Share

CHAPTER 11

NANG maalimpungatan si Diane ay nalamang wala na sa tabi niya si Khian James. Noong una ay kinapa-kapa muna ito ng kanyang kamay habang nanatiling nakapikit. Nang maramdaman niyang wala na siyang katabi ay saka iminulat ang mga mata. At napabangon na nga siya nang mabatid na nag-iisa na siya sa kuwarto.

"Khian?" anas niya habang inililinga ang paningin. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?

Dahil hubo't hubad siya ay kinuha ang kumot at ibinalot iyon sa katawan. Saka siya tumayo at lumapit sa pintuan. Binuksan niya ang dahon niyon at sumilip sa labas.

"Khian," tawag niya rito. "Are you there? Are you out there, Khian?"

Nang walang tumugon sa kanya ay bumalik siya sa may kama. Nang makita niya ang nagkalat na damit at mga panloob sa sahig ay pinulot ang mga iyon.

Nagbihis siya. Nakadama ng lungkot. Naisip kasi niyang wala talagang namamagitang pag-ibig sa kanilang dalawa at pinanghinayangan niya iyon. Kung mahal kasi siya ni Khian James ay hindi ito basta na lang aalis at baka hanggang nga
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status