LOGIN
CALLIE
The first time I stepped inside Montenegro Holdings, ang una kong naisip ay...
Hindi ako bagay rito.
Masyadong makintab ang marble floor para sa sapatos kong ilang beses nang natahi. Masyadong tahimik ang lobby para sa ingay ng isip ko. At masyadong elegante ang mga taong dumadaan para sa simpleng puting blouse at itim na slacks na suot ko.
Huminga ako nang malalim habang hinahawakan ang envelope na naglalaman ng kontrata ko.
Three months.
Tatlong buwan lang.
Pagkatapos noon, babalik na si Tita Alice mula sa maternity leave, at aalis na rin ako rito.
Simple.
"Wag kang makikipag-away sa CEO."
Iyon ang huling bilin ni Tita bago siya umalis.
Napairap ako.
"Ako pa ba? Hindi naman ako pala-away."
Tumawa lang siya.
"Hindi ka nga pala-away. Pero ;yang bibig mo... walang prenong kasama."
Napanguso ako.
Kasalanan ko bang allergic ako sa mga lalaking akala mo binili na nila ang buong mundo?
Lalo na kapag mayaman.
Sa experience ko, mas mahal ang relo, mas malaki ang ego.
Mas mahal ang kotse, mas maliit ang respeto.
Kaya nang marinig kong billionaire ang magiging boss ko, automatic nang bumaba ang expectations ko.
Gwapo?
Probably.
Mayabang?
Most likely.
Babaero?
Expected.
May anger issues?
Bonus na 'yon.
Kaya inihanda ko na ang sarili ko.
Three months.
Smile.
Work.
Leave.
No attachments.
No drama.
No billionaires.
Ganito kasimple ang plano ko.
Hindi ko alam na sisirain iyon ng isang lalaking ang unang sasabihin sa akin ay...
"Good morning."
Napakurap ako.
Yun na 'yon?
Walang, You're late.
Walang, Who are you?
Walang, Do you know who I am?
Good morning lang?
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.
At doon ko siya unang nakita.
Matangkad.
Naka-charcoal gray suit.
Malinis ang pagkakasuot ng kurbata.
May suot na relo na siguradong mas mahal pa sa tuition ko noong college.
Pero ang pinakaunang napansin ko...
Nakangiti siya.
Hindi iyong plastik na ngiting pang-CEO.
Hindi rin iyong ngiting may kasamang pangmamaliit.
Gentle.
Parang... natural.
Lumapit siya sa akin na may hawak na dalawang libro at isang paper bag mula sa isang kilalang coffee shop.
"You must be Miss Mercado."
Tumango ako.
"Opo."
He smiled again.
"I'm Lucien Montenegro."
Napatingin ako sa paligid.
Sandali...
Siya?
CEO?
Hindi ba dapat may sampung bodyguard at limang assistant na nakapaligid?
Hindi ba dapat intimidating?
Bakit parang librarian na naligaw sa corporate world?
Iniabot niya ang kamay niya.
"It's nice to finally meet you."
Nagkamayan kami.
Malamig ang kamay niya.
Mahina rin ang pagkakahawak.
Hindi iyong tipong gustong ipakitang siya ang mas dominante.
Napabuntong-hininga ako sa isip ko.
Okay...
One point.
Pero hindi pa rin ako nagpapadala.
"Tita Alice speaks highly of you," sabi niya.
"Talaga po?"
"She said you're hardworking."
"Depende."
"Honest."
"Mas lalo."
"And..."
Bahagya siyang ngumiti.
"...that you're very sarcastic."
Napapikit ako.
Tita...
Traitor.
"She warned me."
"About?"
"That I shouldn't take your words personally."
Hindi ko napigilang matawa.
"Good. At least prepared kayo, sir."
"I am."
Hindi siya napikon.
Hindi rin siya nagbago ng expression.
Ngumiti lang ulit.
Parang... natutuwa pa.
Weird.
Napansin kong may hawak pa rin siyang paper bag.
"Inyo po ba 'yan?"
"Yes."
"Kape?"
"And a perfume."
Napakunot-noo ako.
"Kasama sa breakfast ang pabango?"
"Not exactly."
Tumango siya na parang normal lang ang lahat.
"I collect perfumes."
"...Okay."
"And books."
"...Okay."
"And watches."
"Sige po."
"And suits."
Tumigil siya sandali.
"I also enjoy making money."
Hindi ko napigilang mapatawa.
"Sir, billionaire na kayo."
"I know."
"Bakit gusto n'yo pa ring yumaman?"
He looked at me with complete sincerity.
"Because it's fun."
Hindi ko alam kung tatawa ako o tatawag ng therapist.
Napailing na lang ako.
Ang weird naman ng CEO na 'to.
Akala ko mayabang.
Hindi pala.
Akala ko suplado.
Hindi rin.
Akala ko babaero.
Mukha namang hindi marunong lumandi.
At higit sa lahat...
Mukha siyang taong kayang lokohin ng bentahan ng tatlong frying pan sa mall.
"Shall we?" tanong niya.
Tumango ako.
"Lead the way, sir."
Habang naglalakad kami papunta sa executive floor, napansin kong bawat empleyadong madaanan namin ay binabati niya.
"Good morning."
"Morning, sir!"
"How's your mother now?"
"She's recovering, sir."
"I'm glad to hear that."
Sa isa naman...
"Congratulations on your daughter's graduation."
"Thank you, sir."
Sa isa pa...
"I heard your son won the science competition. That's wonderful."
Lahat kilala niya.
Lahat naaalala niya.
Walang halong pagpapanggap.
Tahimik akong naglakad sa tabi niya.
Unti-unting nabasag ang unang impresyon ko.
Siguro...
Hindi lahat ng mayaman pare-pareho.
Siguro...
May exceptions.
Pero hindi ibig sabihin noon ay magpapadala ako.
Temporary employee lang ako.
Siya ang CEO.
Tatlong buwan lang ang kontrata ko.
Tatlong buwan lang ang kailangan kong tiisin.
Hindi ko alam na ang lalaking akala kong pinakamadaling kalimutan...
Siya pala ang magiging pinakamahirap alisin sa isip ko.
At lalong hindi ko inakalang...
Sa lahat ng koleksiyon ni Lucien Kert Montenegro—
pera,
libro,
pabango,
relo,
at mamahaling suit...
Darating ang araw na ako ang magiging paborito niyang obsession.
Lucien's POV I had expected her to be late. Not because Alice recommended someone unreliable, but because first days were usually chaotic. People got lost, missed elevators, forgot documents, or simply froze under pressure. It happened more often than most would admit. So when I glanced at the time on my wristwatch and realized it was still twenty minutes before eight, I continued signing the contract in front of me without giving it another thought. Three acquisitions, Two board meetings, One conference call with Singapore. That was today's schedule. My pen moved across the paper while Khairro stood a few feet away, reading my itinerary from his tablet. "You have the shareholders' briefing at nine, sir." "I know." "The legal department wants your signature before lunch." "Leave it on my desk." "And the construction division—" Three firm knocks interrupted him. Khairro stopped talking. "So she's here," he muttered with a grin I didn't miss. I looked up from the document.
CallieHindi ko alam kung ilang beses akong nagpalit ng damit bago tuluyang makuntento sa suot ko. First day ko ngayon bilang secretary ni Sir Lucien Montenegro, at kahit paulit-ulit kong sinasabing trabaho lang ito, hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinapantay ang laylayan ng light pink blouse na pinili kong isuot. Hindi ito sobrang sosyal, hindi rin sobrang simple. Tamang-tama lang. Ipinartner ko iyon sa puting slacks at nude heels na binili ni Miley noong isinama niya ako sa shopping. Napangiti ako nang bahagya habang inaayos ang blonde kong buhok sa likod ng tenga. Ewan ko ba, pero parang gusto kong magmukhang presentable ngayon. Hindi para magpaganda. Hindi para magpapansin. Kundi dahil gusto kong maging maayos sa unang araw ko sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Ayokong mapahiya si Sir Lucien sa pagpili niya sa akin. Temporary employee lang ako, tatlong buwan lang ang kontrata ko, pero gusto kong patuna
Lucien Hindi ko maipaliwanag kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko habang pauwi ako. Tahimik lang ang biyahe, nakatutok ang mga mata ko sa kalsada, ngunit ang isip ko ay paulit-ulit na bumabalik sa tanghalian namin ni Callie.It had been... fun.I smiled to myself.That was unusual.Napailing ako habang marahang tinatapik ng mga daliri ko ang manibela. Kailan pa ba ako huling nagsabing fun ang isang lunch meeting? Kadalasan, puro investors ang kaharap ko. CEOs. Lawyers. Politicians. Financial advisers. Palaging may numbers, contracts, negotiations, at pressure. Kahit ang mga business lunch, nauuwi lang sa usapang trabaho.Pero ngayong araw...Hindi ko halos napag-usapan ang negosyo.At sa unang pagkakataon sa loob ng napakahabang panahon...Hindi ko hinanap iyon.Instead, I found myself listening to her stories.Simple lang.Walang halong pagpapanggap.Walang agenda.Hindi niya sinubukang purihin ako dahil ako ang CEO. Hindi rin niya sinubukang magpasikat para mapansin ko. She was s
Halos apatnapung minuto kaming bumiyahe bago tuluyang bumagal ang sasakyan. Napatigil ako sa pagtingin sa labas nang huminto kami sa harap ng isang gusaling halos puro salamin ang harapan. Hindi man kalakihan, kitang-kita naman ang elegante nitong disenyo. May mga nakapaso na olive trees sa magkabilang gilid ng entrance, habang ang gintong pangalan ng restaurant ay nakaukit sa itim na marmol sa itaas ng pintuan.Napalunok ako.Hindi ko pa man nababasa ang menu, pakiramdam ko umiiyak na ang wallet ko.Huminto ang sasakyan sa harap ng valet. Agad na lumapit ang isang lalaking naka-puting long sleeves, itim na vest, at puting gloves."Good afternoon, Mr. Montenegro," magalang nitong bati habang bahagyang yumuyuko."Good afternoon," kalmado niyang tugon bago iniabot ang susi ng sasakyan.Pagkababa ko, halos automatic na napatingala ako sa restaurant. Sa labas pa lang, ramdam mo nang hindi ito iyong lugar na basta-basta lang pinapasukan. Sa loob ng floor-to-ceiling windows, tanaw ko ang mg
Callie'sHindi ko alam kung ilang beses akong humarap sa salamin simula nang maligo ako. Kanina ko pa inaayos ang buhok ko, pinapalitan ang lipstick, at paulit-ulit na tinitingnan ang mga damit na nakasabit sa walk-in closet. Nakakatawa lang isipin na dalawang linggo na ang nakalipas, ang problema ko lang ay kung alin sa tatlong blouse ko ang hindi pa gusot. Ngayon, halos hindi ko na alam kung ano ang pipiliin dahil halos pare-pareho silang mukhang mamahalin.Napabuntong-hininga ako habang isa-isang hinihimas ang mga hanger."Hindi ka naman pupunta sa fashion show, Callie," bulong ko sa sarili ko. "Lunch lang 'yan."Lunch.Kasama ang boss ko.CEO.Ang lalaking halos hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon.Masyado siyang mabait para sa isang taong kagaya niya.Masyado siyang kalmado.At higit sa lahat...Masyado siyang mapagbigay.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano ko babayaran ang lahat ng ginawa niya para sa amin ni Calix. Hindi ko nga alam kung magkano ang nagast
Callie Napabalikwas ako nang maramdaman ko ang malakas na pagbavibrate ng cellphone ko. Pupungas-pungas na dahan-dahan kong inabot iyon mula sa bedside table. Halos nakapikit pa ang isang mata ko habang ina-unlock ang screen. Face recognition pa more. Ipaalala ninyo sa akin na magpapalit na ako ng password sa susunod. Sinipat ko ang oras bago ko pinindot ang message notification. 7:03 A.M. Sinong gago ang magmemessage sa akin ng ganto kaaga? E wala nmn akong boyfriend, si Calix mangangatok pag gutom— e nagtatampo so magkukusa. Si Thea naman, nasan na nga ba si Thea? Ilang araw nang walang paramdam ang babae na 'yon, buhay pa kaya siya? Feeling ko ay kay Thea ang message, mukhang nakaramdam na siya. Nang pindotin ko ang message icon ay hindi BESTY THEA ang nakalagay sa sender. Ang text message ay... Mula kay... Sir Lucien. Agad akong napatuwid ng upo, parang biglang nawala ang antok ko. Binuksan ko agad ang mensahe. Good morning, Miss Mercado. I hope you







