Chapter 0111Five Years LaterLimang taon na ang lumipas mula noong unang beses naming masilayan sina Amara at Liam. Sa bawat taon na dumaan, mas lalong naging makulay, magulo, pero punung-puno ng pagmamahal ang buhay namin.Ngayong hapon, nakaupo ako sa veranda habang pinagmamasdan ang tatlo kong anak na naglalaro sa damuhan. Si Mila, suot ang improvised cape na gawa sa lumang kumot, ay abalang sinisigawan si Liam at Amara na kunwari raw ay mga prinsipe at prinsesa ng “Kingdom of Flores.”“Dad!” sigaw ni Mila mula sa may garden. “Si Liam gusto na namang mag-dragon! Eh sabi ko siya ang prinsipe!”Napailing ako pero nakangiti. “Hayaan mo na, anak. Baka gusto niyang maging dragon ngayong araw. Bukas, baka hari na siya.”Tumakbo si Liam papalapit sa akin, sabay yakap sa binti ko. “Dad! Si Ate Mila gusto akong kulungin sa castle! Eh mabait naman akong dragon!”Umupo ako sa damuhan, sabay buhat kay Liam. “Kahit anong gusto mong maging, anak—dragon o prinsipe—basta huwag mo lang isusuka si
Chapter 0110Cris POVHindi ko maipaliwanag ang pakiramdam habang tinititigan ko ang dalawang munting anghel na natutulog sa nursery. Parang kailan lang, hawak-hawak ko pa ang pregnancy test ni Merlyn—ngayo’y heto ako, nakatayo sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang dalawang kaluluwang galing sa amin. Buo. Kumpleto. Sagrado.Dahan-dahan kong ipinatong ang palad ko sa salamin. Parang gusto kong buhatin sila, amuyin, yakapin… pero hindi pa puwede. Kaya’t tumitig na lang ako, pinipilit ilagay sa isipan ko ang bawat detalye ng kanilang mukha—ang munting ilong, ang mumunting kamay, ang paggalaw ng kanilang dibdib habang mahimbing na natutulog.“Amara,” bulong ko habang nakatitig sa batang babae.Parang musika sa tenga ko ang pangalang iyon. Amara—mula sa salitang nangangahulugang “walang hanggan.” Gusto ko ng isang pangalang magpapaalala sa amin na ang pagmamahalan namin ni Merlyn ay hindi natatapos kahit kailan.“Liam,” sambit ko naman sa kabilang crib.Simple. Malalim. Matatag. Katulad n
Chapter 0109 Third POV ( Author) Kinabukasan Tahimik ang buong bahay. Tanging tunog ng kutsara’t kawali ang maririnig mula sa kusina kung saan abalang naghahanda ng agahan si Cris. Suot ang simpleng puting sando at boxers, tila wala sa itsura niya ang isang lalaking sanay sa corporate life. Ngayon, isa lamang siyang lalaking nagmamahal sa asawa’t magiging ama ng kanyang anak. Habang iniinit niya ang gatas at inaayos ang mesa, naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Paglingon niya, nandoon si Merlyn, nakatayo sa pintuan ng kusina. Suot pa rin ang kanyang oversized shirt, nakalugay ang buhok, at may antok pa sa kanyang mga mata — pero para kay Cris, iyon na ang pinakagandang tanawin ng umaga. "Good morning, mahal," bati ni Cris, habang nilalatag ang huling plato sa mesa. “Hmm... ang bango,” sabi ni Merlyn, sabay hakbang papalapit sa kanya. Yumakap ito mula sa likod, inihilig ang pisngi sa likod ni Cris. “Ang sarap naman ng umagang ganito.” Napangiti si Cris, maraha
Chapter 0108 Kinagabihan. Tahimik ang buong paligid, tanging malamlam na ilaw ng lampshade ang nagsisilbing liwanag sa kwarto namin ni Merlyn. Nasa tabi ko siya, nakaunan sa braso ko, habang hinihimas-himas ko ang kanyang buhok. Bigla siyang gumalaw, marahang kumalabit sa akin. “Akala ko gusto mong kumain?” tanong ko, bahagyang nagbiro. Ngunit ang ngiting ibinalik niya ay may ibang ibig sabihin. Dahan-dahan siyang lumapit, ibinaon ang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga at ang banayad na pagkakadantay ng kanyang kamay sa aking dibdib. “Mamaya na ang midnight snack…” mahina niyang bulong. Napangiti ako, iniyakap siya ng mas mahigpit, sabay hinaplos ang kanyang likod. “Sigurado ka? Baka mapagod ka.” Umiling siya, nakatingin sa akin nang may ningning sa mga mata. “Hindi mo ba ako nami-miss?” sabay kagat ng labi niya. Sa mga sumunod na sandali ay napuno ang gabi ng mga bulong, halik, at mga yakap na tila walang katapusan. Maingat ang bawat galaw, puno ng p
Chapter 0107 Cris POVNapangiti ako nang nawalan na pwedeng pwede kami mag love-making ni Merlyn kahit buntis ito.FlashbackNapahinto ako sa paglalakad ng may bumagabag sa aking isipan. "Kailangan kong itanong sa doctor kung pwede bang makita pagtalik ang buntis at hindi ba masasaktan ang bata sa loob ng tiyan at may kasama bang ipekto ito."Doc, pasensiya na kung bumalik ako. May katanungan lamang ako sayo."“Walang anuman, Cris. Ano ang gusto mong malaman?” mahinahong tanong ng doktor habang nakatingin kay Merlyn na nakaupo sa tabi.“Pwede po ba kaming mag-love making ni Merlyn habang buntis siya? Hindi po ba ito delikado sa baby? At may epekto po ba ito sa kanya o kay Merlyn?” seryosong tanong ni Cris.Ngumiti ang doktor, “Sa pangkalahatan, kung normal at walang komplikasyon ang pagbubuntis, ligtas naman ang pagtatalik. Mahalaga lang na maging maingat at huwag pilitin ang kahit ano. Kung may nararamdaman na sakit o kakaiba, dapat agad tumigil at magpakonsulta.”“Tungkol sa baby,
Chapter 0106Fast forward.Limang buwan na ang aking pagbubuntis. Ngayon ang araw na malalaman namin ang kasarian ng sanggol na dinadala ko.Habang nasa biyahe kami, kitang-kita ang excitement sa mukha ni Mila. Masigla niyang sinabi, "Sana po baby boy!"Napangiti ako at tiningnan si Cris na kasabay kong nakangiti rin. "Anong sa tingin mo, Cris? Baby boy ba o baby girl ang darating?"Hawak niya ang kamay ko habang sinasabi, "Anuman ang maging kasarian, mahalaga ay healthy siya at masaya tayo bilang pamilya."Mula sa likuran, si Mila ay sabik na sabik pa rin, "Baby boy na sana para may kapatid akong makalaro!"Napatawa kami ni Cris sa kanyang innocence at saya. "Kahit ano pa yan, magiging masaya tayo," sabi ko.At habang papalapit kami sa clinic, ramdam ko ang tibok ng puso namin, puno ng pag-asa at pagmamahal para sa panibagong miyembro ng aming pamilya.Pagdating namin sa clinic, ramdam ang kaba at saya sa bawat isa. Hawak ni Cris ang kamay ko nang mahigpit habang hinihintay namin ang