LOGINMauve never taught she would meet Hendrick again. Subalit nang mag-krus ang kanilang landas, dumating ito kung kailan bagsak na bagsak siya at kailangang-kailangan niya ng tulong.He offered help which she reluctantly accepted dahil kailangan niyang bumalik sa San Carlos. Alam niyang sa pagbabalik niya ay anumang iwas ang gawin niya ay muli niyang makakaharap ang kanyang papa at kapatid.Ganoon nga ang nangyari. Natuklasan niya na hindi humupa ang maliit na galit ng kanyang ama sa kanya. Gayundin ang Ate Tiffany niyang nagbanta pang aangkinin muli nito si Hendrick sa kabila ng katotohanang may asawa na ito.Nakabuo ng plano si Hendrick, magpanggap daw silang magkasintahan para layuan na siya ng Ate niya. Pumayag naman siya at natuklasan niya, she enjoyed playing the role of being his fiancée. Compatible sila sa lahat ng bagay, especially when they were kissing. He even offered marriage na tinanggap niya naman .Pero hindi niya maiwasang makadama ng agam-agam. Alam niyang bahagi lamang iyon ng pagpapanggap nila. Magpapatuloy ba ang pagpapanggap ni Mauve at Hendrick bilang magkasintahan, o mauuwi ba ito sa totoong pagmamahalan?
View MoreIsinara niya ang refrigerator matapos ipasok ang butter at pitsel ng gatas. Pagkatapos ay ipinunas niya ang mga kamay sa basahang nakasabit sa handle ng refrigerator. Agad naman na bumaling siya sa matanda. Kanina pa siya may gustong itanong dito. “A-aling Ester, k-kumusta na ho sina Papa at Ate Tiffany.” hindi napigilan na tanong niya. Nag-aalalang tumingin sa kanya ang matanda. “Alam ba niyang narito ka ngayon sa Casa Lucencio, hija? Alam ba niyang nagtatrabaho ka kay Hendrick?” Umiling siya saka naupo sa isang silya. Sinulyapan niya sandali ang kapatid na naglalaro ng isang plastic na mansanas. “Hindi na ho kami nakapagusap simula nang umalis kami ni Mama.” Hinarap siya ng matanda. “Walang nagbago sa kanila Ganoon pa rin. Kung umarte ang papa mo, parang wlaang nangyari noon. Parang hindi siya nilayasan ng asawa niya at bunsong anak.” Napakurap siya. Syempre, hindi aarteng parang nawalan ng asawa at bunsong anak ang Papa niya. Hindi ito kailanman nagpakita ng interes na import
Lalong lumawak ang pagkakangiti ng matanda. “Ang bait naman ng kapatid mo. Anong pangalan niya?”Napatitig siya kay Aling Ester. Sinabi nitong kapatid niya ang bata. Paano nito nalaman?Bago siya makasagot ay kinuha ni Chin-chin ang atensyon niya. “Mommy, tapay.”Kitang -kita niya nang mawala ang ngiti sa mga labi ni Aling Ester, bumagsak ang panga nito, at ilang saglit na nakaawang lang ang bibig nito.“Anak ko ho si Chin-chin, Aling Ester,” pagsisinungaling niya bago pa man ito makabawi sa pagkabigla.“N-naku! Aba’y pasensya na ika ta nasala ako,” Aba'y pasensya ka na at nagkamali ako. Alanganin ang pagkangiti nito. “Dae ko man naisip na…” (Hindi ko man naisip na….) Kinagat nito ang ibabang labi. Malamang na iniisip nito na kapag nagpatuloy pa ito sa pagsasalita ay lalo lang itong mapahiya. Bigla nitong hinila nag isang silya at naupo roon. “An maray pa magpamahaw na kamung duwa. Iyaong ko muna an hotdog.” (Ang mabuti pa’y mag-almusal na kayong mag-ina. Hahanguin ko muna ang hotd
Kinabukasan, nagising si Mauve dahil sa paggalaw ni Chin-chin sa kanyang tabi. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang pamimilog ng mga mata nito. Titig na titig ito sa kisame ng hindi pamilyar na kwarto.Natatawang niyakap niya ito. “Morning, baby.” Matunog na hinalikan niya ito sa noo.Nang marinig ang boses niya, agad itong tumingin sa kanya at masusi siyang pinagmasdan, parang nangingila.“Mommy ‘to, baby.” Itinuro niya ang kanyang sarili.Nagsumiksik ito sa kanya. “Mommy, gusto ko breakfast, “ nakasubsob ang mukha sa dibdib niyang sabi nito.“Eh, di samahan mo si Mommy sa kusina para makapag-prepare na tayo ng breakfast mo. Okay. Let's go!”“Let's go!” Masiglang sang-ayon nito.Mabilis siyang bumangon at gayundin din ito. Bago lumabas ng kwarto ay dinampot niya ang lalagyan ng gatas nito at ang natira pang tinapay nang nagdaang gabi. Binitbit din niya ang isang lata ng sardinas. Iyon na lamang ang ipapalaman niya sa tinapay.Kakalabas pa lang nila ng kwarto ng pintuan a
Nakita niyang bumukas ang front door ng bahay. Lumabas mula roon ang isang matanda. Agad niyang nakilala si Mang Dino, ang pinakamatagal na katiwala ng mga Lucencio. Mabilis itong lumapit sa gate at binuksan iyon. Ipinasok ni Mang Tonyo ang van at ipinarada iyon sa harap ng bahay.“Ipapasok ko na ang mga maleta para makapagbihis kayo agad at makapagpahinga na. Isusaunod ko na lang ang iba,” wika nito.Tinapunan niya ito ng isang ngiti, nagpapasalamat. Pagod na talaga siya. Bumaba siya ng van karga si Chin-chin. Naroon na si Mang Dino na mabilis na naisara at nai-padlock ang gate. Maliksi pa rin itong kumilos kahit matanda na.“Marhay na banggi ho, Mang Dino.” Magandang gabi, nakangiting bati niya rito.Sa kanyang pagtataka, isang walang ngiting tango ang natanggap niya mula rito. Kilala iyong hindi palaimik at tahimik pero hindi ito maramot magbigay ng ngiti at pagbati kahit kanino.Ngayon, iyong tango ay parang napipilitan pa. Pagkatapos ay agad itong tumalikod at nagpatiuna aa pag
“Look at her, Mauve. Look at your daughter,” masuyo nang sabi ni Hendrick, wala na ang pormal na kanina ay ipinalita nito. “She looks so innocent, so happy. Palibhasa wala pa siyang nararanasan na disappoinment sa buhay niya. Hindi pa niya nararamdaman ang lungkot dahil wlaa siyang ama. Hindi pa ni
Mabuti na lamang at maagap siya sa paghagilap ng tuwalya. Kung hindi ay mababasa sana si Hendrick dahil mabilis na nakatayo at nakaahon sa bathtub ang bata nang makita ang daddy nito.May inilabas na tsokolate si Hendrick at iniabot na iyon kay Chin-chin bago pa man siya makapagreklamo.Hindi naman
Napaungol na lamang siya nang nakangising kinarga ito ni Hendrick. Iniwan niya ang mga ito at sinundan si Jhaz sa loob ng bahay.“Hindi ka pa ba aalis? Wala ka bang ibang gagawin o pupuntahan?” hindi na nakatiis na tanong ni Mauve kay Hendrick, pagkatapos ng isang oras na pakikipaglaro nito kay Chi
Hindi na siya nakabalik ng pag-aaral dahil kinailangan niya ng magtrabaho para may makain silang magkapatid. Alam niyang wala siyang matatanggap na tulong mula sa kanyang ama. Ni hindi nito tinugon ang sulat niyang nagpapaalam dito tungkol sa pagkamatay ng kanyang mama.Hindi na niya sinabi sa sula












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.