Home / Romance / THE ALPHA'S SECOND CHANCE / Chapter 01: First time in Centro

Share

THE ALPHA'S SECOND CHANCE
THE ALPHA'S SECOND CHANCE
Author: Nymph Writes

Chapter 01: First time in Centro

Author: Nymph Writes
last update Last Updated: 2023-06-01 16:11:38

Mag-a-alas otso na ng umaga, tumunog ang alarm clock at ako ay nagising, sabay ng pagbukas ng pinto at doon bumungad sa akin ang mukha ni Lola.

“Lola,” ani ko.

“Oh apo, tumayo kana d’yan at lumabas ka na rito. ‘Yong almusal mo nakahanda na kanina pa.” Bumangon ako sa higaan sabay banat sa aking buong katawan.

“Kanina pa pala kayo gising Lola?” sabay lugod ko ng aking mga kamay sa dalawa kong mata.

“Abay oo naman, sinabi mo kasi kagabi sa akin na may importante kang lakad ngayon. ‘Di ba sabi mo maghahanap ka ng paaralan ng kolehiyo na siyang angkop sa kursong kukunin mo?” di muna ako nakasagot at sadyang tumitig nalang kay Lola, agad niya naman akong nilapitan at umupo sa tabi ko, sabay himas ng kanyang kamay sa mala bewang na haba at makapal kong buhok.

“Lola? Napag-isipan ko kasi, wala po tayong sapat na pinansyal para ipanggastos sa aking pag-aaral. Gugustuhin ko mang mag-aral SA kolehiyo na maaaring angkop SA aking kurso, pero ang tanong saan ba tayo ng ipanggastos? E kayo nga, kailangan nyo din ng pang maintenance para sa rayuma niyo.” pag-aalala kong sabi sa kanya.

“Apo Naman! H’wag mo namang masyadong alalahanin si Lola, ang importante ay ang kinabukasan mo. Ang makapagtapos ka ng pag-aaral at matupad ang pangarap mo.”

“Sorry po Lola, hindi ko lang po talaga maiwasan na mag-alala po sa inyo. Kayo lang po kasi ang meron ako. Ayaw ko lang po talaga na mamroblema kayo dahil lamang sa kagustuhan ko na pumasok sa kolehiyo.” At napakibot ako ng aking labi. Humarap sa akin si Lola at hinawakan ako sa mukha.

“Alam mo apo, walang imposible basta tumawag at magtiwala lang tayo sa panginoon. Kahit gaano paman katindi ang pagsubok na haharapin mo basta tawagin mo lang pangalan niya, hindi nya ‘yon ipagkakait sayo, gagawa at gagawa siya ng paraan matupad mo lang ang pangarap mo. Alam mo ba kung nabubuhay pa lang ang iyong ina, sigurado akong ipagmamalaki ka niya, kasi napakabuti mo.” gumuhit ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sinabi sa akin ni Lola, at hinawakan ko ang kamay niya.

“Mas mapalad po ako Lola na kayo ang naging Lola ko. Kasi sobrang bait niyo po, kahit kailan Hindi niyo po binaba ang tingin niyo sa akin kahit paman hindi ako naging perpektong apo. Minahal niyo po ako at pinalaki ng mabuti.” Napasingap nalang si Lola sa sinabi ko.

“Hay naku! ano ka ba iha...Tama na nga tong drama nato. Halika na nga at sasabayan na kitang mag-almusal nagugutom na din ako.”

“Sige na nga Lola.” Sabay tayo at niyakap ko si lola.

“I love you, Lola. Darating ang araw na di na po kayo magtatrabaho para sa akin. Promise ko po sa inyo, magtatapos ako ng aking pag-aaral para po sa inyo.” Sabay halik ko sa pisngi ni lola na ikinangiti nya.

“Oh siya, oo na para matigil ka na 'dyan sa drama mo. Lumabas na tayo at mag almusal para makaalis ka na.”

“E di tara na po.” ani ko at sabay na kaming lumabas ng kwarto para mag-almusal.

_

_

_

Habang nasa biyahi ay di ko naman maiwasan na mapatingin sa bintana ng sinasakyan kong bus patungo ng siyudad. Pagdating namin sa Centro ay pumara na ako sa mamang driver para bumaba, kasabay narin doon ang pag-abot ko ng aking pamasahi sa driver mula sa amin hanggang dito sa syudad. Napanganga nalang ako dahil sa pagkamangha sa mga naglalakihan at naghahabaang gusali na nasa harapan ko ngayon.

“Wow!!! Ganito pala kaganda ang siyudad? Bongga pala.” sabi ko sa sarili ko na parang nabibingi sa mga ingay na meron sa paligid. Natauhan nalang ako ng maramdaman ko ang vibration ng cellphone ko na nasa bulsa ng aking jeans pants. Agad ko namang dali-dali itong kinuha at tiningnan an screen, nakita ko ang pangalan ng kababata kong si JULLIENE. Napalawak ang ngiti sa aking labi at hindi nagdalawang isip na sagutin iyon.

“Hello beshy?” pauna kong bati, at agad naman niyang sinagot.

“Hi beshyyy!!!” patili niyang sagot.

“Kumusta ka na? Akala ko nakalimutan mo na ako.” Ani ko sa kanya.

“Hay naku! At bakit naman kita kakalimutan? Uy ikaw ha, kay tagal na nating hindi nagkikita. Lumuwas ka naman ng siyudad kahit minsan lang, isama mo si Lola Lucing, miss ko na rin ang matanda na yon.”

“Ano ka ba beshy! Paano tayo magkikita wala ka nga dito, nandyan ka sa States. Di mo lang ba naisip???”

“FYI beshyyy, wala po ako sa STATES, mag te-3 months na ako dito sa syudad.”

“OMG!!!” gulat na sabi ko. “Seryoso???”

“Talagang seryoso. Bakit? Ayaw mong maniwala?”

“Hindi ko sinabing hindi ako naniniwala, pero seryoso ba talaga? Kasi nga nandito ako ngayon sa syudad...”

“Talaga ba? Kita Tayo? Nasan ka? Pupuntahan kita.” Napanganga ako sa sinabi nya.

“Ano? Teka sandali, talagang seryoso ka nga. Eh, san ba tayo magkikita.” tanong ko sa kanya.

“Bakit nasan ka ba?”

“Nandito ako sa Centro, dito kasi ako bumaba.”

“Okay, ganito nalang nakita mo ba yung coffee shop sa ground floor ng GLOBAL BUSINESS BUILDING?” napalingon-lingon ako kahit saan-saan sa paligid para hanapin ang tinutukoy na gusali, at di nga ako nagkamali. 30 meters away sa kinatatayuan ko ngayon ay kaharap ko pala ang buliding na sinasabi niya.

“Oo beshy nakita ko na” tugon ko sa kanya.

“Sige, puntahan mo na ang coffee shop na yon, at hintayin mo ako doon. See you later....”

“Okay beshy.” At agad kung pinatay ang tawag bago pa magtungo sa nabanggit na lugar.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE ALPHA'S SECOND CHANCE    Chapter 101: Who is Patty towards Terence?

    THE NEXT DAY…Kevin entered his brother's office with a smile on his face. Kris didn't notice him while staring at his phone. Kevin quietly gets near Kris' table and puts a pile of papers there.“Isn’t she contacted you?” he asked and finally Kris noticed him.“Nandiyan ka pala? Sorry, ‘di kita napansin.” Kevin smirked and sighed.“It’s okay, what is your plan now?” “I’m going to the civil registrar today, after the meeting. Kukuha ako ng mga papeles about sa marriage namin ni Shun. Kailangan kong ipunin lahat yun, just in case of trouble may maipaglalaban akong personal reason.”“Are you telling me you will proceed with the demand against Shun?” then Kris quietly shook his head.“No! Why should I do that?”“So what's the point?”“Kevin, she's my wife! I know at first it ain’t easy to apologize since I put her at risk. But at this point I will never quit, nor surrender for just some stupid issue.” then Kevin widely smiled in front of his brother. Kris noticed it with his grumpy face.

  • THE ALPHA'S SECOND CHANCE    Chapter 100: Inborn secret

    (Door knocking)“Tita? May kumatok po sa pinto, paki-bukas po muna magbibihis lang ako.” sigaw ni Shun mula sa kwarto niya na kakatapos lang maligo.“Saglit lang iha, pupuntahan ko na.” sagot naman ni tita Belle at nagpunas muna ng kamay niya bago magtungo ng pinto.“Baka si Terence na ito.” hunghong ni tita Belle while naglalakad patungo sa pinto. Agad niyang binuksan ang pinto ng marating niya ito. Gulat na gulat siya at nanlalaki ang mga mata ng bumungad sa kanya ang taong ‘di niya inaasahan. Napatingin siya sa kabilang kamay nito at may hawak na brown envelope.“Kris? Paano mo natunton ang lugar na to?” Kris smirked sarcastically and nodded.“Kumusta ka na tita?” hindi nakasagot si tita Belle at napa signed cross pa ito.“Hinahanap ko lang po ang pamangkin niyo.” dagdag ni Kris at napalunok si tita Belle.“Diyos ko, mahabaging langit!” sambit ni tita Belle at nagpigil ngiti si Kris.“Hindi niyo po ba kami papapasukin tita? Kasama ko po si Kevin.” agad namang nagpakita si Kevin mul

  • THE ALPHA'S SECOND CHANCE    Chapter 99: Truth reveals

    “What am I gonna do? Whether you want it or not, I must repay you for what I owe.” “Ano ba talaga ang gusto mong mangyari Shun? Ano na naman bang drama ‘to?” kunot noong tanong ni Kris. “Kuya?” banggit ni Kevin na pumasok sa office na wala man lang pasabi.Umayos ng tayo si Kris upang harapin ang kapatid. “Napasugod ka? May kailangan ka ba?” pilyong ngumiti si Kevin at napa sulyap kay Shun. “Ano? Naayos niyo na ba ang problema nyo?” agad na tanong ni Kevin pero ‘di maiwaglit ang paningin kay Shun. Napansin ito ni Kris at lumingon din kay Shun. “Mukhang ibang problema din ang pinunta mo dito, umayos ka!” asta ni Kris na magkasalubong ang mga kilay. Napaismid si Kevin at nagpigil ngiti sabay hampas ng kamay niya sa braso nito. “Ikaw naman kuya, ano na naman ang iniisip mo?” “Huwag mo akong dramahan, kilala kita.” “Hindi nga, nandito ako ako para ipaalam sayo na nakauwi na galing probinsya si ate Patty, hinahanap ka nga pati ni Bruce.” “Talaga? Ba’t ‘di man lang ako tinawagan.”

  • THE ALPHA'S SECOND CHANCE    Chapter 98: The lies

    “Stop asking me Kris, leave me alone!” sungit ni Shun sabay tulak kay Kris. Muli siyang hinablot ni Kris at ikinulong sa mga braso nito. “I don’t want to fight, I just want to know.” paliwanag ni Kris sabay pagpupumiglas naman ni Shun. “I don’t need to explain it to you! Let go of me Kris!” “Shun, please!” pagpipigil ni Kris na may halong pagmamakaawa. “Bitiwan mo ako Kris, kung gusto mo na sagutin kita.” “Okay, fine.” sabay bitaw ni Kris at nginitian siya ni Shun. “Thank you!” ani Shun pero bigla siya nitong tinakbuhan. Biglang nag-init mukha ni Kris kaya napasubo na rin siya upang habulin si Shun. “You can’t scape on me Shun!” sigaw ni Kris at patuloy sa pagtakbo si Shun. Nilingon pa nito si Kris ngunit ‘di niya namamalayan na babangga na siya sa isang makapal na halaman na tanim sa park. Agad siyang bumulagta at nandilim ang paningin, natulala siya habang nabibilad sa araw at napaimpit sabay sapo sa noo. Dumating si Kris at pilyong ngumiti habang pinagmamasdan siya, nakapame

  • THE ALPHA'S SECOND CHANCE    Chapter 97: Finding Kyle

    “Hey, Kyle.” ani ni Kris at tinapik si Kyle sa likod.“I miss you Daddy.” Kyle said and tightened his hug more. Hindi nakapagsalita si Kris atniyakap na lang din niya ito. He closed his eyes to feel the embrace of his hidden sonwhile caressing its back.“I miss you too!” Kris response with eagerness. Kyle let go of hugging him and give hima single kiss on the forehead.“Why you do that?” tanong ni Kris at nginitian siya ni Kyle.“Because I liked too.” Kyle cute response then Kris smiled.“Why you’re alone her? Where’s your mom?” Kyle shown his frown face while looking atKris.“She will not come.” napaawang labi ni Kris at naikiling ang ulo.“Seriously? Your mom will never do that, I think she is busy. I see her in the officerecently.” Kyle shook his head.“No she isn’t . Mom my didn’t go to work, she’s drunk last night. They are drinkingalcohol with my nanny.” sabay na nag-angatan dalawang kilay ni Kris sa narinig kayKyle.“Jane is your mom right?” muling pagtatanong ni Kris at

  • THE ALPHA'S SECOND CHANCE    Chapter 96: Disappointment and Embarrassed

    Ang pananahimik sa loob biglang nabulabog ng tumawag si Kevin sa phone ni Kris. Napatakip bibig si Shun at agad dinecline ni Kris ang tawag, narinig ito ni Mr. Stanford kaya ngayon pa lamang iba na ang nasa isip niya, posibling nasa loob ang hinahanap niya. Sumimhot muna siya ng hangin bago pa naglakas loob na pumasok. Buong lakas niyang itinulak ang pinto pero nagulat siya ng madatnan niya sa loob si Kris na nakatuntong sa ladder at nag-aayos ng mga libro sa taas ng book storage. Napalingon si Kris sa kanya at napatingin sa hawak na phone ni Shun. “Stanford? Bakit ka nandito? Hindi mo ba alam na trespassing ang ginagawa mo? Nasa loob ka ng office ko, at nandito ka ngayon sa private room ko, anong ginagawa mo dito?” unang tanong ni Kris at medyo hilaw ang pagmumukha ni Mr. Stanford.“I’m sorry, may isang tao lang ako na hinahanap.” Kris smirked and slowly get down of the ladder. Nilapitan niya si Mr. Stanford at huminto sabay lingon ng mapansin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status