NAPATIIM-BAGANG si Hendrick habang sinusundan ng tingin nag papalayong si Mauve. He noticed that her back was slender, hindi na ito mataba kagaya noong teenager pa lamang ito. She had square shoulder, too, pero maninipis. Laglag ang mga iyon ng sandaling iyon, parang pasan nito ang buong mundo sa balikat nito.
Base sa nasaksihan niya, marami nang nabago rito. Hindi lamang sa pisikal na anyo nito, though she sure had grown a lot. Maamo pa rin ang mata nito, ngunit hindi maikakaila ang kalungkutan at kapaguran doon kapag masinsinang tinitigan. What did she had to put up with ever since he last saw her? Ano ang naging buhay nito sa piling ng mama nito? Miserable ang buhay nito noong nasa San Carlos pa ito, sa piling ng mga magulang nito. Kung titingnan ito, miserable rin ang naging buhay nito sa Maynila. Kung hindi ba naman ito babagsak sa pagiging isang waitress. He had always regarded her as different from her family. No, everybody regarded her different from her social climbing family. Naaawa siya rito pero hindi niya iyon pwedeng ipakita rito. Masasaktan ito. She had more pride than that lousy family of hers put altogether. “Mr. Lucencio? Mr. Lucencio?” Tumingin siya ng tuwid kay Mrs. Siangfao na agad na ngumiti ng makaharap niya. It didn't help to soften her cruel face that much. At ngayon, hindi lang nasa mukha nito, kundi maging sa pagkatao nito. “Kung alam ko kilala mo pala siya, hindi ko sana siya sinesante. I thought she has annoyed you ng bigla na lang siyang humalang sa halapan ng kotse mo. It was a tellible mistake. Pasusundan ko siya at pababalikin—” Ngumiti siya. “No need. Hindi na siya magtatrabaho rito.” Tinalikuran niya ito para sundan si Mauve nang maramdaman niya ang paghila nito sa sleeve ng suot niyang polo. “But, Mr. Lucencio, it's okay. I even plomote hel. I tell hel it's okay,” desparadang paliwanag nito sa kanya. Hinarap niya itong muli. “Ako na ang bahala sa kanya, Mrs. Singfiao,” saad niya, pinanatili ang ngiti sa kanyang labi. “Are you leaving? Pa’no meeting niyo asawa ko?” Lalo niyang tinamisan ang pagkakangiti nito. “ Tell your husband that the deal is off, Mrs. Siangfiao. I've decided na hindi na ako mag-iinvest sa project niya.” Namutla naman ito. It made her makeup standout from her face. Para iting natatapalan ng makapal at makulay na maskara. “And one more thing,” dagdag pa niya na parang may sumagi sa isip niya. “Sasabihan ko ang mga kaibigan ko na iwasan ang lugar na ito. Amoy bulok na daga itong restaurant mo.” At dahil dun, tinalikuran niya ito at naglakad palayo sa lugar na iyon. **** ALAM ni Mauve na siya ang sinusundan ng kotseng mabagal na tumatakbo, pero hindi niya pinansin iyon. Alam din niyang si Hendrick ang nagmamaneho niyon. Natuklasan niya na hindi pa rin pala siya immuned sa presensya nito. Matalas pa rin ang pakiramdam niya kapag ang lalaki ang sangkot. Napabuntong-hininga siya, saka napailing. Ganoong-ganoon kalakas ang pakiramdam niya noong dose anyos pa lamang siya. That was the time she had a huge crush on Hendrick. Makita lamang niya ang kotse ng mga Lucencio ay bumibilis na ang tibok ng puso niya. Ganoon katindi ang pagkaka-crush niya kay Hendrick noon. Kinse anyos siya nang maging kasintahan nito ang kanyang ate, ang kinikilalang pinakamagandang dalaga sa San Carlos noong mga panahong iyon. Parang sa isang fairytale ang relasyon ng mga ito noon. Lahat ng mga taga San Carlos ay iisa ang opinyon na ang mga ito ang itinadhana, despite their backgrounds. Hindi ipinanganak na mayaman si Ate Tiffany niya. Si Hendrick naman ay ipinanganak ngang mayaman ay illegitimate naman. He was the illegitimate son of the only daughter of one of the patriarch in San Carlos. Sa lolo nitong nuknukan ng yaman ito lumaki. Ngunit ang parang fairy tale na relasyon nito at ng Ate niya ay hindi nagkaroon ng happy ending. Sumama ang Ate Tiffany niya sa ibang lalaki kung kailan malapit na itong magpakasal kay Hendrick. “Don't be such an ediot and get in, Mauve,” maawtorisadong utos ni Hendrick sa kanya. Nakababa na rin ang bintana ng kotse nito. Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Hindi ako humihingi ng tulong sa sa ‘yo Hendrick. But thanks, anyway.” Umangat ang kilay nito. Hindi man lang natinag sa pagtataray niya. “You were such a sweet girl then, Saan naggaling ang lason?” Iniiwas niya ang tingin rito. At lalong binilisan ang paglalakad. Kinabahan siya. Ang Hendrick na kilala niya ay hindi mag-aalinlangang gawin ang sinasabi nito. He always went after what he wanted, although he did not always get it. Still he wouldn't stop trying. Iyon ang kintatakutan niya. Wala ni isa mang nakakaalam sa kanilang lugar ang tungkol kay Chin-chin. Kapag pumayag siyang magpahatid ay malalaman nito kung saan siya nakatira. Matutuklasan nito kung ano ang kalagayan niya bukod doon ay makikita nito ang bata. Hindi niya hahayaang mapatungan ng panibagong kahihiyan ang alala ng kanyang mama. Her mother had suffered enough. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Umalis ka na,” naiiritang utos niya rito. Nakuha niya ang gusto nitong gawin nang tanggalin nito ang seatbelt at itulak pabukas ang car door. Kumarioas naman siya ng takbo. Hinabol siya nito. Hindi pa man siya nakakalayo ay naabutan na siya nito. Hinila siya nito pabalik sa kotse nito. “Bitawan mo ako!” asik niya sa mababang boses, ayaw niyang lumikha ng eskandali. “Ano ka ba?” “Kalokohan at katangahan ang tumanggi sa tulong kung kailangang-kailangan. You are soaking wet, Mauve,” anito sa tonong parang nanenermon sa isang paslit. “ Mas gusto mo pang nakikita ka ng ibang tao sa kahiya-hiyang itsurang ‘yan kaysa tanggapin ang tulong ko?” “Oo!” Sigaw niya rito. Nakalimutan niya na ang tingkol sa eskandalo. Bakit wala ni isa sa hiniling niyang manyari sa araw na iyon ang natupad? Well, for that matter, bakit wala ni isa sa mga hinihiling niyang mangyari sana sa buhay niya ang natutupad? “Letseng mga tao ‘yan! Hindi naman nila ako matutulungan sa mga problema ko. Bakit kailangan intindihin ko pati sila?” mangiyak-ngiyak niyang sumbat. “At ikaw ang pinakahuling taong lalapitan ko para hingan ng tulong!” Inaakala niyang maapektuhan ito ng outburst niya. Ngunit nagkamali siya. Natatawang sinulyapan lang siya nito bago inalalayang makasakay sa passenger seat. “I thought were friends?” kapag-kuwan ay tanong nito sa kanya nang makaupo siya. “Pinakahuli ang pamilya ko sa ituturing mong kaibigan, Hendrick,” inis niyang paalala rito. Umangat ang isa nitong kilay sa paraang pamilyar siya. Dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso. Against her will, she found herself studying his face. Gwapo pa rin ito gaya ng dati. He had a deep, dark eyes na binigyan ng mahahabang pilik-mata na kahit sinong babae ay mahuhumaling doon, matangos ang ilong, mga labing perpekto pa rin ang hugis, lower lip fuller than the upper lip. Those lips given her, her very first kiss. Lasing na lasing ito noon kaya duda siya kung naaalala pa nito iyon. Sa parte niya, mamamatay muna siya bago niya ipaalala iyon dito. May cleft chin din ito. Ayon sa matatanda, nakuha raw nito iyon sa ama nitong kastila na bumisita sa Casa Lucensio at hindi na nagbalik pa pagkatapos mabuntis ang anak na dalaga ng host nito. It was that cleft on his chin and the aristocratic nose that marked the Spanish guest as his father. “I have a soft spot for you, Mauve. Siyempre, naaalala ko pang ako ang first love mo,” nakangising tudyo nito. Nag-init ang buong mukha niya sa tinuran nito. Bubuksan sana niya ang pinto ngunit hindi niya iyon mabuksan. “Don't bother yourself. It's power-locked.” Muli itong ngumisi. “Where?” “Ibaba mo na lang ako sa 7-Eleven pagbaba ng San Joaquin” malamig niyang sabi, hindi tumitingin dito. “Hey, kahit pamilya mo ang pinakabulok na pamilyang nakilala ko sa buong buhay ko, I'm still a gentleman. Hindi ako naghahatid ng dalaga sa kanto. Laging sa front door.” “Kapag iniwan mo ang ganitong klaseng kotse sa kalye namin, hindi mo na ito mababalikan pa nang buo,” pananakot niya. “Let me decide if I'll leave the car when I get there, huh?” Arogante nitong sabi. Pinaandar nito ang sasakyan. Sinadya niyang ituon ang atensyon sa labas ng bintana habang binabaybay nila ang daan ng Brgy. Dap-Dap. Nang marating nila ang Magallanes, iginilid nito ang kotse at pinabagal ang takbo. “Saan?” tanong nito. “Diyan na lang sa drugstore.” Isinukbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat. “Pasensiya ka na kung nabasa ko ang upholstery ng kotse mo.” Ngunit sa halip na ihinto ang sasakyan ay nagpatuloy ito sa pagpapatakbo. “Where?” Inis na nagpakawala siya ng hininga. Sumusukong sumandal siya sa kutson ng upuan. “Diretso. Ikalawang kanto, ikatlong gate, pula.” Dire-diretso niyang saad. Sinundan nito ang nabanggit na mga direksyon. Hindi nagtagal ay itinabi na nito ang kotse sa tapat ng isang kalawanging gate na napipinturahan ng natutuklap nang pulang pintura. Pinindot nito ang button na mag-a-unlock sa pinto. “Sige, salamat,” paalam niya saka mabilis na bumaba ng sasakyan. “Wait! I'll go with you,” boluntaryo nito. Kasunod niya itong naglakad papasok. Kabadong nilingon niya ito. “Hendrick, you don't have to—” “Gusto kong mag-hello sa mama mo. So this is where you live.” Kunot-noo at puno ng dis-gusto ang anyo na pinasadahan ng tingin ang tirahan nilang magkapatid. “Wala na ang mama, Hendrick.” “Saan pumunta? Iniwan ka?” mulagat nitong tanong. Halatang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. “Pinabayaan ka rin ng ina mo, is that it? Does your father know?” Napalunok siya bago tumango. “And like the bastard he is, pinabayaan ka rin niya. Ano bang klase ng pamilya mayroon ka?” Halos magpantay na ang mga kilay nito. “‘Wag mong idamay ang Mama,” galit niyang sambit. “She's dead,” pagtatama niya sa mali nitong akala. Mabilis na nawala ang galit sa anyo nito. Ang pumalit doon ay isang ekspresyong hindi niya mabasa. “I'm sorry. You're twenty now, ‘di ba? Walong taon ang tanda ng Ate mo sa ‘yo. Are you studying? You're supposed to be in college. Nag-aaral ka pa ba?” sunod-sunod nitong tanong. Sapat na ang hindi niya pagkibo para malaman nito ang sagot sa mga katanungan nito. “Shit! Tarantado talaga ‘yong ama mo. Paano niya navawang pabayaan ka?” Galit na itinutok nito ang mata sa kalawanging gate. “Ang Ate mo, hindi ka man lang ba tinulungan?” Tumawa ito ng mapakla. “Yeah, right. Your sister will only lift her finger for herself. Noong ipinanganak ka, natutulog siguro ang Diyos, ano? Ni hindi ka niya ipinili ng mabuting pamilya.” “Yeah, right. Na parang hindi ka minalas na tulad ko,” sarkastiko niyang saad din dito. Kahit paano ay may loyalty pa rin naman siyang nararamdaman sa taong pinagmulan niya. Tinalikuran niya ito at itinulak ang gate para makapasok siya sa loob.Isinara niya ang refrigerator matapos ipasok ang butter at pitsel ng gatas. Pagkatapos ay ipinunas niya ang mga kamay sa basahang nakasabit sa handle ng refrigerator. Agad naman na bumaling siya sa matanda. Kanina pa siya may gustong itanong dito. “A-aling Ester, k-kumusta na ho sina Papa at Ate Tiffany.” hindi napigilan na tanong niya. Nag-aalalang tumingin sa kanya ang matanda. “Alam ba niyang narito ka ngayon sa Casa Lucencio, hija? Alam ba niyang nagtatrabaho ka kay Hendrick?” Umiling siya saka naupo sa isang silya. Sinulyapan niya sandali ang kapatid na naglalaro ng isang plastic na mansanas. “Hindi na ho kami nakapagusap simula nang umalis kami ni Mama.” Hinarap siya ng matanda. “Walang nagbago sa kanila Ganoon pa rin. Kung umarte ang papa mo, parang wlaang nangyari noon. Parang hindi siya nilayasan ng asawa niya at bunsong anak.” Napakurap siya. Syempre, hindi aarteng parang nawalan ng asawa at bunsong anak ang Papa niya. Hindi ito kailanman nagpakita ng interes na import
Lalong lumawak ang pagkakangiti ng matanda. “Ang bait naman ng kapatid mo. Anong pangalan niya?”Napatitig siya kay Aling Ester. Sinabi nitong kapatid niya ang bata. Paano nito nalaman?Bago siya makasagot ay kinuha ni Chin-chin ang atensyon niya. “Mommy, tapay.”Kitang -kita niya nang mawala ang ngiti sa mga labi ni Aling Ester, bumagsak ang panga nito, at ilang saglit na nakaawang lang ang bibig nito.“Anak ko ho si Chin-chin, Aling Ester,” pagsisinungaling niya bago pa man ito makabawi sa pagkabigla.“N-naku! Aba’y pasensya na ika ta nasala ako,” Aba'y pasensya ka na at nagkamali ako. Alanganin ang pagkangiti nito. “Dae ko man naisip na…” (Hindi ko man naisip na….) Kinagat nito ang ibabang labi. Malamang na iniisip nito na kapag nagpatuloy pa ito sa pagsasalita ay lalo lang itong mapahiya. Bigla nitong hinila nag isang silya at naupo roon. “An maray pa magpamahaw na kamung duwa. Iyaong ko muna an hotdog.” (Ang mabuti pa’y mag-almusal na kayong mag-ina. Hahanguin ko muna ang hotd
Kinabukasan, nagising si Mauve dahil sa paggalaw ni Chin-chin sa kanyang tabi. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang pamimilog ng mga mata nito. Titig na titig ito sa kisame ng hindi pamilyar na kwarto.Natatawang niyakap niya ito. “Morning, baby.” Matunog na hinalikan niya ito sa noo.Nang marinig ang boses niya, agad itong tumingin sa kanya at masusi siyang pinagmasdan, parang nangingila.“Mommy ‘to, baby.” Itinuro niya ang kanyang sarili.Nagsumiksik ito sa kanya. “Mommy, gusto ko breakfast, “ nakasubsob ang mukha sa dibdib niyang sabi nito.“Eh, di samahan mo si Mommy sa kusina para makapag-prepare na tayo ng breakfast mo. Okay. Let's go!”“Let's go!” Masiglang sang-ayon nito.Mabilis siyang bumangon at gayundin din ito. Bago lumabas ng kwarto ay dinampot niya ang lalagyan ng gatas nito at ang natira pang tinapay nang nagdaang gabi. Binitbit din niya ang isang lata ng sardinas. Iyon na lamang ang ipapalaman niya sa tinapay.Kakalabas pa lang nila ng kwarto ng pintuan a
Nakita niyang bumukas ang front door ng bahay. Lumabas mula roon ang isang matanda. Agad niyang nakilala si Mang Dino, ang pinakamatagal na katiwala ng mga Lucencio. Mabilis itong lumapit sa gate at binuksan iyon. Ipinasok ni Mang Tonyo ang van at ipinarada iyon sa harap ng bahay.“Ipapasok ko na ang mga maleta para makapagbihis kayo agad at makapagpahinga na. Isusaunod ko na lang ang iba,” wika nito.Tinapunan niya ito ng isang ngiti, nagpapasalamat. Pagod na talaga siya. Bumaba siya ng van karga si Chin-chin. Naroon na si Mang Dino na mabilis na naisara at nai-padlock ang gate. Maliksi pa rin itong kumilos kahit matanda na.“Marhay na banggi ho, Mang Dino.” Magandang gabi, nakangiting bati niya rito.Sa kanyang pagtataka, isang walang ngiting tango ang natanggap niya mula rito. Kilala iyong hindi palaimik at tahimik pero hindi ito maramot magbigay ng ngiti at pagbati kahit kanino.Ngayon, iyong tango ay parang napipilitan pa. Pagkatapos ay agad itong tumalikod at nagpatiuna aa pag
HAGULHOL ang naging reaksyon ni Jhaz nang ibalita rito ni Mauve na aalis na sila ni Chin-chin para bumalik sa San Carlos. Alam niyang nalulungkot ito dahil hindi na nito makikita araw-araw ang inaanak.“Walanghiyang Hendrick na iyon! Kung alam ko lang na ilalayo pala niya sa akin ang inaanak ko, hindi ko na sana siya kinampihan!” pangangalaiti niya.“Huwag kang mag-alala, malapit na naman ang sem break. Pwede mo naman kaming dalwain doon,”pagpapagaan niya ng loob nito.Sa sinabi niya ay tumayo ito mula sa kinauupuang stool af tinulungan siya sa pag-eempake ng iilang pirasong gamit ni Chin-chin.Napabuntong-hininga si Jhaz, ngunit hindi na ito nagsalita pa. Naiintindihan naman nito ang sitwasyon niya, ngunit hindi pa rin nito maiwasang magdamdam. Muli nitong inabot ang isa pang damit ni Chin-chin at maingat itong itinupi. Hindi ito makapaniwala na ang mga bagay na ito, na dating bahagi ng araw-araw na buhay nito, ay magiging alaala na lamang sa mga susunod na araw.Isang malaking van
Simpleng tao lang naman kasi ang kanyang mama., simple pati pangarap at kaligayahan. Anak ito ng isang magsasaka. Pinakasalan lamang ito ng kanyang papa dahil sa angkin nitong kagandahan. Kung wala ang gandang iyon ay wala itong silbi sa sarili nitong asawa. Sa Ate Tiffany naman niya ay wala rin itong nakuhang suporta. Daddy’s girl ang kanyang ate. Masyado nang nalubog ang mama niya sa depresyon nang ipinanganak siya kaya hindi na nito napansin na ang anak na nagmana ng hitsura sa asawa nito ang tunay na nagmamahal dito. “Ganun ka ba kadesperada noon para makatanggap ng pagmamahal, Mauve., that you deliberately acted blind just for the heck of it?” Gulat na nag-angat siya ng paningin at tinitigan ito ng tuwid nang marinig ang disappointment sa tinig nito. Kitang-kita rin niya iyon maging sa mga mata nito. Kahit paano ay nagdiwang ang kalooban niya dahil kahit paano ay maganda pala ang tingin nito sa kanyang pagkatao. Nainip na yata iyo sa isasagot niya sa tanong nito. Nali