LOGIN"Don’t wait for me in the master bedroom if you’re not prepared for what I might do, wife."
The words felt like an invisible warning sign, turning this room into a dangerous zone for me. Nanginginig ang mga kamay ko habang mabilis kong hinahakot ang ilang piraso ng damit mula sa drawer ng malaking wardrobe. Napilitan lang naman akong pumasok dito dahil naubusan na ako ng personal care items—mga bagay na kailangan kong hiramin mula sa mga naiwang gamit ng kakambal kong si Arabella. Ang kapatid kong basta na lang tumakas at nag-iwan sa akin upang maging proxy sa magulong kasalang ito. Isang malakas na kalabog mula sa labas ang bumasag sa katahimikan, dahilan para halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib. Kasunod noon ang marahas na pagpihit ng doorknob. He’s home. Bakit ngayon pa? Bumukas ang pintuan at marahas na humampas sa pader, isang malakas na kalabog na tila yumanig sa aking dibdib. Halos mapigtas ang aking hininga, napako ako sa aking kinatatayuan nang pumasok si Eros sa silid. Sobrang iba ng itsura niya ngayong gabi—gulo-gulo ang buhok, bukas ang unang tatlong butones ng kanyang polo, at ang necktie niya ay nakasabit na lang nang pahalang sa kanyang balikat na tila isang napabayaang palamuti. Agad na sumuntok sa aking ilong ang matapang at nakahihilong amoy ng whiskey, sapat upang magdulot ng kaunting hilo sa aking ulo. Pasuray-suray siya, halos iakay ang buong bigat ng kanyang katawan sa doorframe habang pilit na kinakalaban ang tama ng alak. Ngunit nang magtagpo ang aming mga mata at tuluyan siyang mag-focus sa akin, biglang nagbago ang ihip ng hangin sa buong kwarto. Isang mapanganib at mapait na ngiti ang unti-unting gumuhit sa kanyang mga labi, at ang puso ko ay parang nahulog sa kawalan. "Sabi ko sa 'yo..." paos at gumaralgal ang boses niya, punong-puno ng mabigat na emosyong nagpataas ng balahibo ko. "Huwag kang magpapakita sa kwartong ito kung hindi ka pa handa... Arabella." Napakapit ako sa gilid ng dresser, ginagawa itong tanging sandalan upang hindi ako tumba sa kaba. Gusto kong isigaw ang katotohanan. Gusto kong sabihin na nagkataon lang ang lahat, na hindi ko binalak na pumasok sa teritoryo niya! Pinilit kong patigasin ang aking nanginginig na mga balikat, sinusubukang labanan ang takot sa aking tinig. "I-I was just retrieving a few things, Eros. Papalis na rin ako. I didn't know you'd be home early," pilit kong sagot, bagaman halata ang kaunting nginig sa aking boses. "Huwag tayong mag-away ngayon. Lasing ka lang. Let's just talk tomorrow." Napaismid siya, pagkatapos ay humakbang nang pasuray-suray patungo sa direksyon ko. Masyadong mabilis niyang nilagom ang espasyo sa pagitan naming dalawa, dahilan upang mapaatras ako nang bahagya. "Talk tomorrow?" mapait na tawa niya, ang boses ay lalong lumalim habang papalapit siya sa akin. "Physical barriers, walls, locks... 'yan lang naman ang alam mong gawin para layuan ako, Arabella. I don’t care how drunk I am right now. I want answers.” Akmang lalampasan ko siya upang bumalik sa guest room, ngunit bago pa ako makahakbang ay sinalubong niya ako at hinarangan. Sobrang lapit. Bago pa ako makaiwas, isang mabigat na palad ang biglang humuli sa aking panga. Ibinabaon niya ang kanyang mga daliri upang pilitin akong tumingala at salubungin ang kanyang nag-aapoy na tingin. Magaspang at marahas ang hawak niya—isang klase ng hawak na alam mong dala lamang ng kawalan ng kontrol dahil sa kalasingan. Diyos ko, ang puso ko. Pakiramdam ko ay maririnig niya ang mabilis na tambol sa loob ng dibdib ko sa sobrang lapit ng mga katawan namin. "Aalis ka na naman?" bulong niya. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa mukha ko, sapat para mapasinghap ako. "Matapos mo akong hintayin dito sa kwarto ko, aalis ka rin pala?" Nakatitig sa akin ang kanyang namumulang mga mata. Dahil sa tindi ng alak, tila tuluyan nang natunaw ang lahat ng kanyang preno. Ang Eros na nakasanayan ng mundo—ang lalaking laging malamig, kalkulado, at palaging in control—ay biglang naglalaho sa harap ko. Ang kaharap ko ngayon ay isang lalaking nagsasalita nang may halong matinding lungkot at galit. Mga emosyong alam kong hinding-hindi niya ipapakita o aaminin kung sober siya. "Akala ko ba sinusumpa mo ang kasalang ito?" patuloy niya. Bahagyang slurred ang boses niya, ngunit bawat salita ay punong-puno ng bigat at damdamin na matagal niyang kinimkim. "You treat me like an enemy, Arabella. You run away from my touch, tapos nagtatago ka pa sa kwarto sa dulo ng hallway na 'yan..." Huminto siya, lumalim ang paghinga, at ramdam ko ang anghang ng whiskey na humahaplos sa mukha ko. "Do you have any idea how much that burns my pride? Lalaki rin ako. Asawa mo ako. Pero kung itrato mo ako, parang may nakakahawang sakit ako." Napatitig ako sa kanya, hindi makapagsalita. Sa kabila ng takot na unt-unting lumalamon sa akin, may kung anong bahagi ng puso ko ang biglang humapdi. May kung anong bumasag sa akin nang makita ang sugat sa kanyang mga mata. Nagdurusa rin pala siya. Ang akala kong perpekto at walang pakiramdam na si Eros ay nasasaktan din sa malamig at marahas na pakikitungo ng aking kapatid bago ito tuluyang tumakas. Ang galit niya ay hindi dahil sa poot—kundi dahil sa labis na pangungulila. "Pero ngayon... nandito ka," bulong niya ulit, biglang lumambot ang boses na tila nagmamakaawa. "You stayed. Ibig sabihin ba nito... handa ka na? Handa mo na ba akong tanggapin… ulit?" "Lasing ka lang, Eros," pilit kong sagot. Sinubukan kong patigasin ang aking mukha, bagaman nagtataksil ang sarili kong boses sa panginginig nito. Sumisigaw ang utak ko na sabihin ang totoo, ngunit umurong ang dila ko. Kung itutuloy ko ito, malalaman niya ang lahat. Malalaman niyang wala akong alam sa ganitong bagay, na hindi ako ang babaeng pinasalan niya. At higit sa lahat... mali ito. Magnanakaw ako ng isang sandaling hinding-hindi magiging para sa akin. Isang gabi ng pag-ibig na nakapangalan sa iba. "Bitawan mo muna ako... matulog ka na, please," pakiusap ko, halos mag-unahan ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. "Yes, I am drunk. At sa wakas, may lakas ng loob na akong kunin ang sa akin," lalong humigpit ang hawak niya sa aking panga, hinila niya ako lalo papalapit hanggang sa maramdaman ko na ang init ng kanyang katawan. "You're my wife, Arabella. Matagal ko nang hinihintay ang gabing 'to," paos niyang bulong sa aking mga labi. At sa isang saglit, tuluyan niyang pinawi ang natitirang distansya sa pagitan naming dalawa.EROS WILDEShe was holding her fork wrong. Hindi naman sa masagwa siyang kumain—it was clean, proper. Ang problema lang, hindi 'yon si Arabella. Ang kilala kong Arabella, parang laging nakikipag-race sa mundo. Mabilis bawat subo, na parang ang breakfast ay isa lang sa mga boring obligations sa checklist niya na kailangang tapusin para masabing naging productive 'yong araw. But the woman across from me... she was actually savoring it. Dahan-dahan. Parang may sapat na ganda 'yong umaga para hintayin niya. Bulong ko sa sarili ko, baka kulang lang ako sa gising. I hadn’t had my coffee yet. Coffee first, paranoia later—mantra ko 'yan noong mga panahong marunong pa akong mag-appreciate ng mga simpleng bagay bago ako tuluyang lamunin ng ingay ng lungsod. But when Bebang came in with the hot pot, doon ko na tuluyang nakalimutan 'yong pagkain. Bata pa lang ako, si Nanay Bebang na 'yong takbuhan ko tuwing napapagalitan ako dahil sa putik na nadadala ko sa dining room na 'to. More than twent
Nang marinig ko ang pagsasara ng pinto sa labas, doon ko lang tuluyang napabagsak ang mga balikat ko. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng study room, nakikinig sa paalis niyang sasakyan hanggang sa tuluyan nang mawala ang ingay ng makina sa malayo. Itinatwa ko ang bigat ng katawan ko sa pamamagitan ng pagtukod ng dalawang palad sa malamig na lamesa niya. Huminga ako nang malalim, pinipilit na pabalikin sa normal ang mabilis kong tibok ng puso. Dumalaw lang siya para sa mga papel, bulong ko sa sarili ko. Aalis din siya agad. Maliit na bagay lang 'to. Pero kahit anong pilit ko, bumabalik pa rin sa utak ko kung paano niya ako tiningnan bago siya lumabas—yung tahimik at malalim na titig na lumampas ng ilang segundo, na hindi naman dapat ginagawa ng isang taong nagmamadali. Pero wala akong luhong mag-overthink ngayon. Kailangan kong hulaan kung anong klaseng kasal ang pinasukan ko, lalo na't ang nag-iisang taong pwedeng sumagot sa mga tanong ko ay tumakas na at iniwan sa akin ang magulon
Isang hakbang. Dalawa. Pinilit kong maglakad pababa habang nagpapanggap na matapang. Kunwari, hindi ako takot sa kung ano ang pwedeng mangyari sa akin ngayon. Act normal, bulong ng utak ko. Sobrang lamig ng marble floor sa nakayapak kong mga paa. I was so panicked kanina sa taas na hindi ko na man lang naisipang mag-slippers. But in a way, the freezing cold helped. Bawat hakbang ay parang sampal na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Sapat na 'yon para pigilan akong tumalikod, bumalik sa kwarto, at mag-lock ng pinto. Curving slowly into a wide arc, the grand staircase looked beautiful. Pang-grand entrance ang design—pero sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay naglalakad ako patungo sa sarili kong bitayan.Nagliliwanag ang foyer sa gintong ilaw ng chandelier, sapat para kumislap ang mga dyamanteng basta ko na lang dinampot sa jewelry drawer ni Arabella. Habang pababa ako, nahuli ng makintab na banister ang repleksyon ko—isang babaeng may labi ng kapatid ko, pero taliwas doon, nanginginig
Umupo ako sa vanity table at nagsimulang magbukas ng mga drawer—mga lipstick, blush compacts, mga bote ng pabango na hindi ko pamilyar, at isang maliit na velvet box. Pagkabukas ko roon ay bumadya ang isang pares ng diamond earrings na agad ko ring isinara. Another drawer held old invitations and handwritten notes. Ang isa naman ay naglalaman ng mga larawan—Arabella at parties, Arabella beside families whose names I’d only ever seen in newspapers, at mga litrato ni Arabella na mag-isa sa isang yacht o sa lobby ng kung anong hotel. She always had the same flawless posture, the same practiced smile, never once caught looking merely ordinary.Tapos, sa ilalim ng isang patong ng mga invitation card, may nakita akong isang larawan na naiiba. Mas luma ito, at printed, hindi digital. I pulled it free, at parang may bumara sa paghinga ko sa likod ng mga tadyang ko.Si Arabella, nakatayo sa tabi ni Eros.I had seen him before, of course—nakikita naman siya ng lahat kahit paano, sa mga litrat
Binuksan ko ang mga messages niya. At first, it all seemed almost mundane—mga dinner invitation, requests for confirmation, at mga note mula sa mga assistant na hindi ko naman kilala tungkol sa mga taong hindi ko pa narinig kailanman. May mga address din na hindi ko mahanap sa kahit anong mapang pamilyar sa akin. I scrolled slowly, at habang ginagawa ko 'yon, napansin ko ang totoong pattern sa ilalim ng lahat: Arabella never explained herself to anyone. Kung ayaw niyang pumunta sa isang event, hindi lang siya sisipot. Kung may nakaoffend sa kanya, hindi siya nakikipagtalo—she would just cut them off entirely, mid-sentence, mid-relationship, nang walang kaabog-abog. May isang babaeng nag-text sa kanya nang tatlong beses para itanong kung tuloy ba siya sa dinner. Arabella’s entire reply had been three words. Find someone else. “That’s rude,” sabi ko sa bakanteng kwarto, sabay lingon sa paligid na tila ba nakikinig siya mula sa kung saan man siya tumakbo. “Very rude.” And yet, nun
Nang mai-lock ko ang pinto ng kwarto, agad akong sumandal doon. I listened to the soft click of the bolt sliding into place, at pakiramdam ko, mas kinulong ko ang sarili ko sa isang libingan kaysa sa isang silid. For several seconds, hindi muna ako gumalaw. Nanatili lang akong nakatayo habang nakalapat ang mga palad ko sa malamig na kahoy, waiting for my eyes to adjust to a space na halatang pagmamay-ari ng ibang tao.Napakalaki ng kwarto—it was far too large for one person. Pero imbis na makahinga ako nang maluwag, pakiramdam ko ay mas sumasakal sa akin ang katahimikan nito. Everything in it was Arabella’s.Ang kama sa tapat ng malalaking bintana ay may mga sapin na sobrang putla, mukhang walang kabuhay-buyhay sa ilalim ng ilaw. The cream-colored chaise was angled just so near the cold, unlit fireplace. 'Yung crystal lamp na umiilaw sa tabi ng vanity mirror ay mukhang masyadong mahal para lang gamitin sa araw-araw. Even the air had her fingerprints on it—isang pabango na matapang, m







