LOGINChapter 35 Napatingin si Janella sa hawak na selpon nang mag-vibrate iyon. Mabilis niya itong in-on at nakitang si Brielle ang nasa notification. (“Hi, gusto mo raw akong umuwi ngayon gabi?”) “Ikaw.” Tipid niyang tugon rito. (“Kung iyon ang gusto mo, uuwi ako.”) Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Janella nang makita ang sagot nito. Nag-init ang kaniyang pisngi at tila hinihila patungo sa likuran ang kaniyang balat. Tumingala siya at tumingin sa labas, bigla niyang naramdaman na mas maliwanag pa ang sikat ng araw ngayon. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kilig na iyon pero, oo… mukhang natatablan na siya sa lalaki. “Hay naku, kapagod naman. Ano kaya kung kumain muna tayo sa KFC, Gurl?” boses ni Lyca at paghila sa braso niya ang nagpabalik sa kaniyang ulirat. Tumigil si Janella sa paglalakad. “Ahm, pasensya ka na Sisssy, hindi ako makakasabay sa ‘yo.” “Bakit?” Itinapat ni Lyca ang mukha sa screen. “Naku, naku, naku, talaga. Kaya pala ayaw sumama, may pabebe time
Chapter 34 PAGKALABAS ni Janella sa pinto ng sala, nakita niya ang isang Porsche na nakaparada sa bakuran. Ang makinis na katawan, na may bahid ng lila sa kulay pula, ay parang sariwang strawberry na nababalot ng niyebe. Ang de-kalidad na pintura ay kumikinang na may mamasa-masa at makintab na kinang sa ilalim ng sikat ng araw, napakapino na kayang-kaya nitong repleksyon ang mga puting ulap sa kalangitan. Bago ang kasal, nangako si Brielle na bibigyan siya ng isang 1,200-metro-kuwadradong hiwalay na villa sa isang magandang lokasyon, isang Porsche bilang kotse, at buwanang allowance na 200,000 pesos. Isa-isa na niyang tinutupad ngayon ang kanyang mga pangako. “Nakahanda na po ang sasakyan, Ma'am.” Wika ng drayber na nagbukas ng pinto. Wala naroon ang assistant, malamang ay naroon na ito sa tabi ng amo. “Salamat, Ya,” aniya bago pumasok ng kotse.“Ako na lang po ang magmamaneho, magpahinga na lang po kayo.”Walang nagawa ang drayber nang buhayin niya ang makina at minaneho ito
Chapter 33 “TCH, bakit ako ang tinatanong mo? Subukan mo kayang tawagan at tanungin ang kaibigan mo kung papayag siya,” may mapangutyang tono na suhesyon niya sa madrasta. “Oo nga ‘no, sige. Tatawagan ko muna siya.” Pagkatapos ibaba ang telepono, hindi na makapaghintay si Flor na tawagan ang kasosyo sa negosyo, at agad itong binati ng isang mapang-asar at masiglang tono. “Umagad.” “Umagad? Nababaliw ka na ba?” anito sa pagalit na tono. “Hindi ko naman asawa ang anak mo kaya ‘wag mo akong tawaging manugang.” Kumunot ang noo ni Flor, hindi niya maunawaan ang sinabi ng kausap. “Hindi ba’t pinakasalan mo ang anak-anakan kong inirito sa ‘yo?” “Nananiginip ka ba? Hindi ko nga nakita iyon—papakasalan pa kaya?” “Hindi ba't nag-arrange ako ng blind date para sa inyong dalawa sa coffee shop?” Nang mabanggit ang blind dates, mas lalong nagalit ang nasa kabilang linya, “hindi ko siya nakita, bukod pa rito, nagpadala siya sa akin ng mensahe noong araw na iyon, na nagsasabing nag-ayo
Chapter 32Dahil nag-hire na si Brielle ng mga tutulong sa paglilipat nila Janella, ay hindi na sila nahirapan pa. Dalawang babae ang tumulong sa kaniya sa pag-iimpake ng kaniyang mga gamit, at dalawang lalaki naman ang tumulong sa kapatid.Habang ang assistant ni Brielle ay nanatili sa tabi ni Janella, at naghihintay sa susunod na gagawin.Nagsimula nang maghakot ang mga inukupang tutulong sa paglilipat nila. Kaya nagtungo na sila ni Janella sa sala upang doon naman magligpit. Pagtingin pa lang ni Janella sa mga naroon, napabuntonghininga siya. Sira-sira ang mga upuan, ang lamesa’y nagbabalat na at hindi sulit kung ito'y kanila pang dadalhin. Lalo na ang sirang bentilador na mukhang isang matandang naghihingalo na kapag ito'y bubuksan. “Itapon na lang siguro ‘to, dagdag kalat lang ito sa lilipatan namin.” naisambit niya. “Iyong dishwasher kaya, Ate? Kabibili mo lang nito sa isang garage sale sa kabilang eskenita ‘di ba? Tsaka mukhang bago pa naman, dalhin na natin.” Bahagyang ng
Chapter 31HINDI pa man sila tapos kumain, biglang tumunog ang selpon ni Brielle mula sa isang sekretarya ng isang opisyal ng gobyerno, na nagpapaalala na kailangan niyang dumalo sa isang pagpupulong kasama ang gobernador at ilang negosyante sa araw na iyon. “Ahm, pasensya na, kailangan ko nang umalis. Salamat pala sa masarap na hapunan at umagahan, miss Caballero.” “Busog na po ba kayo?” tanong ni Jake.Tumango si Brielle bilang tugon. Tumayo siya at naglakad palabas.Hindi na nagawang ihatid ni Janella si Brielle, bagkus, sinundan na lamang ng tingin ang likod ng lalaki habang binubuksan ang pinto hanggang tuluyan itong magsara.Nagpatuloy sa pagkain ang magkakapatid hanggang sa matapos sila. “Oo nga pala Jake ikaw na bahalang magligpit ng pinagkainan natin, ha.” “Sige po, Ate.” Tumayo at agad na kinuha ni Janella ang laptop sa kaniyang bag na nakapatong sa lamesa sa gilid ng sofa, bago umupo, at binuksan ang laptop. Naging abala siya sa pagkalikot roon, kaya hindi niya namala
Chapter 30PAGKATAPOS maligo at magpalit ng damit ni Janella, hindi pa lumalabas si Brielle Hindi siya pumasok sa kwarto para tumingin; sa halip, tumalikod siya at pumunta sa kusina para maghanda ng almusal.Dahil hindi niya alam kung ano ang gustong kainin ni Brielle, nagluto na lang siya ng poached egg, butter garlic toast bread, bacon, at sinangag na s'yang paborito ng kapatid. Nang matapos niyang maghanda, napatingin siya sa pinto ng kaniyang silid. Hindi pa rin ito lumalabas, kaya nagpasya s'yang puntahan at katukin ito. Itataas na sana niya ang kamay nang bigla iyong bumukas mula sa loob, at nakatayo sa harap niya ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata.“Pasensya na, gusto sana kitang katukin para makakain ka na.” Kalmadong ngumiti si Brielle bilang tugon. Hindi na tumugon si Janella, tumalikod siya at naunang naglakad patungo sa lamesa.“Pagpasensyahan mo na, ito lang ang nakayanan ko. Ito lang din kasi ang laman ng fridge.” Napatingin si Brielle sa mga pagkaing nakah







