Nanlaki ang mga mata ni Faredah at natakot sa maaring gawin sa kaniya ni Denis. Mabilis siyang napayuko at niyakap ng dalawang kamay ang ulo habang hinihintay na lumapat ang matigas na kamay ng binata.
"Denis, huwag!" Nakahinga nang maluwag si Faredah nang marinig ang tinig ng ama ng binata. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang pinaghahampas ng matanda ang binata gamit ang baston nito. "Ingrato ka, balak mo pang saktan ang nobya mo!" Hinabol pa ni Tacy ang apo upang mapalo ng kaniyang baston. Mabilis na pinigilan ni Faredah ang matanda at baka hapuin na naman. Kakalabas pa naman nito ng hospital. "Lola, kalma po at baka mapaano ka." "Kasalanan mong babae ka kung bakit muntik ka nang masaktan ng anak ko!" Paninisi ni Dulcy sa dalaga habang tinutulungan ito sa pagpigil sa ina niya.. "Isa ka pa!" Lalo lamang nagalit si Tacy at gusto ring paluin ang anak. "Lola, sorry po. Huwag na kayong magalit." Pakiusap ni Denis nang mapansin na hinahapo ang matanda. "Bab—Denis, ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Sophie habang hinahaplos ang likod ng binata at natamaan iyon ng baston ng matanda. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry!" Bulyaw ni Tacy sa apo. Inirapan ni Faredah ang binata bago pa ito makapagsalita. Hindi niya akalaing kamuntik na siyang masaktan nito. Hindi siya naawa dito o nakunsensya dahil nasaktan ng matanda. Kulang pa iyon kung tutuusin. At ang malanding si Sophie ay sinasamanla ang sitwasyon upang makahawak sa nobyo niya. Kulang na lang ay halikan si Denis upang pawiin ang sakit na nadarama nito. Napabuntong hininga si Denis at mukhang napilitan lamang mag-apology. "Sorry, nadala lamang ako sa bugso bg damdamin. Huwag mo na rin sanang ulitin lalo na ang pagsalitaan ng hindi magandang salita ang ina ko." Kikibot-kibot ang labi ni Faredah at sa isipan na lang minumura si Denis at ang kaibigan nito. Kung hindi niya lang inaalala ang matanda ay hindi niya tatanggapin ang sorry nito. "Hija, pagpasensyahan mo na ang nobyo mo. Alam mo naman kung gaano siya ka-responsible at kabait." Pang-aalo ni Tacy sa dalaga. Pilit na ngumiti si Faredah saka tumingin sa nobyo. Nakataas na ang t-shirt nito sa likod at umangat din sa harapan dahil hinahaplasan ni Sophie bg cream ang natamaan ng baston. Nangunot ang noo niya nang may mapansing marka sa bandang dibdib nito. Mabilis na naibaba ni Denis ang suot na t-shirt nang mapansin kung saan nakatitig ang nobya. Nakalimutan niyang maraming marka sa bandang dibdib nita dahil kay Sophie. "Hija, dito ka na maghapunan." Masuyong anyaya ni Tacy sa dalaga. "Sorry, lola, pero huwag na po at baka hindi matunawan iyang imported ninyo bisita." Ngumiti si Faredah sa matanda at nagpapaunawa ang tingin dito. Malungkot na ngumiti si Tacy at naunawaan ang dalaga. Ayaw niya itong pilitin at baka magkaroon pa ng malaking hindi pagkakaunawaan nito at ng apo niya. "Faredah, bakit kailangan mong magpasaring pa? Huwag kang magpaawa pa at nakakahiya sa bisita." Iritableng sita ni Denis sa dalaga. "Excuse me, ako? Nagpapaawa? Mukha ba akong pulubi?" Mukhang manghang turo niya sa sarili. "Sorry ha, pero hindi ako ipokrita o gawing kawawa ang sarili para lanf sa—" hindi niya naituloy ang nais sabihin at maapiktohan din ang matanda. "Never mind, by the way, kumpleto iyang pinamili kong pagkain. Sarapan niyo na lang ang luto at nakakahiya naman sa kaibigan mong mayaman kapag nagutom." Mariing naglapat ang mga labi ni Sophie at nagsalubong ang mga kilay dahil sa inis. Kulang na lang ay sabihin ng babae magutom sila kung wala ang pinamili nitong pagkain. "Hindi na po at baka hindi ako matunawan kapag kasalo ko si Sophie." Biglang natahimik ang paligid at nagulat sa ugaling ipinapakita ngayon ni Faredah. First time itong tumanggi at pumatol sa presensya ni Sophie. Tumayo na si Faredah at dinampot ay handbag. "Magpagaling po kayo, lola. Aalis na po ako at baka makaisturbo pa ako sa lambingan ng dalawa." May kasamang pasaring para sa nobyo at kaibigan nito. Pagkalabas ay hindi niya agad isinara nang husto ang pinto at tumigil roon. Umaasa kasi siyang sundan siya ng nobyo upang suyuin. "Denis, hindi mo ba susundan ang nobya mo at amuin?" Pagalit na tanong ni Tacy sa apo. "Ma, huwag po kayong ganiyan kaya lumalaki ang ulo ng babaing iyon at nag-iba na rin ang ugali." Napaismid si Faredah nang marinig ang sinabi ng ginang. Siya pa talaga ang magbago ang ugali? "Tama po si Tita Dulcy, lola. Hindi sa lahat ng oras dapat ay magpakumbaba si Denis. Ininsulto niya po ang pagkatao ng apo ninyo at—" "Hindi ikaw ang kausap ko at usapang pamilya ito!" Angil ni Tacy sa dalaga. Pinigilan ni Faredah na magkaroon ng tunog ang tawa niya. Savage si Sophie sa matanda at tiyak na namumula na ang pisngi nito dahil sa pagkapahiya. "Lola, huwag niyo pong ituring na ibang tao si Sophie. Nagsasabi lamang siya ng totoo at concern sa pagkalalaki ko." Naningkit ang mga mata ni Faredah dahil sa galit nang marinig ang sinabi ni Denis. Dahil sa sobrang sama ng loob at hindi na kayang marinig pa ang ibang sasabihin ay nagmamadali na siyang umalis. Hindi na rin siya nag-abalang isara ang ipinto. Nag flip hair si Faredah bago naglakad na. Hindi siya nagmamadali at umaasa pa rin na habulin siya ng nobyo upang mag sorry at pigilan siyang umalis. Gusto niyang mamili ito sa kanila ni Sophie. Ngunit nakalabas na siya ng gate ay walang humabol sa kaniya. Masama ang loob na nilingon niya bahay ng mga ito. Napabuntong hininga siya bago tinawagan ang kaibigan at pinsan na rin. "Mabuti at naalala mo pang may maganda kang kaibigan." Bungad na pasaring ni Jaira sa pinsan. Napangiti si Faredah at nagtataray na naman ang pinsan. Anak ito ng Tito Tristan nila at Tita Jade. Halos buwan lang din ang tanda niya rito. "Puwede mo ba akong sunduin?" "Nandiyan ka na naman sa bahay ng mayabang na iyan?" Umasim ang mukha ni Jaira pagkaalala sa nobyo ng pinsan. "Last na ito." Umikot ang mga mata ni Jaira at kung kaharap lang ang pinsan ay natampal na niya ito sa noo. "Pang ilang beses mo na iyan sinabi sa loob ng isang taon?" tonong naaasar niyang tanong dito. Natahimik si Faredah at tama naman ang kaibigan. Halos isang taon na ngang ganito ang relasyon nila ni Denis. Nag-umpisa lang naman ito noong magkatrabaho na ang nobyo niya. "On the way na ako." Mukhang napilitang ani Jaira. "Thank you, maghihintay na ako sa highway." Naglakad siya nang kaunti palayo sa bahay nila Denis. Ayaw niyang may makakita sa kaniya na sumakay sa isang magarang sasakyan. May sarili siyang sasakyan ngunit hindi ginagamit lalo na kapag may kinalaman sa nobyo niya. Ipinaglalaban niya ang nobyo sa pamilya niya pero hanggang ngayon ay hindi pa nakapasa sa test ng mga magulang ang binata. Hangga't maari ay ayaw niyang malaman ng family niya na may hindi pagkakaunawaan sila ngayon ni Denis. Ang pinsan na best friend na rin niya ay mapagkatiwalaan at dito lang siya naglalabas ng saloobin. "Let's go!" Binusinahan pa ni Jaira ang kaibigan at mukhang hindi napansin ang pagdating niya at ang lalim ng iniisip. Napakurap si Faredah nang makita ang pinsan. Twenty minutes lang ang pinaghintay niya dito at ang bilis magmaneho. Tumingin muna siya sa paligid na para bang may tinataguan bago nagmamadaling sumakay na sa kotse."Nasaan po si Jessa? Si Arthur po ba ay nakauwi na?" Magkasunod na tanong ni Jaira sa katulong."Sorry po utos ni M'am Jessa na huwag gisingin kanina dahil masama umano ang pakiramdam mo. Siya lang po ang umalis upang puntahan sa hospital si Sir Arthur."Parang nabingi si Jaira sa narinig at natuod na sa kinatayuan. "May tumawag po kamina na nadisgrasya ang minamanehong sasakyan ni Sir at nasa hospital siya ngayon.""Sa-saang hospital po siya?" Garalgal ang tinig na tanong ni Jaira sa ginang. Pagkarinig sa pangalan ng hospital ay nagmamadali siyang umalis upang puntahan ang binata. Wala siyang dalang sasakyan kaya nag taxi na lamang siya. Ngayon pa lang ay umiiyak na siya. Habang nasa daan ay tinawagan niya rin ang mga magulang."Huwag nang umiyak at papunta na rin kami ng daddy mo sa hospital." Alo ni Jade sa anak na umiiyak habang nagsasalita mula sa kabilang linya."Mom. Natatakot po ako at baka malala ang nangyaring aksidente!""Huwag kang mag isip nang ganyan, hija. Nasaan ka n
Matapos maligo ay nakita niyang may message na galing kay Arthur. Nangunot ang noo niya at bakit kailangan pang mag message nito gayong nasa malapit lang. "May importanting tao akong ka meeting ngayon sa labas. Huwag ka nang for magluto ng dinner mamaya at sa labas tayo kakain mamaya." Basa ni Jaira sa message ni Arthur. Mabilis na nag change mood Jaira, mula sa pangkadismaya ay naging masaya dahil sa huling message ng binata. Hintayin na lang niya ang message nito kapag sinundo na siya. Hindi na rin siya lumabas ng room upang hindi masira ni Jessa ang araw niya. Naisip niyang tawagan ay si Faredah. Pero una at pangalawang tawag ay walang nasagot. Hindi siya tumigil at walang makulit. "Tsk, isturbo!" Reklamo ni Faredah mula sa kabilang linya."Hey, tanghaling tapat ay nakapatong ka sa asawa mo?" Eksahiradong bulalas ni Jaira sa pinsan."Gaga, katatapos lang namin at minadali na dahil ang kulit ng tawag mo." Umirap si Faredah kahit hindi nakikita ng pinsan. "Alam mong nasa honeymo
ĺHinaplos ni Arthur ang pisngi ng dalaga at alam niyang na dissapoint ito sa halik niya. "Magpahinga ka na muna dito."Napasimangot si Jaira at mukhang pinagtatawanan pa siya ng binata. Hindi niya hinayaang makaalis ito. Nanguyapit siya sa batok nito na ikinabigla nang binata at na out of balance. Pagkatumba niya sa kama ay nakasunod ang katawan ni Arthur then parang deja vu ang lahat at tumigil bigla ang inog ng mundo niya. Shock siya dahil tama sa labi niya ang lapat ng bibig ni Arthur. Alam niyang hindi ito panaginip lang. Pareho silang natigilan ng binata at mukhang natuod habang magkalapat ang labi nila. Unang nakabawi ang binata na ikinalaki ng mga mata niya dahil sa halip na ilayo ang bibig nito sa kaniya ay gumalaw pa iyon at parang ramdam ang dila nitong lumapat sa labi niya.Mukhang nairita ang mahinang ungol ni Arthur dahil hindi magawang makapasok ang dila sa bibit ng dalaga at mariing nakatikom iyon.Para siyang natauhan nang marinig ang ungol ng binata. Napaawang din a
"What's wrong?" nag aalalang tanong ni Arthur kay Jaira at mabilis na inalalayan ito upang makatayo ng tuwid."Biglang sumakit ang isa kong binti pero ok lang ako." Tonong nahihiya na ani Jaira pero sa kaloob looban ay nagbubunyi dahil naasar si Jessa."Marahil ay dahil nakatayo ka ng matagal kanina sa kusina habang nagluluto." Pinaupo niya ang dalaga at tiningan ang paa nito. "Arthur, ano ang problema kay Ms. Jaira?" nag aalala ring tanong ni Jessa pagkalapit sa dalawa. Naiis siya kasi ingat na ingat ang binata sa babae at hawak pa ang binti nito lantad sa suot na short. "Mukhang pinulikat." "Marunong ako maghilot kaya ako na." Halos tabigin ni Jessa ang kamay ng binata nang muling hawakan nito ang binti ng babae."Ouch!" Daing ni Jaira kahit hindi naman masakit nang biglang hawakan ni Jessa ang binti niya."What the hell, Jessa? Stay away from her!" Angil ni Arthur sa kaibigan at mabilis na binuhat si Jaira.Nagulat si Jaira sa biglang bursts out ni Arthur at binuhat pa siya upan
Napangiti si Arthur nang mamula ang pisngi ng dalaga. Bahagya niyang pinisil ang pisngi nito. "Are you ok now?"Nakalabi na tumango siya at kinalimutan na si Jessa na panira lagi sa ginagawa niya."May kailangan ka pang sangkap na wala dito?"Parang nalulon na ni Jaira ang sariling dila dahil at hindi magawang magsalita kaya umiling lang siya habang nakangiti."Ok, kapag may kailangan ka ay iutos mo lang kay manang.""Saan ka pupunta?" Pigil niya sa binata nang tumalikod na ito."May kailangan akong tapusing trabaho."Hindi na niya pinigilan sa pag alis ng binata. Gusto niya sanang naroon lang ito at panoorin siya magluto. Saka niya lang napansin si Jessa nang wala na ang binata ay natawa siya at mukhang hindi na maipinta ang hitsura nito."Bitch, pumangit sana ang lasa ng luto mo katulad mo!" Inirapan ni Jessa ang babae.Upang lalong asarin si Jessa at inilayo pa nito ang mga seasoning. "Papangit lang ang lasa ng luto ko kapag nangialam ka upang hindi matuwa si Arthur."Lalo lamang
"Kawawa ka naman, aasa sa wala." Nang aasar at makahulugang turan ni Jessa."Kung wala ka lang ding alam kundi ang magyabang at mang asar, umalis ka sa harapan ko!" Inis na tinalikuran na niya si Jessa at ipinagpatuloy ang ginagawa.Tinawanan lang ni Jessa ang babae. Gusto niya sana lalo itong inisin pero hindi maaring sabihin ang totoo. Nagsasabi pala talaga ng totoo ang binata upang protektahan ang damdamin ni Jaira. Hindi na siya muli nakapag salita pa ay dumating ang katulong upang tulungan ito sa pagluto. Syempre ayaw niyang patalo kaya nangialam siya."Thanks pero kaya ko na ito." Inagaw ni Jaira ang lutuan na hawak ni Jessa."Alam ko rin lutuin iyan kaya—" hindi naituloy ni Jessa ang sasabihin at sumigaw si Jaira."Edi magluto ka ng iyo, huwag mo pakilaman ang ginagawa ko at ayaw kong mag iba ang lasa!" Inis na inagaw ni Jaira ang hawak ng babae. Ang katulong ay natulala na nakatingin lang.Biglang pinalungkot ni Jessa ang mukha nang makitang papasok si Arthur. "Ms. Jaira, sor