Share

KABANATA 10

PARIS, Hôtel Le Walt

PAGKAPASOK pa lang ni Samarra sa kuwartong okupado niya sa Hôtel Le Walt, Paris. Kaagad niyang isinara ang pinto at ini-lock. Ang suot niyang makapal black fur hooded coat ay hinubad niya at inilapag sa handle ng maleta kasama ang black leather gloves niya.

Habang naglalakad pahayon sa kama ay isa-isa niyang inalis ang mga alahas na suot niya. Ang pares na white gold na hikaw ay inilagay niya sa ibabaw ng nightstand na nasa gilid ng kama niya. Inalis niya rin ang necklace na may sun design at relo na pawang bigay ni Ezekiel ayon sa mommy niya.

Umupo siya sa malaki at malambot na kama kapagkuwan ay hinubad niya ang suot niyang boots na hanggang tuhod ang haba. Sinunod niya rin na hinubad ang pants na maong at turtle neck na black long-sleeved. Tanging lace na bra at underwear lang itinira niya sa katawan. Gustuhin man niyang maligo para maibsan ang panlalagkit ng pakiramdam niya ay parang gusto niya munang ilapat ang likuran sa kama. Halos eighteen hours ang naging
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status