Share

CHAPTER 5

Author: ZintraZania
last update publish date: 2026-09-15 18:34:15

BLAME

MIRAN’S POV

“Ow, dumating na pala ang peste sa bahay.” Hindi ko pinansin si Lorraine na nanunuod sa sala. Mabilis akong umakyat at isinara ang p***o ng kuwarto. Nasanay na ako sa mga parinig niya sa tuwing umuuwi ako. Ako na ang umiiwas dahil ayoko ng gulo.

Matapos makapagbihis ay agad din akong bumaba. Pauwi na rin si Papa kaya makakasabay ko siyang kumain.

“Mom!” Napunta ang aking atensyon sa p***o, naroon na si Papa at si Auntie Myrna.

“Mano po, Pa… Aun­­—“ Agad akong lumapit kay Papa ngunit pagdating kay Auntie Myrna ay tinabig niya lamang ako.

“Hay! Nakakapagod talaga!” Mistulang naiinitan siya at pinaypayan ang sarili.

Matapos akong titigan ay nilagpasan na niya ako. Alam kong napansin ‘yon ni Papa kaya agad niya akong nilapitan.

“Anak, halika… may uwi akong ulam. Tulungan mo na lang akong ihain ‘to.” Pilit akong ngumiti kay Papa na halatang pinapagaan ang loob ko.

Tao rin ako kaya nasasaktan din ako sa mga kilos ma ipinapakita nila Auntie Myrna.

“S-Sige, Pa.” Sumunod na ako at ramdam ko na naman ang masamang tingin ni Lorraine sa akin.

“Anak Lorraine, tawagin mo na ang ate mo, kakain na tayo.”

“Yes, mom.” Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay inirapan niya ako. Napapilitik ako ng dila nang maka-akyat siya. Hindi ko na lang pinansin at kumuha na ng mga pinggan.

“Ate? Mom, Dad!” Mabilis na lumabas si Auntie Myrna sa kusina nang makarinig kami ng sigaw mula sa itaas.

“Ano ‘yon, anak? Bakit?” Sumunod din ako at nadatnan naming walang malay si Rina.

“Jusko! Ano bang nangyari sa ate mo?! Inaapoy ng lagnat ang ate mo! Saan ba kayo nanggaling ha, Lorraine?” Naghuhumerantado ang boses ni Auntie Myrna habang hinahawakan si Rina. Si papa ay agad na ring lumapit.

“Tumawag kayong ambulansya! Dali! Miran, Lorraine!” Natatarantang nagpipindot si Lorraine sa kaniyang cellphone at nagsimula na rin akong tumawag sa numero ng ambulansya.

“Mom, baka dahil sa pagkakadulas kanina ni ate sa CR!” Biglaang buwelta ni Lorraine.

“A-Ano?” Napapailing na tanong ni Auntie. “Anong nadulas? Saan?”

“Si Miran! Hindi niya itinabi ang soap! Kasalanan niya ‘to mom!” Nanlaki ang mga mata ko nang ituro niya ako.

“Ano bang sinasabi mo, Lorraine?!” Inis na tanong ko sa kaniya.

“Totoo naman, no’ng dumating kami ay nakakalat ang sabon at hindi napansin ni Ate kaya nadulas siya! Ikaw lang naman ang huling umalis kanina, ah!” Sigaw niya pabalik at nilapitan ako.

“Ha? Ano na naman bang kuwento ang iniimbento mo? Hindi ko ugaling iwanan ang mga gamit nang wala sa ayos!” Tinitigan ko siya nang maigi.

“Ah, talaga? Sinungaling ka, Miran!” Napaatras ako nang itulak niya ako sa balikat.

“Aray ko, ano ba!?” singhal ko at pinanlakihan siya ng mata.

“Sinungaling, peste, walang hiya ka, Miran.” Dire-diretsong lumabas sa kaniyang bibig ang mga salitang ayokong naririnig.

“Sinong walang hiya? Ha?!” Tinulak ko rin siya dahilan para matapilok siya sa sariling takong.

“Ikaw! Ikaw Miran, peste ka. Malas ka!” Inis niya akong tinignan at kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa galit.

“Ano ba?! Tumigil na kayo! Ang sabi ko, tumawag kayo ng ambulansya!” Sabay kaming napatingin sa p’westo nila Rina. Matalim na titig ang binabato sa akin ni Lorraine nang lingunin ko siya pabalik.

“Huwag na kayong mag-away, tara na.” Mahinahong tawag ni Papa at binuhat si Rina.

Saktong pagbaba namin ay umalingawngaw ang tunog ng ambulansya paparating sa aming bahay.

“Dali!” Natatarantang sumakay si Lorraine nang hilahin siya ni Auntie Myrna.

“Oh, anong ginagawa mo? Maiwan ka d’yan!” Muntik na akong mapaupo sa sahig nang itulak ako ni Auntie.

“Pero, gusto ko pong sumama, Auntie?” Matalim niya akong tinignan at kita ko rin ang pag-ismid ni Lorraine.

“Hindi ka p’wedeng sumama, bawal ang basura ro’n, no!” bulyaw niya pa.

“Tumahimik ka, Lorraine. Hindi ikaw ang kinakausap ko!” Inirapan ko siya dahil naiinis na ako sa pagsabat niya.

“Pa?” tawag ko.

“Anak, maiwan ka na muna. Ako na ang bahala, ha?” Wala akong nagawa kun’di ang tumango na lang at umatras palayo sa ambulansya.

“Ano ba, Romil! Tama na ang drama, tara na! Dali!” Sigaw ni Auntie at agad naman isinara ng isa pang nurse ang p***o. Napabuntonghininga ako nang humarurot ang sinasakyan nila.

Naiintindihan ko naman kung bakit gano’n ang reaksyon ni Auntie. Kapag si Rina ang nagkasakit ay todo-todo ang pag-aalala nila kaya nasanay na ako.

Sinipa ko ang maliit na bato bago pumasok sa bahay.

***

Matapos kong iligpit ang pinagkainan ay dumeretso na ako sa banyo. May pasok ako mamayang alas siyete pero mukhang mapapaaga ako ngayon.

Muntik akong mapatalon nang may biglaang dumaan na daga. Napadako ang aking tingin sa p’westong pinanggalingan nito. Nakita ko ang sabon na may kagat. Nakalaglag na ito mula sa lalagyan at may balak siguro ang daga na tangayin ito.

Tama si Lorraine na nakakalat ang sabon dito sa CR pero hindi ako ang nagkalat kun’di ang bub’wit na ito. Malas nga naman oh! Nakakainit talaga ng dugo ang Lorraine na ‘yon.

Pinulot ko ang sabon at pansin kong halos mangalahati na sa kagat ng daga. Umiiling na inihagis ko na lamang sa basurahan at kumuha ng panibagong gagamitin.

Mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng buhok. Matapos ay isinara ko na ang p***o at iniwang bukas ang isang ilaw. Dumeretso ako sa likuran ng bahay at inilabas na ang motor na ginagamit ko sa trabaho.

Gabi-gabi ay ito ang katuwang ko sa pagdeliver sa iba’t ibang gamit na dumadating sa kompanya. Nang maisuot ko ang helmet ay agad na akong bumiyahe papunta sa trabaho.

***

“Miran, ang aga mo ngayon?” Kapapasok ko pa lang ay sinalubong na ako ni Rasha.

“Oo, may nangyari kasi, kaya no choice akong umalis na agad sa bahay.” Paliwanag ko at nagtungo sa locker room.

“Ah gano’n ba? O sige magkuwento ka mamaya huh, bilisan mo nang magpalit.” Kumaway siya at itinuon na ang atensyon sa mga box na idedeliver.

Pinagpagan ko ang aking uniporme at tinignan sandali. Isang puting damit at kulay yellow-green na pamatong. Napangiti ako dahil kailan lang ako pumasok pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na.

“Miran? Tapos ka na ba d’yan? Dalian mo sana, marami ang rush-delivery ngayon.” Nang marinig ko si Rasha ay agad na akong nagpalit.

“Oo, sige Rasha. Heto na!”

Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Rasha na naglilista. Ang iba namang mga empleyado ay paalis na habang nagsusuot ng kani-kanilang helmet.

“Ang daming order ngayon. Need na agad ma-ideliver. Oh Mir, mauna na ako, huh.” Tumango ako sa papaalis na si Rasha.

Nang makumpleto ko na ang idedeliver ay agad na rin akong umalis. Marami nga ang order ngayon kaya sobrang busy sa loob kanina. Takbo ro’n, takbo rito ang mga kapwa ko empleyado.

“Mrs. Villa?” Sumalubong sa akin ang may edad na babae.

“Oo, ako nga. Anong kailangan mo, hija?” tanong niya at ramdam ko na may mabuting kalooban siya sa boses pa lamang.

“Delivery po para sa inyo, pakipirmahan na lamang po ito. Salamat po.” Inabot ko ang box at ang papel na pipirmahan niya.

“Ang bata mo pa, hija. Bakit nagta-trabaho ka na? Nasaan ang mga magulang mo?” Natahimik ako sa mga tanong niya.

“A-Ah gusto ko po kasi makatulong sa magulang ko… kaya pinasok ko po itong trabaho.” Naiilang na sagot ko.

“Bilib ako sa iyo, hija. Napakasipag mo naman, napakasuwerte ng magulang mo dahil may anak silang handang magtrabaho para tulungan sila.” Nakangiti lamang siya sa akin.

“M-Mauna na po ako.”

Pagkatapos kong magpaalam ay dumeretso na ako sa susunod na lugar ng um-order.

“Salamat po!” Paalam ko sa isang babae na huling pinuntahan ko.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang matapos kong maideliver lahat ng dala ko. Maliliit na box lamang ‘yon kaya hindi rin ako nahirapan isakay sa motor. Bumiyahe na rin ako pabalik sa kompanya. Mag-aalas nuebe pa lamang ng gabi kaya medyo maaga akong makakabalik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 5

    BLAMEMIRAN’S POV“Ow, dumating na pala ang peste sa bahay.” Hindi ko pinansin si Lorraine na nanunuod sa sala. Mabilis akong umakyat at isinara ang pinto ng kuwarto. Nasanay na ako sa mga parinig niya sa tuwing umuuwi ako. Ako na ang umiiwas dahil ayoko ng gulo.Matapos makapagbihis ay agad din akong bumaba. Pauwi na rin si Papa kaya makakasabay ko siyang kumain.“Mom!” Napunta ang aking atensyon sa pinto, naroon na si Papa at si Auntie Myrna.“Mano po, Pa… Aun­­—“ Agad akong lumapit kay Papa ngunit pagdating kay Auntie Myrna ay tinabig niya lamang ako.“Hay! Nakakapagod talaga!” Mistulang naiinitan siya at pinaypayan ang sarili.Matapos akong titigan ay nilagpasan na niya ako. Alam kong napansin ‘yon ni Papa kaya agad niya akong nilapitan.“Anak, halika… may uwi akong ulam. Tulungan mo na lang akong ihain ‘to.” Pilit akong ngumiti kay Papa na halatang pinapagaan ang loob ko.Tao rin ako kaya nasasaktan din ako sa mga kilos ma ipinapakita nila Auntie Myrna.“S-Sige, Pa.” Sumunod na a

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 4

    PALAISIPANMIRAN’S POV“K-Kasal?!” Naisigaw ko at kandaugagang naibaba ang hawak kong baso.“Yes.” Tumango ito at sumimsip sa kaniyang tea.“Po? Ano po bang sinasabi ninyo?!”“Marry my son, hija. Simple as that.” Nanliit ang mga matang tinitigan ko siya.“Ma’am, hindi ko kayo kilala kaya please lang, kung mang-s-scam kayo, mamili kayo. Huwag ako.” Napapaypay ako dahil sa init na dulot ng kape.“I already told you, hija. Hindi ito scam. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap.” Lalo lamang akong naguluhan sa mga sinasabi niya.“A-Ah ma’am, sorry pero hindi ko talaga kayo maintindihan. Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako magpapakasal, wala pa po ‘yan sa bokabularyo ko.” Bahagya akong pumikit at napailing.Maya’t maya ay nagmulat na ako’t tumingin nang diretso sa kaniya. “Hindi po ako magpapakasal sa hindi ko naman kilala at lalong hindi sa taong hindi ko naman mahal.” Tumayo na ako sa kinauupuan at tinalikuran siya upang makalabas na. Ngunit sandali akong napatigil sa paghakbang nang

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 3

    OFFERMIRAN’S POVHindi ako kumibo hanggang sa makalapit siya. Humigpit ang aking hawak sa box nang dumako ang kaniyang mga mata mula sa aking paa paakyat sa ulo. Tila ba pinag-aaralan niya.“What did she do to you?” Nilingon niya ang babae na agad namang lumapit sa kaniya. Muntik ako mapaubo nang lumingkis ito sa braso niya. They related to each other, huh?“Zair, that stupid girl hurt me bad!” Ngumuso ito na parang ako ang may kasalanan ng lahat.“Merriz, let’s go. Students, go back to your respective rooms, now!”“What? No, Zair. I want you to punish her, right away!” Nagpupumilit na pakiusap ng babaeng nagngangalang Merriz.“No, she’s not student here and ayokong nakikipag-away ka.” Natutop ni Merriz ang kaniyang bibig at muling tumingin sa akin nang masama. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha at tulad ng kay Lorraine ay alam kong galit na ‘to.“Leave before I do something to you!” Diin niyang tugon sa akin.Napangisi ako at napabuga ng hangin. “Tumiklop ka ‘ata at nagtatago sa

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 2

    UNANG TAGPOMIRAN’S POVMatapos kong lutuin ang pang-almusal ay nilabhan ko na ang mga damit. Iniiwasan kong ma-late dahil baka mawala sa akin ang scholarship.“Lorraine, Rina! Tara na, bumaba na kayo d’yan!” dinig na dinig ko ang boses ni Auntie Myrna sa labas habang narito ako sa banyo. Tapos na akong maglaba kaya maliligo na ako.“Hoy Miran, i-lock mo ang pinto, ha? Aalis na kami,” bilin ni Auntie at sunod-sunod na yapak ang aking narinig palabas ng bahay. Malakas na bumusina ang taxi, hudyat na nakaalis na sila.Hindi rin naman ako nagtagal sa banyo dahil ilang minuto na lang ay masasaraduhan na ako ng gate sa school.“Ayan ayos na!” Napangiti ako sa harap ng salamin nang matapos kong suklayin ang aking kayumangging buhok.“Sa school po, manong.” Agad akong sumakay sa taxi nang pumarada na ito sa harapan ko. May kamahalan nga lang ang pamasahe kaya minsan ay sa tricycle lang ako sumasakay. Pero dahil malayo-layo at late na ako ay kailangan ko nang mag-taxi.“Salamat po!” Tarantang

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 1

    MIRAN’S POVNakatingin ako sa mga sasakyang mabilis na umaandar. Narito ako sa itaas ng building kung saan ako nagta-trabaho. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagkukuminang sa kalangitan. Napagdesisyunan kong pumunta rito na araw-araw namang ginagawa upang magpahangin. Tapos na rin ang oras ng trabaho ko kaya p’wede na rin akong umuwi.“Miran!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Rasha. Siya ang unang naging kaibigan ko rito. Kami ang nagde-deliver sa mga gamit na ino-order mula sa iba’t ibang online shop. Mag-aapat na buwan na ako rito kaya kahit papaano ay nasanay na ako sa trabahong ito.“Oh Rasha, uuwi ka na ba?” Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko.“Alam mo Miran, samahan mo na lang ako. Kumain tayo sa labas,” saad niya.“A-Ah Rasha, hindi muna ako makakasama. Alam mo na?” tinignan ko siyang diretso at kita ko ang pag-irap niya sa ere.“Miran, saglit lang naman tayo. Kung nag-aalala ka sa sasabihin na naman ng nanay-nanayan mo, p’we

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status