แชร์

CHAPTER 2

ผู้เขียน: Bhie Anne
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-14 12:14:08

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Marco.

Ilang segundo siyang natigilan, tila hindi agad naintindihan ang narinig niya. Ngunit habang unti-unting pumapasok sa isip niya ang sinabi ni Jillian, mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.

Ang pagkagulat ay napalitan ng takot.

“HindI ako papayag na maghiwalay tayo!” halos agad niyang sabi. “Bakit kailangan pa natin mag-break?”

Napaangat ang ilang kilay sa paligid nila.

Dahil sa lakas ng boses ni Marco, ilang bisita sa banquet hall ang napalingon sa kanilang direksyon. May ilan pang nagbulungan habang palihim silang pinagmamasdan.

Napansin iyon ni Marco.

Mabilis siyang napatingin sa loob ng hall. Nang makitang mas marami nang taong nakatingin sa kanila, agad niyang hinawakan ang kamay ni Jillian at hinila ito palayo.

“Marco—”

“Come with me.”

Hindi na siya hinintay nitong sumagot.

Mabilis silang nakarating sa emergency exit. Pagkasara ng p***o, biglang nawala ang ingay ng banquet hall.

Tahimik ang hallway.

Tanging mahina nilang paghinga ang maririnig.

Binitiwan ni Marco ang kamay ni Jillian at humarap dito.

“Jillian, please…”

Bumaba ang boses niya. Wala na ang galit sa tono nito. Ang natira ay takot at desperasyon.

“Pinagbigyan ko lang muna ang parents ko. Promise. Hindi ako magpapakasal kay Vivian.”

Hindi kumibo si Jillian.

“Wala akong balak na pakasalan siya,” pagpapatuloy ni Marco. “Ikaw lang ang gusto kong pakasalan. Ikaw lang.”

Tahimik pa rin si Jillian.

Tinitigan niya si Marco nang matagal.

Dati, sapat na sa kanya ang mga salitang iyon.

Dati, kapag sinabi nitong “ikaw lang,” buo agad ang tiwala niya. Kapag sinabi nitong hindi siya iiwan, naniwala siya. Kapag sinabi nitong balang araw ay sila rin ang magkakatuluyan, pinanghawakan niya iyon nang buong puso.

Pero ngayon?

Parang wala nang bigat ang mga salitang iyon.

“Jillian…”

“Iniintindi kita.”

Mahinahon ang boses niya.

Walang sigaw.

Walang galit.

At higit sa lahat, wala nang pakiusap.

“Kaya nga bibitawan na kita.”

Parang sinuntok sa dibdib si Marco.

“HindI.”

Mabilis siyang umiling.

“Ayaw ko.”

“Hindi ako papayag.”

“Marco—”

“Ayaw kitang mawala.”

Unti-unting kumirot ang dibdib ni Jillian.

Sa totoo lang, gusto niyang maniwala.

Gusto niyang isipin na kahit gaano kagulo ang lahat, may paraan pa para maayos nila ito.

Pero pagod na siya.

Pagod na siyang umasa.

Pagod na siyang maghintay.

At higit sa lahat, pagod na siyang maging sikreto sa buhay ng taong minamahal niya.

Bahagya siyang umiling.

“Hindi pwedeng makuha mo ang lahat, Marco.”

Natigilan ito.

“Kung gusto mong sundin ang gusto ng pamilya mo, gawin mo.”

Huminga nang malalim si Jillian bago ipagpatuloy ang sinabi niya.

“Pero huwag mo akong bigyan ng pag-asang alam nating pareho na hindi mo kayang tuparin.”

“Hindi gano’n.”

“Then what is it?”

Hindi nakasagot si Marco.

“Gusto mong manatili ako,” dagdag ni Jillian. “Gusto mong maghintay ako para sa'yo habang inaayos mo ang problema mo sa pamilya mo.”

“Hindi kita pinaghihintay.”

“Pero iyon ang gusto mong mangyari, di ba?”

Natigilan siya.

“Gusto mong nandito lang ako. Naghihintay. Umaasa. Habang ikaw, pupunta ka sa engagement mo, susuotin ang singsing na para kay Vivian, at pagkatapos ay sasabihin mong hindi naman talaga iyon mahalaga.”

Napayuko si Marco.

“Jillian, hindi ko siya mahal.”

“Hindi naman iyon ang problema.”

Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito.

“Ang problema, papayag ka pa ring pakasalan siya.”

Walang masagot si Marco.

“Nasa kasal mo man ang puso mo o wala, Marco, may desisyon ka nang ginagawa. At hindi ako parte ng desisyong iyon.”

“Hindi ko kayang gawin iyon nang ganito lang.”

“Pero ginawa mo na.”

Napapikit si Marco.

“Pansamantala lang ’to.”

Mapait na ngumiti si Jillian.

“Pansamantala?”

Mabilis siyang tumingin dito.

“Kung hindi ako nakabalik ngayong gabi, balak mo pa rin ba akong puntahan pagkatapos ng engagement mo?”

Hindi nakasagot si Marco.

At ang katahimikan nito ang naging sagot.

Bahagyang bumigat ang paghinga ni Jillian.

“Itinaon mo ang engagement habang nasa business trip ako para hindi ko malaman.”

Mahina ang boses niya, ngunit bawat salita ay malinaw.

“Alam mong may assignment ako. Alam mong wala ako rito. Alam mong mahihirapan akong umuwi.”

“Jillian, hindi gano’n—”

“Pero ganiyan ang nangyari.”

Tahimik siyang tumingin kay Marco.

“At kung hindi ko nalaman, kailan mo sana sasabihin sa akin?”

Nangingilid na ang luha sa mata ni Jillian, pero pinilit niyang huwag itong bumagsak.

“After the engagement?”

Hindi makapagsalita si Marco.

“O pagkatapos ng kasal?”

“Hindi!”

Mabilis siyang umiling.

“Hindi ko iyon gagawin sa'yo.”

“Pero almost ginawa mo na.”

Napayuko si Marco.

Hindi niya alam kung anong isasagot.

Dahil kahit gaano siya magpaliwanag, may isang bagay na hindi niya kayang baguhin.

Nang gabing iyon, nakasuot na si Vivian ng engagement ring.

At siya mismo ang naglagay nito sa daliri nito.

Huminga nang malalim si Jillian.

“Sa oras na isinuot mo ang engagement ring sa daliri ni Vivian…”

Sandali siyang tumigil.

“…wala na tayong dalawa.”

Parang biglang naubusan ng hangin si Marco.

“Jillian…”

“Sorry.”

Muli itong umiling.

“Hindi kita kayang hintayin.”

“Hindi kita hinihingan na maghintay.”

“Pero ayaw mo rin akong umalis.”

Hindi agad nakasagot si Marco.

Makalipas ang ilang segundo, mahina niyang sinabi,

“Sorry…”

Yumuko siya.

“Hindi ko gustong itago iyon sa’yo. Gusto ko lang protektahan tayo.”

“Protektahan?”

Napangiti si Jillian nang mapait.

“Ganito ba ang tawag mo sa ginagawa mo?”

Hindi agad nakasagot si Marco.

“Gusto kong ayusin ang lahat,” sabi niya. “Kailangan ko lang ng time.”

“Naisip mo ba kung bakit ako nandito?”

Napatingin si Marco sa kanya.

“Bakit?”

Dahan-dahang kinuha ni Jillian ang cellphone niya.

Binuksan niya ang message na natanggap niya.

Ipinakita niya iyon kay Marco.

Ilang segundo nitong tinitigan ang screen.

At doon lamang unti-unting nagbago ang mukha nito.

Bigla nitong na-realize.

Kaya pala bigla siyang umuwi.

Kaya pala, kahit pagod mula sa business trip, diretso siyang pumunta sa hotel.

Kaya pala nasa mismong lugar siya kung saan gaganapin ang engagement.

Dahil sa message na ipinadala ni Marco.

Maging si Marco ay parang hindi makapaniwala.

Hindi niya inakala na darating si Jillian.

Akala niya, safe na ang lahat.

Akala niya, maaayos pa niya ang sitwasyon bago malaman ng girlfriend niya.

Pero nandito na siya ngayon.

At mas masakit ang lahat dahil nakita ni Jillian ang sarili nitong karibal sa mismong araw na dapat ay ipinagdiriwang nila ang kanilang second anniversary.

Biglang tumunog ang cellphone ni Jillian.

Nag-vibrate ang screen sa kanyang kamay.

Office.

Tinawag siya ng editor.

Tumingin siya kay Marco bago dahan-dahang umatras.

“I have to take this.”

Paglingon niya para sagutin ang tawag, biglang hinawakan ni Marco ang kanyang pulso.

Napakunot ang noo ni Jillian.

“Marco.”

Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya.

“Bitawan mo ako.”

Pero sa halip na bitawan siya, mas hinigpitan ni Marco ang hawak nito.

“Please, huwag muna.”

“Marco, work ’to.”

“Work na naman!”

Halos sumigaw siya.

Napatingin si Jillian sa kanya.

Hindi pa siya nito kailanman kinausap nang ganito.

May galit sa mga mata ni Marco.

Pero higit pa roon, may sakit.

“Hindi pa nga tayo tapos mag-usap,” sabi niya, namamaos ang boses. “Trabaho agad ang inuuna mo.”

“Hindi ito tamang oras para pag-usapan natin ang trabaho.”

“Then tell me something.”

Huminga siya nang malalim.

“Sabihin mo sa akin… naging importante ba talaga ako sa buhay mo?”

Natigilan si Jillian.

Parang may kumurot sa puso niya.

“Two years na tayo, Jillian.”

Unti-unting nangilid ang luha sa mga mata ni Marco.

“Pero bilang lang sa daliri ang dates natin.”

Tahimik siyang nakatingin dito.

“Birthday ko, wala ka.”

“Monthsary natin, may trabaho ka.”

“Kapag may gusto akong makasama ka, may interview ka.”

“Kapag may gusto akong magplano para sa atin, may overtime ka.”

Tumawa siya nang mapait.

“Even sa sarili mong birthday, trabaho pa rin ang pinili mo.”

Hindi sumagot si Jillian.

Dahil alam niyang may katotohanan ang lahat ng iyon.

News reporter siya.

Hindi hawak ng isang reporter ang oras niya.

May breaking news na kailangang habulin.

May interviews na biglang dumarating.

May assignments na hindi puwedeng ipagpaliban.

May mga gabing madaling-araw na siyang umuuwi dahil may kailangan pang tapusin.

Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi niya mahal si Marco.

Mahal niya ito.

Sobra.

Kaya nga kahit pagod siya, pinilit niyang tapusin nang mas maaga ang assignment niya.

Kaya nga sa halip na magpahinga, bumiyahe siya pauwi.

Kaya nga kahit pagod at halos hindi na makatulog, pumunta siya rito.

Dahil gusto niyang sorpresahin si Marco.

Gusto niyang maging espesyal ang kanilang second anniversary.

Akala niya, isang simpleng dinner lang.

Akala niya, pagkatapos ng mahahabang araw na pareho silang abala, makakaupo sila at mapag-uusapan ang future nila.

Hindi niya inasahan na ang sorpresa sa kanya ay isang engagement.

Hindi para sa kanya.

Kundi para sa ibang babae.

“Hindi mo ba talaga naisip ang future natin?”

Muling nagsalita si Marco.

“Minahal mo ba talaga ako?”

Tahimik si Jillian.

Matagal.

Sobrang tagal.

Dahil minsan, mas mahirap sagutin ang tanong kapag ang sagot ay totoo pero masakit.

Huminga nang malalim si Jillian.

Unti-unting naging kalmado ang ekspresyon niya.

“Sorry.”

Napatingin si Marco.

“Hindi ako naging mabuting girlfriend.”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin…”

Mahina at nanginginig ang boses niya.

“Hindi ko sinasabing wala kang pagmamahal sa akin.”

“Pero maybe…”

Napayuko si Marco.

“Maybe hindi mo ako kayang piliin.”

Mas lalong sumikip ang dibdib ni Jillian.

Hindi niya kayang sabihing mali ito.

Dahil kahit masakit, iyon mismo ang katotohanan.

“Hindi ko kayang iwan ang trabaho ko.”

Mahinahon siyang tumingin kay Marco.

“At ayokong hilingin sa'yo na talikuran ang pamilya mo.”

“Then what do we do?”

“Nothing.”

Parang simpleng salita lamang iyon.

Pero sapat para tuluyang durugin ang puso ni Marco.

“Magkaiba na tayo ng gusto sa buhay.”

Unti-unting ibinaba ni Jillian ang kamay na hawak nito.

“Siguro dumating na tayo sa punto kung saan kahit mahal natin ang isa't isa, hindi na sapat ang pagmamahalan para manatili tayo."

“Hindi…”

“Marco.”

“Please.”

“Pagod na ako.”

Iyon ang unang pagkakataon na malinaw niyang sinabi iyon.

“Pagod na akong maghintay.”

Unti-unting bumagsak ang kamay ni Marco mula sa pulso niya.

“Pagod na akong umasa na balang araw, magiging madali rin ang lahat.”

Napayuko si Jillian.

“Siguro hindi tayo nabigo dahil hindi tayo nagmahalan.”

“Siguro… nabigo tayo dahil pareho nating gustong mahalin ang isa't isa sa sarili nating paraan.”

Tumulo ang unang luha sa pisngi niya.

Mabilis niya itong pinunasan.

“Pero hindi ko na kayang ipilit pa.”

Tahimik na nakatingin si Marco sa kanya.

Parang ayaw niyang tanggapin ang bawat salitang naririnig niya.

“Kaya dito na lang tayo magtatapos.”

Parang gumuho ang mundo ni Marco.

Hindi siya nakagalaw.

Hindi siya makapagsalita.

Sa loob lamang ng ilang minuto, ang dalawang taong minsang nangakong magsasama habambuhay ay naging dalawang estrangherong parehong nasasaktan.

At bago pa man makapagsalita muli si Marco—

biglang bumukas ang p***o ng emergency exit.

Pareho silang napalingon.

At sa sandaling iyon, hindi alam ni Jillian na ang susunod na taong papasok sa buhay niya ang magiging dahilan kung bakit tuluyan niyang makakalimutan ang gabing ito…

o baka lalo lamang nitong guluhin ang pusong pilit niyang binubuo muli.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 37

    Halos mapahinto ang paghinga ni Jillian.Pagkakita niya sa mukha ng lalaking nasa loob ng suite, muntik nang kumawala ang sigaw na kanina pa nakabara sa lalamunan niya.Pero mabilis niya iyong pinigilan.Saglit siyang napatingin sa room card sa kamay niya.Pagkatapos, sa lalaki.At muli sa room card.Room 1608.Tumingin siya sa numero sa pinto.Tama.Kung ganoon...Bakit nandito si Bryan?At bakit...Bakit naka-bathrobe lang ito?!Hindi niya sinasadyang napatingin sa nakabukas na collar ng robe nito. Kitang-kita ang matatag nitong dibdib at balikat.Napakurap siya nang mabilis.Isa.Dalawa.Tatlo.Hindi pa rin nagbago ang nasa harapan niya.Mabilis siyang tumalikod.“Sorry! Sorry!” mabilis niyang sabi. “Maling kwarto ang napasukan ko!”Mahigpit niyang hinawakan ang room card.Bigla niyang naintindihan ang nangyari.Mali ang room card na ibinigay sa kanya ni Noah.“Grabe...” bulong niya sa sarili.Pinahamak talaga siya ni Noah!Kung ibang tao lang ang nasa loob ng kwartong ito, baka hi

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 36

    Si Raymond ang head ng Publicity Department at siya rin ang direktang namamahala sa mga TV station at newspaper sa North Region. Dahil dito, siya ang isa sa mga direktang nakatataas nina Jillian at Trina sa KMN TV.Madalas makausap ni Raymond si Trina, kaya mas close ang dalawa kumpara sa relasyon nito kay Jillian.Nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa, ngumiti si Raymond.“Pinag-uusapan lang namin ni Jillian ang tungkol sa research project,” paliwanag ni Trina. “Bukas na kasi ang alis nila, kaya hindi natin alam kung kailan ulit magkikita.”Tumingin si Raymond kay Trina at bahagyang ngumiti.“Talagang magaling kang makakita ng potential sa isang tao, Trina.”Pagkasabi niya noon, inilapag niya ang dalawang baso ng alak sa harap nila.“Enjoy, ladies.”“Thank you,” masayang sagot ni Trina.Agad niyang kinuha ang baso at uminom.Sa crystal-clear na baso, kumikislap ang dark red wine. May light fruity scent ito at smooth ang lasa.“Hmm. Masarap ito.”Tumingin si Trina kay Jillian

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 35

    Agad na kumunot ang noo ni Armando Liwanag.Sa wakas, naalala na niya kung saan niya nakita ang babaeng ito.Araw-araw, napakaraming tao ang nakakaharap niya. Imposibleng maalala niya ang bawat isa, lalo na’t isang beses lang naman niya itong nakita noon.At nang araw na iyon, sandali lang niya itong napansin.Pero ngayon, malinaw na sa kanya.Ang babaeng nasa harap niya na may magagandang mata ay si Jillian—ang dating girlfriend ng anak niyang si Marco.Ang babaeng dahilan kung bakit ilang linggo nang puro problema ang anak niya.Hindi maipaliwanag ni Armando ang nararamdaman niya. May halong inis, pagdududa, at hindi niya maitatagong pagkadismaya.Pero dahil naroon si Bryan Chen, hindi niya maaaring ipakita nang lantaran ang galit niya.Kaya saglit niyang pinigilan ang expression niya bago ngumiti nang malamig.“Bata pa kayo. Normal lang naman ang maghiwalay.”Tiningnan niya si Jillian mula ulo hanggang paa.“Simple lang si Marco. Hindi siya sanay sa mga komplikadong bagay. Sa tingi

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 34

    Sa huli, hindi na tinawagan ni Jillian si Marco para tanungin pa kung ano ang nangyari.Matapos maghintay nang matagal, bumaba na lang siya sa bahay ng tiyahin niya, kinuha ang susi ng bahay, at umalis.Pagdating niya sa hallway, nakita niya si Yuan na paikot-ikot na naglalakad, halatang naghihintay sa kanya. Nang makita siya nito, agad itong nagtanong nang medyo malakas ang boses.“Ano bang ginagawa mo? Ang tagal ko nang kumakatok sa pinto mo pero hindi mo binubuksan.”“Sorry. May kausap lang ako sa phone kaya hindi ko agad narinig ang pagkatok mo.”Inalog ni Jillian ang hawak niyang cellphone. Wala ni kaunting pagbabago sa mukha niya.Tiningnan siya ni Yuan mula ulo hanggang paa, para bang chine-check kung may nangyari sa kanya. Nang wala siyang makitang kakaiba, saka lang siya bahagyang nakahinga nang maluwag.“Okay ka lang?”“Okay lang.”Hindi na nagtanong pa si Yuan.Habang inaayos ni Jillian ang ilang damit at inilalagay ang mga ito sa shopping bag, iniabot niya iyon kay Yuan.“

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 33

    Pagkababa ng tawag, ibinagsak ni Yuan ang cellphone sa sofa.“Hayst!”Halatang bad mood siya.Karaniwan, makulit at palabiro si Yuan. Kahit seryoso ang usapan, nakakasingit pa rin siya ng kung anong joke para gumaan ang atmosphere. Pero ngayon, iba ang mukha niya. Matigas ang panga, nakakunot ang noo, at parang ayaw niyang may kumausap sa kanya.Napansin agad iyon ni Tita Belen.“Ano’ng nangyari?” tanong niya. “Tama ba ang narinig ko? Tinanggal ka sa trabaho?”Napatingin si Jillian sa kapatid.Hindi niya agad alam kung ano ang sasabihin.Umupo si Yuan at sumandal sa sofa. Saglit siyang tumingin kay Jillian bago agad umiwas.“Hindi naman big deal.”“Hindi big deal?” ulit ni Tita Belen. “Eh bakit parang galit na galit ka?”“May maliit lang na problema sa trabaho.”“Ano’ng problema?”Pinisil ni Yuan ang labi.“Noong nakaraang buwan, may nagawa akong pagkakamali. Simula noon, lagi na akong pinupuntirya ng mga boss.”“Eh di humingi ka ng tawad,” sabi ni Tita Belen. “Kung mali ka, aminin mo

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 32

    Ang bahay ni Jillian at ang bahay ng tiyahin niya ay nasa iisang subdivision lang. Pero para mas madali ang pag-aalaga sa Daddy niya, mas pinili ng kanyang Tita Belen na doon na lang tumira ang Daddy niya sa bahay nila.Kaya kapag umuuwi si Jillian, hindi na siya dumidiretso sa sarili niyang bahay. Diretso agad siya kina Tita Belen.Medyo luma na ang subdivision. Sa ilang building, makikita na ang mga bakas ng panahon—may mga pader na kumukupas ang pintura at may ilang bahagi na nagsisimula nang magbalat.Pagkababa ni Jillian sa sasakyan, kumaway siya sa driver."Salamat po, Kuya."Ngumiti lang ang driver bago pinaandar ang itim na sasakyan at unti-unting umalis sa subdivision.Hinila ni Jillian ang maleta niya papunta sa bahay ng Ama. Hindi pa man siya nakakalayo, naamoy na niya ang mababangong pagkain na nagmumula sa iba't ibang bahay.Kumalam ang tiyan niya."Grabe, gutom na gutom na ako."Matagal siyang nasa biyahe at halos wala siyang nakain nang maayos buong araw.Umakyat siya s

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status