Share

Chapter 42

Author: Xielyne J.
last update publish date: 2026-05-03 13:12:46

Chapter 42

MANGHANG-MANGHA si Lyca nang pumarada sa harapan niya ang minamaneho ni Janella na Bentley sedan, kasama si Jake.

"Huy! Sakay ka na para makaalis na tayo," tawag pa ni Janella ng buksan nito ang bintana.

Subalit umikot si Lyca nang isang beses, at tila hindi makapaniwala sa nakita.

“Wow, iba pala talaga kapag mayaman ka, araw-araw puwede kang magpalit ng sasakyan. Kahapon Porsche ang minaneho mo, tapos ngayon Bentley na. Parang sasabog na ang apdo ko sa inggit.”

Nahiya naman si Jane
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 47

    Chapter 47 KINAUMAGAHAN, pagkagising ni Janella, muli niyang natagpuan ang sarili na mahigpit na nakayakap kay Brielle—parang isang bagay na ayaw niyang pakawalan, na ayaw niyang maagaw ng iba. Bahagya siyang napakunot-noo. Kailan pa siya naging ganito? Hindi niya maalala kung kailan siya nagsimulang matulog nang may kayakap. O baka… wala lang talagang yayakapin noon, kaya hindi niya alam kung ganoon siya ka-clingy. Dahan-dahan niyang inalis ang braso mula sa katawan ng lalaki. Mabuti na lang at mahimbing pa ang tulog nito—hindi nito malalaman ang ginawa niya. Agad siyang bumangon at dumiretso sa banyo. Pagpasok niya, sinalubong siya ng malamig na hangin at ang sariling repleksyon sa salamin. Ngunit kahit anong iwas niya, bumabalik pa rin sa isip niya ang nangyari kagabi. Unti-unting uminit ang kaniyang mga pisngi. May kontrol pa naman ang lalaki… pero hanggang kailan? Hindi na siya inosente pagdating sa ganoong usapin, pero hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng hiya—lal

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 46

    Chapter 46 Ngumiti lang si Brielle na napatingin kay Janella, bago muling ibinalik ang tingin sa matanda. Nadako rin ang kaniyang paningin sa lamesa kung nasaan may basong nakapatong at isang pakete ng tsaa. Doon, nahulaan niya kung bakit kumuha ng mainit na tubig si Janella, ngunit sa kasamaang palad ay napaso ito. “Saglit lang po, La, may kukunin lang ako sa labas.” NANG makabalik ay may dala ng termos si Brielle, nagsalin ng mainit na tubig sa baso at saka nagtimpla ng tsaa, saka ibinigay iyon sa matanda. “Heto na po ang tsaa n'yo, La, dahan-dahan lang po dahil mainit pa ito.” Bukod sa guwapo, matamis magsalita, masipag, at pagiging maalaga ni Brielle ay madali niyang nakuha ang pabor ng matanda. Kahit halos otsienta anyos na ito ay hindi nito napigilang wag humanga sa guwapong lalaking nasa harapan nito. “Janella, mukhang mabait at mabuting lalaki ang asawa mo.” Naibulong nito dahilan para makatinginan ang dalawa. Nararamdaman ni Janella na sinusubukan ni Brielle na p

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    chapter 45

    Chapter 45 Tahimik lang na nakatitig si Janella sa lalaking naglalagay ng ointment sa namumula niyang paa. Nakaupo siya ngayon sa hospital bed. Ang lalaki naman ay nasa paanan, nakayuko, at hawak ang kaniyang binti at pinapahidan ng ointment ang namumulang bahagi nito. May nars namang naka duty roon pero mas pinili ng lalaki na gamutin siya. Nagdahilan pa siyang marumi at hindi siya naghugas ng paa pero nag-insist pa rin ito. Sa bawat pahid ng ointment, napapakislot siya, at paminsan-minsan ay marahan pa itong hinihipan.Kinikilabutan naman si Janella habang dumadampi ang mainit na hangin sa kaniyang balat. Tila may libo-libong kuryente na dumadaloy sa kaniyang ugat sa mga oras na iyon. “Mahapdi pa rin ba?”sabay angat ng ulo bagay na magtama ang kanilang mga mata. Mabilis na umiling si Janella, “Medyo.” “Mabuti na lang at 1st degree burn lang ito. Sa susunod kasi mag-ingat ka or tumawag ka na lang ng attending nurse para mag-asikaso sa mga kailanganin mo.” Ngumiti na laman

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 44

    Chapter 44NANG gabi ding iyon, alas otso pa lang ay natulog na sina Janella at Jake sa isang kama na katabi lang ng hinihigaan ng kanilang lola.Malakas na humihilik si Jake, samantalang si Janella naman ay tahimik lang na natutulog habang yakap-yakap ang unan. Ang lakas ng hilik ni Jake, na parang kulog ay lalong nagpa-trigger sa lola nilang may chronic insomnia. Nakatulog naman ito kanina, ngunit kalaunan ay nagising at hindi na muling makatulog.Bumangon ito, naglakad palapit sa bintana, umupo sa bangkong naroon, at blangkong tinitigan ang bilog, at maliwanag na buwan sa kalangitan. Gumalaw si Janella. Marahan niyang iminulat ang mga mata, napatingin siya sa higaan ng kaniyang lola ngunit wala ito roon. Bumalikwas siya ng bangon, nilibot ang tingin, at doon nga ay nakita niya ang kaniyang lola na nakaupo sa gilid ng bintana. Tumayo siya at kinuha ang coat na nakapatong sa ibabaw ng kama. Lumapit, at isinuot iyon sa kaniyang lola. Hinawakan niya ang balikat nito saka ngumiting t

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 43

    Chapter 43 Ginugol nilang tatlo ang buong araw kasama ang matanda, nakipagkwentuhan, nakipagtawanan, kumakain kasama ito, at tinulungan nilang mamasyal sa labas nang hindi na masyadong mainit ang araw sa hapon. Nang hapon ding iyon, nagpasya si Janella na magpalipas ng gabi sa nursing home upang mas matagal na makasama ang kanilang lola. Si Lyca naman ay kailangan umuwi dahil may importante itong gagawin kaya inihatid na lamang ni Janella ang kaibigan sa labas Habang naglalakad sila sa pasilyo, hindi maiwasang tanungin ni Lyca si Janella. “Ano na ngayon ang plano mo, gayong kasal ka na kay Brielle. Anong balak mo kay Lola? Sasabihin mo ba sa kaniya na kasal ka na? Iuuwi mo ba siya sa inyo?” Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago sumagot. “Hindi. Sa ngayon, dito na muna siya. At tungkol naman sa kasal . . . Sasabihin ko sa kaniya kapag may oras ako. Tungkol naman sa kung iiuwi ko siya, hindi ako sigurado. Hindi pa alam ni Brielle ang kalagayan ni lola

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 42

    Chapter 42MANGHANG-MANGHA si Lyca nang pumarada sa harapan niya ang minamaneho ni Janella na Bentley sedan, kasama si Jake."Huy! Sakay ka na para makaalis na tayo," tawag pa ni Janella ng buksan nito ang bintana. Subalit umikot si Lyca nang isang beses, at tila hindi makapaniwala sa nakita.“Wow, iba pala talaga kapag mayaman ka, araw-araw puwede kang magpalit ng sasakyan. Kahapon Porsche ang minaneho mo, tapos ngayon Bentley na. Parang sasabog na ang apdo ko sa inggit.”Nahiya naman si Janella sa pinagsasabi ni Lyca. Pinili na nga niya ang pinakamurang kotse sa garahe, pero nahalata pa rin ng kaibigan.Pagkaabot ni Lyca sa pinto ng kotse, mabilis na lumabas si Jake at siya mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya.“Jake? Ikaw na ba iyan? Aba, ang laki mo na pala. Ilang buwan lang tayong hindi nagkita pero nag-iba ka na,” ani Lyca.“Ikaw rin, Ate Lyca. Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita. Pansin ko mas lalo ka pang gumaganda,” sagot ni Jake.“Naku, parang hindi naman. Sinasa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status