LOGINPALAISIPAN
MIRAN’S POV “K-Kasal?!” Naisigaw ko at kandaugagang naibaba ang hawak kong baso. “Yes.” Tumango ito at sumimsip sa kaniyang tea. “Po? Ano po bang sinasabi ninyo?!” “Marry my son, hija. Simple as that.” Nanliit ang mga matang tinitigan ko siya. “Ma’am, hindi ko kayo kilala kaya please lang, kung mang-s-scam kayo, mamili kayo. Huwag ako.” Napapaypay ako dahil sa init na dulot ng kape. “I already told you, hija. Hindi ito scam. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap.” Lalo lamang akong naguluhan sa mga sinasabi niya. “A-Ah ma’am, sorry pero hindi ko talaga kayo maintindihan. Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako magpapakasal, wala pa po ‘yan sa bokabularyo ko.” Bahagya akong pumikit at napailing. Maya’t maya ay nagmulat na ako’t tumingin nang diretso sa kaniya. “Hindi po ako magpapakasal sa hindi ko naman kilala at lalong hindi sa taong hindi ko naman mahal.” Tumayo na ako sa kinauupuan at tinalikuran siya upang makalabas na. Ngunit sandali akong napatigil sa paghakbang nang marinig siya. “I like you, hija. Sa mga sinabi mo ay lalo mo lamang akong binigyan ng rason upang mapapayag ka.” Napakunot ako ng noo dahil sa bahagya niyang pagtawa, eleganteng pagtawa. “Naguguluhan ka lang sa ngayon, pero I know na magkikita tayong muli at sa oras na ‘yon… you will accept it.” “Ano bang—” Dali-dali ko siyang nilingon dahil hindi na ako natahimik sa mga sinasabi niya. Pinapasakit niya ang ulo ko! “Here’s my card. Just call me if you already change your mind. Nice meeting you, Miran.” Bahagyang napaawang ang aking labi dahil inunahan niya pa akong lumabas dito sa coffee shop. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Napabaling ako sa maliit na card na nasa mesa. Kulay puti ito na may ginintuang mga letra. Tinignan ko ang nakasulat at mahinang binasa. “Criselda D.V.” Napabuga ako ng hangin at wala sa sariling ibinulsa na lamang ang card. Gabi na at may kailangan pa akong bilhin. ~~~ “Puyat ka ‘ata, Mir?” Napatakip ako ng bibig nang matapos humikab. “A-Ah oo, Net. Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi.” Ngumuso si Janet at inilapit ang kaniyang upuan sa tapat ng aking mesa. “Bakit naman? Ano bang nangyari?” tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Pa’no ba ‘to?” Wala sa sariling napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Napuyat lang naman ako dahil sa bumabagabag sa akin, at ‘yon ang mga sinabi ng babaeng nakasalubong ko sa mall. “Ano na, Miran? Kuwento mo na, dali.” Nakangiti niyang tugon. Huminga ako nang malalim at tumingin nang diretso sa kaniya. Umayos naman siya ng upo at nilingon pa ang p***o kung naroon na si ma’am. “A-Ano?! Kasal?!” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya matapos kong i-kuwento ang nangyari kagabi sa mall. “Ang ingay mo, Net! Ano ka ba?” Nang masiguro kong tahimik na siya ay inalis ko na ang aking kamay sa pagkakatakip sa kaniyang bibig. Napalingon-lingon ako sa buong room at sa aming dalawa napunta ang kanilang atensyon. Sinamaan ko sila ng tingin at mabilis naman silang bumalik sa kaniya-kaniyang ginagawa. “Nagbibiro ka ba, Mir? Inaantok ka pa ‘ata.” Humagikhik siya at pinisil ang aking pisngi. “Totoo nga, gagawa ba ‘ko ng kuwento?” Umayos na ako sa pakakaupo at inilabas ang libro. “Ano namang pakulo ng mga scammer? Pati pala ang kasal ginagawa na nilang ipangloko.” Nakakunot-noong sambit niya. “Tss, pero hindi naman ako magpapauto ‘no! Mamili sila ng i-scam-in, huwag ang tulad ko.” Napairap ako dahil sa pesteng scam na ‘yon. “Syempre, isang Miran pa ang nakabangga no’n. Never maloloko,” bulong niya at umayos na rin ng puwesto. Ilang minuto lamang ay dumating na ang aming guro kaya hindi na kami nakapagkuwentuhan pa ni Janet. Napatingin ako sa card na nakaipit sa libro. Hindi ko alam kung bakit kinuha ko pa. Napailing na lamang ako at inilagay pabalik ang card sa loob ng aking bag. ~~~ “Mir, tara na. Sa bahay mo na lang kaya ituloy ‘yan?” tawag sa akin ni Janet matapos ang klase. “Sandali lang, Net. Tatapusin ko na ‘to,” sagot ko nang hindi siya nililingon. Kailangan ko nang tapusin itong asignment para hindi ko makalimutan, may pasok pa ako mamaya sa Lintraid Delivery Company. Sigurado akong mas marami ang ide-deliver dahil nag-sale ang mga online shop kamakailan lang. “Hintayin na kita. Oo nga pala, kumusta ‘yong trabaho mo? Nag-aalala ako sa ‘yo.” Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ko ang seryosong tono niya. “Ayos lang ako, Janet.” Ngumiti ako sa kaniya at itinabi na ang mga gamit sa loob ng bag. “Sabi mo ‘yan ha, basta ‘wag mo kalimutang kumain sa tamang oras, maliwanag?” “Oo na, alam ko naman ‘yon.” Tumango na lang siya at tumayo na rin. Mabilis natapos ang klase namin para sa araw na ito kaya nagpunta muna kami sa isang park para magpahangin. “Mir, sagutin ko lang ‘to, hintayin mo ako d’yan,” saad niya habang itinuturo ang kaniyang cellphone. “Sige, sagutin mo na, dali.” Iwinasiwas ko pa ang aking kamay sa kaniya. Naiwan akong nakaupo rito sa park, walang maraming tao ngayon kaya talagang makakapag-focus sa ginagawa. Nakasanayan ko na ring tumambay rito bago umuwi dahil tiyak na bunganga lamang ni Lorraine ang sasalubong sa akin. “Ah Mir, si Mommy ang tumawag, pinapasundo na niya ako,” paliwanag ni Janet nang makalapit sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya. “Gano’n ba, sige mag-iingat ka. Pauwi na rin naman ako,” saad ko at kapwa sabay kaming napalingon nang may humintong sasakyan malapit sa amin. Malamang ay sundo na niya ‘yon. “Miss Janet, halina po kayo.” Lumapit ang isang naka-itim na tuxedo sa amin. May malalaking pangangatawan ito tulad ng isa pang kasama niya. “Mauna na ako, Mir. ‘Wag ka pagabi, okay?” “Oo, sige na hinihintay ka na nila oh!” Nang makasakay ay kumaway ako sa kaniya hanggang sa makalayo na ang sasakyan. “A’right Miran!” Binitbit ko na ang mga gamit at naglakad na rin palapit sa daan. “Sa Crino Street po,” sambit ko nang makapara sa isang taxi. “Sige po ma’am,” anito at pinaharurot na ang sasakyan.BLAMEMIRAN’S POV“Ow, dumating na pala ang peste sa bahay.” Hindi ko pinansin si Lorraine na nanunuod sa sala. Mabilis akong umakyat at isinara ang pinto ng kuwarto. Nasanay na ako sa mga parinig niya sa tuwing umuuwi ako. Ako na ang umiiwas dahil ayoko ng gulo.Matapos makapagbihis ay agad din akong bumaba. Pauwi na rin si Papa kaya makakasabay ko siyang kumain.“Mom!” Napunta ang aking atensyon sa pinto, naroon na si Papa at si Auntie Myrna.“Mano po, Pa… Aun—“ Agad akong lumapit kay Papa ngunit pagdating kay Auntie Myrna ay tinabig niya lamang ako.“Hay! Nakakapagod talaga!” Mistulang naiinitan siya at pinaypayan ang sarili.Matapos akong titigan ay nilagpasan na niya ako. Alam kong napansin ‘yon ni Papa kaya agad niya akong nilapitan.“Anak, halika… may uwi akong ulam. Tulungan mo na lang akong ihain ‘to.” Pilit akong ngumiti kay Papa na halatang pinapagaan ang loob ko.Tao rin ako kaya nasasaktan din ako sa mga kilos ma ipinapakita nila Auntie Myrna.“S-Sige, Pa.” Sumunod na a
PALAISIPANMIRAN’S POV“K-Kasal?!” Naisigaw ko at kandaugagang naibaba ang hawak kong baso.“Yes.” Tumango ito at sumimsip sa kaniyang tea.“Po? Ano po bang sinasabi ninyo?!”“Marry my son, hija. Simple as that.” Nanliit ang mga matang tinitigan ko siya.“Ma’am, hindi ko kayo kilala kaya please lang, kung mang-s-scam kayo, mamili kayo. Huwag ako.” Napapaypay ako dahil sa init na dulot ng kape.“I already told you, hija. Hindi ito scam. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap.” Lalo lamang akong naguluhan sa mga sinasabi niya.“A-Ah ma’am, sorry pero hindi ko talaga kayo maintindihan. Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako magpapakasal, wala pa po ‘yan sa bokabularyo ko.” Bahagya akong pumikit at napailing.Maya’t maya ay nagmulat na ako’t tumingin nang diretso sa kaniya. “Hindi po ako magpapakasal sa hindi ko naman kilala at lalong hindi sa taong hindi ko naman mahal.” Tumayo na ako sa kinauupuan at tinalikuran siya upang makalabas na. Ngunit sandali akong napatigil sa paghakbang nang
OFFERMIRAN’S POVHindi ako kumibo hanggang sa makalapit siya. Humigpit ang aking hawak sa box nang dumako ang kaniyang mga mata mula sa aking paa paakyat sa ulo. Tila ba pinag-aaralan niya.“What did she do to you?” Nilingon niya ang babae na agad namang lumapit sa kaniya. Muntik ako mapaubo nang lumingkis ito sa braso niya. They related to each other, huh?“Zair, that stupid girl hurt me bad!” Ngumuso ito na parang ako ang may kasalanan ng lahat.“Merriz, let’s go. Students, go back to your respective rooms, now!”“What? No, Zair. I want you to punish her, right away!” Nagpupumilit na pakiusap ng babaeng nagngangalang Merriz.“No, she’s not student here and ayokong nakikipag-away ka.” Natutop ni Merriz ang kaniyang bibig at muling tumingin sa akin nang masama. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha at tulad ng kay Lorraine ay alam kong galit na ‘to.“Leave before I do something to you!” Diin niyang tugon sa akin.Napangisi ako at napabuga ng hangin. “Tumiklop ka ‘ata at nagtatago sa
UNANG TAGPOMIRAN’S POVMatapos kong lutuin ang pang-almusal ay nilabhan ko na ang mga damit. Iniiwasan kong ma-late dahil baka mawala sa akin ang scholarship.“Lorraine, Rina! Tara na, bumaba na kayo d’yan!” dinig na dinig ko ang boses ni Auntie Myrna sa labas habang narito ako sa banyo. Tapos na akong maglaba kaya maliligo na ako.“Hoy Miran, i-lock mo ang pinto, ha? Aalis na kami,” bilin ni Auntie at sunod-sunod na yapak ang aking narinig palabas ng bahay. Malakas na bumusina ang taxi, hudyat na nakaalis na sila.Hindi rin naman ako nagtagal sa banyo dahil ilang minuto na lang ay masasaraduhan na ako ng gate sa school.“Ayan ayos na!” Napangiti ako sa harap ng salamin nang matapos kong suklayin ang aking kayumangging buhok.“Sa school po, manong.” Agad akong sumakay sa taxi nang pumarada na ito sa harapan ko. May kamahalan nga lang ang pamasahe kaya minsan ay sa tricycle lang ako sumasakay. Pero dahil malayo-layo at late na ako ay kailangan ko nang mag-taxi.“Salamat po!” Tarantang
MIRAN’S POVNakatingin ako sa mga sasakyang mabilis na umaandar. Narito ako sa itaas ng building kung saan ako nagta-trabaho. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagkukuminang sa kalangitan. Napagdesisyunan kong pumunta rito na araw-araw namang ginagawa upang magpahangin. Tapos na rin ang oras ng trabaho ko kaya p’wede na rin akong umuwi.“Miran!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Rasha. Siya ang unang naging kaibigan ko rito. Kami ang nagde-deliver sa mga gamit na ino-order mula sa iba’t ibang online shop. Mag-aapat na buwan na ako rito kaya kahit papaano ay nasanay na ako sa trabahong ito.“Oh Rasha, uuwi ka na ba?” Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko.“Alam mo Miran, samahan mo na lang ako. Kumain tayo sa labas,” saad niya.“A-Ah Rasha, hindi muna ako makakasama. Alam mo na?” tinignan ko siyang diretso at kita ko ang pag-irap niya sa ere.“Miran, saglit lang naman tayo. Kung nag-aalala ka sa sasabihin na naman ng nanay-nanayan mo, p’we







