Share

Chapter 3

Chapter 3

Tulala ang mga bata habang nakatingin kay Klaire pero naisip niya lang na kahit nagpalit pa ito ng mga damit ay cute na cute pa rin ang mga anak niya.

She knelt in front of them and pinched their cheeks gently.

“Don’t worry, hindi naman ako galit. Ang cute niyo pala kapag naka-formal clothes kayo. For sure, matutuwa ang ninang Feliz niyo kapag nakita kayo,” aniya. She could already imagine the excitement of her best friend once she sees them. "Let's go, 'wag na natin paghintayin nang matagal ang Tita Annie ninyo."

Tumayo siya at hahawakan na sana ang mga kamay ng mga bata pero mabilis na nagtago si Callie sa likod ni Clayton. Napakunot ang noo ni Klaire.

Kumunot din ang noo ni Clayton at diretso siyang tiningnan sa mga mata.

“It seems that you’re mistaken, Tita,” sabi ng bata na lubos na kinagulat ni Klaire.

Pero sa huli ay tinawanan niya lang ang anak. “Why are you talking that way, baby? Hindi naman ako nagkakamali. Kayo ang mga babies ko. Kakapanood niyo siguro ‘yan ng TV shows. Tinawag mo pa talaga akong Tita ha! Galing umarte ng baby ko,” aniya at hinaplos ang pisngi ni Clayton.

Napansin niya na iba pa rin ang tingin ng dalawang bata sa kaniya, lalo na si Callie. Her little girl loves to role play the most. Kitang-kita sa mga mata nitong naguguluhan ang galing sa pag-arte nito.

Klaire sighed and smiled again. “Okay, kung nagtatampo pa rin kayo sa akin dahil madalas ako sa work, I’ll make sure na nasa bahay ako every weekday. I’ll spend time with you and play with you, pero kababalik lang natin dito sa Pilipinas. Marami pang gagawin si Mommy kaya hindi muna tayo maglalaro, okay? Let’s go na…” panunuyo niya at hahawakan na sana ang mga kamay ng mga bata pero tumalas ang tingin sa kaniya ni Clayton, tila ba gusto pang ipagpatuloy ang pakikipaglaro at umarte pang ulit.

Hindi napigilan ni Klaire na matawa.

She didn’t know that Clayton also loves acting.

“Okay, so kunwari ba may amnesia kayo and Mommy needs to prove na kayo ang mga anak ko? Wala naman problema.” Inilabas niya ang kanyang phone at binuksan ang photo gallery. “See these pictures? Puro pictures niyo, oh, simula nang baby pa kayo hanggang sa maging five years old kayo.”

Napatingin ang batang lalaki sa screen ng phone at mas tuluyang natulala. Sigurado itong hindi niya pa nakikilala ang magandang babae sa kanilang harapan. Gayunpaman, hindi siya makapaniwala na may mga pictures sila sa phone nito.

Kamukhang-kamukha nila ang mga bata sa pictures.

How could that happen?

Ibinulsa ni Klaire ang phone at masuyong tiningnan ang kaniyang mga anak. “Pwede na ba tayong umalis?”

Pero hindi na niya hinayaang magsalita pa ang mga ito. Hinawakan niya ang mga kamay ng bata at naglakad na pabalik sa kanilang Tita Annie. 

She didn’t even notice that there was something wrong with the two children.

Samantala, hindi naman maialis ng batang lalaki ang tingin sa babae. Gusto niyang magpumiglas sa pagkakahawak nito sa kanila pero dahil sa mga nakitang pictures ay hindi nito ginawa. Isa pa, sweet ang babae sa kanila at mukhang mabait kaya naman hinayaan niya muna ito.

He wants to know what’s going on, sa isip nito.

He looked at his twin sister and soothed her.  Ang kaniyang nakababatang kapatid ay madalas matakot sa mga hindi nito kilalang tao. Tanging siya, ang lolo’t lola, at ang Daddy nila ang nilalapitan nito.

But then, his twin sister looked calm and curious. Nakatuon ang atensyon nito sa babaeng nasa harapan nila. 

Sa kabilang banda, sinamahan ni Annie sina Clayton at Callie sa paghihintay kay Klaire.  Halos kalahating oras na kasi silang naghihintay pero hindi pa rin ito bumabalik. 

“I think Mom is lost again. We need to find her now,” narinig niyang wika ni Clayton sa kapatid.

Totoo naman. Klaire has no sense of direction, kaya naman hindi na bago sa kanila kung maligaw ito sa aiport.

“I’ll go with you, kids,” sabi ni Annie. 

“No, Tita Annie. Please stay here and watch over our luggage. It’s inconvenient to take them while looking for Mommy.”

“Clayton’s right, Tita Annie. Don’t worry, we won’t get lost,” Segunda ni Callie. 

Saglit na nag-alinlangan si Annie pero dahil naisip niya na matataas ang IQ ng dalawang bata ay pumayag na siya. “Okay then, you go find your Mommy, and I’ll stay here for you guys.”

Nag-thumbs up ang dalawang bata sa kaniya at saka umalis nang magkahawak ang kamay para hanapin si Klaire.

Hindi nagtagal pagkatapos nilang umalis ay nakabalik na si Klaire hawak-hawak ang dalawang anak. Annie was surprised when she saw the two kids. "Wow, ang aga niyong bumalik, ha! Diba umalis niyo lang?"

Napansin din ni Annie ang mga damit ng mga ito. Nagpalit sila ng damit? Nang gano’n kabilis? Magtatanong na sana siya nang tumunog ang phone ni Klaire. 

Feliz was calling her.

Klaire released her children’s hands upang makausap si Feliz sa phone. 

“Klaire, nasa airport na ba kayo? I’m here at the parking lot. Makikita mo agad ako pagkalabas sa arrival area.”

“Okay, Liz. We’ll be right there,” masayang sagot ni Klaire at pagkatapos ay tinago na ang phone para tulungan si Annie sa pagtutulak ng mga bagahe nila. 

Hindi na rin naman nagtanong si Annie at nagpatuloy na lang din sa paghahakot ng kanilang gamit hanggang sa makalabas na sila ng airport.

But the real Clayton and Callie were standing not so far away. Pinapanood nila ang Mommy nila at ang mga batang kasama nito. The two children were shocked. Kamukhang-kamukha nila ang mga batang kasama ng Mommy nila.

“Clayton, can you see them? Bakit kamukha natin ang dalawang batang hawak ni Mommy???" gulat na tanong ni Callie.

Tumango si Clayton at kumurap-kurap. “Yes, I can see them.”

"What’s happening? Are they doppelgangers?”

“You should stop watching supernatural drama, Callie. It’s not good for you,” masungit na sagot ni Clayton nang tingnan si Callie bago ituon muli ang atensyon sa dalawang batang kasama ng Mommy nila. “Though I am not sure what’s going on, there’s a possibility that they are our siblings, that we are all twins.”

“How is that possible? Sabi ni Mommy dati ay namatay ang dalawa nating kambal.” Napakamot ng ulo si Callie, halata sa maamo nitong mukha na gulong-gulo ito sa nangyayari.

Hindi maiwasan ng matalinong si Clayton ang pag-iisip.

Noong simula, dalawang lalaki at dalawang babae ang anak ng kanilang Mommy. Siya ang panganay at si Callie ang bunso. Their mother told them that the second and third babies died.

Pero ngayon, ang dalawang kapatid na akala nilang patay na ay narito sa Pilipinas. There must be something wrong, naisip ni Clayton. He has a clever mind, and so he could easily figure it out—na ang mga “patay” nilang kapatid ay maaaring dinala ng kung sino sa Pilipinas nang hindi alam ng Mommy nila.

But who could that be?

It might be their scumbag Daddy! The man who abandoned their Mommy!

Ilang saglit pa ay may ilang bodyguard na naka-black suit ang biglang sumulpot sa likod ng dalawang bata at pinalibutan sila.

“Diyos ko. Young master, young lady, kanina pa po namin kayo hinahanap,” hingal na saad ng body guard at saka sila tiningnan. “Kaya naman pala nahirapan kaming hanapin kayo dahil nagpalit kayo ng mga damit. Oh siya, tara na. Nagagalit na ang Daddy niyo.”

Mabilis silang kinarga ng matandang bodyguard. Callie didn’t even react as she recognized who the man was. Ito ang assistant ni Alejandro Fuentabella. Si Luke Gonzales.

Kilala nila ang mga ito. Clayton and Callie were researching about their scumbag Daddy and his family before. 

“I knew it,” bulong ni Clayton. Those kids were indeed their siblings. Kinuha ng kanilang ama!

Bago pa man bumalik sa Pilipinas, pinangako ni Clayton sa sarili na gagawa siya nang paraan para mahanap si Alejandro Fuentabella upang pagbayarin ito sa ginawa nito sa kanilang Mommy, at ngayon ay mangyayari na iyon.

Clayton looked at his twin sister. Tila ba nagkaunawaan silang agad. Callie nodded her head, agreeing to his plan. Hinayaan ng dalawang bata na kargahin sila ng assistant ng kanilang ama hanggang sa marating nila ang VIP room ng airport.

Pagpasok pa lang nila sa pinto, naramdaman ng magkapatid ang lamig roon.

Isang lalaking walang emosyon ang nakatayo sa loob.

Walang iba kung hindi ang kanilang ama.

Si Alejandro Fuentabella!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status