LOGINBago magsimula ang birthday celebration hinanap ni Criszah si Jude, at may nakapagsabing nasa receiving ito. Kaya agad niya itong pinuntahan.
Totoo nga... nakita niya ito sa receiving room. At hindi niya inaasahang naroon din si Rena. Mula sa bahagyang nakabukas na pinto, narinig niya ang malumanay na boses ng babae. “Jude, kung hindi lang ako nag-aral sa ibang bansa noon, ako sana ang nasa tabi mo ngayon, no?” Napatigil si Criszah. Nakaangat na sana ang kamay niya para kumatok, pero hindi na niya iyon naituloy. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso, tila nanigas ang kaniyang mga paa sa kinatatayuan. Alam niyang hindi siya dapat nakikinig. Pero hindi rin siya makaalis. Mula nang ikasal sila, alam na alam ni Criszah kung gaano kalamig ang pakikitungo ni Jude sa kanya. Matagal niyang kinumbinsi ang sarili na baka hindi lang talaga ito marunong magpahayag sa kaniyang totoo nararamdaman. Na baka sa sarili nitong paraan, mahal siya nito. Ilang beses na niyang tinanong si Jude tungkol doon, pero palagi lamang siyang hindi sinasagot. Ngunit ngayon... Sa wakas ay sumagot ito. Subalit hindi sa harapan niya mismo. “Syempre.” walang pag-aalinlangang sagot ni Jude sa kausap. Dahil sa narinig, tila may matulis na bagay na tumarak sa dibdib ni Criszah. Napatda siya. Unti-unting nabasag ang lahat ng ilusyon na pilit niyang pinanghawakan sa kanilang pagsasama. Akala niya, kahit paano, may pagmamahalan na sa pagitan nila. Pero sa isang iglap, winasak iyon ni Jude. “Pero ang dami mong puwedeng piliin noon,” muling sabi ni Rena. “Bakit siya pa? Parang ... basta ka na lang pumili ng mapapangasawa.” Hindi man makita ni Criszah ang mukha ni Jude mula sa siwang ng pinto. Dahil tanging liwanag lamang na tumatama sa sahig ang nakikita niya. Pero pakiramdam niya, malamig, at walang emosyon ang itsura nito sa mga oras na iyon. “Dahil masunurin siya, maganda, at mahusay umarte.” Sa wakas ay rinig niyang sabi ni Jude sa huli. Tumama iyon nang diretso sa puso ni Criszah, napakagat-labi siya. At maya-maya lang, parang may bakal na lasa ng dugo na kumalat sa kanyang bibig. Ngunit wala s'yang naramdaman sakit. Ilang segundo siyang hindi gumalaw. Pagkatapos ay tahimik siyang tumalikod. At naglakad palayo.Sa bawat hakbang niya, tila sumasabay ang mga aninong naglalaro sa makintab na tiles ng sahig. Punong-puno ng gasgas ang mga iyon. Katulad ng kasal nila. Na noong una, malinaw at maayos ang lahat. Pero habang tumatagal, paulit-ulit itong nasaktan hanggang sa mapuno ng mga peklat na hindi na mabubura. Masunurin, maganda, mahusay umarte. Iyon lang pala ang tingin ni Jude sa kanya. Walang halaga ang lahat ng pagmamahal, pag-aaruga, at sakripisyong ibinigay niya. Para lang siyang isang alagang madaling kontrolin. Isang magandang dekorasyon. Isang mukha na puwedeng iharap sa publiko kung sakali. At isang babaeng marunong ngumiti kahit wasak na sa loob. Iyon lang siya. Mabilis na naglakad si Criszah, habang tahimik na tumutulo ang kaniyang mga luha. At sa unang pagkakataon, natuwa siyang hindi niya agad ipinilit ang usapan tungkol sa diborsyo. Tama siya. Wala talagang pakialam si Jude kung manatili siya o umalis. At kung nagkataon, baka pagtawanan lang sila ni Rena. Nagtagal si Criszah sa banyo. Pinilit niyang ayusin ang sarili bago bumalik sa handaan. Pagpasok niya sa function hall, agad niyang nakita si Rena na masayang nakikipagbatian sa mga bisita. “Ren!” masiglang tawag ng isa sa mga tiyahin ni Jude. “Matagal na kayong hindi nagkita ni Jude. Halika rito, umupo ka sa tabi niya para makapagkuwentuhan kayo.” “Oo nga,” sabat ng isa pa nitong tiyahin. “Mula pagkabata, kayong dalawa na talaga ang magkasundo. Sabi nga nila, mas lalong tumitibay ang damdamin kapag nagkakalayo.” Bigla itong napahinto. “Naku, mali yata ang nasabi ko.” Bahagya namang ngumiti si Rena. “Ano namang masama roon?” sabi ng isa habang hinihila si Rena papunta sa upuan. “Maganda, mataas ang pinag-aralan, at maayos ang background. Hindi hamak na mas bagay kaysa sa isang artista.” Sinulyapan nito si Criszah. “Yung iba nga, napipilitang magpakasal dahil nabuntis. Pero hanggang ngayon, wala pa rin namang maipakitang apo.” Pagkasabi noon, ngumiti ito kay Criszah. “Naku, huwag kang magtampo, hija. Alam naman naming mabait ka.” Sarkastikang sabi nito. Hindi naman siya sumabad. Kaarawan ngayon ng lola ni Jude.Ayaw ni Criszah na gumawa ng eksena. Makalipas ang ilang minuto, inalalayan ni Jude ang matandang babae papunta sa mesa. “Lola!” Masayang tumayo si Rena. Agad namang lumiwanag ang mukha ng matanda. Matagal nang magkaibigan ang pamilya nila kaya natural lamang na masaya itong makita siya. Nang makaupo ang lahat, magkatabing naupo sina Jude at Rena. Samantalang si Criszah ay napunta sa bahaging mas mababa ang mesa. Parang isa lamang siyang estranghero sa sarili niyang pamilya. Napansin iyon ng matandang babae. Bilang isang babaeng nagtayo ng negosyo mula sa wala, hindi nakaligtas sa kanya ang sitwasyon. “Criszah,” tawag niya. “Ikaw ang asawa ni Jude. Bakit ka riyan nakaupo? Halika rito sa tabi ko.” Agad na nag-iba ang ekspresyon ng mga tao sa paligid. Napakagat si Rena sa labi bago dahan-dahang itinaas ang baso para mag-toast. Ngumiti ang matanda. “Naku, mahina na ang katawan ko kaya hindi na ako puwedeng uminom. Sayang lang at hindi nakaattend si Miss Amares sa kasal nina Jude.” Bahagya itong tumawa. “Kapag ikakasal ka na rin, siguraduhin mong padalhan mo ako ng imbitasyon." Bahagyang nanigas ang ngiti ni Rena. “Ma,” reklamo ng isa sa mga manugang nito, “halatang may paborito kayo. Kami ngang mga legal na asawa ng mga negosyante, dumaan sa totoong kasal. Hindi kayo dumadalo, buti pa nga iyong mga saling-pusa at pilit nanghihimasok sa pamilya, nadalo kayo." Biglang nagdilim ang mukha ng matanda. “May pinapatamaan ka ba?” “No. I mean, wala naman yatang mali sa sinabi ko?” sagot nito. “Hindi ko naman sinasabi na si Criszah iyon. Pero dahil kalat na sa internet na kabit siya... baka siya nga ang pinapatamaan ko." Natawa pa ito nalg bahagya bago sumulyap sa kinauupuan ni Criszah. Malakas na napahampas ang matanda sa mesa. "Lapastangan!" “Tita!” gulat na tawag ng iba. Pero hindi pa rin tumigil ang babae. “Eh si Criszah nga ang nagpadala ng demand letter noon sa negosyanteng iyon. Wala naman akong sinabing kasinungalingan.” Sa gitna ng katahimikan, marahang ibinaba ni Jude ang kanyang kutsara, saka iniangat ang tingin. Kasabay noon, tumayo ang matanda sa sobrang galit. Ngunit biglang nanghina ang katawan nito. Nawalan ito ng balanse at napaatras. “Lola!” Si Criszah ang unang nakagalaw. Agad siyang tumakbo para saluhin ang matanda.Napaka-natural ng pag-arte ni Criszah kaya matapos niyang bigkasin ang mga linya, halos lahat ng staff sa set ay napahinto at naparamdam ang bigat ng eksena. Pagkasigaw ng direktor ng, “Cut!” Biglang napaiyak si Kiarah. “Ate Criszah! Acting lang ‘to, hindi mo kailangang manakit nang sadya!” Tahimik naman na tumingin si Criszah sa kanya. Pagkatapos, ginaya niya ang kilos nito kanina—tinakpan ang bibig at bahagyang napangiwi. “Ay, sorry… nadala lang ako sa role.” Walang kumampi kay Kiarah. Sa totoo lang, alam ng lahat ang nangyari. Kahit pinahiya siya kanina, tiniis lang iyon ni Criszah. Kaya ngayong gumanti siya— Walang may ganang magsalita. “Criszah,” tawag ng direktor, halatang impressed, “ang ganda ng reaction mo. Ulitin natin.” Hindi nakaimik si Kiarah. Wala s'yang nagawa kundi sumunod. Nang matapos ang eksena, halata ang limang marka ng daliri sa pisngi ni Kiarah. Pagkatapos ng shooting, hindi agad makatayo si Kiarah . Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kaniyan
Sa kabilang banda, pagpasok ni Jude sa sasakyan, naroon na si Secretary Quinn, tahimik na naghihintay.Kagabi, sinigurado niyang maayos ang lahat sa villa—umaasang baka sakaling magkaayos ang mag-asawa. Hindi niya gustong mapagitna sa gulo ng dalawa.Bilang isang propesyonal, hindi siya pwedeng diretsahang magtanong.“Sir,” maingat niyang sabi, “may kailangan po ba si Ma’am na ipaasikaso?”Hindi man lang tumingala si Jude.“Wala.”Saglit siyang tumigil, saka malamig pang nagsalita.“At sa susunod, huwag mo akong i-schedule kung kani-kanino. Binabayaran kita para magtrabaho, hindi para ihatid ako sa kama ng iba.”Nanahimik si Secretary Quinn.Sa loob-loob niya, napabuntong-hininga siya.Kagabi ay bisperas ng Pasko.Mukhang… plano talaga ng babae ang umatras para makausad.Subalit sa nakita niyang reaksyon ng amo, alam niyang hindi nito nagustuhan ang nangyari.****MAKALIPAS ang ilang araw, sa wakas ay nakuha na ni Criszah ang kaniyang bagong ID. Eksaktong tumapat iyon sa pagsisimula n
Samantala, napakunot-noo si Secretary Quinn sa kabilang linya. Sa tono kasi ni Criszah, parang delivery rider lang ang turing niya kay Sir Jude.Ngunit hindi siya sumuko, muli siyang nag-dial, agad naman iyong sinagot ni Criszah. “Ma’am… nakalimutan n’yo po ba na Thursday ngayon?” Natigilan si Criszah. Doon lang niya naalala.Araw ito na balak niyang kausapin si Jude tungkol sa hiwalayan. Pero paano na ngayon? Nasa kamay ng ibang tao ang marriage certificate niya. Wala siyang maipapakita, wala siyang laban. Hindi naman niya puwedeng sabihin kay Jude na ninakaw ng sarili niyang pamilya ang papeles at pati ang bahay niya. Magulo ang isip niya, pero kalaunan'y pumayag din. “Sige… babalik ako ngayon din.” **** PAGDATING niya sa villa, totoo nga—lasing na lasing si Jude. Halos buhatin na niya ang bigat ng katawan nito, parang bagong katay na baboy sa bigat. Inalalayan niya ito, ipinahilig sa kaniyang sarili. Naamoy niya ang pabango ng lalaki—panlalaking cologne na ma
**** Pagpasok niya sa bahay, napansin niyang iba na ang itsura. Na-renovate na ito. Mga bago ang gamit at halos mamahalin ang mga naroon. Kung hindi lang niya magulang ang nakatira rito, baka isipin niyang ibang bahay ang napasukan niya. Pumunta siya sa kaniyang kwarto—pero sinabi ng nanay niya habang inilalapag ang baso ng tubig: “Hindi ka naman na umuuwi, at wala ka namang ginagawa. Ginawa na lang naming study room ng kapatid mo ‘yan.” Natigilan siya, mahigpit niyang naikuyom ang kaniyang kamao.Nagtataka siya, Grade 12 na si Zahara, at halos hindi na ito umuuwi dahil sa bigat ng mga gawain sa eskwela.Ilang beses tumayo ang kaniyang in na, halatang-halata sa bawat kilos at galaw ng buhok nito na gusto na niyang paalisin si Criszah.Ang kwartong tinutuluyan ni Criszah noon ay dati lamang imbakan ng mga maleta.Wala itong bintana, at halos hindi kasya ang isang maayos na kama.Mula nang tumira siya roon hanggang makapagtapos ng high school, sa maliit na kutson lang siya nagsis
Sa kabilang linya, ibinaba na ni Jude ang telepono. Nanatili siyang nakatitig sa kawalan.Napansin ni Secretary Quinn na tila natulala ito, kaya marahan siyang nagpaalala, “Sir Jude?”Hindi maiwasang makaramdam ng inis si Jude nang maalala ang sinabi ni Criszah—“mayabang at akala mo kung sino.”Ibig sabihin ba, iyon lang ang nakita nito sa kanya? Ang pagiging mayabang at dominante?O baka naman katulad lang siya ng iba—mahilig sa pera at marangyang buhay.“Wala ‘yon,” malamig niyang sagot habang pumipirma ng dokumento at inaabot kay Secretary Quinn. “Nga pala, let ke ask you something," napatingin ito sa kaniya, "Ano sa tingin mo sa acting ni Criszah?”Para bang hindi niya asawa si Criszah, kundi isa lang ordinaryong empleyado sa kumpanya.Sandaling nag-isip si Secretary Quinn bago sumagot, “Artista po si Ma’am—Isang napakagaling na artista.”“Exactly.” Sumandal si Jude sa upuan, walang emosyon ang mukha. “Lahat ng tao, may dalawang mukha.”Nagtaka naman ang si Secretary Quinn. Pero h
Tahimik na bumalik ang usapan sa loob ng VIP room.Ngunit hindi na katulad kanina ang atmospera.Kung noong una ay sa bagong bise presidente ang sentro ng atensyon, ngayon ay paminsan-minsang napapatingin ang lahat kay Criszah.Hindi nila maiwasang maawa.Kahit may mataas na lagnat, pinilit pa rin nitong dumalo at makisama.Marahil ay napansin ni Rena ang unti-unting pagbabago ng ihip ng hangin.Hindi ito maaaring mangyari.Kakaupo pa lamang niya bilang vice president.Kailangan niyang makuha ang loob ng mga tao.Kailangan niyang maipakita kung sino ang may kapangyarihan.Maya-maya ay may isang babaeng empleyadong tumayo.Hindi ito kilala ni Criszah.Ngunit halatang gustong magpasikat sa bagong vice president."Ate Criszah," nakangiti nitong sabi, "kung hindi ka na puwedeng uminom, baka naman puwede kang kumanta.""Narinig ko kasi na maganda raw ang boses mo."Tumawa ang ilan."Sige na! Isang kanta lang!"Hindi pa man nakakasagot si Criszah ay bigla siyang tinulak ng babae.Hindi nama







