Share

CHAPTER 5

KINILABUTAN si Redlee habang nanonood ng television ng umagang iyon. Bale ba'y maaga siyang nagising at agad na lumabas mula sa kuwarto nila Kriza. Hindi niya ito inabala sa pagtulog at nagpasya ngang libangin muna ang sarili. Ang totoo kasi ay apektado pa rin ang utak niya ng masamang ginawa kay Diane kaya ginugulo siya ng sariling kunsensiya. 

Kaya nga kanina ay minabuti niyang buksan muna ang television habang nasa salas. Dahil gising na ang isa nilang kasambahay ay nagpatimpla ng hot coffee. Pero habang tutok nga ang mga mata niya sa pinapanood ay bigla na lamang nagkaroon ng breaking news, na labis niyang ikinabigla.

My God! hiyaw ng utak niya. Napasandal siya sa sofa at bahagyang nanginig ang katawan. Bangkay ba ni Diane ang natagpuang ng mga pulis?

Ayon sa balita ay isang bangkay ng babae ang natagpuan sa gilid ng madamong kalsada. Hindi niya tiyak kung si Diane ito pero sinaklaw na siya ng matinding takot. 

Agad niyang kinuha ang remote control at ini-off ang television. Napatayo siya pero muling umupo. Saka isinandig ang likod sa sandalan ng sofa.

Huwag kang matakot, Redlee, tila narinig niyang bulong ng isip niya. Si Diane man ang natagpuang bangkay o hindi ay wala namang naka-aalam na ikaw ang pumatay sa kanya. Just relax, Redlee Rivera. Be calm!

Napatango siya. Sumang-ayon siya sa sinabing iyon ng sariling isip. "Oo. Hindi ako dapat matakot. Wala akong dapat katakutan..."

Sinikap niyang pasiglahin ang kilos. Nang tumayo siya ay ngumiti at inihakbang ang mga paa papunta sa kuwarto.

"Dapat ay alisin ko na sa isip si Diane," bulong niya ng buksan ang dahon ng pintuan. "Dapat ay kalimutan ko na ang lahat ng bagay tungkol sa kanya. Kailangan kong payapain ang loob ko para matahimik ng tuluyan ang buhay ko."

Nang makita niya sa kama ang tulog pa ring si Kriza ay dito natuon ang isip niya. Kaya napatitig siya rito habang nanatiling nakatayo.

"Sa kanya ko na itutuon ang buo kong attention," sabi niyang may pangangako sa sarili. "Pipilitin kong mas maging maayos ang relasyon namin ni Kriza..."

Marami pang magagandang bagay sa pagitan nila ng live-in partner ang nabuo sa isipan niya. At sisikapin niyang magawa iyon para tuluyan nang mabura sa utak niya ang babaing hindi sinasadyang patayin.

DAHIL hindi naman lihim kina Rex at David ang tungkol sa naging relasyon nila ni Diane ay kinausap ni Redlee ang dalawa. Ipinaalam niya sa mga ito na bibitiwan na niya ang apartment. Dahil wala ng titira dito ay hindi na uupahan pa. Nagpatulong din siya na maibenta ang mga kagamitan doon at mai-dispose ang mga damit pambabae na naroon.

Takang-taka naman ang mga ito at hindi makapaniwala. Ano pa't katakot-takot na tanong ang sinagot niya para maunawaan ang naging sitwasyon, na siyempre ay puno ng kasinungalingan.

Ang sabi niya ay lumayas si Diane. Walang paalam itong umalis para sumama sa ibang lalaki. Isang sulat lang ang iniwan nito sa ibabaw ng dining table.

"Malandi talaga ang Diane na iyon," sabi ni Rex na umiiling. The anger was obvious on his face. "Despite the good thing you have done to her ay ganoon pa ang iginanti niya sa iyo, sir."

"She is ungrateful," David added. "You've given her good things but she still betrayed you, sir."

"We can't blame Diane," he said in a sad voice. "She wasn't happy with me."

"Being a cheap woman," natatawang sabi ni Rex, "she's really not happy with one man. Asahan mo, sir... she will be looking for another man after her current relationship."

"Sigurado iyon," mabilis na sabi ni David. "Kaya hayaan mo na lang siya, sir. Huwag kang manghinayang sa pagkawala niya sa buhay mo."

"You'd better stay in Ma'm Kriza's side, sir. And be happy with her."

"Yes, Rex," tugon niya dito na tumango-tango pa. "From now on, I will be loyal to Kriza. Wala na akong magiging ibang babae maliban sa kanya."

Kitang-kita niya ang tunay na katuwaan sa mukha ng dalawang kaibigan. Talagang ang gusto ng mga ito ay ang mapabuti siya at ang relasyon nila ni Kriza.

HINDI naiwasang magsalita ni Rex ng sila na lamang ni David ang magkasama. Sakay na sila ng kanyang kotse na minamaneho pauwi ng sandaling iyon.

"Palaisipan talaga sa akin ang nakita kung tuyong dugo sa sala ng apartment ni sir Redlee," sabi niyang nakakunot-noo pa. Kanina pa kasi siya nag-iisip kung saan galing ang mga tuyong dugo sa sahig. May mga patak pa kasi iyon na tila papunta sa unahang pintuan. "Saan kaya talaga galing iyon?"

"Iniisip mo pa rin pala ang tungkol diyan," anang itinuturing na niyang bestfriend na si David. "Pare, kalimutan mo na lang iyon. That's nothing."

"Hindi, eh," umiiling niyang sabi. "Para kasing may kakaiba..."

"Kakaiba?" tanong ni David na tumawa. "Ano ka ba, pare? Ano namang kakaiba sa mga dugong iyon? Just forget that. It's gone because I've cleaned up."

"Ewan ko sa 'yo, David. I also wonder why you suddenly presented to clean that, nang ganoong ura-urada."

"Dahil wala lang iyon, Rex. Maliit na bagay at hindi na dapat pag-usapan. That's really a simple matter."

He sighed. Then, he shakes his own head again. "Hindi iyon isang simpleng bagay lang, David!"

"Okay," tugon nitong humalakhak. "That's a big deal to you. Pare, bahala ka na. Mag-isip ka na ng gusto mong isipin pero para sa akin talaga ay balewala lang iyon."

"Si sir," sabi niya. "Si sir Redlee..."

"Nasaan?" tanong ni David na tumingin pa sa likuran ng kalsadang binabaybay nila. Inalam nito kung nakasunod sa kanila ang kotse ni Redlee. "Wala si sir. Hindi siya ang may-ari ng car na kasunod natin."

Napatawa siya. "Hindi ko sinabing kasunod natin si sir."

Napakamot sa ulo si David. Tumawa rin ng mahina. "Eh, ano, pare?"

"Pare, hindi mo ba napansin ang naging reaction ni sir nang tanungin ko kung bakit may tuyong dugo sa sahig?"

"Parang... namutla siya!"

"Oo, David. At hindi agad siya nakasagot. Bumuka-buka ang bibig niya pero walang lumabas na salita."

Hindi umimik si David. Pero halata niyang nag-iisip ito.

"Pare, bigla kang nagsalita ng hindi nakaimik si sir Redlee. Nagpresinta ka na lilinisin mo na lang..."

"Rex, hindi na ba sumagot si sir Redlee kahit noong kumuha ako ng basahan na paglinis sa sahig?"

Umiling siya. "Hindi na, pare. Muli na lang niyang pina-alala iyong mga gamit na puwede nating ibenta. Saka palang nagbalik ang kulay ng kanyang mukha."

"Ngayon lang ako parang nalinawan dahil sa sinabi mo, pare. Ngayon ko naisip na baka may kung anong kakaibang rason sa tuyong dugo sa sahig ng apartment."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Josie Vinuya Dayo
Next chapter please ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status