Share

CHAPTER 6

DIANE stares at her own face in front of the mirror on the vanity dresser inside the guest room of Khian James' house, where she is staying now.

"Magpaparetoke ako," sabi niya nang hinaplos ang may gasang sugat sa noo. "Magkakaroon nang pagbabago sa aking mukha. Mawawala ang pilat na ito..."

Mapait siyang ngumiti. Nanatili siyang nakatitig sa sariling mukha. Wala sa plano niya ang magparetoke dahil hindi naman kalakihan ang sugat sa noo niya. Oo nga at magkakapilat ito pero puwede pang matakpan ng buhok para hindi makita. Pero dahil nga sa gagawin niyang paghihiganti sa live-in partner ay desidido na siyang magkaroon ng pagbabago sa kanyang mukha.

Diane was serious about that plan. She would do it because of Redlee. Yes, because of Redlee and she will try to succeed. She will do everything until the day comes that he cries because of the pain he will experience. She would be very happy if he would kneel before her in repentance.

"Hindi ako papayag na mabigo," bulong pa niya nang tumalikod mula sa harap ng salamin. Nagtiim-bagang siyang marahang humakbang. "Gagawin ko ang best ko para magtagumpay. Sisikapin ko talagang magawa ang lahat ng paraan."

Minsan pa siyang nakadama ng awa sa sarili. Naikuyom niya ang dalawang palad. Ano pa at napailing siya nang maalala ang masamang nangyari sa kanya.

Ah, her brain screamed while hugging herself.

Hindi mo nga ako napatay, Redlee. Pero itinapon mo naman ako sa malayong lugar. Ang sakit ng katotohanang iyon. Imagine, nagawa mo sa akin ang bagay na iyon?

Lalong nagpuyos sa galit ang kanyang emosyon kaya naibulong niya ang magandang bagay na nagawa ng kanyang kaibigan.

"Paano na lang kung hindi ka nasundan ni Khian James? Ano na lang ang nangyari sa akin sa malayong lugar na pinagtapunan mo sa akin?"

Napaupo siya sa gilid ng kama. Pakiramdam niya ay nanlambot ang mga tuhod niya. Kasabay niyon ay gumiti ang luha sa sulok ng kanyang nga mata.

"Hindi mo ako totoong minahal," sumbat niya kay Redlee, na para bang nakita niya ito sa kanyang harapan. "Hindi po ako sasaktan ng ganoon, kung mahal mo talaga ako!" 

Hindi niya naiwasang patuloy na sumbatan ang dating live-in partner, na tila ba ay talagang kaharap ito. Pero sa huli ay narinig niyang inusig din siya ng sariling isip.

May kasalanan ka rin naman, Diane. Nagtaksil ka kay Redlee. Siya mismo ang nakakita kung paano ka lumandi kay Khian James!

Natameme siya. Naisip niyang totoo ang usig ng kanyang isip. Sunod-sunod siyang napalunok at napatayo. Saka niya ibinagsak ang dalawang kamay.

"Mas matindi ang ginawa ni Redlee sa akin," usal niya. "Kailangan ko pa ring gumanti sa kanya. Kaya gagawin ko ang plano ko. At walang makapipigil sa akin. Wala!"

Mas malakas ang pagkakabigkas niya sa huling salitang binanggit. Naikuyom pa niya ang dalawang kamay. Talagang buo na ang desisyon niya. Magpaparetoke siya ng mukha para hindi siya makilala ng lalaki. Muli niya itong paiibigin pero kabiguan ang isusukli niya. Sasaktan niya ang damdamin nito at paiiyakin.

"Hindi ka mabibigo, Alyana," sabi niya nang nakaharap na muli sa vanity mirror. Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang sariling mukha.  "Oo. Ikaw na si Alyana mula ngayon, Diane dela Cruz. Ikaw na si Alyana Lee, na pagpapaluhod kay Redlee Rivera pagdating ng araw!"

Malakas siyang humalakhak. Ngayon palang ay nagdiriwang na ang kalooban niya!

HINDI inaasahan ni Redlee ang paglapit ni David ng nasa parking area na siya ng kanilang pinaglilingkurang kompanya.

"Sir..."

"Oh, David, bakit?"

Out of way ang bahay nito sa daraanan niya pauwi kaya alam niyang hindi ito makikisabay. Kaya naisip agad niyang may iba itong sadya sa kanya sa sandaling ito.

"I only want to ask something, sir," seryoso nitong pahayag habang tuwid na nakatingin sa mga mata niya. "Regarding sa nakita naming tuyong dugo sa apartment ninyo ni Diane."

Nagulat siya sa walang lingoy na pahayag nito. Dahil hindi niya inaasahan iyon ay hindi agad siya nakapagsalita.

"Did something strange happen, sir?" David asked. "Just tell me the truth, sir Redlee... may kinalaman ba ang bagay na iyon sa biglang pagkawala ni Diane?"

Sinikap niyang makabawi sa pagkagulat. Pagak siyang tumawa at sinagot ito ng kalmante.

"What are you talking about, David? Why are you thinking like that? Hindi ba at sinabi ko na sa inyo ni Rex na lumayas si Diane? Hindi ka ba naniniwala sa akin?"

Hindi ito umimik pero nanatiling nakatingin sa kanya, na tila ba ay tinitiyak na nagsasabi siya ng totoo. Bagay na hindi na niya nagustuhan kaya dinuro ito.

"David, I don't like what you're doing. Sa sinabi mo ay pinaghihinalaan mo ako. Nagbibintang ka na!"

"Gusto ko lang makatiyak, sir," tugon nitong iniiwas na ang paningin mula sa kanya. "Pareho naming nakita ni Rex ang tuyong dugo sa salas ng apartment..."

"At pareho kayong nagdududa?" maigting niyang tanong. Ibinagsak pa niya ang dalawang kamay. "Pareho kayong dalawa ni Rex na nag-iisip na may ginawa akong masama kay Diane kaya siya nawala? Is that so, David?"

Hindi ito sumagot na nanatiling hindi nakatingin sa kanya. Bumuntonghininga ito na ipinamulsa ang dalawang kamay.

"Hindi ko inaasahang pag-iisipan ninyo ako ng masama..."

Pagak siyang tumawa at umiling-iling. Wala talaga sa utak niyang pag-iisipan siya ng masama ng mga taong malapit sa kanya at kapalagayang loob. At nalulungkot siya sa nangyaring ito. Bagama't totoong may ginawa siyang masama sa live-in partner niya, na kanyang napatay at itinapon sa malayong lugar -- hindi niya gustong manaig sa isipan ng mga ito ang bagay na iyon!

Kailangan niyang magkunwari. Dapat ay maging kumbinsido ang mga ito na lumayas talaga si Diane at sumama sa ibang lalaki. Hindi siya makakapayag na magbago ang turing sa kanya nina David at Rex. They need to keep trusting and still respect him. He will not allow that because of that woman, their good relationship is ruined.

"Masama ba akong tao para gumawa ng hindi maganda? Isa pa, ano naman ang gagawin ko kay Diane? Papatayin ko ba siya? Bakit?"

Pero pinatay mo talaga siya, Redlee. Narinig niyang sabi ng kanyang utak. Ang mga tuyong dugo sa living room ng apartment ay mula kay Diane!

"A-ang mga dugo sa salas ay mula sa..."

Nag-isip muna siya. Tila ayaw namang makisama ng utak niya at hindi agad gumana. Wala siyang masabing dahilan.

"Sir, what?"

Parang gusto niyang pukpukin ang sariling ulo. Malaking bagay kasi sa kausap niya ang nakikita nitong hindi maituloy ang sasabihin. Talagang lalo itong magdududa sa kanya, na may ginawa siyang masama.

"Yaph," nausal niya. Mabuti na lang at biglang may pumasok sa utak niya na idadahilan. "Nang gabi iyon, bago lumayas si Diane ay bumili siya ng mailulutong karne. Sa center table niya iyon ipinatong kaya tumulo ang sariwang dugo mula sa pork..."

Ipinagpatuloy niya ang naisip na kasinungalingan. Nagpaliwanag siya kay David sa pag-asang maniniwala ito at makukuntento sa mga narinig. Pero maging ang sarili niya ay may agam-agam na naniwala na nga ito nang maghiwalay sila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status