Pagkalabas ni Althea sa kwarto ni Giovanni ay agad siyang dumiretso sa may pinto palabas.“Aalis ka na agad?” Nagtatakang humabol si Arturo. Wala pa kasing limang minuto sa loob si Althea. He thought they would talk longer, and Giovanni might invite Althea to eat dinner together. Kahapon nya pa ito gustong makita di ba?“Busy po kasi si sir Giovanni. Ayoko siyang maistorbo, kaya aalis na po ako." Halata ang pagmamadali sa boses nito, hindi dahil gusto na niyang umalis, kundi dahil mukhang naiiyak na ito. Kaya ng makita iyon ni Arturo ay hindi na niya pinigilan pa si Althea.Nang makaalis na si Althea ay napabuntong hininga nalang ang matanda. Ilang minuto lang din pagkatapos nitong umalis ay dumating naman si Oscar. He's here to give the documents his boss needs to check.Pagkalipas naman ng halos labing limang minuto ay lumabas na ng kwarto si Giovanni para kumain.“Namumula ang mga mata ni Althea ng lumabas sa kwarto mo kanina. Siguradong umiiyak iyon ngayon sa unit nya." Umiiling n
Buong maghapon na nasira ang mood ni Althea dahil sa bagay na ipinaalam sa kanya ng mga pulis. Mukhang desperado ang pamilya Mendoza na palabasin na may sakit sa pag-iisip ang anak nila para matakasan ang mga kasalanang ginawa nito. Tapos inaako pa ng kasabwat ni Iris na siya ang may pakana ng lahat. Ayon sa mga pulis ay totoong magkaibigan ang dalawa, at mukhang may gusto ito kay Iris kaya posibleng may katotohanan na ginawa niyang lahat iyon ng kusa at hindi inutusan ni Iris. Bukod pa roon sa chat history nila ay walang kahit na anong pag-uusap tungkol sa kidnapping at wala ring money transfer na nangyari. But despite all that, malakas pa din naman ang kaso laban sa dalawa. Tanging problema lang ay kapag napatunayan ngang may sayad si Iris.Ang tanging pag-asa nalang ni Althea ngayon ay ang mga cctv recordings na ipinangako ni Hendrix. Kapag narinig ng nga pulis ang lahat ng nga sinabi ni Iris sa kanya, malalaman ng mga ito na hindi naman talaga ito nababaliw. Iris was fully aware
Sa tuwing tinatawag siyang Mr. Buenaventura ni Althea nitong nagdaan para inisin ay totoong nasasaktan at apektado siya, pero mas doble na ang sakit ngayon sa puso niya, because for her, he's simply just Mr. Buenaventura now and nothing more. Annulled na ang kasal nila. Ang tanging bagay na nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Althea. “I won’t get married again, and I won’t find another woman… kahit ganito ang kinahantungan ng lahat... I still love—” “Kung yan ang plano mo, wala na akong magagawa.” Althea interrupted him. “From now on, you’re free, at ganun din ako. Let’s wish each other happiness, Mr. Buenaventura." “Happiness? Who are you going to be happy with?” Matapos niyang sabihin iyon ay agad na pumasok sa isipan ni Hendrix si Giovanni. Sa lalaking iyon ba hahanapin ni Althea ngayon ang kaligayahang nabigo siyang ibigay? “Can’t I just be free and happy on my own?” Sagot ni Althea rito. Nakahinga ng maluwag si Hendrix sa narinig niya. “Talaga? You plan to stay single and neve
Nang sabihin iyon ni Lucy ay hindi na nagulat pa si Althea. She had expected it the moment Hendrix held her hand last night.“Here, basahin mo." Inabot sa kanya ni Lucy ang cellphone. Pinahinaan muna ni Althea ang apoy sa niluluto niya bago kinuha ang cellphone ng kaibigan. Sa maiksing text message ni Hendrix nakasaad na si Althea na ang pumili ng araw at oras kung kailan sila pupunta sa RTC. Nakasaad din na ipapadala niya ang compensation money na napag-usapan nila ng ina ni Hendrix sa bank account niya.Napasinghap si Althea ng maalala niya ang compensation money para sa annulment. Hiningi niya iyon out of anger and pain sa ina ni Hendrix, pero ngayong maayos nilang gagawin ang annulment, she doesn't feel the need to accept it.Sasabihin na sana niya kay Lucy na sabihin kay Hendrix na huwag ng ibigay ang compensation money at magkita nalang sila bukas ng alas dies ng umaga sa RTC ng biglang tumunog ang cellphone niya. She checked it at notification iyon mula sa banko na may 150 mil
Alas dos na ng madaling araw, hawak pa din ni Hendrix ang kamay ni Althea. Sa mahabang oras na lumipas, puro panghihinayang ang nasa puso at isipan niya. He wished so badly he could go back to the past. He wished he could rewind the time. Tanging hinihingi lang niya ay isang pagkakataon, and he will not make the same mistake again. Kung maibabalik lang ang araw na ipinakilala sa kanya ni Joseph si Iris, hinding hindi niya ito bibigyan ng pansin. No, he will not make a business collaboration with the Mendoza at all. Just that moment. Iyon lang ang hinihingi niya. Iyon lang ang pinagdarasal niya. Pero kahit ilang ulit niyang isipin, kahit ilang beses niyang hilingin, he can't go back to that moment anymore. The night felt long, kung hindi panghihinayang ang lumalamon sa katinuan niya, mga ala-ala nila ni Althea naman ang dumudurog sa kanya. He remembered the first time he saw her. She was wearing their school uniform, her hair tied in a high ponytail, and she was smiling while tal
“Ahhh! Let go of me!” Sunod ay boses naman ni Iris ang umalingawngaw sa paligid at bigla nalang nagliwanag ang paligid. May mga police na pinoposasan si Iris. Nasa may bandang pinto naman si Hendrix at nakahawak sa switch ng ilaw. Hindi ito nakagalaw sa nadatnan niyang kondisyon ni Althea. Maga ang mga pisngi at dumudugo ang labi. Natauhan lang ito ng sumigaw si Lucy dahil sa nakita niyang kondisyon ni Althea. "Iris baliw ka talagang babae ka! Walang kasing itim ang budhi mo!" Sigaw ni Lucy kay Iris. Gusto niya itong sabunutan, pagsasampalin, at tadyakan. Pero iniisip niyang baka magplead as victim ito kaya pinigilan niya ang sarili. “H-Hendrix, it’s not what you think! I’m the real victim here—I-I was framed!” Sigaw ni Iris habang hinihila siya palabas ng kwarto ng mga pulis, pero hindi siya pinansin nito. Nakatingin lang si Hendrix habang inaalis ang duct tape na nakapulupot kay Althea. Pinagmasdan niya ang naging epekto ng pagtataksil niya sa asawa nya. Naalala din niya ang si