Share

ONE- HER ORDEAL

Author: Sweety Elle
last update Last Updated: 2025-08-14 13:28:00

HER POV

“NO… dad, you can’t force me to marry a random guy na hindi ko man lang nakilala and the worst thing is I don’t love… kaya naman siguro naglayas si Heleana dahil sa pamimilit ninyo s la kanya… she has her freewill just like me,” humihikbi kong sabi nang magkausap na kami ng harapan sa mansion.

“Wala ka ng magagawa pa. Nawawala ang kapatid mo, ikaw na lang ang aming pag-asa Han upang maisalba ang ating negosyo!,” anya pa ng daddy ko na malalim ang paghinga alam kong nahihirapan rin ito sa sitwasyong kinasasadlakan namin ngayon.

“Hija… ngayon lang kami hihiling sa iyo… sana hindi muna man kami pagdamutan para rin naman ito sa kinabukan nating lahat!,” dagdag pa ng mommy ko na halatang-halata rin naman problemado at balisa.

“Bakit ba kasi nalugi ang negosyo natin? Bakit ngayon pa kayo gumagawa ng paraan kung saan luging- lugi na… haist… wala na ba talagang ibang paraan dad… mom?!,” demanda ko pa.

“Kung meron lang sana anak ay gagawin namin pero lahat ay nasubukan na namin. Ang laki na ng pagkakautang natin sa bangko. Hindi lang ang negosyo natin ang mawawala, ang mansion at ancestral home natin sa probinsiya ay nanganganib din na maremata,” paliwanag pa ni daddy.

“Kung hindi lang nagtiwala ang daddy mo sa isang baguhang kasosyo niya sa negosyo ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Nascam kami ng hudas na iyon, ubos- ubos lahat ng pera natin anak!,” dagdag bunyag pa ni mommy.

“Nangyari na ang nangyari Han. Masisisi mo ba ako kung gusto ko lang naman na mas mapaangat pa ang ating kabuhayan!,” tiim- bagang wika pa ni daddy na nangingit-ngit ang kalooban.

“Dad.., Mom… enough! Tigilan na natin ang sisihan… tapos na iyon hindi na natin maibabalik pa ang nawala sa atin. Huwag nating hayaang pati ang mabuti nating pagsasamahan ay mawala na rin!,” kalmado kong sabi upang kahit papaano ay humupa ang init ng ulo ng bawat isa sa aking mga magulang.

Bumuntong- hininga ng malalim si daddy pati na rin si mommy at nagkatitigan. Ilang sandali lang din ay humupa na ang galit sa bawat isa. Si daddy ang unang yumukbo kay mommy at iniyakap ito sa kanyang dibdib.

Habang pinagmamasdan ko ang aking mga magulang. May sumilay na pag-asa at ngiti sa aking labi at isipan. Walang problema at pagsubok na hindi malalampasan ang isang pamilya kung bawat isa ay nagkakaintindihan at nagmamahalan.

My parents were a loving couple. Lumaki man akong malayo sa kanila ay hindi ko naring o nakitaan sa kanila ang matinding hidwaan o pag-aaway na ipinagpapasalamat ko naman sa Diyos.

Hindi man kami super yaman sa mundo at mawala man lahat ng mayroon kami ay hindi ko panghihinayangan basta buo lang kaming magkasama magpamilya. Ngunit parang hindi na mangyayari iyon dahil tinalikuran na kami ni Bianca kung kailan kailangang- kailangan naming ang isa’t isa ngayon.

“Alright… I guess I have no way out! Sino nga pala ang lalakeng pakakasalan ko sa susunod na araw?,”bulalas ko pa na pilit na kinakalma ang sarili.

Parehong napalingon sa akin at napahiwalay sa isa’t isa sina monmy at daddy. Bagama’t pareho pang may luha ang mga mata ay agad din nila itong pinalis at napalitan agad ng ningning ang kanilang mga mata.

Tila ba ang aking sinabi ay kasagutan at hulog ng langit sa kanila. Lumunok muna si daddy at tila ba inaalis ang bara sa lalamunan bago nagsalita.

“Um…Han, huwag kang mag-alala at tatlong buwan na lang ang ilalagi ni Mr. Carlson sa mundo, tatlong buwan lang kayong magsasama dahil may taning na ang buhay niya!,” deklara pa ni daddy.

“Talaga…? Eh, bat magpapakasal pa kami eh, mamatay rin naman siya?!,” kontra ko pa.

“Gusto niya bago man lang daw siya mamamatay ay makaranas naman daw magkaroon ng asawa. Siya lang ang pumayag na bayaran ang lahat ng ating pagkakautang sa bangko at may pangkapital pa para sa pagbangon muli ng ating textile business!,” pagmamalaking sabi pa ni daddy.

“At ang kapalit naman ay magpakasal sa kanya? Napakabuting tao naman pala ni Mr. Carlson kung gayon aba’y hindi hamak na maliit na halaga lamang siguro ang utang natin sa bangko pati pangkapital sa negosyo, hindi ba mommy? At magiging libre lang lahat, aba’y hindi kapakapaniwala, it seems so fishy!,” hindi makapaniwalang bulalas ko pa.

“Hindi pa siya namin personal na nakausap, tanging abogado lamang ang humarap sa amin, Han… at pinapirma nga kami ng dokumento bilang pagsang-ayon sa kanyang proposal… deseperada na kami anak… sa susunod na linggo na ang palugit na binigay ng bangko sa atin,” sabi pa ni mommy.

“What? You are both impossible dad… mom? pumirma kayo ng dokumento ng hindi ninyo man lang nakausap ng personal iyang si Mr. Carlson na iyan,

malay ba natin kung scam lang lahat ang pagtulong niya, how can we be sure?,” usisa ko pa.

“All the documents we signed were all legal and legit, hija… so need to worry. As soon as makasal kayo ni Mr. Carlson ay iproproseso na agad- agad ni Atty. David ang pagbayad sa bangko and the money we need to manage again the business!,” may kumpinyansang sagot ni daddy.

“Your dad is right, Han… may sakit si Mr. Carlson at hindi na puwedeng mastress pa kaya’t ang abogado na lang ang nakipag-usapan sa amin. Ipagpasalamat na lang natin na may tao pang tulad niya kung hindi ay paano na lang tayong lahat!,” pagsang-ayon pa ni mommy.

“Ang dapat mo na lang isipin ngayon hija ay sumipot ka sa araw ng kasal ninyo and be the substitute bride, if only Heleana is open-minded sana ay hindi ka na namin pipilitin pa… pasensiya ka na talaga anak,” dama ko ang kalungkutan sa tinig ni daddy kaya hiniwakan ko ang dalawa niyang kamay at pinisil-pisil.

“It’s alright, dad… alam ninyo naman na hindi ko kayo matitiis. We are a family, sino pa ba ang magtutulungan.. eh… hindi ba tayo lang din?,” pagpapagaan ko sa kanyang kalooban.

“Napakabuti mong anak sa amin, Hannah… kahit lumaki kang malayo sa amin, hindi mo kami binigo hindi tulad niya Heleana na hindi ko talaga maaasahan!,” parehong napayakap sa akin sina mommy at daddy.

Hinayaan ko na lang na ilabas nila ang hinanakit nila kay Bianca. Kahit ako rin ay may tampo sa kanya. Sana man lang ay nagpaalam siya ng maayos at nakipag-usap sa amin hindi itong iiwan niya kami sa ere. Simula ng nakapagtapos na rin sa kolehiyo si Heleana ay madalas na itong walang oras na sa amin at parati na lang sarili nito ang iniisip.

“Shhhh… okay lang po kahit mahirap at labag sa akin ay handa akong magsakripisyo para sa ikabubuti nating lahat,” umalis ako sa pagkayakap nila sa akin.

“Salamat talaga anak! Sige umakyat kana sa silid mo at magpahinga, ipapatawag ka na lang namin. Mamaya darating ang designer ng trahe de boda mo, siyempre gusto rin namin na ikaw ang pinakamagandang bride sa kasal mo,” mungkahi pa ni mommy.

“Dad… mom… saan po ako titira pagkatapos ng kasal, you both knew na hindi ko matatagalan ang siyudad, alam ba ni Mr. Carlson na si Heleana ang pakakasalan niya?,” hindi ko napigilang itanong.

“Siyempre sa magiging asawa mo anak. You have to live him for three months. Alam niyang si Heleana ang pakakasalan niya,” napatango- tango na lang ako at hindi na nag-usisa pa dahil sigurado akong hindi alam ng Mr. Carlson na iyon na may kapatid na babae si Heleana.

I was not really introduced to the public dahil nga sa aking kalagayan na sensitibo at mahina ang immune system. Maybe it is psychological thinking only dahil maliban sa pabalik- balik sa ospital dahil sa ubo at hika ay wala naman akong malubhang sakit na diagnose ng dokto o dahil nakabuti ang hangin sa probinsiya kung kaya’t hindi na ako inaatake muli ng sakit ko.

Hindi na tin nagtagal ang masinsinang usapan namin nina daddy at mommy. I guess I have to accept my fate. Dati rati lang sa tuwing uuwi ako ng mansyon ay tatlong araw lang talaga itinatagal ko.

I weird feeling na baka aatakahin na naman ako ng asthma ko rito. Maybe its childhood trauma. Bawat panig at parte kasi ng mansion ay may mga sad at painful memories ako. Imbes kasi maglaro at malibang sa napakagandang bahay namin ay lage lang akong sinusumpong ng hika at hirap makahinga.

Ospital lage ang bagsak ko at lahat ng klase ng antibiotics ay nasubok ko na. Doon lang talaga ako sa ancestral home gumaling. Kaya masasabi ko iyon ang healing home ko kaya’t ng hiniling ko kina mommy at daddy na doon na pumirmi ay hindi na sila tumanggi pa.

Umakyat na ako sa silid ko. Pagbukas ko ay nakabukas na AC ang bumungad sa akin. Naka-on na rin ang humidifier na may fresh herb scents na palaging request ko kung narito ako sa mansion. Para na rin akong nasa ancestral home.

Tila isa akong estranghero sa tuwing papasok ako sa loob ng aking silid. I don’t feel homely vibe here instead remnants of the past where I was always confined in my bed sick and tired. Tila babangot para sa akib ang childhood days ko dahil sa sakit ko.

But now, I feel quite okay. Matagal- tagal na rin akong hindi dinadalaw ng aking hika at matinding pagod. The last time I remembered when I went home soaked in water rain and exhausted. But the next morning, I was relieved and quite energized. And that’s because of my belief of my healing home.

Hindi muna ako nagpalit ng damit at inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng aking silid. Maliban sa konting furnitures ay may malaking picture frame ko na nakasabit sa wall. It was my studio shot wearing my toga during my college graduation.

Napatingin ako sa baba nito na may malapad na cabinet at sa ibabaw nito ay may mga albums. Humakbang ako palapit sa cabinet at inabot ang mga albums. Bumalik ako sa kama at naupo sa ibabaw nito.

Isa- isa kong binuklat ang pahina ng isang album nauna kong nahawakan. Childhood memories iyon naming magkapatid. Halos pareho lamang kami kalaki ni Heleana. Para nga talaga kaming pinagbiyak na bunga.

Naaliw ako sa pagtanaw sa nakaraan. Mga baby pictures namin hanggang sa grade school photos namin ni Heleana. Halos hindi nga kami mapaghiwalay sa isa’t isa. Close na close kami Bianca sa noon at hindi niya ako iniiwan kung masama ang aking pakiramdam.

Ang huling album na binuksan ko ay random pictures namin magpamilya tuwing may okasyon tulad ng birthdays, high school at college graduation, Christmas at New Year. Pero sa mga larawang tumambad sa akin ay konti lamang ang buo at magkakasama kaming apat.

Ang huling group family pictures namin na buo ay last Christmas pa. Ilang buwan na rin ang nakakaraan. Halos anim na buwan na rin pala. Natigil ang aking pagmumuni-muni ng pumasok ang isang kasambahay at sinabing pinatatawag na ako dahil nariyan na ang designer ng aking bridal gown.

Iniwan ko ang mga albums sa ibabaw ng aking kama at derederetso ng lumabas ng aking silid. Nasa baba daw ang designer at doon raw ako susukatan. May konting kasabikang sumingaw sa aking puso.

Kahit substitute bride lang ako ay tulad rin ng isang tunay na bride ang aking nadarama. Espesyal na araw ng sinumang dalaga ang araw ng kanyang kasal. Pinakakaasam-asam ng sinumang dalaga ang makasal sa lalakeng tunay nitong mahal.

Minsan lang mangyari sa buhay ng isang dalaga ang makasal kaya’t karapat- dapat lang na paghandaan ito ng mabuti. Salamat pa rin kina mommy at daddy dahil tiniyak nilang kaaya- aya rin ang postura ko sa araw ng aking kasal.

Sa totoo lang kahit pinakasimple pa iyan na trahe de boda ay susuotin ko pa rin. Ang gusto ko lang naman ang mapabuti ang buhay ng aking mahal sa buhay. Sila lang ay sapat na sa akin. Ang mapasaya sila kahit hindi na lang ako.Kaya ko magsakripisyo para sa kapakanan nila.

“Hala… siya na ba ang bride… oh… wow, kagandang dalaga… napakafresh… kaya naman pala?!,” mahaderang salubong sa akin ng bading na tiyak kong ito na ang designer.

“Oo… my lovely daughter… Han… Heleana… siya nga pala siya si Tita Shawy siya ang professional designer na kinuha ni Mr. Carlson para sa gown mo!,” deklara pa ni daddy.

Gusto ko man salungatin si daddy na mali ang pagtawag niya sa akin sa pangalan ni Heleana. Agad kong naalala substitute bride nga pala ako kaya hinayaan ko na lang dahil parte ito sa aking pagpapanggap.

Ipinagdarasal ko na lamang na hindi mapapansin nito ang pagkakaiba namin ni Heleana. Simple lamang ako mananit at hindi mahilig sa kolorote. Habang si Heleana naman ng tumuntong ng kolehiyo ay nahilig na sa make-up at mga magagarang damit.

“Oh… hi po tita Shawy,” nangiti kong bati sa bading.

“Ayyyy… pak, hindi lang maganda, respectful pa… haist daddy… mommy… bet ko ang baby girl n’yo!,” tili pa ng mahaderang designer.

“O siya Shawy… maiwan na namin kayo ni Heleana… ikaw na bahala sa kanya. I trust your taste!,” wika pa ni mommy at sabay na silang umalis ni daddy sa sala kung saan ako susukatan.

“Magsimula napo tayo, tita Shawy!,” anya ko ng kami na lang ang naiwan.

“Shhhh… huwag muna nga ako e—-po oi parang kinikilabutan ako … hindi pa ako gurang nuh… anyways… ako bahala sa iyo… tiyak na ikaw ang pinakamagandang bride sa lahat sa napiling gown ni Mr. Carlson para sa iyo!,” eksehederang sabi pa ni tita Shawy.

“Hahhh? Akala ko ba si mommy at daddy ang nagbayad at nagpaggawa nitong gown ko? Ganun si Mr. Carlson ang pumili ng design ng gown na isusuot ko?,” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Tumpak ka baby girl at siya din ang naghire sa akin at take note special package price ha hindi tinipid dahil gown mo pa lang ay nasa 450,000 ang halaga at kailangan matatapos ito kaagad bukas mismo ready for your wedding day the next day!,” buong pagmamalaking pahayag pa ni tita Shawy.

“Ha? Kaya mo ba matapos bukas agad?,” napalaki ang aking mga matang tunghay sa kanya habang sinisimulan niya na akong sukatan.

“Of course for a special package like this… I have 5 months dressmakers and 2 laborers to hasten the work… kaya no worries tapos agad iyan!,” may kumpiyansang sabi nito kaya’t napakurap- kurap na lang ako.

“Ang galing!,” tangi ko na lang nasabi at patango-tango.

“Pero baby girl alam mo naghihinayang ako sa iyo dahil mapupunta ka lang kay Mr. Carlson bukod sa malapit ng mamamatay ay napakapangit pa talaga!,” walang pakundangang bulalas nito.

“Huh?, bakit nakita muna ba siya ng personal? kilala mo ba siya?,” nacurious kong tanong kasi hindi ko alam na pangit pala ito.

“Hindi pa pero iyong personal lawyer niya ang nagsabi sa akin na ayaw daw magpakita ni Mr. Carlson sa mga tao dahil bukod sa may sakit ito ay napakapangit talaga ng hitsura nito… haist… pero baby girl… pero in fairness, bahala ng mukhang unggoy basta may datong hindi bah?,” maosyosong turan pa ni tita Shawy.

Napalunok na lang ako sa aking nalaman mula sa kanya at hindi na sinagot pa o nagkomento sa mga tanong at pahayag niya. Naalala ko na lang tuloy ang lalake sa panaginip ko na kamuntikan ng makuha ang aking pagkadalisay. Kung si Mr.

Carlson na isang pangit at may sakit ar mahina na ang makakauna sa akin hindi ko na mararanasang muli ang kakaibang init at napakasarap na kaluwalhatian nang pareho sa isang hot and wild na estrangherong lalake sa aking panaginip. Paano na kaya ang inaasam- asam ko na ligaya?Haist!!!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)   ONE- HER ORDEAL

    HER POV “NO… dad, you can’t force me to marry a random guy na hindi ko man lang nakilala and the worst thing is I don’t love… kaya naman siguro naglayas si Heleana dahil sa pamimilit ninyo s la kanya… she has her freewill just like me,” humihikbi kong sabi nang magkausap na kami ng harapan sa mansion. “Wala ka ng magagawa pa. Nawawala ang kapatid mo, ikaw na lang ang aming pag-asa Han upang maisalba ang ating negosyo!,” anya pa ng daddy ko na malalim ang paghinga alam kong nahihirapan rin ito sa sitwasyong kinasasadlakan namin ngayon. “Hija… ngayon lang kami hihiling sa iyo… sana hindi muna man kami pagdamutan para rin naman ito sa kinabukan nating lahat!,” dagdag pa ng mommy ko na halatang-halata rin naman problemado at balisa. “Bakit ba kasi nalugi ang negosyo natin? Bakit ngayon pa kayo gumagawa ng paraan kung saan luging- lugi na… haist… wala na ba talagang ibang paraan dad… mom?!,” demanda ko pa. “Kung meron lang sana anak ay gagawin namin pero lahat ay nas

  • THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)   PRELUDE

    TRIGGER WARNING!!! SOME SCENES CONTAINED VULGAR AND SEXUAL WORDS THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR YOUNG READERS, READ AT YOUR OWN RISK!!! Ang mga tauhan at pangyayari sa akdang ito ay pawang kathang-isip lamang ng manunulat.Kung mangyari man na may pagkahalintulad sa tunay na buhay ay hindi na sakop at sinasadya ng manunulat ang pagkakapareho!!! “HUWAG DIYAN!!!… hehehe… may kiliti ako diyan…,” nakikiliti at natatawa kong anas habang dinidilaan at pinapapak ng estranghero ang aking leeg. “Uhmnn… your body is a wonderland… ahhh,”anya ng nakakaliyong boses ng estranghero sa ibabaw ko at mapangahas na sinapo ang aking pang- upo. Napatili ako sa kakaibang kuryenteng dumaloy sa aking kaibuturan. Tila biglang namasa ang aking puke down there na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman. Pinukaw ng estranghero ang kamalayan ko sa makamunduhang pagnanasa. Himas at dampi pa lang nga ng kamay ng estranghero ay tila sinasaniban na ng napakainit na enerhiya ang bawat himaymay ng ak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status