, kaagad na niyang pinuntahan ang kaniyang ina. Taka naman siya nitong tinignan ngunit mabilis niyang ipinunta ang inang si Abella sa isang silid upang silang dalawa lang ang magkausap. "Sonia, what's wrong?" takang tanong ni Abella sa anak.







