Share

CHAPTER 8

SUMAILALIM na si Diane sa facial operation at habang nasa loob ito ng surgery room ay hindi mapakali si Khian James. Wala siyang ginawa kundi ang magpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng pintuan nito.

Nag-aalala siya para sa babae. Pero hindi sa posibleng ikapahamak nito kundi sa ibubunga ng facial surgery. Oo nga at nakatitiyak siyang mahusay na plastic surgeon ang doktorang kinuha niya ay hindi niya maiwasang kabahan. Gusto kasi niyang makatiyak na hindi mabigo si Diane sa inaasam na kagandahan.

God, ikaw na po ang bahala kay Diane, dalangin niya sa isip nang makaupo sa bench na naroon. Ipahintulot Mo pong maging maayos ang resulta ng operasyon.

He helps his friend truly from his heart. Out of concern, he really tried to put her at ease and be fully prepared for the upcoming surgery. That's why he approached Dra. Helen Yulo, who is a board-certified plastic surgeon that have completed eight years of specific training by an accredited plastic surgery training program, that is regulated by the Accreditation Council for Graduate Medical Education.

At ito na nga ang sandaling hinihintay nila. Ngayong nasa loob na ng surgery room si Diane ay sinisikap niyang ipalagay ang loob. Umaasa siya na may magandang ibubunga ang lahat.

Hindi ka na nga sana mamukhaan ni Redlee Rivera after the operation, Diane, bulong pa ng isip niya. At sana nga ay ma-attract agad siya sa bago mong mukha para hindi ka mabigo sa gusto mong mangyari.

Dahil talagang hindi niya nagustuhan ang ginawa ng dating live-in partner ni Diane ay nais niyang pagtagumpay ito sa pinaplano. Gusto niyang dumating ang araw na labis na pagsisihan ng lalaki ang masamang ginawa dito. That's why he willingly shouldered half of the surgery bill. He didn't care about it and he is so happy no matter how big it was.

"Goodluck, Diane," mahinang namutawi sa bibig niya habang nakangiti. "Asahan mong susuportahan kita sa gagawin mong paghihiganti. I will not leave you until you succeed. Promise..."

"REX, katulad ba ni David ay naghinala ka ring may ginawa akong masama kay Diane?" Prangkang tanong ni Redlee sa kaibigan nang magkasabay silang naglakad sa pasilyo ng opisina. "Nagulat ako sa sinabi niya ng kausapin ako noong isang araw. He almost accused me."

"Sir..?" anito na halos pabulong. "Pasensiya na, sir."

Naramdaman niyang tila nahiya ito. Dahil nakatingin siya rito ay nakita niyang pinamulahan ito ng mukha.

"Just tell me the truth, man. It's better if you tell the truth than pretend."

"Y-yes, sir. Nag-isip din ako ng masama laban sa 'yo," tugon nitong napakamot sa ulo. "Pero maliit na bagay lang iyon, sir. Balewala na naman sa akin ang bagay iyon. In fact, I have no intention of investigating that further." He sighed. "Sir..."

"Is there anything else you want to say, Rex? Tell me."

Humingi ito ng pasensiya para kay David. Hindi niya inaasahan iyon pero kanyang ikinatuwa. Kahit papaano ay nagbigay iyon ng kaluwagan sa kanyang loob dahil nabatid na hindi isyu dito ang tungkol sa tuyong dugo sa dati nilang apartment ni Diane.

"The truth is," Rex continued, "David and I talked about that thing, sir. Because we thought that was the real reason for Diane's disappearance."

"But that's not true, Rex," he replied while shaking his head. "I did nothing wrong to that woman. She ran away and cheated on me!"

"Yes, sir. Naniniwala na ako sa iyo. Hayaan mo at kakausapin ko si David para mawala na rin sa isip niya ang masamang hinala."

"Do it, Rex. Hindi ko gustong masira ang maganda nating samahan dahil lang kay Diane."

Sumaludo ito sa kanya na ngiting-ngiti. "Sorry, sir. And don't you worry, hindi maaapektuhan ang samahan natin. Our friendship will remain as usual."

"Let's celebrate that!" he said happily. "We're going out tonight. Let's go to our favorite bar.

It's my treat!"

"Yes!" sabi ni Rex na natuwa rin. "Masaya iyan, sir. Matutuwa si David dahil malilibang na naman siya with his favorite wine."

Lumingon ito.

"Pero nasaan na kaya ang lalaking iyon?" Inilinga pa nito ang paningin. "Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Parang umiiwas, na ewan!"

"Dapat ay kasabay mo siya sa paglabas mula sa office ninyo, 'di ba?"

"Yes, sir. Pero nauna siyang umalis. Hindi ko na siya nakita pa sa loob." Tumaltsak ito. "Umiiwas talaga siya. Naku! Sinabi ko na at iyong hindi niya mag-imik ay may dahilan."

"Did he has a problem?"

"We really need to get out later, sir. We must be able to go to the bar, so, whatever the problem of that man will be reduced or completely disappear after he has fun."

"You need to call David or find a way to tell him about our night out."

"I'll take care of that, sir. Just expect that nothing can stop to go out to our favorite hangout."

HINDI inaasahan ni Redlee na nasa lobby ng kompanya si David, na tila may hinihintay. Dahil kasabay niya si Rex ay natuwa ito nang makita rin ang kaibigan.

"Sir, David is here," anito na itinuro ang lalaki. "Lokong ito. Parang may hinihintay, ah. May balak na yatang maghatid ng chick."

Napatawa siya. "Nakita na ba niya ang kanyang kapalaran?"

Open si David tungkol sa sariling buhay. At hindi iyon lihim sa kanila ni Rex. Hindi ito nagkaila na sa kabila ng pagiging matandang binata ay nangangarap pa ring magkaroon ng asawa. At matutuwa talaga sila kung totoo ang hinala nilang may babae na nga itong gustong ihatid o ligawan.

"David, mukhang may hinihintay ka," bungad ni Rex nang makalapit sila dito. "Is she the woman you love, isn't she?"

Tumingin si David kay Redlee. Bahagya pa itong yumukod sa kanya at bumati. "Good day, sir Redlee..."

"So, you're here, David," he replied. "We thought that you were gone. But it's good that you're still here."

"David, sir Redlee invited us. We'll go to the Bachelor's Bar later. His treat."

Napangiti si David. Muli itong yumukod kay Redlee. "Thank you, sir. You're really kind..."

"This is for the sake of our being friends with Rex, David!"

"Sir, sorry." Seryosong paghingi nito ng tawad sa kanya. "Huwag ka naman sanang magalit o maghinanakit sa akin dahil sa pag-iisip ko ng masama laban sa 'yo..."

Umiling-iling ito. Minsan pang humingi ng tawad sa kanya. Saka bumuntonghininga.

"Ang sama kong tao. Sa kabila ng kabaitan mo ay pinaratangan pa kita ng masama. Dahil lang sa babaing taksil ay nag-isip pa ako ng hindi maganda."

"Forget it, David," aniyang tinapik-tapik ito sa balikat. "Ang importante ay hindi magbago ang pagtrato mo sa akin..."

Nakangiti siyang tumingin kay Rex habang nakatingin din ito sa kanya.

"Kayo ni Rex. Ang totoo ay para ko na kayong mga kapatid kaya gusto kong manatili ang maganda nating samahan."

Sabay na nagsalita ang dalawa, na tuwang-tuwa. Pinasalamatan pa siya dahil sa sinabing para na niyang kapatid ang mga ito. Kaya naman masayang-masaya silang tatlo na pumunta sa parking area para puntahan ang kanilang mga kotse.

Nang walang ano-ano ay biglang napasigaw si David at niyakap si Redlee, para iiwas sa humaharurot na kotse. Bunga niyon ay sabay silang bumagsak sa sementong daan dahil nawalan ng balanse. Labis namang nagulat na si Rex, na dahil nasa may likuran nila ay nanatiling nakatayo.

"Sir Redlee," anas nito nang makabawi sa pagkagulat. Saka inalalayan si Redlee sa pagtayo. "Nasaktan ka ba, sir?"

"Hindi naman masyado," tugon niyang tumingin kay David habang mag-isa itong tumatayo. "Thank you, man!"

"Pasensiya na, sir," sabi nitong tiningnan ang sugat sa siko na dumurugo. "Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Napalingon kasi ako kanina at nakita ang humaharurot na kotse, na parang babanggain ka kaya iniiwas kita!"

"Nakita ko nga iyon nang mapalingon din ako. Salamat at niyakap mo ako para iiwas, kaya hindi ako nasagasaan. Kung nagkataon ay napahamak na ako o baka nga patay na ngayon!"

"May sugat ka, David," nag-alalang sabi ni Rex. "Sasamahan kita sa clinic para magamot."

"Hindi na, Rex. Maliit lang naman ito."

"David, tayo na muna sa clinic para malagyan ang sugat mo ng gamot at gasa." Hinawakan niya ito sa braso. "Sasamahan ka namin ni Rex."

Hindi na ito tumanggi at sumama sa kanila pabalik sa mataas na gusali ng kanilang kompanya para pumunta sa klinika.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status