Share

Kabanata 7

Penulis: Nanami
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-06 10:15:45

Nang mawala na ang mga putukan ng baril mula sa labas, unti-unti nang tinanggal ni Dahlia ang mga kamay niya sa pagkakatakip mula sa kaniyang tainga. Gusto niyang tignan kung ano ang nangyari. Gusto niyang makita ang kaniyang ama kung napaano ito.

Unti-unti niyang binuksan ang cabinet na tinataguan niya upang sumilip. Natatakot siya baka muling magkaputukan ulit. Ngunit sa mumunting espasyo pa lang na kaniyang nabubuksan, nakita na lang niyang bigla sina Abella at mga kapatid niyang sina Sonia at Semir kasama ang lalaking nakaitim na suot. Tila ba kasama ito ng mga umatake sa kanila.

Nakita niyang tinutulungan ang mag-iina ng lalaking 'yon. Nang titigan ni Dahlia ang lalaki, tinandaan niya ang mukha nito. Alam niyang isa ito sa mga lalaking sumugod sa mansyon. Lumabas ang mga ito sa pintuan mula sa kusina na tila ba'y tumatakas. Isang malaking palaisipan kay Dahlia kung sino ang lalaking 'yon. Bakit niya tinutulungan ang mag-iina at bakit sila biglang sumugod sa mansyon ng kaniyang ama.

Ilang sandali pa nang mawala sa paningin niya ang mga ito, dahan-dahan siyang lumabas at pagapang na hinahanap ang kaniyang ama na si Gregorio. Maya-maya pa ay nanlaki na lang ang mga mata ni Dahlia nang makitang nakahiga sa sahig habang dinadaing ng kaniyang ama ang tama nito sa kaniyang katawan. Nagkakalat na ang dugo mula sa pagkakatama ng bala sa katawan nito.

"Itay!" sigaw niya at mabilis na lumapit dito. Naiyak na lang si Dahlia dahil sa kalagayan ng kaniyang ama. Samantala, pilit namang ngumingiti ni Gregorio upang mahimasmasan ang anak.

"D-Dahlia, mas mainam k-kung u-umalis ka na rito," sabi ni Gregorio sa anak. "P-Pero bago mo g-gawin 'yon, kunin mo ang maliit na box na nakatago sa likod ng frame. A-Alam mo ang passcode n-no'n, h-hindi ba?"

Tumango si Dahlia bilang tugon. "Pero, 'tay, isasama ko po kayo. Dadalhin ko po kayo sa h-hospital," sabi pa ni Dahlia sa kaniyang ama. Umiling si Gregorio dahil alam niyang hindi na siya aabutan pa.

"H-Hindi na, Dahlia. Gawin mo na lang ang sinabi ko. K-Kunin mo ang box. P-Pagtapos, tumakas ka na. H'wag nang matigas ang ulo," sabi pa ni Gregorio. Ilang sandali pa nang bigla nilang nakita ang malakas na pagliyab ng apoy mula sa labas ng bintana. Tila napapalibutan na ng apoy ang mansyon. "Bilis, Dahlia!" sabi pa ni Gregorio. Wala ng nagawa pa si Dahlia kundi ang tumakbo paakyat upang kunin ang box. Nang makita niya ang picture frame, kaagad niya 'yong tinanggal at binuksan ang passcode. Bumungad sa kaniya ang maliit na box na kulay pula kaya't kaagad niya itong kinuha at muling bumaba.

Nang makita niyang muli ang amang si Gregorio, halos maiyak na lang siya dahil nakahandusay at wala na itong buhay. Tuluyan ng namaalam ang kaniyang ama. At dahil na rin sa takot dahil sa lumalaking sunog, mabilis siyang umalis at dumaan mula sa kusina. Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makalayo na siya sa mansyon. Bagaman umiiyak si Dahlia dahil sa sinapit ng kaniyang ama, mas minabuti niya na lang na tumakas dala ang ipinagkatiwalang kahon sa kaniya.

MATAPOS ang dalawang araw, inilibing na ang bangkay ni Gregorio Perez. Saksi si Dahlia habang umiiyak ito na may pighati. Hindi siya nagpakita pa sa mga taong naroroon lalo na't nandoon din ang mag-iinang Abella at kaniyang mga kapatid na sina Sonia at Semir. Ayaw niyang magpakita sa mga ito dahil alam niyang itataboy lang din siya ng mga ito.

Napakuyom na lang ng kamao si Dahlia lalo't naaalala na naman niya ang mapait na gabing sinapit ng kaniyang ama. Tanda niya ang lalaking nakita niya na tumulong sa mag-iina. Dahil dito, unti-unting tumalim ang tingin ni Dahlia sa mag-iina kahit hindi siya kita ng mga ito. Hindi maganda ang nararamdaman niya sa kanila simula nang mangyari ang gabing 'yon.

Ilang sandali pa nang magsipag-alis ang mga nakilibing kay Gregorio, maging pati ang mag-iina, saka lang lumapit si Dahlia upang masilayan ang nakalibing niyang ama. Hindi na nakayanan pa ng bata ang tindi ng paghihinagpis dahil nawala ang mahal niya sa buhay. Ang taong tanging nakakaintindi sa kaniya. Ang taong tanging nagmamahal sa kaniya.

"I-Itay..." tanging sambit ni Dahlia habang yakap-yakap ang lupang nakatabon. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, ngunit hindi balakid 'yon kay Dahlia. Tila ba nakisabay sa kaniya ang panahon sa kaniyang pagdadalamhati.

Maya-maya pa nang tumayo si Dahlia. Sumeryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa mga nakatabon na lupa. "Magbabayad sila, itay. Magbabalot din ng matinding bangungot ang araw nila," sabi pa nito. Napakuyom na lang muli ng kamao si Dahlia dahil sa tindi ng galit.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • TEACHER DAHLIA   Epilogue

    Huminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay.“Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.”“Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa.Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio.Sumunod din kalaunan si Dahlia at pumun

  • TEACHER DAHLIA   Kabanata 62

    Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit."Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya."D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano."H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang pa

  • TEACHER DAHLIA   Kabanata 61

    Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial."Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala."Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir."Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa."Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nil

  • TEACHER DAHLIA   Kabanata 60

    "Bernard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid."Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya."Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito."Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng--" hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magta

  • TEACHER DAHLIA   Kabanata 59

    "Sabihin mo sa 'kin kung nasa saan si Armano Imperial. Sabihin mo!" tanong nito sa isang duguang tauhan ni Armano habang kinukuwelyuhan ang damit nito at nakatutok din ang kaniyang baril sa noo nito. "Nasaan?!""H-Hindi ko sasabihin. W-Wala kang malalaman s-sa 'kin," pagmamatigas naman ng lalaking 'yon. Napadaing na lang din ito nang likuran siya ni Dahlia. Nakita na lang ni Dahlia ang cellphone nito kaya't kinuha niya 'yon at hinanap kung may numero si Armano rito. At sa ilan pang mga sandali nang tinatawagan na niya ito.[Bakit ka tumatawag? T*r*nt*do ka. Nagpapahinga na ako.]"Ang lakas naman ng loob mong magpahinga, Armano. Buti at pinapatulog ka pa ng konsensya mo. Pero kung gusto mong magpahinga, sige, itutuloy-ituloy na natin 'yan."Nanlaki na lang ang mga mata ni Armano nang makarinig ng isang babaeng boses mula sa kabilang linya. [Lintek ka, Dahlia. Buhay ka pa rin pala,] mariing sabi nito sa guro."Hindi pa ako mamamatay, Armano. Dahil hindi ko pa oras. Pero tingin ko sa 'yo

  • TEACHER DAHLIA   Kabanata 58

    "Hindi po pupwede, ma'am. Ma'am," pagpipilit naman ng nurse na pigilan si Dahlia. Muli, may pumasok na isa pang nurse at tinulungan ang kasamahan nito sa pagpapatahan kay Dahlia. Unti-unti na lang itong tumahan nang turukan ito nang pampakalma."S-Sonia," tanging sambit ni Dahlia at napaluha na lang ng kusa ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayo't nag-aagaw buhay si Sonia, wala rin si Bernard sa kanila. Napakuyom na lang ang mga kamao ni Dahlia at nanginig pa ito sa tindi ng kaniyang galit. Hangga't hindi niya napapatay si Armano Imperial, hindi matatapos ang sunod-sunod na balakid sa kanilang buhay."Babawi ako. Babawi ako," mariin pang sabi ni Dahlia sa sarili. Wala siyang pakialam kung narinig man siya ng nurse o hindi. Ang mas namumuo sa sarili niya ay ang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay.KAAGAD pumunta ang mga tauhan ni Armano sa hospital kung saan dinala sina Sonia at Dahlia. Pumasok sila sa loob at kaagad tinanong sa front desk kung nasa saan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status