Chapter 084Kinabukasan. Tulad ng sinabi ko kagabi, maaga kaming nagtungo ni Mang Rudy sa paaralan. Tahimik lang ako sa likod ng sasakyan habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Sa bawat metro ng kalsadang nilalakbay namin, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.Pagdating namin sa harap ng paaralan, agad akong napatayo sa kinauupuan nang makita ko ang mag-ina sa may gate.Napakapit ako sa pintuan ng sasakyan, hindi pa agad bumababa. Parang may humigpit sa dibdib ko.Siya 'yon. Ang bata. Kamukha ni Mila.Hindi ko maiwasang titigan siya. Parehong-pareho ng mata, ng ilong, ng ngiti… pero hindi ako puwedeng magpadala sa damdamin.At ang babaeng kasama niya—hindi si Merlin. Ibang babae. Mas bata, mas payat, at iba ang postura.“Puwede kayang... pamangkin lang ni Merlin? O anak ng kaibigan? O baka naman... anak niya talaga pero... paano kung hindi?”Napahawak ako sa dibdib ko. Huwag kang umasa, Cris... baka masaktan ka lang.Pero hindi ko rin mapigilang mapatingin muli. L
Chapter 085 Merlin POV "Nanay, bakit ka po magsinungaling sa mamà nang pangalan mo?" inosenteng tanong ni Mila habang hawak-hawak ang bag na kinuha ko sa kanya kanina. Tinitigan ko ang kanyang mga mata—malinaw, walang bahid ng pagdududa, punong-puno ng tiwala. Napangiti ako, pilit kong tinatago ang bigat sa dibdib. "Kasi po, ayaw kong magbigay ng dahilan upang makakuha ng atensyon ng iba," malumanay kong paliwanag sabay haplos sa kanyang pisngi. "Minsan kasi, anak, mas mabuting tahimik lang tayo para walang gulo." "Pero ‘Nay, parang kilala ka po nung mamà… yung naka-kotse," aniyang napakunot ang noo. "Tinitigan ka niya habang kausap mo si Tita Belen." Napatingin ako sa malayo. Tumibok nang mabilis ang puso ko—parang naramdaman kong hinahabol na ako ng nakaraan. "Siguro nagkamali lang siya ng tingin," sagot ko sabay kunwaring tawa. Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi ‘yun basta pagkakamali. Ang tingin na ‘yon… ang pagkakatitig ng lalaking iyon… ay hindi ng isang estranghero.
Chapter 01 "Ma, Pa! Bakit ganito?" hinagpis kong sabi habang humahagulgol ako ng iyak. Sino bang hindi maiyak ng pagdating mo sa bahay upang surpresahin sila ay ako ang na surpresa sa nakita. Kaya pala mailap ang mga matang nakatingin sa akin ang mga kapit bahay namin dahil sa eksenang nabungaran ko. "A-ang kapal din ng pagmumukha mo, Alex! Bakit ang kapatid ko pa?!" sumbat ko dito, nais ko silang pagmumurahin lahat at ipinakmukha ko kung gaano ka sakit ang kanilang ginawa sa akin. Habang matalim akong tumingin sa dalawang taong nagtaksil sa akin ay hindi ko maiwasang tumulo ang mga luha ko nang nakitang malaki ang tiyan ng bunso kong kapatid at sa tingin ko ay nasa anim na buwan na ito. "B-bakit hindi ninyo pina-alam sa akin, ma? Hindi pa ba sapat na ginawa ko ang lahat upang guminhawa ang buhay natin? At ikaw, sina-kripesyo ko ang buhay ko sa ibang bansa upang makapagtapos ka ng pag-aaral, pero ito ang ginawa ninyo sa akin," sumbat ko dito. "Hoy, Merlyn? Aba, sumusobra
Chapter 02Hindi ko napansin kung gaano na ako katagal naglalakad. Hindi ko rin alam kung paano ako napadpad dito. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong magtago—magtago mula sa sakit, sa kahihiyan, at sa kawalang-katarungan ng mundo.Nang lingunin ko ang paligid, natuklasan kong nasa loob na ako ng isang simbahan. Tahimik ito, ngunit puno ng mga tao. Marahil ay may misa o espesyal na okasyon, pero wala na akong pakialam. Para akong bulag, lutang sa sariling mundo ng sakit at hinagpis.Umupo ako sa pinakadulong bahagi ng upuan, doon kung saan walang makakapansin sa akin. Hindi ko alintana ang malamig na hangin sa loob. Ang mga luha ko'y patuloy na dumadaloy habang tulalang nakatitig sa krus sa harapan."Lord," mahinang bulong ko, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. "Bakit ganito? Bakit sa kabila ng lahat ng sakripisyo ko, ganito pa rin ang naging kapalit? Ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito?"Isang saglit, parang gusto kong bumagsak sa sahig at isigaw ang
Chapter 03 Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Alam kong hindi ko dapat pakialaman ang sitwasyong ito, pero hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa lalaki. Sa harap ng lahat ng tao at sa isang mahalagang araw, nagawa siyang ipahiya ng babaeng dapat ay kasama niya habang-buhay. Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang isang lalaki na nakatayo sa gitna ng altar. Nakatalikod siya, ngunit kahit hindi ko makita ang kanyang mukha, ramdam ko ang bigat ng emosyon niya. Ang tikas ng tindig niya ay tila pilit lang, na parang sinisikap niyang huwag magpakita ng kahinaan sa harap ng maraming tao. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bagay ang nagtulak sa akin na manatili at obserbahan ang nangyayari. Sa gitna ng sarili kong sakit, naramdaman kong hindi lang ako ang nawawasak ng mga pangyayari sa araw na ito. Habang nagmamasid ako sa kaguluhan, biglang napansin ng isang babaeng elegante ang aking presensya. Nakasuot siya ng mamahaling damit at may tindig na nagsas
Chapter 04 "Ikaw ang nakita ko, hija," tapat niyang sagot. "Walang sinuman sa paligid ang pwedeng pumalit ngayon. At sa sandaling ito, ikaw lang ang nakikita kong may lakas ng loob para tulungan kami," dagdag niyang sabi sa akin. Muli akong tumingin sa krus. Sa kabila ng bigat ng alok na ito, may kung anong bahagi ng puso ko ang tila tinutulak akong tanggapin ito. Baka nga ito ang paraan ng Diyos para tulungan din ako na magpatuloy. "Merlyn," mahinahon niyang tawag sa akin, "ano na ba ang sagot mo?" tanong niya. Sa gitna ng kaguluhan sa isip ko, pumayag akong gawin ang hindi ko inakala—ang maging substitute bride. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang, pero naisip ko, kung may paraan ako para makatulong, bakit hindi? "Papayag na po ako, pero paano kung magalit o kamuhian ako ng inyong anak?" sambit ko. "Salamat, Merlyn! Wag kang mag-alala, sagot kita kung ano man ang mangyari nasa likod mo ako," mahina ngunit puno ng pasasalamat na sabi ni Mrs. Montereal. Agad
Chapter 05 Habang nagsisimula na ang seremonya, ang bawat salitang binanggit ng pari ay nagiging malabo sa aking pandinig. Nakatuon lamang ang aking isipan sa kanya, sa lalaki na ngayon ay tatawaging asawa ko—si Crisanto "Cris" Montereal. Sa huling bahagi ng kanyang pangalan, ang bigat ng pagiging Montereal ay tila sumakal sa aking dibdib. Isang pamilyang may mataas na estado, at ako... isang estrangherong walang kamalay-malay sa mga larangan ng buhay na kanilang tinatahak. Sa mga susunod na minuto, naramdaman ko ang pawis na dumaloy sa aking noo habang siya ay nakatayo sa aking harapan. Habang binabaybay ko ang proseso ng kasal, sa bawat salita ng pari, ang pangalan niyang "Crisanto" ay umiikot sa aking isipan, parang malupit na paalala na ngayon, nakatali na ako sa isang mundo na hindi ko alam. Sa aking puso, may isang bahagi na hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Si Merlyn Claveria Santiago, isang simpleng babae, ay ngayon ay nakatayo sa altar, kasal na sa isang taong hin
Chapter 06Habang naglalakad kami palabas ng simbahan, sinalubong kami ng mga saksi at bisitang masiglang bumabati. "Congratulations sa inyong dalawa," bati sa isang ginang. Habang iba ay ang kanilang mga ngiti ay parang mga liwanag na bumalot sa akin, ngunit sa kabila nito, ang bigat sa aking dibdib ay hindi mabawasan. Si Crisanto "Cris" Montereal, ang lalaking ngayon ay asawa ko, ay hindi pa rin bumibitaw sa mahigpit na pagkakahawak sa aking baywang.Pilit kong hinanap si Mrs. Montereal upang maki-usap ko ito ngayon pero hindi ko nahagilap man lang ito. Ang bawat hakbang ko ay parang isang paglipat sa ibang mundo—isang mundo na hindi ko kailanman inakala na magiging bahagi ako. Naririnig ko ang masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit tila nagiging malabo ang mga tunog na iyon sa aking pandinig.Nang makalapit kami sa nakaparadang sasakyan, mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Cris sa akin. Wala siyang sinasabi, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya. Binuksan ng driver a
Chapter 085 Merlin POV "Nanay, bakit ka po magsinungaling sa mamà nang pangalan mo?" inosenteng tanong ni Mila habang hawak-hawak ang bag na kinuha ko sa kanya kanina. Tinitigan ko ang kanyang mga mata—malinaw, walang bahid ng pagdududa, punong-puno ng tiwala. Napangiti ako, pilit kong tinatago ang bigat sa dibdib. "Kasi po, ayaw kong magbigay ng dahilan upang makakuha ng atensyon ng iba," malumanay kong paliwanag sabay haplos sa kanyang pisngi. "Minsan kasi, anak, mas mabuting tahimik lang tayo para walang gulo." "Pero ‘Nay, parang kilala ka po nung mamà… yung naka-kotse," aniyang napakunot ang noo. "Tinitigan ka niya habang kausap mo si Tita Belen." Napatingin ako sa malayo. Tumibok nang mabilis ang puso ko—parang naramdaman kong hinahabol na ako ng nakaraan. "Siguro nagkamali lang siya ng tingin," sagot ko sabay kunwaring tawa. Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi ‘yun basta pagkakamali. Ang tingin na ‘yon… ang pagkakatitig ng lalaking iyon… ay hindi ng isang estranghero.
Chapter 084Kinabukasan. Tulad ng sinabi ko kagabi, maaga kaming nagtungo ni Mang Rudy sa paaralan. Tahimik lang ako sa likod ng sasakyan habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Sa bawat metro ng kalsadang nilalakbay namin, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.Pagdating namin sa harap ng paaralan, agad akong napatayo sa kinauupuan nang makita ko ang mag-ina sa may gate.Napakapit ako sa pintuan ng sasakyan, hindi pa agad bumababa. Parang may humigpit sa dibdib ko.Siya 'yon. Ang bata. Kamukha ni Mila.Hindi ko maiwasang titigan siya. Parehong-pareho ng mata, ng ilong, ng ngiti… pero hindi ako puwedeng magpadala sa damdamin.At ang babaeng kasama niya—hindi si Merlin. Ibang babae. Mas bata, mas payat, at iba ang postura.“Puwede kayang... pamangkin lang ni Merlin? O anak ng kaibigan? O baka naman... anak niya talaga pero... paano kung hindi?”Napahawak ako sa dibdib ko. Huwag kang umasa, Cris... baka masaktan ka lang.Pero hindi ko rin mapigilang mapatingin muli. L
Chapter 083 Hindi na siya nagtanong pa. Agad siyang kumabig pakanan at huminto sa tabi. Bumaba ako ng sasakyan, lumapit sa matanda, at tahimik na tumingin sa mga nakalinyang kakanin. Kinuha ko ang ilang balot ng sapin-sapin, kutsinta, at puto. Ibinayad ko ang higit pa sa halaga, saka muling tumitig sa mga pagkain—parang nakikita ko si Merlin sa bawat kulay, sa bawat patong ng sapin-sapin. "Salamat po, sir!" masiglang sambit ng matanda. Ngumiti ako nang bahagya. "Salamat din po." Pagbalik ko sa sasakyan, tahimik kong pinatong sa kandungan ang mga binili. Sa isip ko, Merlin… kung buhay ka pa… baka ito ang paraan mo para ipaalala sa akin na hindi pa tapos ang kwento natin.Tahimik pa rin ang biyahe. Hawak-hawak ko ang plastic ng mga kakanin sa kandungan ko, habang nakatitig lang sa labas ng bintana. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang batang babae sa paaralan—ang mga mata niya… parang nakita ko na ‘yon dati. At ang babae na kasama niya—malumanay ang kilos, pamilyar ang paraan ng
Chapter 082 Cris POV "Magandang araw pagdating sa paaralan, Mr. Montereal!" bati sa akin ng isa sa mga guro habang bumababa ako ng sasakyan. Bahagya akong ngumiti at tumango bilang tugon, bitbit ang kumpiyansa ngunit may halong pag-iingat. Ito ang unang araw ng pakikilahok ko sa proyektong sinusuportahan ko para sa paaralan—isang programang nakalaan para sa mga batang may potensyal ngunit salat sa buhay. Tahimik akong naglakad papasok, sinusundan ng mata ang paligid. May ilang magulang pang palabas, kasabay ng ilang batang tumatakbo sa hallway. Ngunit sa isang gilid ng aking paningin, may isang batang babae akong nasilayan—at isang babaeng tila ina niya. Simple ang kanilang pananamit, ngunit may kakaibang liwanag sa mga mata ng bata. Napahinto ako sandali. Hindi dahil sa bata—kundi dahil sa babae. Parang may kakaiba sa presensya niya. Pamilyar? O baka dahil sa paraan ng kanyang pagyakap sa anak niya, na tila buong mundo niya ito. "Sir, dito po ang faculty room. Doon po tayo
Chapter 081KinabukasanMaaga akong nagising upang maihanda ang aming agahan at ang paboritong pagkain ni Mila—pritong itlog at sinangag na may konting tuyo. Habang nilalatag ko ang pagkain sa mesa, lumabas si Mila mula sa kwarto, hawak-hawak ang maliit niyang bag at nakasuot na ng malinis niyang uniporme."Good morning, Nay!" bati niya sabay halik sa pisngi ko."Good morning din, anak. Kumain ka na para may lakas ka mamaya," sabi ko habang inaabot sa kanya ang plato.Masaya kaming kumain. Habang kumakain, paulit-ulit siyang nagkukwento tungkol sa mga kaklase niya at kung gaano siya kasabik para sa homeroom meeting dahil ipapakilala daw nila ang mga magulang nila sa klase.Pagkatapos naming kumain, inayos ko ang gamit niya at hinatid siya sa paaralan."Anak, mag-behave ka ha. Mamaya, darating si Inay para sa meeting," paalala ko."Opo, Nay! Promise po!" sabi niya, sabay kindat at takbo papasok sa gate ng paaralan.Pagkatapos ko siyang ihatid, nagtuloy ako sa palengke para asikasuhin a
Chapter 080Paglipas ng mga buwan, sa kabila ng pagod at walang patid na pagtitinda, sa wakas dumating din ang araw na pinakahihintay namin—ang unang araw ng pasukan.Nasa Grade 1 na si Mila.Suot niya ang kanyang bagong uniporme na bahagyang maluwag pa, pero kita sa kanyang mukha ang tuwa at kaba. Inayos ko ang kanyang kwelyo habang nakaabang kami sa labas ng bahay, hinihintay ang traysikel na magsasakay sa amin."Inay, ang ganda po ng damit ko," sabik niyang sabi habang iniikot-ikot ang sarili."Bagay na bagay sa'yo, anak," sagot ko, hindi mapigilan ang ngiti. "Tandaan mo, ha? Magpakabait ka sa school, makinig sa teacher, at huwag kakalimutang mag-enjoy.""Opo, Inay!" tuwang-tuwa siyang humawak sa bago niyang bag na pinag-ipunan namin ng ilang buwan.Pagdating sa paaralan, napuno ako ng emosyon habang pinagmamasdan siyang nakapila kasama ng ibang bata. Napakaliit pa niya, pero puno ng tapang ang kanyang mga mata—parang sinasabi nilang kaya niya ito, para sa mga pangarap niya, para s
Chapter 079 Habang hinihila ko ang kariton paalis sa palengke, napansin ko ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. “Mila, bilisan natin nang kaunti. Mukhang uulan.” Sa daan pauwi, bagama’t may kabigatan ang kariton, hindi ko maramdaman ang hirap. Siguro dahil ramdam kong masaya ang araw namin—maraming nabenta, may dagdag ipon, at higit sa lahat, nandoon ang anak kong si Mila na hindi kailanman nagrereklamo. “Inay, ang saya po kanina sa palengke,” sambit ni Mila habang palundag-lundag pa sa gilid ng daan. “Ang dami pong bumili, tapos si Aling Rosa gusto raw ng pre-order tuwing linggo!” “Oo nga anak, salamat sa tulong mo ha. Kung wala ka, di ko kakayanin ‘to araw-araw.” Ngumiti siya, sabay sabing, “Gusto ko po talaga makatulong, Inay. Para makapag-aral po ako sa private school, gaya ng sabi niyo.” Napahinto ako sandali. Hinaplos ko ang buhok niya. “Oo, anak. Sa susunod na pasukan, papasok ka na sa private school. Desidido na ako. Kaya natin ‘yan. Basta magsipag lang tayo, ipon ng
Chapter 078Merlyn POVMaaliwalas ang umaga. Maaga kaming nagising ni Mila para magtinda ng suman sa palengke, pero ngayong tapos na ang gawain, nakaupo na kami sa balkonahe ng maliit naming bahay, may tasa ng mainit na tsokolate sa kamay.Tahimik lang si Mila habang sinusuyop ang mainit na inumin. Napatingin ako sa kanya—parang may iniisip.“Anak Mila,” mahina kong tawag.Napalingon siya sa akin, ngumiti. “Opo, Nanay?”Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Sa susunod na pasukan, mag-aaral ka na sa private school.”Napakunot ang noo niya. “Ha? Bakit po, Nay? Eh, okay naman po ako sa public school. Mabait naman po si Teacher Agnes. At may mga kaibigan na rin po ako dun.”Hinaplos ko ang buhok niya. “Alam ko, anak. At hindi kita pipilitin kung ayaw mo talaga. Pero gusto ko lang sanang mabigyan ka ng mas maraming oportunidad. Mas maganda ang pasilidad doon, at may scholarship program na inalok sa'yo. Ibig sabihin, halos wala tayong babayaran.”Nanlaki ang mga mata niya. “May scholarship po ak
Chapter 077Kinagabihan, habang natutulog si Mila sa maliit naming papag na may kulambo, tahimik akong nakaupo sa tabi ng lamparang nakapatong sa lamesita. May hawak akong lumang diary—ang tanging alaala ng lumipas na buhay na pilit kong kinalimutan.Sa bawat pahina ay mga salitang isinulat ko noon—panahong hindi ko pa alam ang kahulugan ng katahimikan. Mga gabing umiiyak ako sa takot, sa sakit, at sa kawalang-kasiguraduhan kung makakabangon pa ba ako. Ngunit ngayon, habang binabasa ko ito, dama ko ang layo ko na sa dating ako. Parang ibang tao na ang nagsulat ng mga iyon.Kumatok ang alaala ni Cris. Hindi ko alam kung dahil ba sa diary o sa katahimikan ng gabi, pero bigla ko siyang naalala. Ang mga mata niyang mapangusap, ang tinig niyang minsang naging musika sa tenga ko—bago ito naging dahilan ng bawat luha.Napahawak ako sa dibdib ko. May kirot pa rin. Hindi na kasing tindi ng dati, pero andoon pa rin. Siguro dahil hindi ganun kadaling kalimutan ang taong minsang minahal mo ng buo