LOGIN
MIRAN’S POV
Nakatingin ako sa mga sasakyang mabilis na umaandar. Narito ako sa itaas ng building kung saan ako nagta-trabaho. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagkukuminang sa kalangitan. Napagdesisyunan kong pumunta rito na araw-araw namang ginagawa upang magpahangin. Tapos na rin ang oras ng trabaho ko kaya p’wede na rin akong umuwi. “Miran!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Rasha. Siya ang unang naging kaibigan ko rito. Kami ang nagde-deliver sa mga gamit na ino-order mula sa iba’t ibang online shop. Mag-aapat na buwan na ako rito kaya kahit papaano ay nasanay na ako sa trabahong ito. “Oh Rasha, uuwi ka na ba?” Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. “Alam mo Miran, samahan mo na lang ako. Kumain tayo sa labas,” saad niya. “A-Ah Rasha, hindi muna ako makakasama. Alam mo na?” tinignan ko siyang diretso at kita ko ang pag-irap niya sa ere. “Miran, saglit lang naman tayo. Kung nag-aalala ka sa sasabihin na naman ng nanay-nanayan mo, p’wede ka naman nang umalis do’n,” kunot-noong sagot niya. Sa tagal na rin naming magkasama ay alam niya ang nangyayari sa akin—sa bahay. Kasama ko si Nanay Myrna at ang dalawa niya pang anak sa bahay. Si Papa ay may iniindang sakit kaya iba-ibang trabaho na ang aking pinasok upang masustentuhan ang pambili ng mga gamot niya. “Hindi p’wede Rasha, hindi ko iiwan si Papa. Ayokong iwanan siyang mag-isa do’n.” Napatingin ako sa kaniya nang akbayan niya ako. “Oh siya sige. Oo nga pala! Maaga ka pa bukas sa school, ‘di ba?” taas kilay niyang tanong. Tumango ako at nginitian siya. “Oo salamat Rasha dahil lagi kang nand’yan para intindihin ako.” Ngumuso siya at pinisil ang aking ilong. “Ano ka ba, wala ‘yon, tara na. Sa susunod huwag mo na akong tanggihan, huh?” Agad na niya akong hinila papunta sa hagdan. *** “Miran! Nakauwi ka na pala, anak.” Nagulat ako dahil nasa labas pa si Papa na kumakaway sa akin. “Mano po, Pa. Bakit nasa labas pa po kayo? Hindi ba ay bilin ko pong ‘wag niyo na akong hintayin, magpahinga na po kayo.” Ayokong napapagod si Papa, nakakasama sa kalusugan niya ang pagpupuyat kaya nagagalit ako kapag hindi niya ako pinapakinggan. “Anak, hindi rin naman ako makakatulog nang hindi ka pa nakakauwi.” Kinuha ni Papa ang bag ko at naglakad kami papasok sa bahay. “Pa? Masama sa kalusugan ninyo iyang pagpupuyat. Saka uminom na po ba kayo ng gamot?” “Alam mo anak, hindi ako magsasawang hintayin ka kahit anong oras pa iyan. Oh siya nga pala, kumain ka na ba?” Natikom ko ang aking bibig at naluluhang umiling sa kaniya. “Tara anak, ipinagtabi kita ng paborito mo.” Ngumiti siya sa akin at isinara ang pintuan. “Salamat Papa!” Hindi ko mapigilang yakapin siya, alam kong nahihirapan na siya pero nand’yan pa rin siya para mapag-aral ako. “Anak, may problema ba? Ba’t umiiyak ka?” Kumalas si Papa sa yakap at tinignan ako nang diretso. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Lalo lamang tumulo ang aking mga luha. “W-Wala po, Pa. Napuwing lang po kanina sa biyahe. Akyat muna po ako.” Tumango siya nang dahan-dahan. Umakyat na ako sa itaas upang makapagpalit ng damit.Dahan-dahan lamang ako sa pag-akyat dahil baka magising si Auntie Myrna. Bata pa lamang ako noong mawala si Mama kaya walang araw na hindi umiinom si Papa. Lagi siyang naglalasing ngunit unti-unti ring natigil nang makilala niya si Auntie Myrna. “Miran?” Nagmadali na akong bumaba nang marinig ko ang boses ni Papa. “Heto anak, kumain ka nang marami. Magpakabusog ka, ha?” Napangiti ako dahil sa inihapag na mga pagkain ni Papa. Lahat ay mukhang masasarap, alam kong siya ang nagluto nito dahil sa amoy pa lang ay kilala ko na. “Salamat, Pa.” Umupo na ako at masayang kumain kasama si Papa. Nakatingin lamang siya sa akin at nakawawala ng pagod ang makita ang kaniyang matatamis na ngiti. *** “Hoy, Miran! Gumising ka na d’yan ano ba?!” Napabaling-baling ako sa higaan nang may malakas na katok ang sunod-sunod na nanggaling sa pintuan. “Bumangon ka na d’yan, hindi ka prinsesa. Ipagluto mo na kami at papasok pa sila Lorraine! Hoy!” Iminulat ko ang aking mata at tuluyan nang umalis sa higaan. Nasanay na ako, ako ang laging gumagawa sa mga gawaing bahay. Maagang umaalis si Papa upang maglako ng pandesal kaya kadalasan ay hindi ko na siya naaabutan. “Miran! Hindi ka ba nakikinig, ha?” Dinig ko ang malakas na boses na mula kay Auntie Myrna. “Opo, heto na,” sagot ko pabalik. Sinimulan ko nang suklayin ang aking buhok. Ang sabi ni Papa ay hawig na hawig ko si Mama, dagdag pa ang kulay kayumanggi kong buhok. Pagbukas ko ng p***o ay bumungad sa akin ang mga damit. “Oh bakit ba ang tagal-tagal mong lumabas? Gutom na kami, papasok na ang mga anak ko! Nga pala, labhan mo rin ‘yan, ha?” Napadako ang aking tingin sa bunton ng mga damit sa sahig. Sa pagkakaalam ko ay nalabhan ko na ang iba pang marurumi. “Pero, Ma?” Hindi ko malalabhan ngayon dahil maaga rin ang pasok ko sa school. “Pupunta pa ako sa palengke para maglako ng paninda. At ano nga ang sabi mo? ‘Di ba ang bilin ko sa ‘yo... ‘wag na ‘wag mo akong tatawaging Mama?! Nasusuka ako kapag naririnig ‘yan sa ‘yo!” Napayuko ako nang duruin niya ako sa sentido. “Labhan mo ‘yan, ‘wag mong kalimutan kun’di ay malilintikan ka talaga sa ‘kin!” Nakagat ko na lang ang aking labi dahil sa tono ng pananalita niya. Masakit siyang magsalita pero para kay Papa ay titiisin ko. “O-Opo, Auntie.” Agad kong pinulot ang mga damit sa sahig nang tumalikod na siya. Mabilis akong dumeretso papunta sa hagdan. Kailangan kong bilisan dahil ayokong mahuli na naman ako sa klase. “Hoy, babae! Nasaan na ang ulam? Ma-la-late na kami ni Ate Rina, oh!” Napatigil ako nang humarang sa harapan ko si Lorraine, kasing edad ko lang siya pero kung umasta ay parang mas matanda pa sa akin. “Magluluto pa lang.” Nilagpasan ko na siya dahil nasasayang lang ang oras ko sa kaniya. Nakita ko pa ang pagkunot ng kaniyang kilay. “Hoy, lumalaban ka na ngayon, huh? Baka nakakalimutan mong palamunin ka lang dito!” Napa-irap ako dahil palagi ko na lang naririnig ang linya niyang ‘yon. Nakakasawa na. ‘Ako pa ang palamunin?’ “P’wede ba Lorraine, ang aga-aga. Sinabi na ngang magluluto pa lang,” saad ko at humakbang palayo. “Tignan mo, sumasagot ka pa!” Nabitawan ko ang mga damit nang biglaan niyang hablutin ang buhok ko. “Aray ko Lorraine, bitawan mo ‘ko!” sigaw ko sa harapan niya dahil masakit ang ginagawa niyang paghila sa akin, dagdag pa ang matatalim niyang kuko. “Ano, sino ka ngayon, huh?!” sigaw niya sa akin at humalakhak nang pagkalakas-lakas sa harapan ko. Sa sakit ay otomatikong hinablot ng aking kamay ang buhok niyang kulot. “Tama na, Lorraine. Itigil mo na ‘to!” “Ouch, ano ba bitawan mo ako!” Mas humigpit ang pagkakahawak ko dahil patuloy pa rin siya sa pagsabunot sa akin. “Bitawan mo muna ako at bibitawan din kita!” “Ayoko! Ikaw ang bumitaw! Mom?!” napatili siya nang hilahin ko ang buhok niya. “Anong nangyayari—“ narinig ko ang mga yapak nila na pababa ng hagdan. “Miran, inaaway mo na naman ang kapatid ko?!” matinis ang boses ang sumunod na narinig ko, hindi ako nagkakamali, si Rina. “Ano ba Miran? Bitawan mo ang anak ko!” Naramdaman ko ang paghawak sa aking braso. Hindi ako umimik at lalong sinabunutan si Lorraine. Siya ang nauna kaya siya ang nararapat na maunang bumitaw. “Miran bitawan mo si Lorraine! Ano ba?” hindi ako bibitaw! Naramdaman ko ang kamay ni Rina sa aking braso kaya mabilis ko siyang tinabig gamit ang isa kong kamay. Narinig ko ang mahinang pagmura niya. “Tumigil na nga kayo?!” Napapikit ako nang malakas na puwersa nila akong itinulak sa pader. Napaupo ako at dahan-dahang hinawakan ang aking ulo. Ramdam ko ang pamamanhid dahil sa higpit ng hawak kanina ni Lorraine. “Mom! Ang sakit ng ulo ko, kagagawan ‘to ng pesteng Miran na ‘yan! Palayasin niyo na kasi ‘yan!” tumingin ako kay Lorraine na panay ang pagmamaktol. “Ano bang ginagawa mong babae ka? Sinaktan mo na naman ang mga anak ko! Gusto mo bang malaman ‘to ni Romil?” Nanlilisik ang mga matang napalingon ako kay Auntie Myrna. Hindi p’wede, ayokong malaman ni Papa ang nangyayari sa akin. Makakasama lamang ‘yon sa kalusugan niya kung dadagdagan ko pa ng problema. “Oh, hindi ka na kumikibo? Ma, ano bang silbi niya? Dapat kasi hindi niyo na siya pinatuloy rito.” Napatingin ako kay Rina dahil sa hindi ko gusto ang tono niya. “Anak, hindi p’wede. Kung hindi lang nga dahil kay Romil ay matagal na ‘yang palaboy-laboy sa kalsada, t’yak na magagalit ang Papa ninyo kapag pinaalis ko ‘yang anak niya!” nakangising tugon niya sa mga anak. Hindi ako kumibo, ayokong makapagsalita ng masama dahil tiyak na sasabihin nila kay Papa. “Magluto ka na nga! Kumilos ka na d’yan!” Napapikit ako nang ihampas nila sa akin ang mga maruruming damit. Nanatili akong nakaupo hanggang sa makalayo sila sa akin. Kung sana’y may sapat akong pera para makanap ng uupahang bahay ay hindi ako magdadalawang-isip na lisanin ito.BLAMEMIRAN’S POV“Ow, dumating na pala ang peste sa bahay.” Hindi ko pinansin si Lorraine na nanunuod sa sala. Mabilis akong umakyat at isinara ang pinto ng kuwarto. Nasanay na ako sa mga parinig niya sa tuwing umuuwi ako. Ako na ang umiiwas dahil ayoko ng gulo.Matapos makapagbihis ay agad din akong bumaba. Pauwi na rin si Papa kaya makakasabay ko siyang kumain.“Mom!” Napunta ang aking atensyon sa pinto, naroon na si Papa at si Auntie Myrna.“Mano po, Pa… Aun—“ Agad akong lumapit kay Papa ngunit pagdating kay Auntie Myrna ay tinabig niya lamang ako.“Hay! Nakakapagod talaga!” Mistulang naiinitan siya at pinaypayan ang sarili.Matapos akong titigan ay nilagpasan na niya ako. Alam kong napansin ‘yon ni Papa kaya agad niya akong nilapitan.“Anak, halika… may uwi akong ulam. Tulungan mo na lang akong ihain ‘to.” Pilit akong ngumiti kay Papa na halatang pinapagaan ang loob ko.Tao rin ako kaya nasasaktan din ako sa mga kilos ma ipinapakita nila Auntie Myrna.“S-Sige, Pa.” Sumunod na a
PALAISIPANMIRAN’S POV“K-Kasal?!” Naisigaw ko at kandaugagang naibaba ang hawak kong baso.“Yes.” Tumango ito at sumimsip sa kaniyang tea.“Po? Ano po bang sinasabi ninyo?!”“Marry my son, hija. Simple as that.” Nanliit ang mga matang tinitigan ko siya.“Ma’am, hindi ko kayo kilala kaya please lang, kung mang-s-scam kayo, mamili kayo. Huwag ako.” Napapaypay ako dahil sa init na dulot ng kape.“I already told you, hija. Hindi ito scam. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap.” Lalo lamang akong naguluhan sa mga sinasabi niya.“A-Ah ma’am, sorry pero hindi ko talaga kayo maintindihan. Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako magpapakasal, wala pa po ‘yan sa bokabularyo ko.” Bahagya akong pumikit at napailing.Maya’t maya ay nagmulat na ako’t tumingin nang diretso sa kaniya. “Hindi po ako magpapakasal sa hindi ko naman kilala at lalong hindi sa taong hindi ko naman mahal.” Tumayo na ako sa kinauupuan at tinalikuran siya upang makalabas na. Ngunit sandali akong napatigil sa paghakbang nang
OFFERMIRAN’S POVHindi ako kumibo hanggang sa makalapit siya. Humigpit ang aking hawak sa box nang dumako ang kaniyang mga mata mula sa aking paa paakyat sa ulo. Tila ba pinag-aaralan niya.“What did she do to you?” Nilingon niya ang babae na agad namang lumapit sa kaniya. Muntik ako mapaubo nang lumingkis ito sa braso niya. They related to each other, huh?“Zair, that stupid girl hurt me bad!” Ngumuso ito na parang ako ang may kasalanan ng lahat.“Merriz, let’s go. Students, go back to your respective rooms, now!”“What? No, Zair. I want you to punish her, right away!” Nagpupumilit na pakiusap ng babaeng nagngangalang Merriz.“No, she’s not student here and ayokong nakikipag-away ka.” Natutop ni Merriz ang kaniyang bibig at muling tumingin sa akin nang masama. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha at tulad ng kay Lorraine ay alam kong galit na ‘to.“Leave before I do something to you!” Diin niyang tugon sa akin.Napangisi ako at napabuga ng hangin. “Tumiklop ka ‘ata at nagtatago sa
UNANG TAGPOMIRAN’S POVMatapos kong lutuin ang pang-almusal ay nilabhan ko na ang mga damit. Iniiwasan kong ma-late dahil baka mawala sa akin ang scholarship.“Lorraine, Rina! Tara na, bumaba na kayo d’yan!” dinig na dinig ko ang boses ni Auntie Myrna sa labas habang narito ako sa banyo. Tapos na akong maglaba kaya maliligo na ako.“Hoy Miran, i-lock mo ang pinto, ha? Aalis na kami,” bilin ni Auntie at sunod-sunod na yapak ang aking narinig palabas ng bahay. Malakas na bumusina ang taxi, hudyat na nakaalis na sila.Hindi rin naman ako nagtagal sa banyo dahil ilang minuto na lang ay masasaraduhan na ako ng gate sa school.“Ayan ayos na!” Napangiti ako sa harap ng salamin nang matapos kong suklayin ang aking kayumangging buhok.“Sa school po, manong.” Agad akong sumakay sa taxi nang pumarada na ito sa harapan ko. May kamahalan nga lang ang pamasahe kaya minsan ay sa tricycle lang ako sumasakay. Pero dahil malayo-layo at late na ako ay kailangan ko nang mag-taxi.“Salamat po!” Tarantang
MIRAN’S POVNakatingin ako sa mga sasakyang mabilis na umaandar. Narito ako sa itaas ng building kung saan ako nagta-trabaho. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagkukuminang sa kalangitan. Napagdesisyunan kong pumunta rito na araw-araw namang ginagawa upang magpahangin. Tapos na rin ang oras ng trabaho ko kaya p’wede na rin akong umuwi.“Miran!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Rasha. Siya ang unang naging kaibigan ko rito. Kami ang nagde-deliver sa mga gamit na ino-order mula sa iba’t ibang online shop. Mag-aapat na buwan na ako rito kaya kahit papaano ay nasanay na ako sa trabahong ito.“Oh Rasha, uuwi ka na ba?” Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko.“Alam mo Miran, samahan mo na lang ako. Kumain tayo sa labas,” saad niya.“A-Ah Rasha, hindi muna ako makakasama. Alam mo na?” tinignan ko siyang diretso at kita ko ang pag-irap niya sa ere.“Miran, saglit lang naman tayo. Kung nag-aalala ka sa sasabihin na naman ng nanay-nanayan mo, p’we


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




