LOGINUNANG TAGPO
MIRAN’S POV Matapos kong lutuin ang pang-almusal ay nilabhan ko na ang mga damit. Iniiwasan kong ma-late dahil baka mawala sa akin ang scholarship. “Lorraine, Rina! Tara na, bumaba na kayo d’yan!” dinig na dinig ko ang boses ni Auntie Myrna sa labas habang narito ako sa banyo. Tapos na akong maglaba kaya maliligo na ako. “Hoy Miran, i-lock mo ang p***o, ha? Aalis na kami,” bilin ni Auntie at sunod-sunod na yapak ang aking narinig palabas ng bahay. Malakas na bumusina ang taxi, hudyat na nakaalis na sila. Hindi rin naman ako nagtagal sa banyo dahil ilang minuto na lang ay masasaraduhan na ako ng gate sa school. “Ayan ayos na!” Napangiti ako sa harap ng salamin nang matapos kong suklayin ang aking kayumangging buhok. “Sa school po, manong.” Agad akong sumakay sa taxi nang pumarada na ito sa harapan ko. May kamahalan nga lang ang pamasahe kaya minsan ay sa tricycle lang ako sumasakay. Pero dahil malayo-layo at late na ako ay kailangan ko nang mag-taxi. “Salamat po!” Tarantang lakad-takbo ang aking ginawa upang makaabot sa gate. “Sir! Sandali!” Napabuntonghininga ako nang makapasok. Muntik na akong masaraduhan dahil 7:15 am na. Nasa guidelines iyon kaya ayokong nahuhuli. “Oh Miss, ikaw na lang ang hinihintay ko. Mabuti at nakahabol ka.” Nginitian ko ang guard. Nasanay na rin siyang nakikita akong late. Minsan ay hindi ko maiwasang mahuli lalo na kapag may nangyayari sa bahay. “Na-traffic lang po. Mauna na po ako.” Kumaway ako at nagmadaling umakyat sa building namin. First year college na ako at masaya akong nakakuha ako ng scholarship mula mismo sa school. “Miran, anong nangyari sa ‘yo?” Pagka-upo ko pa lang ay agad na akong nilapitan ni Janet. Siya ang isa sa matalik kong kaibigan, pareho rin kami ng klase. Nasa likuran ang p’westo namin at magkatapat pa, kaya nasanay na ako sa presensya niya. “May nangyari na naman ba sa ‘yo?” usisa niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nilingon ko siya matapos kong ayusin ang dala kong libro. “Oo, Janet. Si Auntie kasi may pinagawa pa sa akin kaya muntik na rin akong mahuli.” Sumalubong sa akin ang maamo niyang mukha. “Mir, alam mo nahihirapan ako para sa ‘yo. Lagi ka na lang inaaway ng mga kapatid mo at ng nanay-nanayan mo.” Ngumuso siya at kita ko ang pag-aalala sa kaniya. Napapangiti ako dahil may kaibigan akong tulad niya. “Huy! Miran? Natutuwa ka pa d’yan?” Tatawa-tawa niyang tanong at hinampas ako nang mahina. “Nasanay na ako, Net. Pero salamat dahil lagi kang concern sa ‘kin.” Natahimik siya at matamang tinitigan ako. “Concern talaga ako, parang kapatid na nga kita.” Nang dahil sa saya ay pinisil ko ang kaniyang pisngi. May magaganda siyang mata na talagang agaw-pansin sa unang tingin. Ang hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng mga estudyanteng pwedeng kaibiganin ay ako pa. May kaya ang pamilya niya at isa pa, napakaganda niya. Sa huli ay nagpasalamat na lang ako dahil naging magkaibigan kami. “Good morning class!” Sabay kaming napalingon sa pintuan. Si Ma’am Gutierez, tulad ng mga nakaraang araw ay may dala itong makakapal na libro. Bumati kami at sabay-sabay na tumahimik nang mag-umpisa na siyang magsulat sa blackboard. “Mir, sabay tayo mamayang lunch, huh?” Nilingon ko si Janet na tumataas-baba ang kilay. Napailing na lang ako. “Hey! Sinong nagsasalita d’yan sa likuran?” Kita ko sa gilid ng aking mata ang mabilis na pagdampot ni Janet ng notebook, at nagsulat ng hindi ko alam kung ano. “You know, ayoko ng maingay sa klase ko. Lumabas na kayo kung ayaw niyong makinig.” Nang tumalikod si Ma’am ay siya ring paghagikhik ni Janet nang humarap sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata at itinuon na ang tingin sa blackboard. ~~~ “Mir, ikaw na muna ang magdeliver nito? Kung okay lang sa ‘yo.” Tumingin ako sa hawak na mga box ni Rasha. “Bakit? May problema ba?” naitanong ko. Kadalasan naman ay hindi niya ipinapasa sa akin ang delivery kaya nakakapanibago. “Hindi ko kasi masisiguro, malayo rin ‘yong location ng idedeliver ko. Saka sa Ravigne-Dela Vera University kasi ito, alam mo na? Puro mayayaman ang nando’n kaya for sure ayaw nilang natatagalan ang delivery.” Paliwanag niya at mahinang tinapik ako sa balikat. “”Ravigne-Dela Vera University?” naibulong ko dahil parang ngayon ko lang narinig ‘yon. Hindi ko na maalala. “Ano ka ba? Sikat na school ‘yon! Ay oo nga pala, ako at si Vince ang madalas naka-assign na magdeliver do’n.” Napatawa siya nang mahina at pumalakpak pa sa ere. Napailing na lamang ako. “By the way, okay lang ba sa ‘yo?” muli niyang tanong at tinitigan ako. “O-Oo sige. Ayos lang, malapit naman ang ibang idedeliver ko kaya... madedeliver ko rin agad.” “Good, thanks Mir. Mag-iingat ka, huh? Lalo na sa mga student do’n,” paalala niya. “As much as possible, ‘wag mo silang papansinin kapag nilapitan ka nila nang wala namang dahilan, okay?” Tumango ako at sinundan siya ng tingin nang maglakad siya papunta sa iba pang mga box. Inilapag niya ang apat na box sa harapan ko, “Four boxes ito, and I think mahal ang mga in-order no’n. Look oh, from another country pa.” Napatitig ako sa mga information ng parcel at totoo nga, mga imported ang in-order. Nang makapagpaalam si Rasha ay inayos ko na ang mga box sa aking motor. “Oh, Mir. Sa’n ka ngayon magdedeliver?” bungad ni Sir Aries nang makalabas ako sa locker room. “Ah sa Ravigne... University po, Sir.” Hindi ko maalala ang karugtong ng name ng school. Sandali niyang ibinaba ang hawak niyang kape at napansin ko ang pangungunot ng kaniyang kilay. “Ha?! Sa Ravigne-Dela Vera University ba kamo?” Nagulat ako dahil sa naging reaksyon niya, parang nahintakutan? “O-Opo, tama ‘yon nga po.” Pilit akong tumawa dahil ramdam ko ang tensyon na namumuo sa loob nitong room. “Miran, naku! Mag-iingat ka, okay?” Naguluhan ako dahil pareho sila ni Rasha na pinapaalalahanan ako tungkol sa University na ‘yon. ‘Ano kayang meron?’ “O-Opo, sir. Safety first.” Mahinang tumawa ako upang maalis ang tensyon. “Good luck. Bumiyahe ka na, ayaw ng mga student do’n ang nala-late ang order nila. They expect what says in the site. Kung sinabing December 02 darating, they will assume na December 02 ay nasa kamay na nila ang order.” Napatango-tango ako sa mga binilin niya. Hindi rin naman siya nagtagal makipag-usap at bumalik na sa trabaho. May kalayuan din ang university na ito kaya halos butil ng pawis ang nararamdaman kong tumutulo sa aking noo. Huminto ako sa harapan ng kulay silver na gate. ‘Ravigne-Dela Vera University.’ Mababasa sa unang tingin pa lamang, ginintuan ang mga letrang nakalagay rito. “Ano po ‘yon, ma’am?” Napalingon-lingon ako sa paligid ngunit walang tao at sarado rin ang gate, tanging boses lamang ang aking narinig. Napadako ang aking tingin sa gilid ng gate, naroon ang isang maliit na speaker. Sandali akong bumaba ng motor at lumapit doon. “Delivery po,” bulong ko sa speaker. Naghintay ako ng response ngunit kalaunan ay wala nang nagsalita pa. Bagkus ay bumukas nang dahan-dahan ang malaking gate ng school. “You can now enter, ma’am.” Muli ay napalingon ako sa maliit na speaker. “Thank you,” naisambit ko at dali-daling lumapit na sa motor. Matapos kong sumakay ay pinaandar ko na ang makina. Alas tres ng hapon kaya hindi pa lumalabas ang mga student. Half-day ang pasok ko kanina kaya napagdesisyunan kong pumasok na lang nang maaga sa trabaho. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng buong lugar. Tama si Rasha, imposibleng hindi ito sisikat lalo na at nagsusumigaw ng yaman ang paligid nito. Kinuha ko ang tatlong maliliit na box at tinungo ang number ng room na siyang nakalagay sa order. ~~~ Maayos kong naideliver ang tatlong box, isang box na lamang ay puwede na akong bumalik. Habang naglalakad ay narinig ko ang isang bell na kakaiba. Hindi ordinaryong bell ang tunog nito, para bang pang… pangmayaman? Matapos ‘yon ay unti-unting umingay ang kaninang kalmadong kapaligiran dahil sa mga estudyanteng papalabas ng room. Dismissed na siguro. Sa patuloy kong paglalakad ay naramdaman ko na ang mga titig ng bawat student. Saglit akong huminto at nilingon ang tatlong babae na nagkukumpulan sa isang garden. Halatang pinag-uusapan ako dahil sa pabalik-balik na tingin na ipinupukol nila sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at kumaway. Kita ko ang pagkairita nila sa ipinakita ko. Matapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Walang pakialam sa mga titig ng mga nadadaanan dahil hindi ko naman ikayayaman ang tingin nila. Ibang klase ang mga uniporme rito, halatang pinagkagastusan ng sobra, isang plansyadong polo na takot malukot. Yakap-yakap ko ang box nang may biglaang tumabig sa akin. Ramdam ko ang mapekat at malamig na likidong tumapon sa tapat ng aking dibdib. Amoy kape. Muli kong tinignan ang box at masuwerteng isinupot ko ito kanina. Dahan-dahan kong ini-angat ang aking paningin sa harapan at bumungad sa akin ang isang babae, maputing babae. “How dare you?! My frappe!” pinagpagan niya ang kaniyang uniporme kung saan tumapon din ang kapeng malamig. “Look, hindi ka ba tumitingin sa daan?!” hindi ko siya sinagot. “Ow? Hindi ka marunong magsalita? Ano ba kasing ginagawa ng isang outsider dito?” Napalingon ako sa paligid at napansin kong maraming estudyante na ang nakapalibot sa amin. “As much as possible, ‘wag mo silang papansinin kapag nilapitan ka nila nang wala namang dahilan, okay?” Muli kong naalala ang bilin ni Rasha. Ganito siguro ang sinasabi niyang mga mayayaman na masama rin ang ugali. “Hey? Are you listening?” muling singhal niya sa harapan ko. “Sorry, miss. Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo.” Nilagpasan ko na siya upang maideliver na ang huling box para sa location na ‘to. “What!? Me? Y-You!” Napatigil ako nang itulak niya ako mula sa likod. Muntik ko nang mabitawan ang box! “Ano ba, miss?! Humingi na ako ng tawad, puwede ka naman magpalit.” “Duh! Magpalit? No way, it’s my uniform for this day and P.E. uniform na lang ang nasa locker ko. So ano mag-P.E. ako rito?!” “Anong gusto mo? Miss, ikaw ang may bitbit niyang malamig mong kape, ikaw ang may kasalanan sa una pa lang.” Hindi ko magawang pigilan ang mga lumabas sa aking bibig dahil totoo naman. Nang matignan ko siya ay napairap na lamang ako’t tumalikod na. “You! Are you accusing me?!” Biglaan niyang hinablot ang aking buhok kaya napamura ako nang wala sa oras. “Yuck! Eww! Do you ever use shampoo? I bet no.” “Ano ba! Sumosobra ka na, miss! Trabaho ang ipinunta ko rito, hindi ang makipagbiruan sa ‘yo!” Pinanlakihan ko siya ng mata nang magkaharap kami. Kita ko ang pagngisi ng mapula niyang labi at siya rin namang ikinainis ko. “Oh? So ikaw pala ang nagdedeliver ng mga pangit na brand?” Lumingon siya sa paligid, “Guys! Eyes and ears here, this ugly woman delivers ugly products, don’t ever buy her products again and paalisin niyo na siya rito.” Tinitigan ko siya, napahigpit ako ng hawak sa box. ‘Nagdedeliver lang ako, hindi ako ang nagbebenta ng products!’ “Pity, you’re not welcome here. Don’t ever come back, okay?” Halos magkiskisan na ang aking mga ngipin sa gigil na kinikimkim ko. “As much as possible, ‘wag mo silang papansinin kapag nilapitan ka nila nang wala namang dahilan, okay?” Napapikit ako nang muling maalala si Rasha. Tama, hindi ko na lamang papansinin. “So, it’s true nga na ikaw talaga ang nagdedeliver ng pangit na products. I wonder kung bakit kinuha ka pa ng pinagta-trabahuhan mo?” Pinagkrus niya ang kaniyang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib. “Girls!” Pumalakpak siya nang dalawang beses habang nakatingin pa rin sa akin. “Here, frenny.” Lumapit ang dalawang babae pa at inabutan siya ng juice at isang pinggang spaghetti. “Thanks, Pia.” Hindi ako umatras nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin. “Anong gagawin—” hindi ko naituloy nang maramdaman ko ang lamig na dulot ng juice. Natahimik ako, hindi ko gusto ang nangyayari. “I’m sure gutom ka na. A limited edition spaghetti for you.” Napapikit ako nang maramdaman ang mabagal na pagdulas ng malagkit na spaghetti. “Good for you.” Humalakhak siya sa aking harapan at ganoon na rin ang ibang mga estudyanteng walang tigil ang bulungan. “Okay! Guys, it’s done, go back to your room.” Humarap siya sa mga estudyante na mabilis namang sumunod. Hindi ako makakibo dahil ayoko ng gulo. “Hey, sorry not sorry. I don’t want to see you again, ever!” Mabilis siyang tumalikod at nakita ko pang umirap sa ‘kin ang dalawang nakabuntot sa kaniya bago sila naglakad. ‘Isa... dalawa.’ Hindi ko napigilang lamukusin ang mga spaghetti na nasa balikat ko. “Gutom ka na rin, for sure! Sharing is caring!” Agad akong bumuwelo at inihagis ang mga spaghetti sa likuran ng may mapulang labi. Napangisi ako nang tumalsik ang iba pang spaghetti sa dalawa niya pang kasama. Nagsigawan sila at halos magtatalon. Nakakarinding pakinggan kaya lumakad na ako palayo ro’n. Iwinasiwas ko ang iba pang spaghetti na nasa damit ko. ‘Di bale na, last na delivery naman ito.’ “Yuck! Humanda ka sa ‘kin, hampaslupang babae! Hulihin niyo siya!” Napatigil ako nang pumalibot sa akin ang iba pang mga estudyante. ‘Ano bang pinasok mo, Miran?!’ “Miss, tapos na tayong mag-usap kaya puwede ba? Tigilan mo na ako!” “No, I won’t.” Sigaw niya at nagmadaling lumapit sa akin. Napaatras ako nang agad niya akong itinulak at halos makagat ko ang aking labi nang hablutin niya ang box. “Ano bang—” Sinubukan kong bawiin ngunit muli niya akong itinulak na siyang ikinatumba ko. Napapilitik ako ng dila dahil sa inis. Ang sakit ng pang-upo ko. Nanlaki ang aking mga mata nang ihagis niya ‘yon. Gusto ng babaeng ‘to ng away, pagbibigyan ko siya. “Opps! My bad!” Muli ay narinig ko ang sarkastikong tawa niya. Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa paligid. Tila nasisiyahan pa sila sa nakikita. Napakuyom ako ng kamao dahil sa mga mukhang nakangiti at nag-aabang ng susunod na palabas. Napadako ako ng tingin sa babaeng prenteng naka-krus ang braso sa tapat ng dibdib. “Sumosobra ka na!” Agad ko rin siyang itinulak at malakas na impact ang idinulot no’n. “Argh! Ano bang ginagawa mo!?” singhal niya. “Opps! Fair na?” ginaya ko ang maarteng paraan ng pagsasalita niya at tumawa nang peke. “Girls!” Agad lumapit ang mga alipores niya at tinulungan siyang tumayo. “Ikaw, ugly girl!” napapikit ako ng hablutin niya ang aking buhok. “Aray ko! Ano ba, bitawan mo ‘ko, miss!” Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at hinablot na rin ang blonde niyang buhok. “Ouch! Stop! Let me go, you ugly girl!” sigaw niya at pilit kumakawala sa aking hawak. “Bitawan mo rin ako!” sigaw ko at pinakiramdaman ang kilos niya. Napahigpit ako ng hawak sa kaniya nang mas idiin niya ang kaniyang kuko. “Oh my! Si Zairon!” halos mabingi ako sa mga sigawan ng mga estudyanteng nakapaligid sa amin. Maya’t maya ay napalingon ako sa gilid at kita ko ang pag-iwas ng mga estudyante na animo’y hinawi sila upang magkaroon ng daan. “Zair!” sigaw ng babaeng nasa harapan ko. Muntik kong makagat ang aking labi nang idiin ng babaeng ‘to ang hawak sa akin. Mabilis ang pangyayari at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nagpupumilit kumawala sa lalaking kararating lamang. “Bitawan mo ‘ko! Huwag kang makialam!” singhal ko at nang mapatingin ako sa kaniya ay tila mas nainis pa ako sa walang reaksyon niyang ipinapakita. “Zair, that girl, sinaktan niya ako!” napatingin ako sa babaeng kanina ay sinasabunutan ako. Tila nagsusumbong siya sa lalaking nakahawak sa akin. “Who are you?” tinignan ko siya nang masama. May makakapal at pantay siyang kilay. Hindi nakapagtatakang maghiyawan ang mga kababaihan nang dahil sa kaniya. May hitsura, anak-mayaman. “Ano ba, bitawan mo ‘ko! Nauna siya!” Lumingon ako sa babaeng nasa gilid, “Ikaw, miss ‘wag ka ngang pa-feeling victim! Ikaw ang nauna!” inismiran ko siya dahil nakaka-init ng dugo ang hitsura niya. ‘Ako pa ang may kasalanan? Ha!’ Pilit akong nagpumiglas at habang tumatagal ay lalong humihigpit ang hawak niya sa akin. “Bwiset! May trabaho pa ‘ko, hindi mo ba ako bibitawan, ha!?” Halos umusok ang aking ilong dahil sa lalaking ‘to. “Answer me, who are you? Bakit ka narito at nanggugulo?” Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. “Bitawan mo ‘ko! Ang kulit naman! Hindi ako nanggugulo, ano ba?!” Narinig ko ang pag-ismid ng babae kaya muli ko siyang tinignan. “Zair, my love. This girl, dinumihan niya ang suot ko and guess what... sinaktan pa niya ako!” nandilim ang paningin ko sa mga narinig mula sa kaniya. Malakas na buwelo kong nabawi ang aking kamay sa lalaking nagngangalang Zairon at nilapitan ang box. Ayoko na, hindi ko na kayang pigilan at baka ano pang magawa ko rito. “Where are you going? Natahimik ka ‘ata?” muling nagsalita ang may mapupulang labi. Tinitigan ko siya nang deretso sa mata. “Masaya ka na? Ano pang gusto mong idagdag sa scene?” Nilingon ko ang lalaki, “May tagapagligtas ka na, ano pa bang gusto mong i-acting?” Sunod-sunod kong tanong. Nagsimula na namang magbulungan ang mga estudyanteng nakapaligid. Napamaang siya at bakas sa kaniyang mukha ang hiya. “Zair, help me.” Nagsimulang lumapit ang lalaki sa akin, at sa unang pagkakataon ay ginapangan ako ng lamig sa paraan ng kaniyang titig.BLAMEMIRAN’S POV“Ow, dumating na pala ang peste sa bahay.” Hindi ko pinansin si Lorraine na nanunuod sa sala. Mabilis akong umakyat at isinara ang pinto ng kuwarto. Nasanay na ako sa mga parinig niya sa tuwing umuuwi ako. Ako na ang umiiwas dahil ayoko ng gulo.Matapos makapagbihis ay agad din akong bumaba. Pauwi na rin si Papa kaya makakasabay ko siyang kumain.“Mom!” Napunta ang aking atensyon sa pinto, naroon na si Papa at si Auntie Myrna.“Mano po, Pa… Aun—“ Agad akong lumapit kay Papa ngunit pagdating kay Auntie Myrna ay tinabig niya lamang ako.“Hay! Nakakapagod talaga!” Mistulang naiinitan siya at pinaypayan ang sarili.Matapos akong titigan ay nilagpasan na niya ako. Alam kong napansin ‘yon ni Papa kaya agad niya akong nilapitan.“Anak, halika… may uwi akong ulam. Tulungan mo na lang akong ihain ‘to.” Pilit akong ngumiti kay Papa na halatang pinapagaan ang loob ko.Tao rin ako kaya nasasaktan din ako sa mga kilos ma ipinapakita nila Auntie Myrna.“S-Sige, Pa.” Sumunod na a
PALAISIPANMIRAN’S POV“K-Kasal?!” Naisigaw ko at kandaugagang naibaba ang hawak kong baso.“Yes.” Tumango ito at sumimsip sa kaniyang tea.“Po? Ano po bang sinasabi ninyo?!”“Marry my son, hija. Simple as that.” Nanliit ang mga matang tinitigan ko siya.“Ma’am, hindi ko kayo kilala kaya please lang, kung mang-s-scam kayo, mamili kayo. Huwag ako.” Napapaypay ako dahil sa init na dulot ng kape.“I already told you, hija. Hindi ito scam. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap.” Lalo lamang akong naguluhan sa mga sinasabi niya.“A-Ah ma’am, sorry pero hindi ko talaga kayo maintindihan. Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako magpapakasal, wala pa po ‘yan sa bokabularyo ko.” Bahagya akong pumikit at napailing.Maya’t maya ay nagmulat na ako’t tumingin nang diretso sa kaniya. “Hindi po ako magpapakasal sa hindi ko naman kilala at lalong hindi sa taong hindi ko naman mahal.” Tumayo na ako sa kinauupuan at tinalikuran siya upang makalabas na. Ngunit sandali akong napatigil sa paghakbang nang
OFFERMIRAN’S POVHindi ako kumibo hanggang sa makalapit siya. Humigpit ang aking hawak sa box nang dumako ang kaniyang mga mata mula sa aking paa paakyat sa ulo. Tila ba pinag-aaralan niya.“What did she do to you?” Nilingon niya ang babae na agad namang lumapit sa kaniya. Muntik ako mapaubo nang lumingkis ito sa braso niya. They related to each other, huh?“Zair, that stupid girl hurt me bad!” Ngumuso ito na parang ako ang may kasalanan ng lahat.“Merriz, let’s go. Students, go back to your respective rooms, now!”“What? No, Zair. I want you to punish her, right away!” Nagpupumilit na pakiusap ng babaeng nagngangalang Merriz.“No, she’s not student here and ayokong nakikipag-away ka.” Natutop ni Merriz ang kaniyang bibig at muling tumingin sa akin nang masama. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha at tulad ng kay Lorraine ay alam kong galit na ‘to.“Leave before I do something to you!” Diin niyang tugon sa akin.Napangisi ako at napabuga ng hangin. “Tumiklop ka ‘ata at nagtatago sa
UNANG TAGPOMIRAN’S POVMatapos kong lutuin ang pang-almusal ay nilabhan ko na ang mga damit. Iniiwasan kong ma-late dahil baka mawala sa akin ang scholarship.“Lorraine, Rina! Tara na, bumaba na kayo d’yan!” dinig na dinig ko ang boses ni Auntie Myrna sa labas habang narito ako sa banyo. Tapos na akong maglaba kaya maliligo na ako.“Hoy Miran, i-lock mo ang pinto, ha? Aalis na kami,” bilin ni Auntie at sunod-sunod na yapak ang aking narinig palabas ng bahay. Malakas na bumusina ang taxi, hudyat na nakaalis na sila.Hindi rin naman ako nagtagal sa banyo dahil ilang minuto na lang ay masasaraduhan na ako ng gate sa school.“Ayan ayos na!” Napangiti ako sa harap ng salamin nang matapos kong suklayin ang aking kayumangging buhok.“Sa school po, manong.” Agad akong sumakay sa taxi nang pumarada na ito sa harapan ko. May kamahalan nga lang ang pamasahe kaya minsan ay sa tricycle lang ako sumasakay. Pero dahil malayo-layo at late na ako ay kailangan ko nang mag-taxi.“Salamat po!” Tarantang
MIRAN’S POVNakatingin ako sa mga sasakyang mabilis na umaandar. Narito ako sa itaas ng building kung saan ako nagta-trabaho. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagkukuminang sa kalangitan. Napagdesisyunan kong pumunta rito na araw-araw namang ginagawa upang magpahangin. Tapos na rin ang oras ng trabaho ko kaya p’wede na rin akong umuwi.“Miran!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Rasha. Siya ang unang naging kaibigan ko rito. Kami ang nagde-deliver sa mga gamit na ino-order mula sa iba’t ibang online shop. Mag-aapat na buwan na ako rito kaya kahit papaano ay nasanay na ako sa trabahong ito.“Oh Rasha, uuwi ka na ba?” Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko.“Alam mo Miran, samahan mo na lang ako. Kumain tayo sa labas,” saad niya.“A-Ah Rasha, hindi muna ako makakasama. Alam mo na?” tinignan ko siyang diretso at kita ko ang pag-irap niya sa ere.“Miran, saglit lang naman tayo. Kung nag-aalala ka sa sasabihin na naman ng nanay-nanayan mo, p’we







