Share

Chapter 5: The last gift

Author: Xielyne J.
last update publish date: 2026-06-22 16:15:08

CHAPTER 5:

MATAPOS sabihin ni Criszah ang mga salitang iyon, para bang muling nabuksan ang sugat na pilit niyang tinatakpan. Bumuhos sa kanya ang pait, lungkot, at pagod na matagal na niyang kinikimkim.

Napansin naman ni Jude na masyado siyang naging malamig, kaya bahagya niyang hininaan ang boses.

“Okay, naiintindihan ko kung ano ang pinupunto mo. But for now, gawin mo muna ang hinihiling ko. Kapag humupa na ang gulo, hahanap ako ng tamang tyempo para ipakilala ka sa publiko bilang asawa ko kung iyon ang gusto mo.”

Matapos ang mahabang pag-iisip, iyon ang naging desisyon ni Jude upang mapapayag si Criszah sa kahilingan niya.

Totoong nagsimula ang kasal nila dahil sa mga interes ng pamilya, pero sa loob ng tatlong taon ay nakita niyang mabait, mahinahon, at hindi magulo si Criszah.

Sa tono niyang iyon, para bang nagbibigay siya ng pabuya sa isang taong gumawa ng mabuti.

Aaminin niya, malayo ang kaniyang loob rito pero sinusubukan niyang tanggapin ang sitwasyon. Hindi man siya naging huwarang asawa, pero hindi rin naman siya naging masamang asawa.

Subalit para kay Criszah, final na ang desisyon niya. Siguro kung ilang buwan lang ang nakalipas, baka natuwa pa siya sa mga salitang iyon. Pero ngayon, isa na lang ang hinihintay niya—ang divorce papers na ihahatid ng kaniyang abogado.

Oo, walang divorce sa Pilipinas, pero dahil sa Texas sila ikinasal, maaari niyang tapusin ang kasal sa pamamagitan ng divorce doon. Kapag sapat ang legal na dahilan at hindi na ito kinontra ng kabilang panig, maaari itong maging mas mabilis at mas simple kaysa sa annulment process sa Pilipinas na inaabot ng maraming taon.

Pagod na siyang mahalin ang isang lalaking kailanman hindi nagawang suklian ang pagmamahal niya. Kaya napagdesisyunan niyang bitawan na lamang ito.

Bahala na ito sa kumpanya at sa babaeng matagal nang laman ng puso nito.

NANG sumunod na araw kailangan niyang pumunta sa ancestral house ng pamilya De Leon. Ngunit bago pa man siya makaalis, tumawag ang assistant ni Jude.

“Ma'am, pinapasabi po ni Sir na hihiramin niya ang sasakyan n'yo, ipapagamit daw po muna ito kay Miss Rena.”

Napahigpit nang hawak si Criszah sa kaniyang telepono.

“Ang sabi kasi ni Sir, kauuwi lang daw ni miss Rena galing sa Italy, at pinagpipiyestahan siya ng media. Para daw sa kaligtasan nito, kailangan munang gamitin ang sasakyan ninyo.” Dagdag pa ng assistant.

Mapait namang napangiti si Criszah. Nakakatawa. Samantalang siya ang kasalukuyang binabatikos at nilalait ng mga netizen ay parang aksyon ang asawa.

“Huwag po kayong mag-alala. Pwede naman daw ninyong gamitin ang alinmang sasakyan sa garahe ng villa.”

Tahimik siyang napasinghap. Mukhang hindi pa alam ng asawa na umalis na siya sa villa.

At wala na rin naman iyong halaga ngayon. “Sige.” Tipid na lamang niyang sagot bago tuluyang ibinaba ang tawag.

SA halip na gamitin ang sasakyan ng asawa, minaneho ni Criszah ang sarili niyang kotse papunta sa ancestral house ng mga De Leon sa QC.

At dahil hindi iyon kilala ng guwardiya kaya sandali siyang pinara nito. Ngunit nang makilala siya, agad naman itong ngumiti.

“Ay, Ma'am kayo po pala iyan. Sandali lang po at ililista ko ang plate number ninyo.” Magiliw pang saad ng guwardiya.

“Salamat, pero hindi na kailangan.” pigil niya rito nang akma itong magsulat sa logbook.

Dahil kung walang hindi inaasahang mangyayari, hindi na siya muling babalik sa lugar na itl. At kung sakali mang bumalik siya, bilang bisita na lamang.

Maya-maya bigla siyang nakarinig ng tunog ng paparating na sasakyan.

Paglingon niya, nakita niya ang isang pamilyar na luxury car na huminto sa likuran.

Nagpalipat-lipat ng tingin ang guwardiya sa dalawang sasakyan, bago tuluyang magsalita.

“Hindi ba't ito po iyong kotseng ibinigay sa inyo ni Sir De Leon, Ma'am?"

Bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto ng sasakyan. At lumabas roon si Rena. Naka-dark gray blazer ito at mukhang elegante at maaliwalas—eksaktong imahe ng babaeng madaling pagkaguluhan sa social media.

Sa puntong iyon, ang nararamdaman ni Criszah ay parang napilitang dumalo sa reunion ng pamilya at nakakita ng handa na hindi niya gusto, tapos may nakita pang buhok sa pagkain. Kaya nakakawalang-gana.

“Maam?!” masayang bati ni Rena. “Di ba ikaw iyong nakita ko sa opisina noon, Ate?”

Pagkatapos ay kunwari'y may naalala ito.

“Oh I see, naku pasensya na po. Narinig kong tinawag kayong 'Ma'am' ng guwardiya kaya akala ko kamag-anak kayo ng Tita ko. Kasi nasa late thirties na rin siya.”

Tahimik lang siyang pinagmasdan ni Criszah. Tatlong taon lang ang tanda niya rito. Sinasadya nitong palabasing matanda siya.

Ngumiti si Rena, bago nagsalita. “Hay naku, kasalanan talaga ‘to ni Jude. Hindi ka kasi niya ipinopost kahit minsan. Lagi ka niyang itinatago kaya hindi kita nakilala agad. Kung alam ko lang sana…nevermind”

Tinapos ni Criszah ang pagpirma sa logbook.

Iniabot naman ni Rena ang kamay nito.

“Nice meeting you. Ako nga pala si Rena… Rena Amares.”

Bahagyang hinawakan ni Criszah ang kamay nito bilang paggalang.

“Yes, I already know you.”

Ngumiti naman ito saka napatingin sa simpleng kotse niya.

“Naku, pasensya na. Hindi ko alam na ganito pala ang gamit mong sasakyan. Dapat pala tinanggihan ko na lang ang offer ni kuya Jude at ikaw na lang ang pinasundo sa driver.”

Nakalampas na si Criszah ngunit huminto siya at muling lumingon.

Sinukat niya ang babae mula ulo hanggang paa.

“No worries.” sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.

“Pero napansin ko na dalawang beses ka nang humihingi ng tawad sa loob ng ilang minuto.”

Natigilan si Rena.

“At kung marunong kang humingi ng tawad, ibig sabihin alam mong may mali sa sinabi mo.”

Bahagyang nanigas ang ngiti nito.

“Isa pa,” dagdag ni Criszah.

“Miss Amares, I know na kilala mo na kung sino ako. Kaya habang hindi pa kami hiwalay ng asawa ko, mas mabuti sigurong tawagin mo akong Misis De Leon. Hindi naman kita kapatid para tawagin mo akong Ate”

Hindi naman nakapagsalita si Rena.

Kaya lumapit si Criszah sa kotse niya at marahang tinapik ang bubong nito.

“Yeah you're right…hindi nga kasing bongga ng mga bagong luxury car ang sasakyan ko.” Sumulyap siya kay Rena. “But at least, pinaghirapan ko itong makuha. Hindi kagaya ng iba, na kailangan pang umaktong nakakaawa makuha lang ang gusto nila.” May diin pa niyang sabi.

“But anyway, dahil ako ang sentro ng tsismis ngayon sa internet, siguro mas mabuti nang low-profile muna ako, di ba, Miss Amares?”

Pagkasabi niyon, hindi na siya nakipagtalo pa. Pumasok siya, Isinara ang pinto ng sasakyan, inapakan ang silinyador, at mabilis na umalis.

Naiwan si Rena na nakatayo roon, na mariing kinakagat ang kanyang labi. Kahit wala siyang gaanong alam sa mga kotse, alam niyang wala ng production ang Volkswagen Phaeton at isa itong napakamahal na sasakyan ngayon.

**

PAGKAPASOK pa lamang ni Criszah sa loob ng mansyon matapos iparada ang kanyang kotse, agad na siyang naging sentro ng atensyon.

“Tita Mina, Tita, Betty, pupuntahan ko muna si Lola.” nakangiting bati niya sa dalawang ginang.

Noon pa man, hindi na maganda ang tingin sa kanya ng panganay at pangatlong tiyahin ni Jude. Mula nang matalo sila sa agawan ng mga shares ng De Leon Empire, lalo pang dumami ang kanilang reklamo at puna tungkol sa mag-asawa.

Kadalasan ay pinakikisamahan sila ni Criszah, ngunit ngayong araw, wala siyang balak na magpaliwanag o makipag-usap pa sa mga ito.

Mahilig ang matanda si Alicia De Leon sa pag-collect ng mga antiques. Pero ngayon, hindi antigong bagay ang kaniyang dala, kundi isang old wedding photo ng mag-asawa na manu-manu niyang ni-restore at nilagay sa hand crafted wooden frame.

Pagkakita pa lamang sa kanya ng matanda, agad nitong ibinaba ang salamin sa ilong at nakangiting kumaway.

“Criszah, Hija, nandito ka na pala.”

Nang pakasalan ni Criszah si Jude noon, halos buong angkan ng pamilya De Leon ang tumutol.

Para sa kanila, hindi karapat-dapat ang isang newbie artist na maging opisyal na maybahay ng isang makapangyarihang pamilya.

At sa lahat ng tumutol, ang matanda ang pinakaunang nagpahayag ng kanyang pagtanggi.

Ngunit makalipas ang ilang buwang pagsasama, siya rin ang unang tumanggap kay Criszah bilang tunay na bahagi ng pamilya.

Malaki rin ang respeto ni Criszah sa matanda. Hindi lamang dahil patas itong makitungo sa kanya, kundi dahil kahawig nito ang kanyang sariling lola na matagal nang yumao.

Maingat niyang isinukbit ang balabal sa balikat ng matanda bago mahina itong tinawag.

“Wowa, may regalo po ako sa inyo. Sana po magustuhan n'yo.”

Labis na natuwa ang matanda nang makita ang restored photo ng kaniyang asawa, ngunit lalo pang lumambot ang kanyang ekspresyon nang ilabas ni Criszah mula sa kanyang bag ang isang kahon ng kendi.

“Wa, I specially make one of your favorite Molido Candy. Alam kung hindi ito kasing sarap ng gawa ninyo, but I hope you like and accept it. Less sugar na din po iyan kaya makakaasa kayong swak iyan sa panlasa ninyo.”

Bilang isang beteranang negosyante, marami nang uri ng regalo ang natanggap ang matanda sa buong buhay niya.

Kaya naman sa isang tingin pa lamang, alam na niya kung alin ang taos-puso at alin ang pakitang-tao lamang.

“Of course, I will accept it. Napakamaalaga mo talaga.” Masuyo nitong tinapik ang kanyang kamay. “As I remember, ang mga kendi na ito ang ipinamigay namin noon ng lolo ni Jude sa aming kasal. Napakaswerte talaga ng apo ko dahil ikaw ang naging asawa niya, Hija.”

Ngumiti lang si Criszah, ngunit hindi siya sumagot. Bagkus, tahimik lamang niyang tinanggal ang balot ng kendi.

Hindi naman alam ng matanda na bukod sa kahon ng kendi, may dala rin siyang espesyal na regalo: ang divorce papers iyon na nasa loob ng kanyang bag.

Marahil, hindi talaga para sa kanya ang sinasabing magandang kapalarang iyon.

Dahil ngayong gabi, ibibigay niya kay Jude ang mga papeles. At mula ngayon…magkakanya-kanya na sila ng landas at maghihiwalay nang maayos.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 29

    Isang malambing at mahinhing tinig ng babae ang narinig niya mula sa kabilang linya. Biglang nanigas ang buong katawan ni Criszah. Hindi niya namalayang napatingin siya sa orasan sa dingding. Lagpas ala-una na ng madaling-araw. Hindi na niya kailangang magtanong kung sino ang kasama ni Jude sa ganitong oras. Kilala niya ang boses ng babaeng nagsasalita sa kabilang linya. Si Rena Amares iyon. Unti-unting naglaho ang huling pag-asang pilit niyang pinanghahawakan. “Si Rena ito,” patuloy ng babae. “May kailangan ka ba kay kuya Jude?” Hindi agad nakasagot si Criszah. Maya-maya, muling nagsalita si Rena. “Hinahanap mo ba siya dahil sa mga trending topic? Kung ganoon, gusto ko lang ipaalala na sinabi na ni Kuya Jude noon na nakaaapekto sa reputasyon ng kumpanya ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan mo.” Bahagya itong tumawa bago nagpatuloy. “At saka, ate Criszah, gabi na. Hindi ba medyo hindi angkop na tumawag ka pa sa ganitong oras para istorbohin ang pahinga

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 28

    Sunod-sunod ang pag-click ng mga kamera habang sinisikap ng mga reporter na makakuha ng magandang kuha sa mukha ni Criszah. Halatang naghihintay ang mga ito ng anumang reaksiyon mula sa aktres na maaari nilang gawing new trending topic sa social media.“Pasensya na po,” mahinahong saway ng isang miyembro ng production team. “Ang mga tanong lamang na may kaugnayan sa teleserye ang maaari naming sagutin sa ngayon.”Hindi naman basta nagpatalo ang mga reporter.“Kung ganoon, Miss Montalban, maaari po ba naming malaman kung ano ang pamantayan ninyo sa isang mahusay na artista? At ano ang masasabi ninyo sa pagganap ninyo bilang supporting lead. At ano naman ang masasabi n'yo sa dalawang bidang artista?”Anuman ang maging sagot ni Criszah, may posibilidad na may masaktan siyang panig.Hindi lingid sa kaniya na may kanya-kanyang tagahanga ang mga bidang artista ng teleserye. Kapag nagkamali siya ng sagot, maaari siyang kuyugin ng mga tagasuporta ng magkabilang panig.Ngunit nanatiling kalmad

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 27

    ---SA KABILANG DAKU, tahimik na nakaupo sina Jude at Rena sa loob ng luxury van."Hey, ang tahimik mo naman," malambing na tawag ni Rena.Bahagyang ibinaling ng lalaki ang tingin sa kaniya."Tungkol pala sa acquisition ng Vinson Corporation, hayaan mo na akong humawak sa project na iyon. Gusto kong patunayan sa 'yo na kaya kong pamahalaan ang ganoong kalaking deal."Buong kumpiyansang nagsalita si Rena.Ngunit sa likod ng kaniyang mga salita ay may mas malalim siyang gustong ipahiwatig.Gusto niyang patunayan na hindi lamang siya isang babaeng lumaki sa marangyang buhay.Karapat-dapat siyang tumayo sa tabi ni Jude.Karapat-dapat siyang maging bahagi ng pamilya De Leon.At higit sa lahat, siya ang babaeng tunay na nababagay sa lalaki.Bahagyang itinaas ni Jude ang kaniyang mga mata.Ngunit hindi siya sumang-ayon.Hindi rin siya tumanggi.Nang makitang walang balak magsalita ang lalaki, agad na ngumiti si Rena at iniba ang usapan."Ako na muna ang bahala sa jacket mo, ha? Ipapalinis ko

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 25

    NANG makita ni Jude De Leon si Criszah, bahagyang sumilay ang pagkagulat sa mukha nito.Samantala, nakapatong ang isang kamay ni Rena Amares sa sandalan ng upuan. Mula sa kinatatayuan ni Criszah, para bang halos nakasandal na ang babae kay Jude.Ngumiti si Rena bago nagsalita sa mahinahong tinig."Ayos lang naman kung ayaw mo. Hindi ka naman namin kakainin nang buhay ni Mr. De Leon."Sa kabila ng magaan na tono ng pananalita nito, lalo lamang kinabahan ang mga miyembro ng production team.Ramdam ni Criszah ang mga matang nakatuon sa kaniya. May mga nagmamakaawang sumunod na lamang siya, may mga nag-aalala, at mayroon ding tila natutuwa sa nangyayaring eksena.Maging ang kamay ni Director Rodriguez na nakahawak sa baso ng alak ay bahagyang pinagpapawisan.Nang makitang hindi pa rin kumikilos si Criszah, napakunot ang noo ni Jeff Chui."Ano, Miss Montalban ? Bakit ka nakatayo lang riyan? We are all waiting.” Ayaw naman ni Jude na makitang nagsisilbi ng inumin si Criszah sa ibang tao.K

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 25

    ---SAMANTALA, lumabas si Jude sa pribadong silid upang sagutin ang isang tawag.Nang makabalik siya, napakunot ang noo niya nang mapansing mas dumami ang mga tao sa loob.Ngumiti si Rena at agad siyang nilapitan.“Kuya Jude, ipinapakilala ko sa iyo si Director Rodriguez. Ang De Leon ang isa sa mga kumpanyang namuhunan sa proyekto niya.”Tumango si Jude bilang pagbati.“Director Rodriguez.”“Nice to meet you, Mr. De Leon,” magalang na sagot ng direktor.Pormal ang pakikitungo ni Jude. Hindi na siya nag-abala pang makipagkuwentuhan nang mahaba. Matapos bumati, ibinalik niya ang pansin sa mga taong kausap niya kanina.Hindi niya nilibot ang tingin sa buong silid.Kaya hindi niya napansin si Criszah na tahimik na nakaupo sa isang sulok.Hindi rin niya alam na nasasaksihan ng asawa ang bawat kilos niya.---Habang nagpapatuloy ang salu-salo, sunod-sunod na nag-alok ng tagay ang direktor at ang ilang producer kay RenaBagaman hindi ito sanay uminom nang marami, hindi rin nito madaling mata

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 24

    SAMANTALA, pagdating sa ikalawang palapag ng club, sinalubong si Director Rodriguez ng isang lalaking naka-suit.“Director Rodriguez, ako po ang assistant ni President Jeff Chui. Inaanyayahan po niya kayo sa private room na inukupa niya.”Napangiti ang direktor.“Salamat. Halika, sumama na kami.”Ngunit bago pa sila makalakad, may isang artistang napabulalas sa pagkagulat.“Wait– tama ba ang narinig ko?! Si President Jeff Chui po ba ng ChuiJi ang tinutukoy ninyo?”Tumango ang assistant.Agad na nagkatinginan ang ilang artista. Halatang hindi nila inaasahang magkakaroon sila ng pagkakataong makilala ang isang kilalang negosyante sa gabing iyon.Si Criszah naman ay bahagyang natigilan.Kilala niya ang pinag-uusapan nila.Kaibigan iyon ni Jude mula pa noong kabataan nila.Sa kabila ng tatlong taong pagsasama nila ng lalaki, hindi siya kailanman ipinakilala ng asawa sa mga kaibigan nito sa paraang maipagmamalaki niya bilang asawa.Ngayon, sa isang pagkakataong hindi niya inaasahan, muli n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status