"Hindi mo ba sasagutin? Mukhang importante." Naiinis na bumalik sa paghiga si Althea. Inilagay niya ang mga kamay sa tainga para hindi marinig ang pagring mg cellphone ni Hendrix. Ilang minuto na kasi itong tumutunog, mula tawag, at sunod sunod na text message notifications. Kung makaasta ang tumatawag akala mo emergency.
Naramdaman ni Althea ang pag-abot ni Hendrix sa cellphone nito, and she heard him switch it off before putting it back on the bed side table. Pagkatapos ay marahan itong tumabi sa kanya at hinawakan ang noo niya. "Mataas pa din ang lagnat mo." Pagkatapos icheck ang temperatura niya ay itinaas naman ni Hendrix ang kumot hanggang sa leeg ni Althea para masigurong hindi ito lalamigin. "Let's sleep now." Bulong pa nito at pagkatapos ay niyakap pa siya. Sinadya ni Althea na hindi kumilos, at hinayaang maging kalma ang daloy ng paghinga niya na para bang nakatulog na siya. Pero ang totoo ay nagpapanggap lang siyang nakatulog na. Hindi naman siya nabigo sa ginawa dahil makalipas ang halos isang oras, dahan-dahang bumaba si Hendrix sa kama. Narinig ni Althea ang pagkuha nito sa cellphone sa may bedside table at pagkatapos ay lumabas sa may terrace si Hendrix and made a call. "Are you okay?" Mahina pero kahit papaano ay naririnig pa din ni Althea ang sinabing iyon ni Hendrix. "Huwag ka nang umiyak. Pupuntahan kita ngayon. I'm on my way, okay?" Masuyo nitong dugtong, at pagkatapos ay dahan dahang pumasok ulit sa loob. Kinuha ni Hendrix ang coat, wallet, at susi ng kotse niya, pagkatapos ay umalis na. Pagkaalis na pagkaalis ni Hendrix ay idinilat naman ni Althea ang mga mata niya. Alam niya sa sarili niya na ang isang taong nagtaksil na ay hindi na magbabago pa at lalo lang lalala, pero hindi niya alam kung bakit umasa pa din siya na mas pahahalagahan siya ni Hendrix ngayon dahil naaksidente at may sakit siya. Iyon pala'y hindi na dapat siya umasa pa porket nagpakita lang ito ng konting pag-aalala sa kanya. At the end of the day ay ang babaeng iyon pa rin ang pipiliin nito. Malapit ng sumikat ang araw nang makabalik si Hendrix, nakahinga siya ng maluwag nang makitang mahimbing pa rin na natutulog si Althea. Hinawakan pa niya ang noo nito, at bahagyang napangiti ng maramdamang hindi na ito nilalagnat pa. Pumunta siya sa banyo at naligo, pagkatapos magbihis ay tumabi ulit siya kay Althea at niyakap ito mula sa likuran. Mabilis namang nakatulog si Hendrix kaya hindi niya naramdaman ang pagkilos ni Althea. Inalis ni Althea ang kamay ni Hendrix na nakayakap sa bewang niya at umupo siya. She stared at the man sleeping soundly beside her with cold eyes. 'Gwapo pa rin ang ungas.' Matapos pagmasdan ang gwapo nitong mukha ay bumaba ang tingin ni Althea sa labi ng asawa, pagkatapos sa Adam's apple, hanggang sa napakunot ang noo niya dahil sa nahagip na mga pulang pantal at marka ng kagat sa bandang collarbone ni Hedrix. Nang makita niya iyon ay parang gusto niyang hampasin ng lampahade si Hendrix. Nandidiri siya sa maruming katawan ng asawa. Nang magising si Hendrix ay medyo mataas na ang araw at wala na rin sa tabi niya si Althea. Agad siyang bumaba para hanapin ito, at naabutan niya si Althea sa may kusina at nagluluto. Nang makita siya nito ay tinawag pa siya para sabay silang kumain. "Bakit ikaw ang gumagawa nyan? Kagagaling mo lang sa sakit. Dapat ay nagpahinga ka muna. Baka dumugo rin yang sugat mo sa noo." Hendrix reached out his hand to touch her forehead para tingnan sana ang temperatura ni Althea pero umiwas ito. "I'm fine. Sinat lang naman yun, nothing serious." Hinubad na niya ang suot na apron at umupo. Kahit iniwasan ni Althea ang kamay niya ay hindi na masyadong inisip pa ni Hendrix. Ang importante sa kanya ay kalmado na ito, at mukhang hindi na galit dahil sa mga nangyari kahapon. Umupo nalang rin siya para kumain ng breakfast. "By the way, there's something I'd like to discuss." Muling nagsalita si Althea. "Tungkol saan?" Tanong ni Hendrix habang naglalagay ng pagkain sa plato ni Althea. "I want to quit my job." Nagulat si Hendrix sa sinabing yun ni Althea dahil alam nito kung gaano niya kamahal ang trabaho, pero bago pa man niya matanong kung bakit ay ipinaliwanag na ni Althea ang rason. "I'm tired. I've been working endlessly for your company for many years. Gusto kong magpahinga muna. Being a wealthy housewife sounds nice." Pinagmasdan ni Hendrix si Althea nang matagal. Sinusuri niya kung iyon lang ba talaga ang dahilan nito o kung galit pa rin ba ito dahil sa ginawang pagtrato ng ina niya kahapon. "Sigurado ka ba talaga?" Paniniguradong tanong ni Hendrix. "Bakit naman ako magbibiro? Tingin mo ba hindi ako marunong mag-enjoy at puro trabaho lang ang alam?" "Hindi naman sa ganun," Agad na sagot ni Hendrix, ayaw niyang isipin ni Althea na tutol siya sa gusto nito. "Okay lang naman na hindi ka magtrabaho. You can stay at home, and maybe we can start trying for a baby. What do you think?" Ngiti lang ang isinagot ni Althea sa mungkaheng iyon ni Hendrix. Hindi siya nagpakita ng malinaw na pagtutol sa sinabi nito para hindi ito nagduda, pero ang totoo ay kinamumuhian niya ang suhestiyon na iyon ni Hendrix. Plano pa siyang gawing baby-making machine habang nagpapakasaya siya sa piling ng ibang babae. Just thinking of it makes her want to puke. "I'll send you my resignation letter in a few days. Plano kong magtravel, maybe around Asia, at kung may oras pa sa Europe. Napag-usapan na namin to ni Lucy. Lagi nalang daw drawing ang mga plano namin, kaya sa tingin ko oras na para kulayan naming dalawa." “Hindi ba busy ang law firm nya?" Tanong ni Hendrix. "She said she'll make time for me." Masayang sagot naman ni Althea. Hindi alam ni Hendrix pero parang may pag-aalinlangan siya. But seeing Althea smile, pumayag na din siya. "Alright, I'll handle everything. Your itinerary, and all the things you needed. So have fun." Ngumiti din siya kay Althea. Hindi naman na tumutol Althea. Wala naman kasi siyang pakialam sa itinerary, dahil ang totoong pakay niya sa bakasyong tinutukoy ang lumayo. Lumayo habang buhay sa lalaking nasa harap niya. At dahil masyadong halata ang sugat niya sa noo kahit takpan pa niya ng buhok ay hindi na siya pumasok pa sa trabaho. Ayaw niyang magmukhang kawawa lalo considering she's resigning kaya naman nagstay nalang siya sa bahay at nagpahinga. Habang wala si Hendrix ay nag-umpisa na siyang mag-impake. Mga damit, sapatos, alahas, luxury bags, at ilan pang mga gamit na meron siya. Halata na ang pagkaubos ng gamit niya sa kwarto nila ni Hendrix, pero mukhang wala itong napapansin. Mas lalo lang napatunayan ni Althea na wala itong pakialam sa kanya. Ni hindi nga nito napansin na kinuha niya ang wedding picture nila at dinala sa may likod ng bahay para sunugin. Natatanaw niya si Hendrix sa terrace nila at may kausap sa cellphone at halatang masaya. Kung sana ay may pakialam man lang ito sa kanya ay makikita nito ang lighter sa kamay niya at ang wedding picture nila na unti-unti ng nilalamon ng apoy. Sa picture ay masayang masaya si Althea, at ang mga tingin ni Hendrix ay para lang sa kanya at walang kaagaw na kahit sino, pero ala-ala nalang ng kahapon ang lahat. Mga ala-alang wala ng saksi pa dahil unti-unti nang nagiging abo. It broke her heart doing it, seeing that happy moment turn into ashes, hindi mapigilan ni Althea ang namumuong sakit sa dibdib niya pati na rin ang mga nangingilid na mga luha. Dahil sa usok ay napatingin si Hendrix sa ibaba at nakita niya na may sinusunog si Althea kaya dali-dali siyang lumabas. "What are you burning?" Tanong niya sa asawa. Tumingala si Althea para pigilan ang mga luha niya bago hinarap si Hendrix. "Wala, mga basura lang. Mga hindi ko na kailangan." Nakangiti niyang sagot rito. Tiningnan ni Hendrix ang drum ng basura na pinagsunugan ni Althea, umuusok pa ito. Wala siyang kaideideya sa napakahalagang bagay na sinunog ng asawa niya. "Sana itinapon mo nalang kaysa malanghap mo ang usok. Kagagaling mo lang sa sakit." Saad nya. "Para siguradong malinis at walang matitira." Sagot ni Althea na medyo ikinataka ni Hendrix. Pero hindi na siya sumagot pa at sinamahan nalang si Althea hanggang sa naubos na ang baga sa sinusunog nito."How was your first day, Althea?" Tanong ni Arturo nang makasakay na sila sa loob ng sasakyan."It was great." Masayang sagot ni Althea. Sa kabuoan ay naging okay naman ang lahat. She was able to meet the chairman, and ced her first meeting. Kung may hindi man umayon, it's probably the coffee incident kung saan nagalit si Ivy sa kanya. Hindi din alam ni Althea kung alam na ba ni Arturo ang tungkol sa pagdating ni Ivy, so she didn't mention it lalo pa at nariyan si Giovanni."Mabuti naman kung ganun. Nagluto ako ng marami, kaya sa penthouse ka na kumain. Let's celebrate your 1st day at work." Kaswal lang na pagyaya ni Arturo sa kanya, habang yung may-ari ng penthouse ay tahimik lang sa tabi ni Althea."Naku—""Okay lang naman di ba, sir? Mas masaya kumain kapag may kasabay ka." Tatanggi pa sana si Althea, kaso inunahan naman siya ni Arturo.Sa isip ni Althea ay wala na siyang rason para makikain pa sa bahay ni Giovanni. That only happened because she was injured at dahil sa biglang pag
Nang may natira sa lunch break nila Althea ay tinuruan pa siya ni Oscar ng mga dapat niyang gawin. It wasn't complicated stuff, just the basics, and mostly paghahati nila ng trabaho ni Oscar.During the 2:30 PM meeting, hinayaan siya ni Oscar na gawin ang majority ng mga preparations as her first real task. Althea sends the notice to the departments na kasama sa meeting, and prepared the materials for the executives. She even made them coffees at hinandle din niya ang slides na ipepresent ng magrereport. She was able to familiarize herself sa magiging flow ng meeting even on a short notice. Everything went smoothly, and the chairman and CEO was so satisfied with the presentation dahil walang may nagkamali. "Good job!" Pabulong na sabi sa kanya ni Oscar.Pabalik na sila ngayon sa 12th floor from the conference room. Pumasok na si Althea sa opisina niya, at si Oscar naman pinatawag ni Giovanni sa opisina nito.She immediately checked her schedule at wala na siyang gagawin.Naiclear na
"Alright. I understand. Basta yung promise mo!" Paalala naman ni Iris sa kuya niya. "Mas okay na makita ako ni Hendrix in an unstable state para maawa siya sa akin." Ngumiti nalang si Joseph sa dinugtong na iyon ng kapatid niya para matapos na ang pag-uusap nila. After Joseph's visit ay sa kwarto na niya siya nagpahatid. At nang iwan na nga siya ng nursing assistant sa kwarto niya ay agad na nilabas ni Iris ang maliit na bote na naglalaman ng gamot at ininom ang laman niyon. In just a few minutes, the hallucinogen is already taking effect. Pero habang hindi pa ito tuluyang umeepekto ang gamot at may natitira pa siyang kontrol sa katinuan niya ay umarte siyang tumatawa at sunod ay nagwawala para mas kapanipaniwala kapag narinig siya ng isa sa mga batantay, at isipin nitong inaatake siya. Lingid sa kaalaman niya ay kanina pa nakasunod sa kanya si Dr. Lopez. At ang nursing assistant na naghatid kay Iris ay nasuhulan na nito na huwag ilock ang pinto ng kwarto ni Iris. Maya-maya pa
Nakatanaw si Dr. Serano mula sa glass wall ng recreational room at nakatingin sa isang pasyente na dinala dito noong nakaraang araw lang."Ginawa nyo ba ang sinabi ko?" Tanong ni Dr. Serano sa head psychiatrist ng Hope Psychiatric Care Center, isang private psychiatric ward kung saan dinala si Iris Mendoza."Yes, Dr. Serano. At tama po kayo. Chineck nga namin ang kwarto niya at may nakita kaming bote ng hallucinogens. Nagbabaliw-baliwan nga lang talaga ang Iris Mendoza na yan para takasan ang mga kasalanan niya." Sagot ni Dr. Lopez. "Pero tulad po sa inutos ninyo, pinalitan namin ng mas mataas na uri ng hallucinogens ang nakatago sa kwarto niya." Dagdag na bulong nito."Good. I know I can always count on you, Dr. Lopez." Dating estudyante ni Dr. Serano ang kausap kaya hindi na siya nahirapan pang maghanap ng mauutusan ng tawagan siya ng abogado ni Giovanni noong nakaraang araw."Wala po yun, alam nyo namang kayo ang paborito kong professor. At isa pa, nakakainis na ginagawa tayong la
"I-I'm sorry!" Agad niyang sabi ng maabutan niya si Giovanni at Ivy na magkayakap. "Stop." Pagpigil sa kanya ng boss niya dahil lalabas na sana ulit siya. "Don't you know how to knock!" Agad namang bulyaw ni Ivy kay Althea. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang maistorbo ang—" Hindi alam ni Althea ang idudugtong niya. Hindi naman kasi niya alam na maghaharutan ang dalawa sa loob ng CEO office. At dahil nga nagmamadali siya, she forgot to knock. Sa isip din niya ay baka nasa office pa ng chairman si Giovanni at umalis naman na si Ivy. "Is there something you need?" Tanong sa kanya ni Giovanni. "I'm just here to deliver your coffee, sir." Sagot ni Althea at hindi makatingin ng diretso rito. "Then bring it here." Utos ni Giovanni. Agad namang sinamaan ni Ivy ng tingin si Giovanni. She already made him coffee, kaya bakit niya ito inuutusang dalhan siya ng kape? "But I already made you some." Hindi napigilan ni Ivy na magreklamo. "Get this and get out of my office." Itinulak ni
NANG HILAHIN siya ni Oscar palabas ng opisina ni Giovanni ay agad siya nitong inorient. Oscar helped her with the onboarding paperwork, gave her the access card she needed, and walked her through the company, introducing the different departments and the executive floors since she would inevitably have to deal with them in the future. Agad na kumalat ang balita ng pagdating ni Althea. People already heard about what happened in the London branch, pero hindi kompleto ang detalye ng chismis na nakalap nila. Pero alam na alam nila ang tungkol sa detalye ng pagkakakilanlan ni Althea rito sa Pilipinas because rumors had spread before that the CEO had finally recruited a secretary he was very satisfied with, at dahil curious sila sa kung sino ang napili ng napakastrikto nilang boss ay agad silang nag-imbestiga at nalaman nila na ito ay walang iba kundi ang dating project manager ng Buenaventura group of companies. Alam din ng mga ito na girlfriend siya ng CEO ng Buenaventura group. After