Share

KABANATA 16

TULUYANG NAGISING ang diwa ni Samarra, pero sa halip na imulat ang mga mata para magising ng tuluyan, mas pinili pa niyang ipikit nang mariin ang mga mata. Pakiramdam niya sobrang antok na antok siya at pagod na pagod sa hindi malaman na dahilan. Ang gusto niya lang mahiga sa malambot na kama katulad ng hinihigaan niya ngayon.

Kama?

Nang maalala na nakatulog siya sa kotse ay ganoon na lang kabilis niyang iminulat ang mga mata. Napabalikwas pa siya ng bangon mula sa pagkakahiga. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kuwarto.

Isang old Spanish type ang kuwarto na may pagka-modern and rustic ang pagkakadesenyo. Nakahawi ang malaki at makapal na kurtina sa may balkonahe kaya pumapasok ang liwanag sa kuwarto kahit na nakasarado ang pinto noon. Wala siyang ideya kung nasaan siya ngayon dahil bago lahat sa paningin niya ang nakikita niya.

Umupo siya at isinandal ang likuran sa malabot na headboard.

Nakasuot pa rin siya na white dress, ngunit wala na ang suot niyang flat sandals
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status