LOGINOFFER
MIRAN’S POV Hindi ako kumibo hanggang sa makalapit siya. Humigpit ang aking hawak sa box nang dumako ang kaniyang mga mata mula sa aking paa paakyat sa ulo. Tila ba pinag-aaralan niya. “What did she do to you?” Nilingon niya ang babae na agad namang lumapit sa kaniya. Muntik ako mapaubo nang lumingkis ito sa braso niya. They related to each other, huh? “Zair, that stupid girl hurt me bad!” Ngumuso ito na parang ako ang may kasalanan ng lahat. “Merriz, let’s go. Students, go back to your respective rooms, now!” “What? No, Zair. I want you to punish her, right away!” Nagpupumilit na pakiusap ng babaeng nagngangalang Merriz. “No, she’s not student here and ayokong nakikipag-away ka.” Natutop ni Merriz ang kaniyang bibig at muling tumingin sa akin nang masama. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha at tulad ng kay Lorraine ay alam kong galit na ‘to. “Leave before I do something to you!” Diin niyang tugon sa akin. Napangisi ako at napabuga ng hangin. “Tumiklop ka ‘ata at nagtatago sa katauhang hindi tulad ng kanina?” tanong ko at hinintay ang kaniyang sunod na sasabihin. Marahil ay nagpapaka-anghel siya sa harap nitong Zairon? “Look! Are you mocking me?” Nagngingitngit niyang tanong. “Ewan ko sa ‘yo.” Tinalikuran ko siya. Ngunit nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat ay otomatiko ko siyang tinabig dahilan upang mapaatras siya‘t matapilok sa sariling sandals. “Ouch! Ah!” Bahagya kong nakagat ang aking labi nang makita siyang nahihirapang tumayo. “Merriz, are you okay?” Nilapitan siya ng Zairon. Umiling lamang siya at napansin kong namula ang kaniyang bukong-bukong. Maya’t maya ay tumingin sa akin si Zairon na magkasalubong ang kilay. “Hey? Why did you do that?!” Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko naman intensyon na maitulak siya nang ganoon kalakas. “A-Ah hindi ko sinasadya.” “What?!” nanlilisik ang kaniyang mga mata. “Zair, I can’t stand. I think my right foot was injured. Kasalanan niya ‘to!” Itinuro niya ako at tanging bulong-bulungan ang namayani sa paligid. “Okay, dalhin kita sa clinic.” Tumingin siya sa akin. “You! Stay here, mag-uusap tayo! If you leave, ready yourself to face the darkness!” Matapos ay binuhat niya si Merriz na pang-bridal style at sabay-sabay ring gumilid ang mga estudyante upang bigyan sila ng daan. Napaiwas ako ng tingin nang isiniksik ni Merriz ang kaniyang ulo sa dibdib ni Zairon. Matapos nilang makalayo ay unti-unti na ring umalis ang mga estudyante. Napapikit ako at bumuntonghininga. ‘Ano bang nangyayari sa akin?’ Nagsimula akong lumakad palayo sa hallway kung saan nangyari ang eksena. Napadpad ako sa isang garden at sandaling umupo sa isang upuan na semento. Ibinaba ko ang box na ngayon ay puno ng spaghetti ang plastic. Kinapa-kapa ko ang aking buhok at ramdam ko ang malagkit at mapekat sa aking ulo. Pinaghalong orange juice at spaghetti ang amoy. Kinuha ko sa aking bulsa ang isang panyo at ipinampunas ko ito sa aking mukha at buhok. Matapos ay ang plastic naman ang inasikaso ko. *** Habang naglalakad ay ramdam ko pa rin ang maiinit na tingin sa akin ng mga estudyante. Ang iba ay may klase pa habang ang iba ay nakatambay sa kung saan. “Miss, saan banda ang room na ito?” tanong ko sa isang nakasalubong ko ngunit mabilis siyang hinila ng isa pang kasama. Hindi ko mahanap kung saan ang room nitong huling box kaya mukhang matatagalan ako nito. “Follow me.” Nagulat ako nang may humawak sa akin nang mahigpit. “Ano ba, bitawan mo ‘ko! Kanina ka pa!” sigaw ko habang mabilis niya akong kinakaladkad sa hallway. “I will talk to you, hindi ka student dito pero hindi ibig sabihin na pwede kang mag-iskandalo rito.” Hindi man lang siya nag-abalang lingunin ako na nagkakanda-hirap na sa paghila niya! “Bitawan mo ‘ko! Kasalanan ng babaeng ‘yon kung bakit nangyari sa kaniya ‘yon! Ginagawa ko nang matino ang trabaho ko kaya p’wede ba, lubayan niyo ‘ko!” Napansin kong unti-unti na namang nagsisilabasan ang mga estudyante at pinapanood kami. Mas nagpumilit akong kumawala dahil ayoko na ng gulo. “You’re an outsider and you know, hurting the student inside this campus is punishable.” Patuloy niya akong hinila at sa puntong ito ay mas dumami ang mga estudyanteng may hawak ng camera. “Go back to your room!” Nilingon niya ang mga estudyante na ngayon ay mukhang nalanta dahil sa narinig. Maya’t maya ay tumigil kami sa isang puwesto na tahimik, walang mga estudyante. Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa akin kaya nabawi ko ang aking kamay. “What are doing here?” “Hindi ka ba nakikinig, ha? Nagde-deliver ako kaya nandito ako,” saad ko at minasahe ang kamay kong namanhid sa hawak niya. “Apologize to Merriz and you can leave.” Napanganga ako sa sinabi niya. Apologize? Sa panaginip niya! “Alam mo, hindi ko gagawin ‘yan dahil sa una palang siya ang dapat mag-sorry sa akin. At saka nag-sorry na ako nang mabangga niya ako,” reklamo ko. Inismiran ko siya at tumalikod dahil anong oras na rin ay kailangan ko nang maibigay itong order. Tinawagan ko ang number at sandaling hinintay ang pagsagot. “Hello po, sir? Opo, nandito na po ako sa university ninyo.” Lumingon-lingon ako sa paligid. “Sa… sa tapat ng office ng SSG.” Ibinaba ko ang tawag nang sinabi niyang siya na ang pupunta sa kinaroroonan ko. “Apologize now or else…” tumingin akong muli sa kaniya. “Ano bang pinagsasasabi mo?!” inis kong bulyaw. “Miss just do it, para matapos na.” “Baliw, hindi ko gagawin ‘yang inuutos mo!” tila mali ang nasabi ko nang sumeryoso ang kaniyang mukha. Maya’t maya ay agad niyang kinuha ang box sa kamay ko. “Hoy! Ibalik mo ‘yan!” Pilit kong inaabot ngunit mas matangkad siya sa ‘kin kaya pahirapan. Nanlaki ang mga mata ko nang walang hirap niyang sirain ang box at inilabas ang laman nito. “So, this is your job? To deliver a robotic thing?” Napatingin ako sa order at isang robot nga ang laman no’n. “Akin na ‘yan!” “I will give this to you if you will apologize to Merriz.” Determinado talaga siyang ipagawa sa ‘kin ‘yon?! “Hindi! Ibigay mo na sabi!” Lalong nag-init ang aking ulo nang makita ang pagngisi niya. “Here.” Nang aabutin ko na ay biglaan niya ring binitawan dahilan upang bumagsak ‘yon sa sahig. Tumilapon ang ibang parte nang tumama ito sa semento, halos mayupi ang iba pa nitong piraso. Parang tumigil ang oras nang unti-unting magsink-in sa akin ang nangyari, nasira ang delivery ko. “Dumulas sa kamay ko,” prenteng sagot niya. Sa galit ay natagpuan ko na lamang ang sarili na hawak siya sa kuwelyo. “Alam mo ba ang ginagawa mo? Bakit mo binitawan, ha?! Hindi ba ay maayos akong nakiusap?!” Pinanlisikan ko siya ng mata. Naiinis ako dahil pati ang trabaho ko ay pinapakialaman ng lalaking ‘to. “A-Ah?” Napabaling ako sa isang estudyante na kararating lamang. Patulak kong binitawan si Zairon at lumapit sa maliit na robot na ngayon ay pira-piraso na. “What happened?” tanong ng lalaking nakasalamin habang nakatuon ang tingin sa robot na wasak-wasak ang parte. Ramdam ko ang pamamawis ng aking mga kamay dahil sa sitwasyon. “A-Ah sir, sorry. Nabitawan po nitong lalaki.” Itinuro ko si Zairon ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang naging reaksyon ng lalaki. “Z-Zairon?” Nanginginig niyang tawag dito. Napakunot ang aking noo. “Sir? Pasensya na po talaga. Ano… handa ko pong bayaran ang damage.” Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay. “Ahm, it’s a limited edition from Germany.” Mas lalo akong nanlamig sa narinig mula sa kaniya. “Sorry po talaga! Ano pa po bang paraan para mapalitan ko… or bayaran ko na lang po?” “I don’t think, you can afford to pay that robot.” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napalingon ako kay Zairon na bahagyang tumawa. ‘Kasalanan niya ‘to.’ “U-Uhm, magkano po ba?” “One thousand…” Napabuntonghininga ako dahil sa presyo. Kaya ko pa naman bayaran. “Dollars.” Nanlaki ang aking mga mata at aksidenteng nakagat ko ang aking labi dahil sa narinig. “O-One t-thousand d-dollars?!” Halos nanlumo ako at muntik pang mapaupo dahil sa laki ng presyo. “Yeah, I collect different robots and I told you, it’s a limited edition that’s why, this one is…” Inayos niya ang suot na salamin at muling tumingin sa akin. Pinagmasdan ko siya, isang may hitsura, anak-mayaman, at mukhang matalinong lalaki rin, walang duda. “A-Ah pa’no na ‘to? I will pay you. Babayaran kita, promise!” Naghihinayang din ako sa nasirang robot dahil sa mahal na presyo nito. “No, it’s okay. Forget it, just clean that.” Napanganga ako nang tumakbo siya palayo sa akin. “T-Teka! Sir?!” muling tawag ko ngunit hindi na ito lumingon sa ‘kin. Napakuyom ako ng kamao nang marinig ang mahinang tawa ng nasa gilid, si Zairon. ~~~ “Cheap, that’s why it broke easily.” Sambit niya at sinipa-sipa ang maliliit na piraso ng robot. “Ano bang problema mo? Lahat na lang pinapakialaman at sinisira mo! Pati trabaho ko ay nadadamay sa kagagawan mo!” singhal ko at masamang tumingin sa kaniya. Nag-iinit ang aking ulo simula nang pumasok ako sa school na ‘to! “Hindi ka sumunod kaya nangyari sa ‘yo ‘yan.” “Ano?! Apologize ba kamo? P’wes umuwi ka na! Tapos na ako sa inyo kaya p’wede ba ‘wag mo na akong guluhin?!” buwelta ko at dinuro siya. “Whoa!” tatawa-tawa siyang lumapit sa akin at yumuko upang magkatapat kami. “Madali lang ang pinapagawa ko sa ‘yo pero hindi ka sumunod tapos ikaw pa ang galit dahil sa nangyari?” dire-diretsong tanong niya. Napabuga ako ng hangin at mas napakunot ang noo. “Ikaw ang may kasalanan nito. Alam mo bang p’wedeng mawala sa ‘kin ang trabaho ko dahil sa mga pinaggagagawa mo?!” Ramdam ko ang panginginig ng aking boses. “Hindi ako tulad niyong mayaman na nakapaglalabas ng pera sa isang pitik, kaya sana naman nag-isip ka muna!” Parang may bumabara sa aking lalamunan. Sobra na ang araw na ‘to! Puro kamalasan na lang ang sumasalubong sa akin. “Yeah, I know.” Tila nandilim ang paningin ko at hindi maiwasang mapunta ang aking palad sa kaniyang pisngi. Rinig ko ang malutong na tunog na dulot no’n. “Quite impressive.” Nasisiyahan pa ‘ata siya. Dahan-dahan niyang pinunasan ang dugo na mula sa kaniyang labi. Napaatras ako nang seryosong titigan niya ako. Maya’t maya ay may biglaang bumato sa akin ng itlog kaya hinanap ko kung saan ‘yon nanggaling. Unti-unting lumabas ang mga estudyante mula sa sulok at pansin kong may mga hawak silang itlog at nilamukos na papel. “Good luck.” Napatingin ako kay Zairon na nakangisi at mas lumapit pa sa akin. “Tignan natin kung magawa mo pang tumingin nang masama pagkatapos nito.” Muli akong umamba ng kamay ngunit nagawa niyang hulihin ito. “Tandaan mo ‘to, makakabawi rin ako sa ginawa mo! Pero sinusumpa ko na sana’y hindi na kita makitang muli… dahil sa oras na magtagpo ang ating landas ay sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang lahat ng kamalasang nangyari sa ‘kin!” Pabagsak kong binawi ang aking kamay at nilapitan ang mga piraso ng robot upang pagsama-samahin. “You sound confident, let’s see and wait for you to eat your own words.” Hindi ako nakasagot nang talikuran niya ako’t nagsimulang maglakad palayo. Hindi pa man ako nakakatayo ay may mga itlog na ibinabato na sa akin. “Guys! That woman dare to hurt our king, punish her!” sigaw ng isang estudyante at sunod-sunod na binato sa ‘kin ang mga papel at itlog. Agad kong pinulot ang mga parte ng robot at nagmadaling tumakbo palabas ng school. Sa bilis ay hindi ko na ininda ang mga sugat na natamo ko sa pagpulot ng robot. Nang makalabas ay agad hinanap ng aking mata ang kinaroroonan ng motor. Isinuot ko ang aking helmet at pinaandar ang motor palayo sa eskuwelahan. ‘Makakaganti rin ako sa ‘yo, Zairon.’ Huminto ako sa isang park upang makapag-isip-isip muna. Napatitig ako sa robot na sira-sira na. ‘Paano na ‘to? Kapag umabot sa kompanya ay p’wede akong matanggalan ng trabaho.’ Napahilamos na lamang ako ng mukha dahil sa mga naiisip. Kailangan kong umisip ng paraan, hindi p’wedeng mawala ang trabaho ko nang dahil lang sa bwiset na Zairon na ‘yon! Agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa loob ng back pack. Maya’t maya ay nag-flash ang pangalan ni Rasha. “Hello? Rasha?” “Miran! Nasa’n ka, ha? Ayos ka lang ba?” Inilayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa lakas ng boses at sunod-sunod niyang tanong. “Ayos lang ako. Bakit ka napatawag?” “Ano ka ba? Nasa social media ang video mo!” Napatayo ako sa kinauupuan nang marinig ‘yon. “A-Ano?!” Sumusobra na talaga ang lalaking ‘yon! Humanda ka sa ‘kin, Zairon. “Oh sige, pabalik na ako, ‘wag ka na mag-alala.” Agad akong sumakay sa motor at pinaharurot pabalik sa delivery company. “Mir, anong nangyari? Ba’t ka napa-away?” Natikom ko lamang ang aking bibig. Hindi ko magawang masabi ang lahat, punong-puno na ako. Napabaling ako sa isang salamin sa locker room, sa hitsura ko ay hindi ko maiwasang manlumo, grabe ang araw na ‘to! Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Rasha nang yakapin niya ako nang mahigpit. Napapikit ako nang hindi ko napigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. “Rasha, masama ba ako?” naitanong ko habang patuloy na lumuluha. Panay kamalasan ang sumasalubong sa akin, baka tama si Auntie… isa akong malas. “No, you’re not. Ano ba kasing nangyari?” Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang aking pisngi. *** “Ang sasama talaga ng ugali ng mga student do’n lalo na ‘yong Zairon!” nakakunot-noong sambit ni Rasha. Ikinuwento ko sa kaniya ang ibang nangyari sa akin. “Anong gagawin mo, Mir? Ang laking halaga no’n!” bigla niyang tanong. “Hindi ko pa alam, pero babayaran ko ‘yong lalaki dahil kasalanan ko rin kung bakit nasira ‘yong robot.” Napatango-tango siya. “Oh sige, ganito na lang pahihiramin kita para mas Malaki ang mabawas sa babayaran, okay?” Napakunot ang noo ko dahil sa suwestyon niya. “Hindi na, Rasha. Okay lang ako, ‘wag ka nang mag-alala.” “Ha? Malaking halaga ‘yon, Miran. Paano mo mababayaran? Sa’n ka kukuha ng ganoong kalaking pera? At saka pa’no ang pambili ng gamot ng Papa mo, ha? Sige nga?” Natahimik ako at nilaro ang aking daliri. Hangga’t kaya ko ay gagawin ko, ayokong dumagdag pa sa isipin ni Rasha. “Okay lang Rasha, gagawan ko ng paraan.” “Pero—” hindi na niya naituloy dahil sa pagtitig ko sa kaniya. “Thank you, alam mo namang malalagpasan ko ‘to, ‘di ba?” Ngumiti ako upang mabawasan ang pag-aalala niya. *** Maaga akong nakapag-out at umuwi ng bahay. Bumiyahe ako papunta sa isang mall dahil may kailangan akong bilhin para sa pagtitinda ni Papa. 7:20 pm na pero bukas pa rin naman ang mall. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing natatanggal ang suot kong kuwintas. Ito ang kuwintas na bigay sa akin ni Mama, kaya hindi ko nakakaligtaang isuot ito kahit sa’n ako magpunta. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang ikinakabit ang aking kuwintas. Napasinghap ako nang mabitawan ko ito dahil sa malakas na pagkakatabig ng isang babae. Nalaglag ang kuwintas at naunahan akong kuhanin ito. “Miss, sa ‘yo ba ito? Sino ang nagbigay sa ‘yo nito?” tanong niya. “Ah sa akin nga po.” Nakatuon lamang siya sa kuwintas at nang magtama ang aming paningin ay hindi ko maiwasang mapatitig. Sa tingin ko ay nasa edad 30’s na siya, napakaganda. “Sa ‘yo ang necklace na ito?” pag-uulit niya. “Opo.” Iniabot niya pabalik sa akin. “P’wede ba kitang makausap, miss? Kahit konting oras lang?” Napatingin ako sa aking relo at agad ding ibinalik ang tingin sa kaniya. “Sige po.” Napadpad kami sa isang eleganteng coffee shop. Hindi ako kumikibo dahil hindi ako komportable lalo na at hindi ko naman siya kilala. “Anong pangalan mo?” panimula niya. “Miran po,” maikling sagot ko. “I just want to ask kung sino ang nagbigay ng kuwintas sa ‘yo?” “Ahm, ibinigay po sa akin ng Mama ko noong bata pa po ako.” Naiilang ako sa titig niya. Pasimple na lamang akong uminom ng kape. “Anong pangalan ng mama mo?” Pinunasan ko ang aking bibig at dahan-dahang ibinaba ang tasa. ‘Ano bang kailangan nito?’ “Deanna Haquin po.” Pansin ko ang pagliwanag ng kaniyang mukha nang banggitin ko ang pangalan ni mama. “Finally, I found you, Miran.” Nangunot ang aking kilay at halos magdikit na dahil hindi ko makuha ang mga sinasabi niya. “Po? Ano pong ibig niyong sabihin?” “Hija, handa akong tulungan ka, in one condition…” Napakamot ako sa ulo dahil sa mga sinabi niya. Isa ba siyang manghuhula at nahulaan niyang may utang akong malaking halaga? “Po? Hindi ko po kayo maintindihan. A-Anong tutulungan po ang sinasabi ninyo? Scam? Kakakilala palang po natin, tapos bakit naman ninyo ako tutulungan?” Hindi ko maiwasang maasar dahil hindi naman ako late sa mga balita, alam kong maraming scammer na nagbibihis nang maayos para makapagpanggap! “No, it’s not scam, hija.” Sandali siyang sumimsim ng tea at marahang ibinaba ang tasa. “I will help you kahit ano pa.” Tila napako ako sa kinauupuan nang tumingin siya sa akin nang diretso at seryoso. Taranta kong kinuha ang tasa ng kape at sinimulang humigop. “Just… marry my son.” Halos masamid ako nang marinig ‘yon. ‘Kasal?!’BLAMEMIRAN’S POV“Ow, dumating na pala ang peste sa bahay.” Hindi ko pinansin si Lorraine na nanunuod sa sala. Mabilis akong umakyat at isinara ang pinto ng kuwarto. Nasanay na ako sa mga parinig niya sa tuwing umuuwi ako. Ako na ang umiiwas dahil ayoko ng gulo.Matapos makapagbihis ay agad din akong bumaba. Pauwi na rin si Papa kaya makakasabay ko siyang kumain.“Mom!” Napunta ang aking atensyon sa pinto, naroon na si Papa at si Auntie Myrna.“Mano po, Pa… Aun—“ Agad akong lumapit kay Papa ngunit pagdating kay Auntie Myrna ay tinabig niya lamang ako.“Hay! Nakakapagod talaga!” Mistulang naiinitan siya at pinaypayan ang sarili.Matapos akong titigan ay nilagpasan na niya ako. Alam kong napansin ‘yon ni Papa kaya agad niya akong nilapitan.“Anak, halika… may uwi akong ulam. Tulungan mo na lang akong ihain ‘to.” Pilit akong ngumiti kay Papa na halatang pinapagaan ang loob ko.Tao rin ako kaya nasasaktan din ako sa mga kilos ma ipinapakita nila Auntie Myrna.“S-Sige, Pa.” Sumunod na a
PALAISIPANMIRAN’S POV“K-Kasal?!” Naisigaw ko at kandaugagang naibaba ang hawak kong baso.“Yes.” Tumango ito at sumimsip sa kaniyang tea.“Po? Ano po bang sinasabi ninyo?!”“Marry my son, hija. Simple as that.” Nanliit ang mga matang tinitigan ko siya.“Ma’am, hindi ko kayo kilala kaya please lang, kung mang-s-scam kayo, mamili kayo. Huwag ako.” Napapaypay ako dahil sa init na dulot ng kape.“I already told you, hija. Hindi ito scam. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap.” Lalo lamang akong naguluhan sa mga sinasabi niya.“A-Ah ma’am, sorry pero hindi ko talaga kayo maintindihan. Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako magpapakasal, wala pa po ‘yan sa bokabularyo ko.” Bahagya akong pumikit at napailing.Maya’t maya ay nagmulat na ako’t tumingin nang diretso sa kaniya. “Hindi po ako magpapakasal sa hindi ko naman kilala at lalong hindi sa taong hindi ko naman mahal.” Tumayo na ako sa kinauupuan at tinalikuran siya upang makalabas na. Ngunit sandali akong napatigil sa paghakbang nang
OFFERMIRAN’S POVHindi ako kumibo hanggang sa makalapit siya. Humigpit ang aking hawak sa box nang dumako ang kaniyang mga mata mula sa aking paa paakyat sa ulo. Tila ba pinag-aaralan niya.“What did she do to you?” Nilingon niya ang babae na agad namang lumapit sa kaniya. Muntik ako mapaubo nang lumingkis ito sa braso niya. They related to each other, huh?“Zair, that stupid girl hurt me bad!” Ngumuso ito na parang ako ang may kasalanan ng lahat.“Merriz, let’s go. Students, go back to your respective rooms, now!”“What? No, Zair. I want you to punish her, right away!” Nagpupumilit na pakiusap ng babaeng nagngangalang Merriz.“No, she’s not student here and ayokong nakikipag-away ka.” Natutop ni Merriz ang kaniyang bibig at muling tumingin sa akin nang masama. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha at tulad ng kay Lorraine ay alam kong galit na ‘to.“Leave before I do something to you!” Diin niyang tugon sa akin.Napangisi ako at napabuga ng hangin. “Tumiklop ka ‘ata at nagtatago sa
UNANG TAGPOMIRAN’S POVMatapos kong lutuin ang pang-almusal ay nilabhan ko na ang mga damit. Iniiwasan kong ma-late dahil baka mawala sa akin ang scholarship.“Lorraine, Rina! Tara na, bumaba na kayo d’yan!” dinig na dinig ko ang boses ni Auntie Myrna sa labas habang narito ako sa banyo. Tapos na akong maglaba kaya maliligo na ako.“Hoy Miran, i-lock mo ang pinto, ha? Aalis na kami,” bilin ni Auntie at sunod-sunod na yapak ang aking narinig palabas ng bahay. Malakas na bumusina ang taxi, hudyat na nakaalis na sila.Hindi rin naman ako nagtagal sa banyo dahil ilang minuto na lang ay masasaraduhan na ako ng gate sa school.“Ayan ayos na!” Napangiti ako sa harap ng salamin nang matapos kong suklayin ang aking kayumangging buhok.“Sa school po, manong.” Agad akong sumakay sa taxi nang pumarada na ito sa harapan ko. May kamahalan nga lang ang pamasahe kaya minsan ay sa tricycle lang ako sumasakay. Pero dahil malayo-layo at late na ako ay kailangan ko nang mag-taxi.“Salamat po!” Tarantang
MIRAN’S POVNakatingin ako sa mga sasakyang mabilis na umaandar. Narito ako sa itaas ng building kung saan ako nagta-trabaho. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagkukuminang sa kalangitan. Napagdesisyunan kong pumunta rito na araw-araw namang ginagawa upang magpahangin. Tapos na rin ang oras ng trabaho ko kaya p’wede na rin akong umuwi.“Miran!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Rasha. Siya ang unang naging kaibigan ko rito. Kami ang nagde-deliver sa mga gamit na ino-order mula sa iba’t ibang online shop. Mag-aapat na buwan na ako rito kaya kahit papaano ay nasanay na ako sa trabahong ito.“Oh Rasha, uuwi ka na ba?” Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko.“Alam mo Miran, samahan mo na lang ako. Kumain tayo sa labas,” saad niya.“A-Ah Rasha, hindi muna ako makakasama. Alam mo na?” tinignan ko siyang diretso at kita ko ang pag-irap niya sa ere.“Miran, saglit lang naman tayo. Kung nag-aalala ka sa sasabihin na naman ng nanay-nanayan mo, p’we







