Se connecterSa kabila ng mga sinabi niya, hindi pa rin tuluyang nasiyahan si Jude. Sa trabaho, normal lang sa kanya ang magdala ng babaeng kasama sa mga cocktail party. Para sa kanya, bahagi iyon ng social etiquette. Pero si Criszah—hindi siya ganoon. Masyado siyang tahimik. Masyadong seryoso sa mga bagay na para kay Jude ay wala namang halaga. Napansin iyon ng assistant at agad na sumingit. “Baka po dahil malapit na ang period ni Ma’am,” aniya, pilit na pinapakalma ang sitwasyon. “Ganun naman po talaga ang mga babae—may mga araw na hindi maganda ang mood.” Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita. “Pasensya na po, Ms. Rena. Sana po hindi niyo na lang masyadong pansinin.” Ngumiti si Rena, tila naunawaan ang sitwasyon. “Kung ganoon, Jude… huwag mo na siyang pansinin, baka nga tama itong assistant mo.” Mahinahon ang boses niya, pero may halong pagmamaliit. “Babae si Ate Criszah. Natural lang na emosyonal siya.” Saglit siyang tumingin sa kanya. “Siguro iba lang talaga ang pagpap
Sa mata ni Criszah lalo silang nagmukhang magkalapit. Mas lalo tulog siyang naging kawawa. Tatlong taon. Oo, tatlong taon siyang nanahimik sa tabi nito.Dumadalo si Jude sa napakaraming event taon-taon pero ni minsan, hindi siya isinama bilang asawa. Hindi siya ipinakilala. Hindi siya ipinakita. Pero si Rena, nandito. At umaaktong asawa sa sobrang dikit ng katawan nito kay Jude, at walaman lang anumang reaksyon mula sa lalaki. Napara bang gusto rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon ng kasama. Nakasuot ng mapusyaw na asul si Rena, at kapareho iyon ng kulay ng kurbata ni Jude. Hindi iyon aksidente. Magkatugma sila at kumportableng-kumportable si Jude kasama ang ibang babae. Kailanman hindj pa nakita ni Criszah si Jude na ganito kasama siya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay wala siyang mabasang emosyon. Para siyang… estranghero sa mga mata nito. Bumuntonghininga siya saka patuloy sa paglalakad. At nang magkasalubong sila, umihip ang hangin sa kaniyang mukha.Gumalaw ang
Ilang minuto lang ang lumipas, dumating ang alalay ni Jude sa villa —habol ang hininga sa sobrang pagmamadali. Gusot na gusot ang suot niyang suit. Designer brand iyon, at karaniwan ay siya na mismo ang nag-aalaga dahil ayaw niyang gumastos sa dry cleaning. Pero ngayon, halatang napabayaan—parang sumasalamin sa pagmamadali niyang makarating.. “Ma’am, kung may gusto po kayong sabihin, mas mabuti sigurong direkta na kayong makipag-usap kay Sir." Saglit siyang tumigil bago muljng nagsalita. “Huwag niyo na pong pahirapan ang mga tulad naming nasa ibaba.” Parang walang narinig si Criszah. Ni hindi man lang siya tumingin sa kanya. Tahimik lang ito, Pero sa katahimikang iyon, may bigat. Hindi biro ang trabahong iniiwan niya. Ang pagiging personal assistant—hindi lang basta pag-aayos ng oras. Kailangan mong kabisaduhin ang bawat detalye. Kailangan mong alam kung anong isuot sa bawat okasyon, kung anong imahe ang dapat ipakita, kung anong kultura ang dapat sundin—lalo na kapag day
Matapos umalis ni Clert Vinzon, nanatili si Criszhah sa ospital ng isa pang linggo. Sa loob ng panahong iyon, ni isang tawag ay walang natanggap si Criszah mula kay Jude. At sa pagkakataong ito, wala rin siyang balak na siya ang unang lalapit. Tahimik lang siyang naghihintay. Naghihintay ng divorce papers. Hindi niya alam… na ang mga papeles na iyon ay hindi man lang umabot sa kamay ni Jude. Noong ikinasal sila, malinaw na sinabi ng matanda na anumang dokumentong kailangang pirmahan ng mag-asawa ay kailangang dumaan muna sa lumang bahay. Hindi naman tumutol si Jude. Sa totoo lang, mas gusto niyang ubusin ang oras niya sa negosyo kaysa sa mga bagay na may kinalaman sa pamilya. Kaya naman, habang may sakit ang matandang babae, napagpaliban ang lahat. Sa loob ng ilang araw, pabalik-balik si Jude sa pagitan ng kumpanya at ospital. Pero napansin niyang may kakaiba— Hindi siya kinukumusta ni Criszah. Walang tawag. Walang mensahe. Walang tanong. At sa unang pagkakataon…siya ang
Masakit ang unang naramdaman ni Criszah, pero hindi niya matukoy kung saan mismo. Sa unang pagkakataon, hinanap niya ang sasakyan ni Jude—yung kotse nitong may bulletproof na salamin. Doon sana siya ligtas. Pero huli na ang lahat… ang kotse na iyon ay pag-aari na ngayon ni Rena. Sa harapan, tila walang pakialam ang mga paparazzi. Nakagawa na nga ng malaking gulo, pero ni katiting na takot ay wala sa mga mukha nila. Dalawa pa nga ang lumapit, may hawak na kamera, at sunod-sunod na kinuhanan siya ng litrato habang kumikislap ang nakakasilaw na flash. Nanginginig ang kamay ni Criszah habang iniabot niya ito para i-lock ang mga pinto at bintana ng sasakyan. Hinawakan niya ang cellphone niya, pero ang mga daliri niyang may dugo ay madulas at halos dumikit sa screen. Sa ganitong sitwasyon… ang unang taong naisip niyang tawagan ay ang asawa pa rin niya. Isang ring lang ang tumunog bago agad naputol ang tawag. Maya-maya, may dumating na mensahe: “Nasa ospital kami ni Rena kasa
“Oo,” mahinang sagot ni Criszah. “At sana mapirmahan niya agad.” Halos hindi makapaniwala si assistant Quinn sa narinig. Sa pagkakakilala niya kay Criszah, umiikot lang ang mundo nito kay Jude, simula nang ikasal ang mga ito. Kung tutuusin, sa sitwasyon ngayon, mas inaasahan niyang diretso itong susunod pupunta sa ospital para bantayan ang kalagayan ng matanda. O kaya naman ay uuwi para maghanda ng pagkain para kay Jude, gaya ng lagi nitong ginagawa. Pero makikipag-divorce? Iyon ang huling bagay na inaasahan niyang marinig mula rito. Sa kompanya, halos lahat ay nakakaalam na patay na patay siya sa lalaki. Pero walang ideya ang mga ito na kasal na sila. Minsan pa nga'y nasasabihan itong desperada pero hindi iyon binigyan pansin ni Criszah. Naalala pa ni assistant Quinn ang isang pangyayari ilang taon na ang nakalipas. Nagkaroon noon ng mataas na lagnat si Jude habang nasa villa nito sa labas ng siyudad. At wala itong makuhang gamot sa lugar. Nang malaman iyon ni Cr







