LOGINWalang naging malaking pagbabago sa ekspresyon ni Brandon, ngunit ang kanyang mga mata ay madilim at malamig, na tila ba hindi niya nagustuhan ang itsura ni Elle. Natigilan din sina Edmund at Francis. Hindi ba’t masyadong masakit pakinggan ang mga salita ni Elle?
Ginagawa ba niya ito para makuha ang atensyon ni Brandon, at nag-iba lang ng taktika na puno ng katusuhan? Bukod dito, hihingi ng tawad sa publiko? Hindi ba’t sinasadya niyang sirain si Janica sa harap ng maraming tao? Naging malamig ang mukha ni Janica at pilit na ngumiti na tila ba nasaktan. "Elle, hindi ka pa ba tapos sa manggulo?" Tiningnan ni Elle ang mapanuring mukha ng lalaki, at nakita rin niya ang lakas ng pambabaliktad sa kanya. Ayaw na niyang mag-aksaya ng lakas at mag-isip para magpaliwanag sa mga bagay na alam naman ng iba ang katotohanan! Malapit na siyang makipag-divorce, at ang pakikipagtalo sa mga ito ay magbibigay lang sa kanya ng sakit ng ulo. Tumalikod si Elle para umalis. Ngunit nang dumaan siya sa tapat ni Brandon, hinawakan siya ng lalaki at gamit ang malamig nitong tingin ay nagawa pa nitong ngumisi nang hindi maipaliwanag. "Gagamitan mo ba ako ng santong dasalan o santong paspasan?" Marahan nitong sabi. Hindi agad nakasagot si Elle. "Ano?" "Bakit hindi ka lumaban ngayon? Kasasabi mo lang ng matatalim na salita kanina, 'di ba?” Nanliit ang mga mata ni Brandon nang sinabi ito. Naintindihan ni Elle, at biglang namula ang kanyang mga mata sa galit. Ang lahat ng kanyang emosyon at maging ang kanyang histerya, pagkasira ng loob, at kalungkutan, o ang pagkamanhid at kawalan ng pag-asa ay puro ba palabas at panlilinlang lang sa paningin ng lalaking ito? Kahit na galit na galit na siya na halos mamatay na, ang tingin pa rin sa kanya ay nagkukunwari. Hindi tulad ni Janica, na may kumpiyansang protektahan ng napakaraming tao. Ang pakikipagtalo ay magmumukha lang siyang mas kaawa-awa. Bukod dito, iniisip ni Brandon na nanggungulo pa rin siya at pinapagalitan siya sa kanyang kawalan ng alam. Kahit ano pa ang sabihin o gawin niya, hindi ito maniniwala sa kanya. Bakit pa mag-aaksaya ng maraming salita? Dahan-dahan siyang kumalma at nawalan na ng lakas na makipagtalo. "Kung ganoon, ipinagdarasal ko ang kaligayahan mo, okay na ba?" Habang tumatango bilang pagsang-ayon. Kahit ano pa ang maging ekspresyon nito, hindi na siya lilingon pa. Tatlong buwan, ang kailangan niya na lang ay magtiis ng tatlong buwan para tuluyang matapos ang kasalang ito na sumira sa kanyang puso! Sinalubong siya ni Brandon ng malamig na tingin. Sa loob lang ng dalawang segundo, lumingon na ito sa ibang direksyon. Wala itong intensyon na pansinin ang matalim na emosyon ni Elle. Ang ilang emosyon, kapag lumamig na, ay tila ba hindi kailanman lumitaw. Ito ang kanilang naging kasunduan at sistema sa loob ng pitong taon. Hindi sinabi ni Elle kay Charnell ang sitwasyon dito, dahil baka magalit lang si Charnell at maghanap ng makakaaway. Nawalan na rin siya ng ganang kumain. Naghiwalay sina Elle at Charnell, at bumalik siya sa apartment para mag-impake ng kanyang mga bagahe. Nang matapos niya itong ayusin ay mag-aalas nuebe na ng gabi. Napansin niya na ang medica book na ibinigay sa kanya ng kanyang guro ay hindi niya nadala. Napakamot sa ulo si Elle at napabuntong-hininga nang maalalang naiwan niya ito sa kanilang wedding room. Nang walang pag-aalinlangan, isinuot niya ang kanyang coat at nagmaneho patungo sa wedding room. Sa palagay niya, hindi naman gustong umuwi ni Brandon, kaya hindi niya ito makikita doon. Umakyat siya sa itaas sa pamilyar na daan at itinulak ang pinto ng kwarto. Bigla siyang sinalubong ng mga mata ng lalaki sa loob. Nakatayo si Brandon sa harap ng floor-to-ceiling window, at ang cellphone sa kanyang kamay ay nasa interface ng isang video chat. Nakita ni Elle ang mukha ni Janica sa screen. Gusto nilang magkita sa lahat ng oras tulad ng isang masiglang magkasintahan. Kumunot ang noo ni Brandon at tumingin sa kanya. Nang biglang itulak ni Elle ang pinto patungo sa loob, naging malamig ang tono nito. "Why don’t you knock on the door?" Napatanga si Elle sa sinabi nito. Bilang asawa nito, pitong taon siyang nanirahan sa wedding room na ito, ngunit dahil lang sa nagmamahalan sila ni Janica, kailangan na niyang sumunod sa patakaran na kumatok sa pinto? "Get out!" Matigas na utos ni Brandon. Mukhang iniisip nito na sinasadya niyang pumunta roon para makinig sa usapan nila. Biglang sumikip ang dibdib ni Elle. Tahimik niyang isinara ang pinto at lumabas. Hindi siya gano’n ka-desperada para pakinggan pa ang landian ng asawa niya at ng kabit nito. Bumaba siya sa hagdan. Narinig din ng maid na si Nanay Simeng ang ingay at lumabas ito. "Madam, tumatawag po ang matandang ginang." Nang makita siya, agad nitong sinabi. Napatingin siya sa landline. Sandali siyang nagdalawang-isip bago lumapit. Alam ni Nanay Simeng na bagama't hindi binibigyang-halaga si Elle ng kanyang asawa, mabait pa rin ang matandang ginang kay Elle. Siyempre, hindi na ito nakinig sa iba pang usapan at tumalikod para umakyat sa itaas upang kunin ang mga maruruming damit. "Elle?" Narinig ang mabait na boses ng matandang ginang. Tiningnan ni Elle ang oras habang iniisip ang pagkuha sa medical book. "Grandma, hindi pa po ba kayo natutulog?” "Malakas pa ang katawan ko. Natututo akong magpuyat dahil sa inyong mga kabataan. Kahit gaano pa kasama, ang tonic na madalas mong ipinapadala sa akin ay nakakatulong naman." Sinalungat siya ng matandang ginang. Tahimik na naghintay si Elle sa susunod na sasabihin nito. At gaya ng inaasahan niya ay dumiretso rin ang usapin sa dati. "Elle, dahil alam mo naman ang tungkol sa medisina, bakit hindi ka mag-prescribe ng ilang gamot para i-condition ang katawan mo? Sa pamamagitan lamang ng paghahanda sa pagbubuntis ka magkakaroon ng malusog na sanggol. Alam mo naman, ang kaunlaran ng pamilya ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mga anak. Napakaganda sana kung magkakaroon ako ng isang mabait na apo. Kapag may anak na kayo ni Brandon, baka mas maging maayos ang relasyon ninyo bilang mag-asawa. Gustong-gusto rin naman ni Brandon ang mga bata." Paulit-ulit itong binabanggit ng matanda sa loob na ng maraming taon. Ang existence ni Celine ay kailanma’y hindi niya ipinaalam ang kahit na kanino. Ngayong determinado na siyang makipag-divorce ay mas lalong hindi niya ito sasabihin. Kahit na walang divorce ay anong silbi ng pag-condition niya sa kanyang katawan? Malamig ang personalidad ni Brandon at walang balak gumawa ng paraan. Bukod dito, sinabi ni Brandon noong mga nakaraang taon na hindi siya magkakaroon ng anak. Imposibleng hindi alam ng matandang ginang ang mga tsismis tungkol sa kawalan nito ng kakayahang magkaroon ng tagapagmana. Ngunit pinapayuhan pa rin siya nito na uminom ng gamot para i-condition ang kanyang katawan. Naramdaman niya na ang mga babae sa mundong ito ay tila patutuyuin, pipigain, at kailangang magtiis ng mga pagpapakasakit. Napaka-unfair nito. Ngunit upang matapos na ang usaping ito, mariin niyang kinuyom ang kamay niya at sinabing, "Grandma, makikipag-divorce na po ako kay Brandon." Biglang tumahimik ang kabilang linya. Labis ang pagkagulat nito. Pagkaraan ng ilang sandali, matigas na sinabi ni Mrs. Cortez, "I know that you have been wronged. Sadyang hindi marunong magmahal ang batang iyon, but he still respect you as his wife. Elle, pwede mo bang pag-isipan mong muli?" "I’ve already made a decision." Natahimik ang matandang ginang nang ilang sandali. Matapos magbuntong-hininga nang malalim, agad itong nagbigay ng opinyon. "Elle, humihingi ng paumanhin ang pamilya Cortez sa iyo. Huwag kang mag-alala, kahit mag-divorce kayo ay hahanapan kita ng mabuting mapapangasawa. Maraming mabubuting lalaki na angkop para sa iyo. Aayusin ni grandma ang ikalawang bahagi ng buhay mo sa lalong madaling panahon." Nabilaukan si Elle sa kanyang sariling laway. Hindi niya akalain na sasabihin iyon ng matandang ginang. Hahanapan siya ng bagong pamilya para bumawi sa kanya bago pa man malinis ang kasalukuyan niyang kasal? Hindi ba't napakabilis naman? Ngunit nagdulot din ito kay Elle ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Lumalabas na alam ng lahat kung gaano kasama ang naging kasal niya kay Brandon sa loob ng maraming taon. Hinayaan lang nila na sumuko at magtiis siya para kay Brandon, kaya naman nagbulag-bulagan sila sa kanyang mga hinagpis. Ngayong ayaw na niya, hindi na pwede ang dati nilang gawi. Natapos ang tawag. Tiningnan ni Elle ang oras. Sampung minuto ang lumipas. Naisip niya, hindi pa rin kaya tapos ang asawa niyang si Brandon? Ganito ba talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao? Gusto niya lang namang kunin ang medical book at umalis agad. Paakyat na sana siya para magmadali nang biglang bumukas ang pinto. Si Aunt Beth, the second aunt of the second room. Naglakad ito papasok na galit na galit ang mukha. Itinaas nito ang kamay at sinampal siya! Pak! Mabilis ang naging reaksyon ni Elle at napaatras ng bahagya. Hindi tuluyang tumama nang buo ang lakas ng kamay ni Aunt Beth, ngunit sumagi pa rin ang mga daliri nito sa kanyang pisngi. Namanhid pa rin ang pisngi ni Elle. Itinuro siya ni Aunt Beth at binalaan, "Elle, nababaliw ka na ba sa selos? Ano bang mapapala mo sa pagiging miserableng babae na hindi kuntento sa buhay at nandadamay pa ng iba?" Nadawit si Elle sa isang gulo na hindi niya alam, at hindi siya agad nakabawi sa mga nangyari. Huli na para makipagtalo kay Aunt Beth. Nakarinig siya ng mga yapak ng paa. Nang lumingon siya, nakita niya na pababa na si Brandon sa hagdan, at ang video chat sa kanyang kamay ay nakabukas pa rin. Tiningnan ni Elle si Janica sa screen, na nakita siyang nakatanggap ng sampal. Natawa na lamang siya.Mas lalong nag-alab ang galit sa dibdib ni Charnell, tila ba gusto niyang agawin ang bag na hawak ng lalaki at ibato ito sa kung saan. "Sino po rito ang principal?" Hinawakan ni Elle ang kamay ng kaibigan para pakalmahin ito bago magsalita. Ang nasa katanghalian na lalaki na nakatayo sa tabi ni Brandon at masayang nakikipag-usap dito ay agad na napalingon sa kanila. “Sino sila?" Hindi lang ang principal ang napalingon. Naramdaman din ni Elle ang malamig at walang pakialam na tingin ni Brandon sa kanyang direksyon. Walang anomang emosyon ang makikita sa mukha nito at nanatili lang itong nakatayo na tila ba walang kinalaman sa nangyayari, isang patunay na walang sinoman ang makakapansin na pitong taon silang naging mag-asawa. "Gusto lang sana naming itanong ang tungkol sa enrollment slot ng anak ko. Kinumpirma na ng paaralan sa amin na kami ang nakakuha ng huling slot, ngunit bigla
Naramdaman ni Elle na parang mas nagiging swerte siya sa buhay simula noong tuluyan siyang lumayo sa walang kwentang asawa. Mabilis siyang sumagot, "Sige po, magkikita tayo sa Lunes." Agad niya ring ibinalita ang magandang balita kay Mr. Philip. Napakalaki ng ngiti ni Mr. Philip dahil doon. "Maganda iyan. Maganda ang mga kagamitan sa paaralang iyan at malapit lang sa tirahan natin, kaya mas madali para sa amin ng asawa ko na sunduin ang bata." Napakalaki ng pasasalamat ni Elle dahil handa si Mr. Philip na tulungan siyang mag-alaga sa kanyang anak. Masyadong marami ang gusto niyang sabihin ngunit dahil sa kanyang mahiyain na ugali ay nag-alinlangan siya nang matagal. Habang abala sa paglalaro ng chess, narinig na sumigaw si Mr. Philip at inaaya siyang bago muling bumaling sa kanya. "Sige na, huwag ka nang magdrama riyan," natatawang saway ng matanda. "Huwag mong isi
Noong huling beses na magkausap sila ni Edmund ay hindi nito sinabi ang totoo sa kanya, kaya akala niya ay isang ordinaryong tao lang ang napangasawa ni Elle.Bahagyang natigilan si Francis at sumulyap kay Janica.Nagulat naman si Janica sa naging interes ni Ivan sa usapan, ngunit ibinaba nito ang hawak na orasan nang may kalmadong mukha."Personal na buhay niya na iyan, Ivan. Mas mabuting pagtuunan natin ng pansin ang sarili nating proyekto," saway ni Janica.Hindi na ito nagbigay ng anomang sagot.Mas pinili nitong makipag-usap sa ibang mga negosyante sa paligid.Doon mas lalong humanga si Ivan sa ugali ni Janica.Binibigyan pa rin nito ng mukha si Elle sa harap ng marami. Sa halip na hiyain ito dahil sa pang-gugulo sa kanyang kasintahan, pinili nitong manahimik at huwag nang ilabas ang baho nito sa harap ng lahat ng tao rito.Napakaganda ng pinapakitang asal ni Janica para sa kanya.Kaya lang...
Bahagyang ngumiti si Janica nang palihim nang may kaunting pagmamayabang.May katwiran naman ang bawat salita na binitawan ni Francis.At least, siya ay may totoong talento na pwedeng ipakita, pero si Elle?Umaasa lang ito sa lalaki para makasiksik sa mundong kailanman ay hindi naman para sa kanya.Hindi niya ibababa ang kanyang sarili para makipagkompetensya sa isang tulad nito. Tungkol naman sa database ng Medicare, sigurado siyang makukuha niya iyon anoman ang mangyari."Maaari mo namang pag-isipan nang mabuti ang alok, Mr. Carlos. Ang layunin ni Janica ay makapasok sa National Academy of Medical Sciences sa hinaharap, at malaking tulong iyon para sa Intellicare kapag nagkataon," dagdag pa ni Francis para magyabang.Bahagyang natawa si Carlos bago sumagot."O? Napakalaki nga ng pangarap at napakatapang niya."Ang pangarap ay makapasok sa Academy of Sciences? Si Elle nga ay labinsiyam na taong gulang pa lang nung p
"Tutulungan ka ni Brandon na simulan ang proyektong iyan. Sa oras na magsimula iyan, ako ang unang maglalabas ng puhunan para sa kumpanya mo."Ang kanyang lolo ay kasalukuyan pa ring naghahanap sa taong nagligtas sa buhay nito noon. Pagkatapos niyang maglabas ng pera para sa proyekto ni Janica, dadalhin niya ito para makipagkita sa kanyang lolo. Siguradong matutuwa ang matanda at mas lalong magiging maganda ang pakikitungo nito sa kanya.Hindi naman napigilan ni Elle ang sumulyap kay Brandon.Tutulungan ba talaga nito si Janica para sa proyektong ito?Kanina pa palihim na nagmamasid si Ivan sa bawat galaw ni Elle.Ang pagsulyap nito kay Brandon ay muli niyang nakita ngayon.Isang lamig ang gumuhit sa ilalim ng kanyang mga mata.Paano ba ito hinding-hindi susuko sa lalaki?"Mr. Carlos."Nakita ni Janica si Carlos na papalapit sa kanilang direksyon kaya naman agad itong sumalubong nang may ngiti
Nang dumating ang umaga.Sabay na nakarating sina Elle at Carlos sa malawak na exhibition hall.Hindi mapigilan ni Elle ang mapabuntong-hinala sa napakabilis na pag-unlad ng panahon."Hindi pa huli ang lahat basta ba nagbalik ka na. Ang isang henyong tulad mo ay madaling makakasabay sa agos," nakangiting saad ni Carlos, may kaunting paghanga sa boses.Ang mga taong katulad ni Elle ay madaling maging mababa ang tingin sa sarili kung hindi mag-iingat.Hindi naman naglakas-loob si Elle na maging ganoon kakampi sa sarili.Maraming magagaling na tao sa industriyang ito, kaya mas mabuting maging mapagpakumbaba muna siya."Pumunta tayo roon at tingnan mo. Ang skeleton robot na ginawa mo sa National Academy of Medical Sciences noon ay kasama ring ipinapakita roon," turo ni Carlos sa isang direksyon.Ang mga kagamitang ipinapakita rito ngayong araw ay ang mga produkto ng malaking pag-unlad sa teknolohiya ng medikal na in
"Isa pa?" takang tanong ni Brandon habang nakatitig nang diretso kay Lolo Vicente.Dahil sa tanong na iyon, biglang nanginginig ang mga mata ni Elle habang pilit na iniiwas ang kanyang tingin. Si Brandon pa naman ang uri ng lalaki na pinakaayaw niyang makaharap dahil palagi itong matalas
Walang anomang ekspresyon sa mukha si Elle habang nakatanyag sa harap ni Jaden na kasalukuyan namang natutulala. Tiningnan niya nang may labis na pagkasuklam ang spoiled, abusado, at walang-edukasyong bata. Ang nakaraang sampal ay eksaktong bumasag sa bastos at mapangahas nitong bi
"Anong mayroon, Carlos?" tanong ni Elle habang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili at tulalang napatingin sa kaibigan."Ang katatapos lang i-set up sa katabing function room, tila doon gaganapin ang birthday party ng kapatid ni Janica," sagot ni Carlos habang nakakunot ang noo at sum
"Elle, bakit namumula ang mga mata mo? May nag-away ba sa iyo roon? Sabihin mo sa akin at ang Lolo ang reresbak para sa iyo," nag-aalalang tanong ni Lolo Vicente Cruz nang mapansin ang pilit na ngiti ng apo. Pilit nitong inikot ang kanyang wheelchair upang abutin at haplusin ang mukha ni Elle.







