Share

CHAPTER 6

Author: LOUISETTE
last update Last Updated: 2025-06-15 00:00:01

Nakaupo si Althea sa ER, at ginagamot ng doktor na sumuri sa kanya ang sugat niya sa noo nang bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nagmamadali, at nakakunot ang noo na para bang papatay ng tao ang mga tingin kaya medyo kinabahan ang doktor.

Napansin iyon ni Althea kaya naman agad niyang nilinaw kung sino ang bagong dating. "It's fine, he's my husb—" Natigilan siya at napaisip. "Boss." Dugtong ni Althea. Malinaw naman ang sinabi ng mother-in-law niya kanina na empleyado lang siya. At kung asawa pa rin ang tingin sa kanya ni Hendrix ay ipagtatanggol siya nito, pero hindi. Kaya naging malinaw kay Althea ang lahat kanina na empleyado lang din ang tingin sa kanya ni Hendrix.

Hindi naman agad nakasagot si Hendrix sa sinabing iyon ni Althea dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Ilang segudo din bago siya nakabawi, pero sa halip na si Althea ang kausapin ay binalingan nito ang doktor na gumagamot sa sugat ng asawa niya. "I'm her husband," Pagtatama ni Hendrix sa sinabi ni Althea kanina. "Kamusta ang asawa ko? Are her injuries serious?" Kung hindi lang nangyari ang mga tagpong iyon sa mansion ng mga Bonaventura kanina ay iisipin ni Althea na totoong nag-aalala si Hendrix sa kanya.

"Mga gasgas lang. Luckily nothing serious came out of the laboratory and x-ray results. But she needs to rest dahil medyo malaki ang sugat niya sa noo." Sagot ng doktor kay Hendrix.

Tumango-tango lang ito at nakahinga ng maluwag sa sinabi ng doktor.

Tinapos lang ng doktor ang paggamot sa sugat ni Althea at pagkatapos ay nagprescribe ng mga gamot at pinayagan na siyang umuwi.

Nagpasalamat siya sa doktor at lumabas na ng ER. Dinaanan lang niya si Hendrix at hindi pinansin.

Tahimik lang din na sumunod sa kanya si Hendrix. Pumunta si Althea sa may cashier para magbayad, pero bago pa man siya makakuha ng pera sa wallet ay nauna nang nag-abot ng bayad si Hendrix. Kumunot ang noo ni Althea, pero wala naman siyang magawa dahil nag-abot na ng resibo ang babae sa counter. Nang pumunta naman siya sa may pharmacy para bilhin ang gamot na nireseta ng doktor ay ganun ulit ang ginawa ni Hendrix, binayaran nito ang mga gamot at binitbit ang paper bag. He's acting like a responsible and loving husband as if nothing happened in the Bonaventura mansion. Hindi nalang niya ito pinansin at lumabas na ng hospital. She's too tired to argue with him right now. Pumipintigpintig pa sa sakit ang sugat niya sa noo.

Nilabas ni Althea ang cellphone niya para sana magbook ng taxi, pero agad na kinuha ni Hendrix ang cellphone niya. Pagkatapos ay inakbayan siya at inakay papunta sa kotse nito at pinasakay sa passenger seat. Pagkatapos ay sumakay naman si Hendrix sa driver's side.

The atmosphere was heavy between them, pero hindi pa din umimik si Althea.

"Blinock mo ang number ko at nagtangka kang saktan ang sarili mo? Bakit? Para ba parusahan ako?" Nilingon siya ni Hendrix, at galit na galit ang ekspresyon nito.

She was stunned for a moment, at walang emosyon lang na nakatingin kay Hendrix. Hinihintay niyang sabihin nito na joke lang, pero nang makita ni Althea na seryoso ito sa sinabi dahil hindi pa din nawawala ang galit at pagkainis sa mukha ni Hendrix ay napatawa siya ng malakas. Wala siya sa mood, pagod, at masakit ang sugat niya, pero dahil sa sinabing iyon ng asawa niya ay natawa talaga siya.

'Pinagkaisahan nila ako kanina, tapos iniisip nitong magpapakamatay ako para lang parusahan siya? Ang taas naman ata ng tingin nito sa sarili.'

Lalo lang lumala ang inis ni Althea sa asawa. Naaksidente na nga siya, pero sa halip na tanungin kung ano ba talaga ang nangyari ay may sarili na pala itong bersyon ng istorya sa isipan niya.

"Wag kang mag-alala. Hinding hindi ko gagawin yun! Now give me back my phone!" Sinubukang abutin ni Althea ang cellphone niya, pero agad itong inilayo ni Hendrix.

"Fine, I know I lied to you, pero kailangan mo ba talagang gawin yun? Pwede mo namang pagbigyan na manalo si Iris kahit isang beses lang. Bakit kailangan mo syang paiyakin at ipahiya ng ganun sa harap ni mom at nang mga nakapaligid na katulong? Yes, she's spoiled, at minsan walang preno ang bibig, pero bakit kailangan mo pang patulan? Can't you be the bigger person?" Sermon nito sa kanya.

Pinakinggan lang ni Althea ang mga pagpapalusot ni Hendrix para sa babaeng iyon. At nabatid niya na habang inilalarawan ni Hendrix si Iris ay may pagkakataong hindi sadyang nagiging malambing ang boses nito.

"Kung gusto mo na hindi ko siya patulan, then keep her in check all the time. Siguraduhin mong hinding hindi na niya ako lalapitan pa, because I don't have plans to cater to her spoiled attitude. Hindi ko siya obligasyon, Hendrix!" Sagot ni Althea matapos ang mahabang katahimikan. Mababakas sa boses niya ang disappointment niya sa asawa, dahil sa halip na siya ang kampihan nito ay gusto nitong pagbigyan niya ang babaeng iyon at pagpasensyahan kahit harap-harapan siya nitong pinapahiya.

"Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya, a little sister, hindi tulad sa kung anong iniisip mo. Nagkakaganyan ka dahil ang dumi ng iniisip mo!" Kunot noong sagot naman ni Hendrix.

"Kapatid lang?" Sarkastikong tawa ni Althea, pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil kung hindi ay gustong gusto na niyang isumbat sa mukha ni Hendrix ang lahat ng ebidensyang meron siya na magsasabing hindi lang kapatid ang turing niya sa babaeng yun. "Eh di wow! Congrats ha, may little sister ka na. Pasensya na kung marumi akong mag-isip." She rolled her eyes at tumingin nalang sa bintana. "Magdrive ka na. Gusto ko ng magpahinga." Bakas pa din ang inis sa boses niya.

Inayos ni Althea ang pagkakaupo niya, at dahil medyo malamig sa loob ng kotse ni Hendrix dahil sa aircon ay inayos rin niya ang suot niyang suit jacket. Kaagad siyang nakadama ng ginhawa dahil para siyang nakakulong sa mainit na yakap, at nakakakalma ang bango ng perfume na naiwan sa suit.

Doon lang napansin ni Hendrix ang suot ni Althea na kulay itim na suit jacket, panlalaki ito at halatang mamahalin at custom-made. "Kanino yang suot mo?" Inis nitong tanong.

Hindi lumingon sa kanya si Althea, pero gusto niyang inisin si Hendrix dahil sa sinabi kanina na parang kapatid lang niya si Iris kahit hindi naman totoo. "Sa gwapong kuya na nakilala ko kanina ng maaksidente ako, and he lent me his jacket." Sagot ni Althea para tutyain ang bersyon ni Hendrix na little sister lang ang turing niya kay Iris.

Dahil sa bintana ang tingin niya ay hindi nya nakita ang matinding galit sa mukha ni Hendrix nang marinig ang sinabi niyang iyon. Nagulat nalang siya nang inabot siya ni Hendrix at pilit na hinuhubad ang suit na suot niya. Nang makuha ay agad itong itinapon ni Hendrix sa labas.

"Ano ba! Nasisiraan ka na ba!" Sigaw ni Althea rito at lumabas ng sasakyan para kunin ang suit na pinahiram lang sa kanya. Kailangan pa niya iyong ibalik sa lalaki kanina.

Nang makita iyon ni Hendrix ay lalong uminit ang ulo niya, lumabas din siya ng sasakyan at bago pa man makuha ulit ni Althea ang suit ay hinila niya ito pabalik sa loob ng sasakyan, at pagkatapos ay hinalikan niya ito.

Mariin namang isinara ni Althea ang mga labi niya, nang maramdaman ni Hendrix ang pagtanggi ni Althea sa halik niya ay hinawakan nito ang mukha ni Althea para piliting bumuka ang bibig nito saka masidhi itong hinalikan, na para bang ipinapaalala kung sino ang nagmamay-ari sa kanya.

When he finally had enough, he pulled away and let her go. "Don’t ever piss me off like that again." Banta ni Hendrix.

Hindi na nakasagot pa si Althea at isiniksik nalang ang sarili sa gilid ng pinto. Sa bandang huli ay hindi na niya nakuha pa ang suit na ipinangako niyang lalabhan at ibabalik dahil pinaharurot na ni Hendrix ang sasakyan palayo sa hospital.

Ang akala ni Althea ay wala nang madadagdag pa sa mga problema niya, pero dahil ata sa stress, sa pagkakaasidente niya, at nabasa pa siya ng ulan ay nilagnat siya ng mataas kinagabihan.

Hindi umalis sa tabi niya si Hendrix, inaalagaan siya, sinusubuan ng pagkain, at pinapainom ng gamot. Mga simpleng bagay lang pero hindi mapigilan ni Althea ang sarili na isiping baka mahal pa din siya ni Hendrix.

Nang maghating gabi na ay hindi pa din bumababa ang lagnat niya. Sobrang init at pinagpapawisan siya.

*Ring—Ring—* Nagising si Althea dahil sa ingay ng cellphone ni Hendrix. Malapit nang mag-ala una ng madaling araw, pero may tumatawag pa rin rito ng ganitong oras. Napabangon siya dahil dito, at bahagyang napatingin sa bedside table ni Hendrix.

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa pangalang nakaflash sa screen ng cellphone ng asawa niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vilma Bautista
pa victim na nman sa pagmamahal
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 161

    "How was your first day, Althea?" Tanong ni Arturo nang makasakay na sila sa loob ng sasakyan."It was great." Masayang sagot ni Althea. Sa kabuoan ay naging okay naman ang lahat. She was able to meet the chairman, and ced her first meeting. Kung may hindi man umayon, it's probably the coffee incident kung saan nagalit si Ivy sa kanya. Hindi din alam ni Althea kung alam na ba ni Arturo ang tungkol sa pagdating ni Ivy, so she didn't mention it lalo pa at nariyan si Giovanni."Mabuti naman kung ganun. Nagluto ako ng marami, kaya sa penthouse ka na kumain. Let's celebrate your 1st day at work." Kaswal lang na pagyaya ni Arturo sa kanya, habang yung may-ari ng penthouse ay tahimik lang sa tabi ni Althea."Naku—""Okay lang naman di ba, sir? Mas masaya kumain kapag may kasabay ka." Tatanggi pa sana si Althea, kaso inunahan naman siya ni Arturo.Sa isip ni Althea ay wala na siyang rason para makikain pa sa bahay ni Giovanni. That only happened because she was injured at dahil sa biglang pag

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 160

    Nang may natira sa lunch break nila Althea ay tinuruan pa siya ni Oscar ng mga dapat niyang gawin. It wasn't complicated stuff, just the basics, and mostly paghahati nila ng trabaho ni Oscar.During the 2:30 PM meeting, hinayaan siya ni Oscar na gawin ang majority ng mga preparations as her first real task. Althea sends the notice to the departments na kasama sa meeting, and prepared the materials for the executives. She even made them coffees at hinandle din niya ang slides na ipepresent ng magrereport. She was able to familiarize herself sa magiging flow ng meeting even on a short notice. Everything went smoothly, and the chairman and CEO was so satisfied with the presentation dahil walang may nagkamali. "Good job!" Pabulong na sabi sa kanya ni Oscar.Pabalik na sila ngayon sa 12th floor from the conference room. Pumasok na si Althea sa opisina niya, at si Oscar naman pinatawag ni Giovanni sa opisina nito.She immediately checked her schedule at wala na siyang gagawin.Naiclear na

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 159

    "Alright. I understand. Basta yung promise mo!" Paalala naman ni Iris sa kuya niya. "Mas okay na makita ako ni Hendrix in an unstable state para maawa siya sa akin." Ngumiti nalang si Joseph sa dinugtong na iyon ng kapatid niya para matapos na ang pag-uusap nila. After Joseph's visit ay sa kwarto na niya siya nagpahatid. At nang iwan na nga siya ng nursing assistant sa kwarto niya ay agad na nilabas ni Iris ang maliit na bote na naglalaman ng gamot at ininom ang laman niyon. In just a few minutes, the hallucinogen is already taking effect. Pero habang hindi pa ito tuluyang umeepekto ang gamot at may natitira pa siyang kontrol sa katinuan niya ay umarte siyang tumatawa at sunod ay nagwawala para mas kapanipaniwala kapag narinig siya ng isa sa mga batantay, at isipin nitong inaatake siya. Lingid sa kaalaman niya ay kanina pa nakasunod sa kanya si Dr. Lopez. At ang nursing assistant na naghatid kay Iris ay nasuhulan na nito na huwag ilock ang pinto ng kwarto ni Iris. Maya-maya pa

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 158

    Nakatanaw si Dr. Serano mula sa glass wall ng recreational room at nakatingin sa isang pasyente na dinala dito noong nakaraang araw lang."Ginawa nyo ba ang sinabi ko?" Tanong ni Dr. Serano sa head psychiatrist ng Hope Psychiatric Care Center, isang private psychiatric ward kung saan dinala si Iris Mendoza."Yes, Dr. Serano. At tama po kayo. Chineck nga namin ang kwarto niya at may nakita kaming bote ng hallucinogens. Nagbabaliw-baliwan nga lang talaga ang Iris Mendoza na yan para takasan ang mga kasalanan niya." Sagot ni Dr. Lopez. "Pero tulad po sa inutos ninyo, pinalitan namin ng mas mataas na uri ng hallucinogens ang nakatago sa kwarto niya." Dagdag na bulong nito."Good. I know I can always count on you, Dr. Lopez." Dating estudyante ni Dr. Serano ang kausap kaya hindi na siya nahirapan pang maghanap ng mauutusan ng tawagan siya ng abogado ni Giovanni noong nakaraang araw."Wala po yun, alam nyo namang kayo ang paborito kong professor. At isa pa, nakakainis na ginagawa tayong la

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 157

    "I-I'm sorry!" Agad niyang sabi ng maabutan niya si Giovanni at Ivy na magkayakap. "Stop." Pagpigil sa kanya ng boss niya dahil lalabas na sana ulit siya. "Don't you know how to knock!" Agad namang bulyaw ni Ivy kay Althea. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang maistorbo ang—" Hindi alam ni Althea ang idudugtong niya. Hindi naman kasi niya alam na maghaharutan ang dalawa sa loob ng CEO office. At dahil nga nagmamadali siya, she forgot to knock. Sa isip din niya ay baka nasa office pa ng chairman si Giovanni at umalis naman na si Ivy. "Is there something you need?" Tanong sa kanya ni Giovanni. "I'm just here to deliver your coffee, sir." Sagot ni Althea at hindi makatingin ng diretso rito. "Then bring it here." Utos ni Giovanni. Agad namang sinamaan ni Ivy ng tingin si Giovanni. She already made him coffee, kaya bakit niya ito inuutusang dalhan siya ng kape? "But I already made you some." Hindi napigilan ni Ivy na magreklamo. "Get this and get out of my office." Itinulak ni

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 156

    NANG HILAHIN siya ni Oscar palabas ng opisina ni Giovanni ay agad siya nitong inorient. Oscar helped her with the onboarding paperwork, gave her the access card she needed, and walked her through the company, introducing the different departments and the executive floors since she would inevitably have to deal with them in the future. Agad na kumalat ang balita ng pagdating ni Althea. People already heard about what happened in the London branch, pero hindi kompleto ang detalye ng chismis na nakalap nila. Pero alam na alam nila ang tungkol sa detalye ng pagkakakilanlan ni Althea rito sa Pilipinas because rumors had spread before that the CEO had finally recruited a secretary he was very satisfied with, at dahil curious sila sa kung sino ang napili ng napakastrikto nilang boss ay agad silang nag-imbestiga at nalaman nila na ito ay walang iba kundi ang dating project manager ng Buenaventura group of companies. Alam din ng mga ito na girlfriend siya ng CEO ng Buenaventura group. After

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status