共有

KABANATA 24

作者: Mhiekyezha
last update 最終更新日: 2023-07-01 22:29:28

Natulala na lang si Zachary sa kaniyang kinauupuan sa kawalan ng maisasagot kay Samarra. Maang lang siya na nakatingin dito lalo na ng tumayo ito sa harapan niya. Wala na siyang naiintindihan sa sinasabi nito dahil buong sistema ata niya nawala bigla ng sinadya ni Samarra na idikit ang labi sa tainga niya. Tila bang nalunon na niya ang sariling dila at hindi man lang niya nagawang makapagsalita. Hanggang sa makaalis ito sa kaniyang harapan. Gusto man niya na habulin ito ng tingin ay hindi niya magawa. Para bang pati ata leeg niya nanigas sa hindi niya malaman na dahilan.

Kung dahil ba sa ginawa ni Samarra sa kaniya o dahil hanggang ngayon ay ninanamnam pa rin niya ang amoy na naiwan nito na tila nakapagkit na sa katinuan niya?

Hindi niya sukat akalain na bukod sa ama niyang si Calvin Buenavista ay may isa pang tao na kayang panginigin ang tuhod niya sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi niya napaghandaan si Samarra. Hindi niya alam na may itinatago itong katarayan na para bang kayan
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- OFFICIALLY STARTED

    Naniningkit at patalim nang patalim ang tingin ni Samarra kay Zachary. Nakapaling ang ulo ng asawa sa may gawing bintana na hindi niya alam kung nagagandahan ba talaga ito sa mga tanawin na nakikita o sadyang iniiwasan lang nito na mapatingin sa kaniya.Kasalukuyan na nilang binabaybay ang mahabang daan sa villa escaler patungo sa Phase V ang Mistletoe Village. Exclusive lang iyon sa mga kaibigan ng anak ng may-ari ng Villa Escaler katulad ni Zachary.Tumikhim siya nang may lakasan, pero parang walang naririnig ang asawa niya. Nanggigigil na umisod siya palapit sa asawa, pero tila sinasadya nitong hindi siya pansinin.Tumingin muna siya sa driver na nagkataon na tumingin din ito sa rear-view mirror.Ngumiti siya at pilit na pinapakalma ang sarili.Gustong-gusto na niyang kastiguhin ang asawa dahil sa mga pinagsasabi nito sa magulang nito tungkol sa hindi "nila." Take note, "nila.” Talagang dinamay pa siya nito sa kalokohan na pinagsasabi nito! Hindi nila kailangan ng kasambahay sa mag

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- PRETEND

    Kanina pa pinagmamasdan ni Samarra ang asawa na nasa tabi niya, pero tila nililipad ng hangin ang isip nito kung saan. Tahimik na tahimik lang ito at parang hindi mapakali dahil mayamaya ang pagtipa nito sa cellphone. Hindi niya tiyak kung sino ang kausap nito sa cellphone dahil parang binigyan lang ata ng problema ang asawa niya.Nang makarating sila sa Buenavista Resort, nakatanggap ito ng tawag. Nagpaalam pa ito sa kaniya na sasagutin ang tawag, kaya hinayaan lang din naman niya dahil baka nga important iyon. Ang buong akala niya ay sa tabi niya sasagutin ang tawag nito, pero laking gulat niya na lumayo pa ito sa kaniya.Napakunot-noo si Samarra habang nakatingin kay Zachary na naglalakad palayo sa kaniya.Ganoon ba iyon ka-importante at ka-private para hindi niya marinig?Gusto man pagdudahan ni Samarra ang ginawa ng asawa ay hinayaan na lang niya.“Let’s go, love,” kaagad na wika ni Zachary ng bumalik ito matapos ang ilang minuto na pakikipag-usap sa cellphone kung sino man i

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- KISS

    Ang isang linggo na bakasyon na plano nila sa Isla ay tinapos din kaagad ni Zachary. Ayaw nitong mag-take ng risk kung sakali man na umulan ulit mamaya katulad kahapon. Katwiran nito, hindi nila pareho kabisado ang Isla at kahit na maganda ang panahon ngayon ay wala rin kasiguraduhan na hindi uulan. Ayaw pa man umuwi ni Samarra ay wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa desisyon ni Zachary. Pakiramdam niya, mas parang nagka-trauma pa ata si Zachary kaysa sa kaniya. Hinayaan na lang niya ito na magligpit ng kanilang gamit at magligpit ng mga kalat habang siya ay nasa balkonahe para pagsawain ang mga mata sa mala-crystal beach ng Isla.Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas. Maganda kung itinuloy nila ni Zachary ang unang plano nila na mag-island hopping at doon na rin sa yacht magpalipas ng gabi. Kung sakaling matuloy iyon, siya na ata ang pinakamasayang babae. Naranasan naman niya ang mag-island hopping sa Hawaii at maglibot sa dagat gamit ang malaking yate na pagmama

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2-SHOWER

    Pareho pa nilang habol ang kanilang paghinga matapos ang mapugtong halik na binigay ni Zachary sa kaniya. Itinukod niya kaagad ang dalawang kamay sa malapad na dibdib nito para magkaroon nang kaunting espasyo sa pagitan nilang dalawa.Si Zachary na yakap-yakap pa rin siya at mas lalo siyang hinapit. Naramdaman niya ang masuyong paghalik nito sa ulo niya kahit na marahas pa rin ang paghinga nito. Nang umangat ang kamay nito mula sa baywang niya pataas. Kaagad niyang pinigil ito ang mga kamay nito.“M-masakit pa ang katawan ko,” naaalarma na wika niya. Yumuko siya kaya ang labi ng asawa na sasalubong sa labi niya ay sa ilong niya tumama.Lumayo ito nang kaunti kaya napaangat ang tingin niya. Naniningkit ang mga mata nito na para bang hindi nito na-gets ang sinabi niya."Pardon?""Sabi ko, masakit ang buong katawan ko dahil sa ginawa mo kagabi," halos pabulong na lang niya ang huling salita. Nakakahiya man sabihin iyon pero kailangan. Kung hindi baka malumpo na siya ng asawa. Nanghihina

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- ASSUMING

    NAGISING si Samarra sa masarap at mabango na aroma ng kape na nanunuot sa ilong niya. Wala na siyang katabi at mataas na rin ang sikat ng araw nang matanaw niya sa labas ng bintana. Tila nagdahilan lang ang langit kahapon dahil kung kahapon ay halos walang tigil ang pag-ulan. Ngayon naman ay sobrang tirik ang araw. Tila bang hindi umulan kahapon kasi kay ganda talaga ng panahon ngayon. Nakasuot na rin siya nang maayos na damit at boxer short ni Zachary kaya marahil hindi niya ramdam ang lamig sa buong kwarto. Hindi niya alam kung anong oras siya iniahon ni Zachary sa bathtub kagabi. Marahil sa sobrang pagod at antok na nararamdaman niya kaya hindi na niya namalayan ang lahat. Tumagilid siya ng higa at doon niya nakita sa ibabaw ng nightstand ang isang tasa na umuusok pa. Kaagad na kumalam ang sikmura niya. "Good morning, my gorgeous and lovely wifey." Nakatapis lang ng twalya si Zachary nang magsalita mula sa likuran niya. Kalalabas lang nito ng banyo at may hawak pa ng isang malii

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- SLEEP

    Hindi maipaliwanag ni Zachary ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Para siyang nakalutang sa cloud nine habang yakap-yakap niya ang hubad na katawan ni Samarra.Mahimbing ito na natutulog sa dibdib niya habang siya naman ay hindi dalawin ng antok.Halos dalawang oras na ata siyang nakatitig sa magandang mukha ng asawa habang nakatakip sa hubad nilang katawan ang kumot na puti kung saan may tuyong marka ng pagkabirhen nito.Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari ang lahat ng iyon sa kanila. Binigay ng asawa niya ang isang regalo na kailan man walang makakatumbas na kahit sino. Hindi niya alam kung bakit parang napakaemosyonal niya habang pinagmamasdan ang asawa.Buong buhay niya mula sa magulang hanggang sa dating nobya niyang si Claudel. Palagi siyang nakakaramdam ng kakulangan. Para siyang bata na naghahanap ng palagi ng kalinga.Tanging kay Samarra lang niya naramdaman ang kapanatagan. Kahit simpleng hawak lang nito sa mga kamay niya. Alam niya ito 'yong babae na hindi

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status