共有

Kabanata 6

last update 公開日: 2025-09-06 10:13:35

"MOMMY," tawag ni Sonia kay Abella kaya't nawala na lang ito sa iniisip niya. Tinuunan niya ang anak nang tawagin siya nito. "I wanna go to my play room. Please, take me there," sabi pa ni Sonia.

"Yes, baby. Excuse us," tugon naman ni Abella sa kanila at saka hinatid si Sonia sa play room nito. Dahil ayaw naman ni Semir na maiwan sa kaniyang ama at sa kapatid sa labas, umalis siya sa dining area at sinundan ang kaniyang kapatid sa play room. Samantala, marahan namang nalungkot ang mukha ni Dahlia. Nang mapansin 'yon ng kaniyang ama, kaagad siya nitong kinuwentuhan at muling nagkuwentuhan.

Nang maihatid naman ni Abella ang kaniyang anak na si Sonia, kasunod si Semir sa play room nila, kaagad siyang nagtungo sa kinaroroonan ng kanilang telepono. Tumingin-tingin pa siya sa paligid baka biglang umakyat ang kaniyang asawang si Gregorio. Nang makasiguro, kaagad dinial ang numero ni Armano. "Naiwan siya sa baba. Bilisan ninyo," sabi niya rito bago niya muling ibinaba ang tawag. Huminga siya nang malalim dahil alam niyang ito ang tanging paraan upang makuha ang lahat ng sa kaniya.

Paparating na sina Armano at mga tauhan nito upang patayin si Gregorio, at upang makuha na rin nila ang dapat nilang makuha sa kaniya bago pa magamit bilang panlaban. Samantala, habang abala sa pagkukwentuhan sina Gregorio at Dahlia, nagtaka na lang ang bata kung bakit hindi bumalik ang tita Abella niya. "Itay, baka naman po inaantok na si tita Abella? Mas mainam po siguro kung umuwi na ako?" tanong ni Dahlia sa kaniyang ama.

"Maya-maya na, anak. Babalik si tita Abella mo. Medyo mabagal lang siyang maglakad. Hintayin muna natin siya tapos uuwi na tayo," tugon naman ni Gregorio. Ngumiti na lang si Dahlia bilang tugon.

Ilang sandali pa, nagsiparada na ang tatlong van na pinagsakyan ni Armano at mga tauhan nito. Dala ang kanilang mga armas, dahan-dahan at mabilis silang bumaba saka pumalibot sa buong paligid ng mansyon ni Gregorio. Ilang sandali pa, pumasok silang bigla sa pinto kaya't napatingin na lang sina Gregorio at Dahlia sa ingay.

"Itay, ano po 'yon?" takang tanong ni Dahlia sa kaniyang ama.

"Baka may bumagsak. Teka, ako na lang ang titingin," sabi naman ni Gregorio bago ito tumayo at naglakad papuntang salas. Ilang sandali pa, nakita na lang niya ang paglitaw ng isang lalaking nakaitim na suot at tinutukan siya ng baril. Bago pa man ito mabaril ay kaagad nang umiwas si Gregorio. "Anak! Magtago ka!" sigaw niyang bigla kay Dahlia na nagulat naman dahil sa putok ng baril na 'yon. Mabilis namang pumunta si Dahlia sa may kusina at binuksan ang isang cabinet kung saan siya kasya at saka nagtago.

Samantala, kaagad namang kinuha ni Gregorio ang kaniyang baril na kaniyang itinago sa kung saan. Nanlaban siya sa balak patayin siya. Ngunit nang tignan niya ang iba't ibang parte ng bahay, nakita niyang may mga kasama pa ito. Mabilis na lang siyang umiiwas at saka nanlalaban.

Nang matunugan naman nina Abella at mga bata ang putukan, kaagad silang nagkulong sa play room. "Mommy! What's that?! Something happening!" sabi ni Sonia na takot na takot sa mga putok ng baril.

"Nothing, baby. Just cover your ears. Don't worry, mommy's here," tugon naman ni Abella sa anak. Tila ba nagtaka si Sonia dahil walang bahid ng pag-aalala sa kaniyang ina para sa kaniyang ama na nasa dining area.

Bigla na lang bumukas ang pinto ng kanilang play room at tumambad sa kanila ang isang lalaki na may itim na balot sa mukha. Natakot ang magkapatid na Sonia at Semir ngunit mabilis silang pinatahan ng ina. "Don't worry, hindi siya masamang tao. He's here to save us."

Tumahimik ang dalawa at saka nilapitan ni Abella ang lalaki. Nang tanggalin nito ang suot niya sa mukha, nabigla na lang ang dalawang bata nang makita si Armano. "Tito Armano?" takang tanong nina Sonia at Semir.

"Halina kayo. Abella, kailangan kong makuha ang tape na na kay Greg. Saan nakalagay 'yon?" tanong kaagad ni Armano.

"Ano ka ba? Hayaan mo na ang bagay na 'yon. Sunugin mo 'tong buong mansyon. Isama mo na si Greg at ng anak niya na nasa baba. Umalis na tayo rito kasama ng mga bata," sabi naman ni Abella.

"Naroroon ang video ng daddy ko. Paano kung--"

"Trust me, Armano. Just demolish thia house and nothing will happen. Hindi na niya makukuha ang tape and at the same time, mamamatay na rin siya," tugon naman ni Abella. Napatingin na lang si Sonia sa kapatid niyang si Semir dahil sa sinasabi ng kaniyang ina at ng kaniyang tito Armano. Na papatayin nila ang kanilang ama.

"Tara na. Baka may makakita pa sa 'tin," tugon naman ni Armano bago sila umalis kasama ng dalawang bata. Tuloy pa rin ang putukan sa baba ngunit sinigurado nila na hindi sila makikita ni Gregorio na patuloy sa pakikipaglaban. Naisipan nilang dumaan sa may kusina palabas, papunta sa sasakyan upang tuluyan na silang makatakas at masira ang buong mansyon.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Kabanata 2.1 - Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay sa Pag-ibig at Giyera

    Labis ang kaligayahan ng buong pamilya Perez nang maisilang na ang bunsong anak nina Berina at Semir. Pinangalanan nila itong Aliah—sinunod sa pangalan ni Dahlia."Napakagandang bata! Manang mana sa 'yo, Berina!" papuring bulong ni Dahlia habang tinitignan ang kaniyang pamangkin na natutulog sa crib."Iyon nga ang sinabi ng dalawa kong anak e. Ayaw maniwala ni Semir. Ang akala niya, niloloko namin siya. Halata namang sa 'kin magmamana ng kagandahan ang mga babae kong anak, 'di ba??" bulong din niya sa 'kin.Nakatitig si Dahlia sa mukha ng bata. Magkahalong tuwa at sabik ang nararamdaman niya dahil tahimik siyang naghahangad na magkaroon ng sarili niyang anak. Hindi niya alam kung magkakaroon pa ba siya nito ngayo't malapit na siyang magkuwarenta."Sandali lang at may kailangan akong tawagan. Baka mamaya, may kailangan sa 'kin sa shop," paalam ni Dahlia bago siya lumabas ng silid. Kinuha niya ang kaniyang phone mula sa bulsa at tinawagan ang manager ng bakery shop na kaniyang tinayo.S

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Author's note

    Thank you so much, guys, for reading Teacher Dahlia. Soon, I'll publish "Teacher Dahlia 2: Pagsasanay sa Pag-ibig at Giyera" You can also read my other stories: > Playing With My Boss > He's Her Nightmare > Loving The Tarvande And more that are soon to be published here on GOODNOVEL! I hope, I see you soon, guys! Love you all!

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Epilogue

    Huminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay. “Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.” “Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa. Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio. Sumunod din kalaunan si Dahlia a

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Kabanata 62

    Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit."Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya."D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano."H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang pa

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Kabanata 61

    Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial."Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala."Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir."Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa."Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nil

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Kabanata 60

    "Bernard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid."Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya."Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito."Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng--" hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magta

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Kabanata 41

    Dahil naging emosyonal si Sonia, hindi alam ni Bernard ang gagawin para mapatahan ito. Dumukot na lang siya ng panyo na nasa bulsa niya at inabot niya sa dalaga. "Ma'am, tahan na po. Alam ko pong masakit ang napagdaanan ninyo dahil isang Armano ang kasama ninyo sa iisang mansyon. Kung sa ibang ta

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Kabanata 40

    Nagwawala sa galit si Armano nang sabihin ng kaniyang mga tauhan ang ginawa sa kanila ni Dahlia. "Boss, mabilis at maliksing kumilos yung teacher na 'yon. Hindi po namin kinaya. Mukhang bihasang-bihasa na sa pakikipagbakbakan e," sabi ng isang tauhan ni Armano. Nang tignan naman sila ng kanilang

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Kabanata 39

    "Pumunta ako sa bahay mo kanina pero ang sabi ng kapitbahay mo, pumasok ka na raw. Sinabi niya na dito ka raw nagtatrabaho bilang guro," tugon naman ni Sonia saka huminga nang malalim. "Dahlia, kailangang-kailangan kitang makausap," sabi pa nito. Napangisi naman si Dahlia sa kaniya."Mak

  • Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera   Kabanata 38

    Matapos ang pagsasalo-salong almusal, nagpaalam na si Armano sa kaniyang asawa. Ngunit bago pa ito tumuloy paalis, sinabihan nito ang binatang si Semir. "Mamaya at bukas ng gabi, may transaksyon tayo, Semir. Maghanda ka," sabi nito saka tinapik ang balikat ng binata. Nagsimula pa lang humakbang n

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status