Share

Chapter 5

Author: AILEEN
last update Last Updated: 2025-05-06 09:41:05

Pagkapatak ng alas-singko ay dali-daling nagligpit ng gamit si Abraham para umuwi na. Inatasan na lang niya ang sekretarya niya na i-email sa kanya kung sakali mang may nakalimutan siyang gawin.

Dumaan muna siya sa supermarket para bumili ng mga rekados na gagamitin niya sa pagluluto mamaya. Sisiguraduhin niyang sasarapan niya ang luto dahil ayaw niyang biguin ang inaanak. He wants her to be proud of him; to brag him to her friend.

Habang pumipila para magbayad ay nakatanggap siya ng text sa kaibigang si Joseph; nangangamusta at gustong makipagkita pero tinanggihan niya at sinabihang sa susunod na lang.

Nang makarating siya sa bahay niya ay hindi na siya nagsayang pa ng oras at nagsimula nang maghanda. Inalis niya lang ang coat niya at tinupi ang sleeves ng puting long sleeves niya hanggang sa kanyang siko at inalis ang unang tatlong butones nito saka siya nagsuot ng itim na apron.

Habang naghihiwa ng mga sangkap ay tinawagan niya ang inaanak.

“Yes, ninong?” sagot nito mula sa kabilang linya.

“Anong oras pupunta ang kaibigan mo?”

“Sasabay na po siya sa akin. We’ll be there around 7:00 PM po.”

“Okay,” aniya at pinatay na ang tawag at nagpatuloy sa ginagawa.

Lumipas ang ilang minuto. Tagaktak na ang pawis ni Abraham dahil sa init mula sa niluluto niya. Gusto niya pa sanang magbihis pero baka matagalan lang siya. Naghahabol pa naman siya ng oras. Gusto niya kasing maihain na ang mga pagkain bago pa man makarating ang mga bisita niya.

At mukhang nakiayon sa kanya ang panahon dahil nag-text si Yvonne na baka ma-late sila ng dating dahil traffic.

Nang matapos siyang magluto ay inihanda na niya ang mesa. Nag-set up na rin siya ng mga plato at baso pati na rin ng isang bote ng champagne na siyang babagay sa niluto niyang grilled lobster, lobster bisque, at seafood pasta. Pagkatapos ay tinakpan niya muna ito saka siya umakyat sa kwarto niya para magbihis.

Nag-half bath muna siya para matanggal ang amoy ng pawis at maging presko ang kanyang hitsura. Pagkatapos ay nagsuot lang siya ng navy blue long-sleeved polo na ipinares niya sa khaki trousers at brown leather shoes. Nag-spray rin siya ng kakaunting perfume at nagsuot ng silver Rolex watch.

Saktong-sakto ang pagbaba niya ay tumawag na ang inaanak niya na malapit na sila, kaya naman ay naghanda na siya. Tumambay siya sa living room at hinintay ang pagdating nila.

Maya-maya pa’y nakarinig na siya ng busina ng sasakyan kaya lumabas na siya para pagbuksan sila ng gate.

Hinintay niyang makababa ang mga ito. Pero natigilan siya nang makitang isang binata ang unang bumaba at pinagbuksan ng pinto si Yvonne. Kita niya pa ang tinginan ng dalawa bago bumaling ang mga ito sa kanya. Ikatlong lumabas ay ang isang matangkad at morenang babae na tila may dugong Latina.

“Ninong, this is—” Hindi pa man natatapos ni Yvonne ang sasabihin niya ay sumingit na ang babae.

“Hi, Mr. Abraham...” nakangiting bati nito. “My name’s Charity, but you can call me Cha," matamis na pagpapakilala nito.

Pansin na pansin ni Abraham ang titig nito sa kanya pero binalewala niya lang ito saka tinanggap ang kamay.

“Nice meeting you, Charity.”

Rinig niya ang pag-igik ng babae bago nito binawi ang kamay.

Binalingan niya ng atensyon ang lalaking kasama ni Yvonne.

“And you are?”

“O-Oh...” Dali-daling inilahad ng binata ang kamay. “Brent, sir. It’s nice to meet you po.”

“Brent...” Tumango-tango siya. “Nice meeting you. I didn’t know Yvonne had a male friend,” dagdag niya pa saka bumaling sa inaanak.

“Oh, he’s not my friend, ninong...” sabat ni Yvonne saka matamis na ngumiti sa kanya. “Brent... is my boyfriend.”

Tila natigilan si Abraham sa narinig. May kung anong inis at pagkadismaya siyang naramdaman lalo na nang makita niya kung paano maghawak-kamay ang dalawa.

Alam niyang hindi niya dapat ito nararamdaman, pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Hindi niya mapigilang magselos kahit na alam naman niyang wala siyang karapatan. Dama niya ang mumunting kurot sa dibdib niya habang nakatingin sa dalawa.

Pakiramdam niya’y nasayang lang ang preparasyon niya.

Akala niya masosorpresa niya si Yvonne, pero siya pala itong nasorpresa.

Fuck.

**

“Did you like the food?” tanong ni Abraham sa mga bisita nang matapos silang kumain.

Hindi niya sana gustong sabayan ang mga ito na mag-dinner, pero ano naman ang magiging rason niya—na nagseselos siya?

Kahit na kay sakit na ng mga mata niya dahil kitang-kita niya kung paano maglampungan si Yvonne at Brent, ay tiniis niya ito at nagkunwari pang masaya para sa dalawa. He has to. Alangan namang mag-drama siya, eh ano bang posisyon niya sa buhay ng dalaga?

Ninong. Ninong lang siya.

Nakakainis mang isipin, pero hanggang doon lang siya sa buhay ni Yvonne. Mabuti na rin siguro na may nobyo ang dalaga at nang magkaroon na siya ng rason para pigilan ang sarili niya; para tuluyang umiwas. Dahil alam niyang walang magandang maidudulot sa kanya kung ipagpapatuloy niya pa ang pagnanása sa dalaga.

“Ang sarap, Mr. Abraham. ..” Napatingin siya kay Charity nang magsalita ito. Malamyos at mapang-akit ang tono nito. Ngumisi ito sa kanya nang magtagpo ang kanilang mga mata. “Sobrang sarap po. Ang galing mo,” dagdag nito at kinagat ang ibabang labi.

“Thank you,” kaswal niyang tugon. He knows what Charity is trying to do—alam niyang nilalandi siya nito.

But it won’t work on him. Wala siyang ni katiting na interes sa dalaga, dahil hindi niya gusto ang mga tipo nito. At isa pa, hindi siya mahilig sa bata... maliban na lang kay Yvonne. She’s an exception. There’s just something in her that makes him want her.

“I told you, my ninong is a good cook,” segunda ni Yvonne at nakangiting tumingin kay Abraham. “Ayaw n’yo kasing maniwala.”

“A husband material,” sabat ni Charity saka tumitig sa kanya. “Ideal husband ka po talaga, Mr. Abraham. Kung magpapatali man ako sa lalaki in the future, gusto ko kagaya mo—o ikaw na lang,” hirit nito at humagikhik.

“Cha...” saway ni Yvonne.

Ngumisi lang si Abraham sa dalaga. Kahit anong paglalandi ang gawin nito ay hindi ito gagana sa kanya. Wala siyang interes sa ibang babae kundi kay Yvonne lang. Hindi niya rin alam kung bakit. Hindi niya rin alam kung ano ba ang nararamdaman niya... may gusto ba talaga siya sa dalaga o nag-iinit lang.

“I think I have to start learning how to cook now,” pagsali ni Brent sa usapan kaya napatingin si Abraham dito. “Yvonne seems to be really fond of you, Mr. Abraham, and now I know why.”

Ngumiti lang siya sa binata kahit na kanina niya pa ito gustong pauwiin.

“Well, you got a very long way to go dahil rice nga hindi ka pa marunong,” nakangising sabi ni Yvonne sa nobyo at tumawa.

Napamura na lang sa kanyang isipan si Abraham habang pinagmamasdan ang kulitan ng dalawa. Kumikibot-kibot na ang ugat sa kanyang ulo pero kinokontrol niya lang ang inis na nararamdaman.

“If you’re done eating, you can stay in the living room while I clean here,” sabi na lang niya at nang maitaboy na niya ang mga ito, lalo na si Brent. Ang lakas ng loob na landi-landiin si Yvonne sa harapan niya. At ito namang inaanak niya, gustong-gusto rin.

“I can stay here! I’m good at chores!" tugon ni Charity, at mabilis itong nilapitan ni Yvonne at hinila palabas ng kusina. Nagpumiglas pa ito pero wala na itong nagawa dahil sumali na rin si Brent sa paghila rito.

Maglilinis na sana siya nang bumalik si Yvonne.

“Ninong, tulungan na po kita.”

Tumingin siya rito. “Alam mo ba paano maglinis?” may pang-aasar niyang tugon.

“Of course. Ate Selina taught me,” mabilis nitong sabi.

“Ate Selina?”

“She’s our helper. She was the one who took care of me most of my life,” nakangiting sagot nito. “She taught me basic chores para daw hindi ako iwan ng magiging husband ko in the future,” dagdag pa nito. “Pero kung may hindi talaga ako kayang gawin, that’s cooking good food.”

“Ako nang bahala roon,” biglaang sagot niya sa inaanak. Namilog ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang nasabi, kaya bago pa man makapagsalita ang dalaga ay inunahan na niya ito. “I’ll teach you how to cook. Maybe hindi para sa ’yo ang methods na itinuro ng Ate Selina mo.”

“Really, ninong?” Nagliwanag ang mukha ng dalaga kasabay ng pagsilay ng sabik na ngiti nito.

“Yeah. But during on my free time only. I’ll tell you in advance kung anong araw at oras ako bakante,” sabi niya rito. “Sige na, let’s clean this up at nang makabalik ka na sa mga bisita mo.”

Tumango lang ang dalaga saka sila nagsimulang maglinis.

“Ninong, okay lang ba na bumisita rito si Brent from time to time?” biglaang pagsasalita ni Yvonne.

Hindi agad nakasagot si Abraham. He’s against the idea. Pero ano namang sasabihin niyang rason sa dalaga? Wala.

“Okay. As long as I’m here,” sabi niya na lang, hindi lang para ma-monitor ang galaw ni Brent kundi para makasiguradong walang kababalaghang mangyayari sa pamamahay niya. Kung may mangyayari mang gano’n, it should be between him and Yvonne.

“Yes po, ninong. Mahilig kasi bumisita si Brent.”

“Okay, that’s fine with me,” aniya habang nagpupunas ng mesa.

“Thank you po!” natutuwang saad ng dalaga bago siya nito niyakap mula sa kanyang likod.

Natuod si Abraham sa kinatatayuan. Damang-dama niya ang malusog na dibdib ng dalaga sa kanyang likod. May kung anong kiliti itong hatid sa kanyang katawan na siyang pumukaw sa natutulog niyang pagkalaláki.

Shit.

Huminga siya nang malalim para kontrolin ang sarili. Mabuti na lang ay agad na kumalas ang dalaga.

“We’re almost done. Bumalik ka na sa mga bisita mo at ako na ang tatapos dito,” pasimpleng pagtataboy niya dahil baka kung ano pang maisip niyang gawin sa dalaga.

“Okay po. Thank you ulit!”

Nang makalabas si Yvonne ay napabuga na lang siya ng hangin. Hindi niya maintindihan kung bakit nang malaman niyang may boyfriend na ito ay mas lalo lamang sumidhi ang kagustuhan niyang maangkin ito.

Wala siyang pakialam kahit pa... pagmamay-ari na ito ng iba.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TEMPTATION WITH MY NINONG   Chapter 92

    Mariing kinagat ni Abraham ang labi niya, sabay tulak ng upuan padikit sa lamesa niya para mas maitago niya pa si Yvonne."You don't have to love me, Abraham, para magawa natin 'yon. All you have to do is—""Oh, God!" Hindi niya napigilan ang pag-ungol kasabay ng pag-ikot ng mata niya nang maramdaman ang sagad na pagsubo ng dalaga sa alaga niya. Damang-dama niya ang dulas at kipot ng mainit nitong lalamunan. Pero nang mapagtanto niya ang nagawa ay agad niya itong binawi. "God, Astrid! Bakit ba hindi mo pa rin matanggap na hindi kita gusto? At kahit pa i ah lay mo ang katawan mo sa akin, I still won't do it. Fuck!""Abraham—""Don't come near me!" tarantang pigil niya rito at itinapat ang kamay sa direksyon nito. "B-Busy ako, Astrid. Please lang. Matulog ka na.""Abraham...""I said, no!" singhal niya rito. Naghalo-halo na ang kaba, prustrasyon, at libog sa sistema niya. Hindi na niya alam ang gagawin. "Just leave, Astrid. Please la—ah—ng..." Halos matupi ang katawan niya sa sarap na n

  • TEMPTATION WITH MY NINONG   Chapter 91

    Nakatitig lang si Abraham sa screen ng laptop niya. Tanging ang ilaw ng maliit na lampshade at sa screen ng laptop ang pinagmumulan ng liwanag sa paligid. Tinatapos niya ang mga dokumentong hindi niya nagawang tapusin sa opisina kanina.At habang nagtatrabaho ay hindi niya mapigilang mapailing habang iniisip ang nangyari kanina sa kusina. They were almost caught. Halos manghina ang mga tuhod niya dahil sa labis na kaba, but he couldn't control himself anymore. He's been dying to fùck Yvonne again. Walang oras na lumipas na hindi niya inasam na malasap ang katawan nito. Pero kailangan niyang manindigan sa desisyon niya.Napabuga na lang siya ng hangin at pilit na itinuon ang focus sa ginagawa. Inayos niya ang pagkakaupo at nag-unat ng katawan, pero laking gulat niya nang may humagid sa balikat niya pababa sa kanyang dibdib."Ninong..."Muling lumapit sa kanya sabay sukbit ng magkabilang braso nito sa kanyang balikat."Yvonne, please, tumigil ka na—" Hindi niya natapos ang sinasabi dahi

  • TEMPTATION WITH MY NINONG   Chapter 90

    Pagkatapos niyang iligpit ang pinagkainan nila at linisan ang mesa ay hinarap na niya ang mga hugasin. Kinuha niya ang nakasabit na apron at pinunos ang buhok saka isa-isang nilinis ang mga hugasin.Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang ginagawa ay biglang dumating si Abraham. "What are you doing?""Naghuhugas," tipid niyang sagot."You shouldn't have done that. Give it to me, ako na," saad nito at sinubukang agawin ang sponge sa kanya. "You go upstairs and rest.""Ang dami nito, Ninong," aniya. "At isa pa, hindi ba't inayos mo pa ang kama ni Astrid?" tanong niya. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag nang mapag-alaman niyang sa hiwalay na kwarto matutulog ang babae."Tapos na.""Nasaan siya ngayon?""In her room, probably taking a bath," sagot nito at inagaw na sa kanya ang sponge at ito na ang naghugas ng pinggan. "Sige na, umakyat ka na at magpahinga.""I want to stay here with you," nakangiting sabi niya saka umupo sa gilid ng lababo para pagmasdan itong maghugas ng pingg

  • TEMPTATION WITH MY NINONG   Chapter 89

    Nagsuot si Yvonne ng manipis na kulay pink na spaghetti at ipinares niya sa maikling kulay puting cotton shorts. Sinadya niya talaga iyon. Litaw na litaw ang mala-gatas niyang kutis dahil bumagay sa kanya ang kulay ng suot niya. Bakat na bakat din ang kanyang utong dahil sinadya niyang 'wag magsuot ng bra o kahit nipple tape man lang. Wala siyang pakialam kung makita man siya ni Astrid.Pagkababa niya ay napataas ang isang kilay niya nang makita ang dalawa na nagtutulungan sa paghahanda ng lamesa. Kay tamis pa ng ngiti ng babae habang patingin-tingin sa Ninong niya.Naningkit ang kanyang mga mata. Gusto niya itong hilain palayo kay Abraham, pero pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil siya lang din naman ang maagrabiyado. Astrid is his fiancée, while she's just his fuck buddy.Sinadya niyang tumikhim para ipaalam sa dalawa ang presensya niya. Pansin niya agad ang pagsipat sa kanya ng tingin ni Astrid. Kitang-kita niya kung paano gumala ang mga mata nito mula ulo hanggang paa niya.

  • TEMPTATION WITH MY NINONG   Chapter 88

    Alam ni Abraham sa sarili niya na may nararamdaman na siya sa ina-anak na higit pa sa inaasahan niya, pero kailangan niyang magpigil. He has to set it aside or his plans will all crumble to dust. He cannot go after Yvonne. He cannot listen to his urges and desire or else it will only lead him to his demise.Kaya kahit mahirap, kahit halos mabaliw na sa kakapigil sa sarili niya, ay gagawin niya. He has to put an end to everything and reset. Wala na siyang pakialam kung maging masama siya sa tingin ng karamihan. Mas mahalaga sa kanya na magtagumpay ang plano niya at patunayan hindi lang sa namayapang ama na magaling siya kundi pati na rin sa mga Aguilerra. Gusto niyang isampal sa mga pagmumukha nito na isang malaking pagkakamali na minaliit siya ng mga ito.Alam niya sa sarili niyang kaya siya tinutulungan ng ama ni Astrid ay dahil alam nitong hindi siya magiging banta sa negosyo nito, na hindi siya nito magiging kakompetensya. Kaya naman hindi na siya makapaghintay na gulatin ito. Hind

  • TEMPTATION WITH MY NINONG   Chapter 87

    “Should we go and buy a new bed for us, Abraham?”Napataas ang kilay ni Abraham nang marinig ang sinabi ni Astrid. Nang balingan niya ito ay bakas sa mukha nito ang kasabikan, nagniningning ang mga mata at kay lapad ng ngisi.“Astrid…” Hinilot niya ang sintido niya para pakalmahin ang sarili.Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang inis niya sa pagdedesisyon nito nang hindi man lang siya kinokonsulta.“I may have agreed that we live under the same roof, but it doesn’t mean we’ll sleep together,” mahinang sagot niya. Sinadya niyang hinaan ang boses upang hindi marinig ni Tina ang usapan nila. “You’ll sleep in another room.”Kita niya ang pagtutol sa mukha ng babae, pero hindi nito magawang magpumilit dahil may makakarinig ng pagbabago ng usapan nila.He knows damn well that Astrid doesn't want her image to be tarnished.“Kung gano’n nga, ano pang rason na nakatira tayo sa isang bahay?”“Exactly my point,” walang pakialam niyang sagot at ibinalik sa ginagawa ang atensyon. “You can

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status