Chapter 01
"Ma, Pa! Bakit ganito?" hinagpis kong sabi habang humahagulgol ako ng iyak. Sino bang hindi maiyak ng pagdating mo sa bahay upang surpresahin sila ay ako ang na surpresa sa nakita. Kaya pala mailap ang mga matang nakatingin sa akin ang mga kapit bahay namin dahil sa eksenang nabungaran ko. "A-ang kapal din ng pagmumukha mo, Alex! Bakit ang kapatid ko pa?!" sumbat ko dito, nais ko silang pagmumurahin lahat at ipinakmukha ko kung gaano ka sakit ang kanilang ginawa sa akin. Habang matalim akong tumingin sa dalawang taong nagtaksil sa akin ay hindi ko maiwasang tumulo ang mga luha ko nang nakitang malaki ang tiyan ng bunso kong kapatid at sa tingin ko ay nasa anim na buwan na ito. "B-bakit hindi ninyo pina-alam sa akin, ma? Hindi pa ba sapat na ginawa ko ang lahat upang guminhawa ang buhay natin? At ikaw, sina-kripesyo ko ang buhay ko sa ibang bansa upang makapagtapos ka ng pag-aaral, pero ito ang ginawa ninyo sa akin," sumbat ko dito. "Hoy, Merlyn? Aba, sumusobra kana! Isusumbat mo sa amin ang ginawa mo para sa amin? Aba'y dapat lang dahil anak ka lang namin, kaya dapat na buhayin mo kami!" singhal niyang sabihin sa akin. "Bakit, ma? Sabi mo nga na anak niyo ako, pero bakit ganito ang ginawa ninyo ang pagtakpan ang kabalastugang at pagtraydor nila sa akin," iyak kong sumbat. "Alam mo, Ate Merlyn, hindi mo naiintindihan," matapang na sabi ng bunso kong kapatid habang hawak-hawak ang tiyan niyang malaki. "Hindi ko sinasadya, pero mahal namin ang isa't isa." Para bang pumasok sa pandinig ko ang isang bagay na wala akong kakayahang intindihin. Mahal daw nila ang isa't isa? Paano nangyari iyon habang nasa malayo ako, nagkakayod-kalabaw para lamang masuportahan silang lahat? Hindi ba sapat ang lahat ng sakripisyong ibinigay ko? "Alex, ikaw?" Tumitig ako sa lalaki na minsan kong minahal ng buong puso. "Ito na ba talaga ang kaya mong gawin? Ang ipagpalit ako sa sarili kong kapatid? Napakawalang hiya mo!" "Merlyn, hindi ito ang iniisip mo," sagot ni Alex, ngunit halata sa mukha niya ang pagkabog. "Hindi ko gustong saktan ka, pero ito ang nangyari. Hindi natin kayang kontrolin ang puso—" "Huwag mo akong turuan tungkol sa pagmamahal, Alex!" Napasigaw ako, hindi alintana kung marinig man kami ng mga kapitbahay. "Kung talagang mahal mo ako noon, hindi mo ako pagtataksilan. Hindi mo magagawang gawin ito sa akin!" Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Mama sa akin, pero imbes na aliwin ako, mas lalo lamang akong nasaktan. "Anak, intindihin mo na lang. Hindi natin maibabalik ang nakaraan. Nangyari na ang nangyari, at mahalaga ngayon ay tanggapin mo na ang sitwasyon." "Tanggapin?!" Napaatras ako, parang tinulak ng mga salitang binitiwan niya. "Paano niyo nagawang sabihin 'yan sa akin, Ma? Ako na nga ang nagsakripisyo, pero parang ako pa ang masama ngayon? Hindi niyo man lang naisip ang sakit na dulot nito sa akin?" Ang buong kwarto ay napuno ng katahimikan. Wala ni isa sa kanila ang sumagot. Ang dating tahanang puno ng saya at pagmamahalan ay nagmistulang hukay ng mga pangarap kong nawasak. Napayuko ako, pilit itinatago ang mukha kong basang-basa ng luha. Hindi ko na kaya. Kailangan kong umalis. Hindi ko na kayang manatili sa lugar na ito—sa lugar na tila naging impiyerno dahil sa mga taong pinili kong mahalin. "Merlyn, saan ka pupunta?" habol ni Mama, ngunit hindi ko na siya nilingon pa. "Sa lugar kung saan hindi ko na kayo makikita," sagot ko, bitbit ang kaunting dignidad na natitira sa akin. Habang naglalakad palabas, naramdaman ko ang bawat bigat ng desisyong kailangan kong gawin. Iniwan ko ang pamilya ko, ang lalaking minahal ko, at ang buhay na minsan kong inakala'y perpekto. Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit, alam kong kailangang magsimula muli—mag-isa. Habang naglalakad ako nang walang direksyon, hinayaan ko na lang na ang mga luha ko'y patuloy na bumagsak. Ang bigat sa dibdib ko ay tila walang katapusan. Parang wala nang dahilan para huminga o mabuhay pa. Ngunit sa kalagitnaan ng pag-iisa, naramdaman ko ang biglang pagyakap sa aking likuran—mahigpit, parang ayaw akong pakawalan. Napapitlag ako at agad na napalingon. "Alex?!" Halos isigaw ko ang pangalan niya habang nag-aalab ang galit sa aking boses. "Ano pa ba ang gusto mo? Hindi pa ba sapat ang sakit na dinulot mo sa akin?" "Merlyn, pakinggan mo ako!" pakiusap niya habang nakaluhod na ngayon, tila nagmamakaawa. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko gustong masaktan ka. Mahal kita, pero—" "Pero ano, Alex?!" putol kong sabi, kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. "Mahal mo ako, pero nagawa mong ipagpalit ako sa kapatid ko? Ano 'to? Para kang bata na nagkamali at gusto lang ng sorry para maayos ang lahat?" Hindi siya agad nakasagot. Nakayuko siya, parang hinahanap ang tamang salita, pero para sa akin, wala nang salitang makakabura sa ginawa niya. "Hindi ko sinasadya na mahulog sa kanya, Merlyn," halos pabulong niyang sabi. "Pero hindi ibig sabihin na hindi kita mahal. Alam mo 'yan." Napatawa ako, pero punong-puno ng pait. "Mahal? Alam ko? Alam mo kung ano ang alam ko, Alex? Na kaya kong isakripisyo ang lahat para sa'yo. Na ako lang ang nagmahal ng buo habang ikaw, naghanap ng iba. Kung 'yan ang pagmamahal mo, ayoko na." Nakita kong tumulo ang luha niya, pero hindi ko na kaya pang maawa. Kahit ano pang sabihin niya, kahit ano pang paliwanag ang ibigay niya, hindi na mabubura ang sugat na iniwan niya sa puso ko. Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero alam ko isang bagay: hindi ko na kailanman hahayaang bumalik siya sa buhay ko.Chapter 0116 Habang abala si Mila sa pagsawsaw ng fishball sa paborito niyang manong-style suka, hindi niya napapansin ang palihim na tinginan namin ni Merlyn. “Ready ka na ba, Hon?” tanong ko sa aking asawa. “Kanina pa. Sobrang effort ng school staff — pati 'yung balloons, color theme ni Mila.” sagot Niya agad sa akin. Tumingin ako kay Mila. Suot pa rin niya ang medalya, nakalaylay sa uniporme. Wala siyang kaalam-alam sa paparating na sorpresa. “Ang sarap talaga ng fishball kapag pagod at nanalo ka. Parang… panalo ulit!” ani nito. “Kaya nga po Ate, every time na magugutom ako, iisipin ko na lang na nanalo rin ako.” sabi ni Liam sa kanyang ate Mila “Ako rin… kahit hindi ako sumali, damay sa fishball!” wika naman ni Amara. Napatawa si Mila habang isinusubo ang huling tusok ng fishball. “Grabe, perfect day!” Napatingin si Merlyn sa relo niya, sabay tango sa akin. Oras na. “Anak, tapos ka na ba?” tanong ko. “Yes po, Dad. Okay na ako. Bakit po?” sagot Niya agad sa akin. “Ma
Chapter 0115 Game 3. Final round. Laban ng talino, bilis, at tibay ng loob. “QUIZ SHOWDOWN: The Top 3 will battle it out in this buzzer round. One wrong move, and the point goes to the next!” Si Mila ay kasama sa Top 3 finalists—kasama ang dalawang contestant mula sa private science schools na kilala sa Math at Robotics programs. Kalaban #1: si Jeremy, Grade 5, may eyeglass na mukhang college student na. Kalaban #2: si Thea, tahimik pero mabilis ang reflexes, galing sa isang all-girls Catholic school. At syempre… si Mila Montereal, ang Brain Queen ng Team Mila. “Let the final round begin!” sigaw ng host. ROUND 1: GENERAL KNOWLEDGE Host: “What is the national animal of the Philippines?” BUZZ! Thea: “Carabao!” DING! Point to Thea! “Okay, okay, warm-up lang,” sabi ko kay Merlyn habang nag-aadjust ng upo. Host: “What is 15 multiplied by 6?” BUZZ! Jeremy: “90!” DING! Point to Jeremy! “Uy, dalawang sunod sila, Hon…” bulong ni Merlyn, medyo kabado. Sumulyap ako kay
Chapter 0114Cris POV“Contestants, please take your final positions. Game 1 will begin shortly.”Tumindig kami mula sa kinauupuan namin habang tinatawag ng host ang bawat kalahok. Si Mila ay nasa gitnang row ng Grade 5 contestants—nakaupo, nakatindig ang likod, pero hindi maitago ang mabilis niyang paghinga.“Game face na, Mila,” bulong ni Amara habang kinawayan siya mula sa audience section.Tumango si Mila, saka huminga nang malalim. “Team Mila… ACTIVATE!”Si Liam naman ay nagtaas ng maliit na placard na may nakasulat:“BRAIN MODE: ON 🔥”Pumutok ang tawa ni Merlyn habang hawak ang video cam. “Grabe ‘tong mga anak natin. Pang-TV show!”HOST:“Welcome everyone to BATALINO KIDS 202X! Let's begin with… Game 1: Fast Thinkers Challenge!Each contestant will answer five rapid-fire questions. One point for each correct answer. No multiple choice. Just pure brain power!”Naghiyawan ang audience. May pa-ilaw pa sa stage, at music na parang “Who Wants to Be a Millionaire” ang dating.Tumigil
Chapter 0113Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na kami sa paghahanda. Si Mila, excited na excited sa suot niyang school uniform na may maliit pang pin ng "Batalino Kids Candidate" na siya rin ang gumawa gamit ang paperclip at glitters. Si Amara at Liam naman ay naka-family day shirt na parang field trip ang pupuntahan.Maaga rin kaming dumating sa paaralan—ang Montereal School—na pag-aari ko rin mismo.Pagkapasok pa lang namin sa main gate, agad kaming sinalubong ng mga guwardiya na may mga ngiting-hindi-maipinta, sabay saludo.“Good morning po, Sir Cris, Ma’am Merlyn! Good luck po kay Ma’am Mila!”“Good luck sa Ate naming lahat!” dagdag pa ni Mang Tonyo, ang pinakamatandang guard na parang fan club president ni Mila.“Mukhang mas kilala na si Mila kesa sa’kin dito,” biro ko kay Merlyn habang iniabot niya kay Mila ang water bottle niya.“Oo nga, Hon,” sagot ni Merlyn. “Ikaw may-ari, pero si Mila ang superstar.”Pagdating sa lobby ng admin building, sinalubong kami ni Ma’am Donna, an
Chapter 0112Pagkatapos naming kumain, lumipat kami sa sala para magpahinga. Si Merlyn, nakaupo sa gilid ng sofa habang naglalagay ng lotion sa mga braso ni Amara. Si Liam ay nakapatong sa hita ko, yakap-yakap ang kanyang stuffed dinosaur. Si Mila naman, naka-cross legs sa carpet sa harap ng TV, parang reviewer ang hawak kahit wala naman siyang binabasa.Nag-play ang evening news. Pero katulad ng dati, walang nakikinig masyado sa mga headline dahil busy ang mga bata sa pagtatalo kung sino ang pinakamagaling mag-drawing ng stickman.Hanggang biglang nag-flash sa TV ang promo ng isang inter-school talent and brain contest na may malalaking letrang:"BATALINO KIDS 202X: SINO ANG PINAKAMATALINO SA LAHAT?"May pa-intro pa ng mga batang nakasalamin habang nagso-solve ng math, may nagsusulat ng essay, at may nagtataas ng buzzer.Biglang tumayo si Mila, sabay turo sa screen. “Ako ‘yan. Ako ang susunod na Batang Henyo ng Bansa!”Nagkatinginan kami ni Merlyn. Si Liam napataas ang kilay habang n
Chapter 0111Five Years LaterLimang taon na ang lumipas mula noong unang beses naming masilayan sina Amara at Liam. Sa bawat taon na dumaan, mas lalong naging makulay, magulo, pero punung-puno ng pagmamahal ang buhay namin.Ngayong hapon, nakaupo ako sa veranda habang pinagmamasdan ang tatlo kong anak na naglalaro sa damuhan. Si Mila, suot ang improvised cape na gawa sa lumang kumot, ay abalang sinisigawan si Liam at Amara na kunwari raw ay mga prinsipe at prinsesa ng “Kingdom of Flores.”“Dad!” sigaw ni Mila mula sa may garden. “Si Liam gusto na namang mag-dragon! Eh sabi ko siya ang prinsipe!”Napailing ako pero nakangiti. “Hayaan mo na, anak. Baka gusto niyang maging dragon ngayong araw. Bukas, baka hari na siya.”Tumakbo si Liam papalapit sa akin, sabay yakap sa binti ko. “Dad! Si Ate Mila gusto akong kulungin sa castle! Eh mabait naman akong dragon!”Umupo ako sa damuhan, sabay buhat kay Liam. “Kahit anong gusto mong maging, anak—dragon o prinsipe—basta huwag mo lang isusuka si