FAZER LOGINHindi ko mapigilang mapangiti. Sa loob ng tatlong taon, palagi kong iniisip kung darating ba ang araw na magkakaroon kami ng sariling pamilya. At ngayon, nandito na ang sagot sa mga dasal ko.
May bubuo na sa pagmamahalan namin ni Daveron. Pero habang nakangiti ako, may isang bagay na sumagi sa isip ko. Paano ko sasabihin sa kaniya? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Oo, asawa ko siya. Alam kong may karapatan siyang malaman agad, pero natatakot ako. Hindi dahil ayaw kong malaman niya. Kundi dahil umaasa ako na sa pagkakataong ito… magiging masaya rin siya. “Bestie…” tawag ni Jill na siyang nagbalik sa akin sa realidad. “Ano’ng iniisip mo?” Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. “Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Daveron.” Umupo siya sa harapan ko at napabuntong-hininga. “Kristine, alam mo naman na hindi ako pabor sa relasyon niyo, pero… anak niya rin ‘yan. Kailangan niyang malaman.” Tumango ako. “Oo. Sasabihin ko rin. Pero gusto ko sana espesyal.” “Espesyal?” taas-noong tanong niya. “Sa anniversary namin,” sagot ko. Napatingin siya sa akin nang matagal bago napailing. “Grabe ka talaga, Kristine. Kahit kailan, umaasa ka pa rin.” Napangiti lamang ako. Siguro nga umaasa ako. Pero asawa ko siya. At mahal ko siya. Simula nang malaman kong buntis ako, mas naging maingat ako sa sarili ko. Tanging si Nanay Pasha lamang ang nakakaalam. Araw-araw niya akong pinagsasabihan na huwag masyadong magpagod at huwag kalimutang kumain. “Kristine, hindi lang ikaw ang iniingatan mo ngayon,” sambit niya habang inilalapag ang pagkain sa harapan ko. Napangiti ako at hinawakan ang tiyan ko. “Opo, Nay.” Minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin na may halong saya at pag-aalala. Siguro dahil alam niyang matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. Si Daveron naman… Umuuwi pa rin siya gabi-gabi. Minsan, kahit pagod na pagod siya, pinipilit niyang bumalik sa bahay. Pero halos nakakatulugan na niya ako. “Pagod ka ba?” madalas kong tanong. At lagi lang siyang tumatango. “Madami lang gawain sa kompanya.” Kaya imbes na sabihin ko agad ang balita, pinili kong hintayin ang tamang panahon. Minsan, habang natutulog siya sa tabi ko, palihim ko siyang tinitingnan. Iniisip ko kung ano ang magiging itsura niya kapag sinabi kong magiging tatay na siya. Matutuwa kaya siya? Ngumingiti kaya siya? O mananatili lang siyang tahimik gaya ng dati? Napahawak ako sa tiyan ko. “Baby… sana mahalin ka rin niya gaya ng pagmamahal ko sa’yo.” Lumipas ang mga linggo. Mas napapansin na ni Nanay Pasha ang pagbabago sa akin. “Ang laki na ng ngiti mo ngayon, hija,” tukso niya isang umaga. Napatawa ako. “Masaya lang po ako.” “Dahil sa bata?” Tumango ako. “At dahil iniisip mo na sasabihin mo na kay Daveron?” Napangiti ako. “Sa anniversary po namin.” Napabuntong-hininga siya. “Ewan ko sa’yo, Kristine. Pero sana naman sa pagkakataong ito, makita niya kung gaano ka ka kasaya sa biyayang ipinagkaloob sa inyo.” Hindi ako sumagot. Dahil iyon din ang hinihiling ko. Dumating ang araw ng kanilang ika-apat na anibersaryo. Buong araw akong naghanda. Nagpagawa ako ng paborito niyang pagkain. Inayos ko ang bahay. At sa ibabaw ng mesa ay inilagay ko ang maliit na regalo na matagal kong pinag-isipan. Sa loob noon ay ang unang ultrasound picture ng anak namin. Paulit-ulit kong tinitingnan ang maliit na larawan habang hinihintay siyang umuwi. Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan, mabilis akong napangiti. “Daveron…” Pero nang makita ko ang mukha niya, napansin kong pagod na pagod siya. “Happy anniversary,” mahina kong bati. Sandali siyang natigilan. Parang ngayon lamang niya naalala kung anong petsa ngayon. “Ah… oo. Happy anniversary.” Masakit man nang kaunti ang malamig niyang sagot, ngumiti pa rin ako. “May surpresa ako para sa’yo.” Tumango lang siya at inilapag ang gamit. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Pero nang hawakan ko ang tyan ko naisip ko na ngayong gabi, malalaman na ni Daveron na magiging tatay na siya. At ayokong maging negatibo ngayong araw. Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Daveron. Napatingin siya sa screen at mabilis niya iyong sinagot. Hindi ko man nakita kung sino ang tumatawag, malinaw kong narinig ang boses ng isang babae sa kabilang linya. “Daveron… please. Kailangan kita.” Nanigas ako. Hindi ko alam kung bakit parang biglang may malamig na dumaloy sa katawan ko nang marinig ko ang boses na iyon. At ang mas masakit pa… nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Daveron. Mula sa pagod niyang ekspresyon, biglang napalitan iyon ng pag-aalala. “Nasaan ka?” seryoso niyang tanong. Hindi ko marinig ang sagot ng babae, pero sapat na ang reaksyon niya para makaramdam ako ng kaba. “Pupunta ako diyan.” Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. “Daveron…” tawag ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin. Sa isang segundo, umaasa akong sasabihin niyang hindi siya aalis. Na sasabihin niyang mahalaga ang gabing ito. Na kahit minsan lang, pipiliin niya ako. Pero hindi iyon ang nangyari. “May kailangan lang akong asikasuhin,” malamig niyang sambit habang kinukuha ang susi ng kotse niya. Nanlaki ang mga mata ko. “Ngayon? Anniversary natin, Daveron.” Sandali siyang natigil. Alam kong narinig niya ako. Alam kong alam niyang nasasaktan ako. Pero imbes na lumapit siya, kinuha lamang niya ang kaniyang jacket. “Babalik ako.” “Daveron, teka lang…” Lumapit ako at hinawakan ang braso niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot. Siguro dahil pakiramdam ko may mawawala sa akin. “May sasabihin sana ako sa’yo.” Napatingin siya sa akin. At doon ko nakita ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Pero bago pa man siya makapagsalita, tumunog ulit ang cellphone niya. At nang makita niya ang pangalan sa screen, agad siyang nagbago ng desisyon. “Importante ito, Kristine.” Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. “Mas importante kaysa sa akin?” Hindi ko sinadyang itanong iyon, pero lumabas na. At ilang segundo siyang tahimik. Isang tanong lang. Isang simpleng tanong. Pero wala siyang sagot. Binitiwan niya ang kamay ko. “Babalik ako.” sa halip na sagot niya. At bago pa ako makapagsalita, tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Narinig ko ang pag-andar ng makina ng kotse niya. At ilang sandali lang… nawala na siya. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng bahay. Sa harap ng hapunang inihanda ko. Sa harap ng regalo na gusto kong ibigay. At sa harap ng balitang sana ay magiging pinakamagandang sorpresa niya. Unti-unti akong napaupo sa sofa habang hawak ang maliit na kahon. Napatingin ako sa ultrasound picture na nasa loob. “Anak…” bulong ko habang pinipigilan ang luha. “Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ngayong araw.” Hinaplos ko ang tiyan ko. “Gusto ko sanang makita yung saya sa mukha ng tatay mo.” Pero sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon… Naramdaman kong may takot akong marinig ang sagot niya. Paano kung hindi niya gustong maging ama? Paano kung hindi niya ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa kaniya? At habang hinihintay ko siyang bumalik ay isang tanong lang ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko. Sino ang babaeng tumawag sa kaniya?Matapos ang mahabang pag-uusap nila ni Jill ay nanatili muna si Kristine sa coffee shop nang ilang minuto upang ayusin ang kaniyang sarili. Humarap siya sa maliit na salamin sa loob ng comfort room at pinagmasdan ang sariling repleksiyon. Bahagyang namumugto pa ang kaniyang mga mata, at kahit inayos niya ang buhok at naglagay ng kaunting make-up ay hindi niya kayang itago ang pagod na nakaukit sa kaniyang mukha.Huminga siya nang malalim at ilang beses na pinilit pakalmahin ang sarili bago tuluyang lumabas. Kailangan niyang umuwi, dahil higit sa lahat ng problema niya ay may isang batang naghihintay sa kaniyang tahanan.Pagpasok niya sa sasakyan ay ilang sandali siyang nanatiling nakaupo bago pinaandar ang makina. Sa buong biyahe ay paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Ngunit sa pagkakataong iyon ay ayaw muna niyang isipin ang lahat ng iyon.Gusto lamang niyang makita ang anak niya at makasiguro na maayos ito. Kahit saglit lamang ay gusto n
Nanatiling nakatayo si Amber sa tabi ng kanilang mesa habang naghihintay ng magiging tugon ni Kristine. Bahagyang nakataas ang sulok ng mga labi nito, tila kumpiyansang hindi siya tatanggihan sa harap ng maraming tao. Tahimik namang nagpalipat-lipat ang tingin ni Jill sa dalawang babae, ramdam ang biglang pagbigat ng atmospera sa loob ng coffee shop. Maging ang mahihinang tugtog sa paligid ay tila nawala sa pandinig nila. Lahat ay parang huminto sa loob ng ilang segundo.Dahan-dahang ibinaba ni Kristine ang tasa ng kape sa mesa bago niya iniangat ang kaniyang paningin. Wala na ang takot na kanina lamang ay malinaw na mababanaag sa kaniyang mukha. Sa halip ay isang kalmadong ekspresyon ang sumalubong kay Amber, kahit mahigpit niyang pinipigil ang kaba sa loob ng kaniyang dibdib.Huminga siya nang malalim bago tuluyang nagsalita. Hindi siya umiwas ng tingin kahit isang saglit.“Sorry, Amber,” mahinahon ngunit matatag niyang sambit. “We can't allow you to join us because we're discussing
Nang makitang lalapit pa si Daveron ay mabilis na umangat ang isang kamay ni Kristine bilang pagpigil. Napahinto ang binata sa kalagitnaan ng kaniyang hakbang at tahimik lamang siyang tumitig sa babaeng nakabalot pa rin ng kumot. Halata sa namumula nitong mga mata na kanina pa nito pinipigilan ang pagluha. Maging ang mga labi nito ay bahagyang nanginginig habang pilit nitong kinakalma ang sarili. Sa pagitan nilang dalawa ay tila muling bumigat ang hangin sa loob ng silid.“This is wrong,” nanginginig na sambit ni Kristine habang marahang umiiling. “You have a wife... and a child.” Saglit siyang napapikit at isang mainit na luha ang dahan-dahang gumulong sa kaniyang pisngi. “Maling-mali ito,” halos pabulong niyang dugtong, na para bang ang bawat salitang binibitawan niya ay unti-unting dumudurog sa sarili niyang puso.Nanatiling tahimik si Daveron habang nakatitig lamang sa kaniya. Hindi niya agad itinanggi ang sinabi ni Kristine, bagkus ay pinagmasdan lamang niya ang lungkot na nakau
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Kristine habang tila binibiyak ang kaniyang ulo sa matinding sakit. Napangiwi siya at marahang napahawak sa kaniyang sentido, pilit inaalala kung ilang baso nga ba ang nainom niya noong nakaraang gabi. Mabigat pa rin ang kaniyang mga talukap at parang walang lakas ang buong katawan niya. Nang subukan niyang umupo ay napapikit siya sa kirot na kaniyang naramdaman. Hindi niya malaman kung dulot ba iyon ng sobrang pagod, alak, o ng kung anong nangyari matapos siyang mawalan ng ulirat.Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang iminulat ang mga mata at sinuyod ng tingin ang buong silid. Malawak ang kuwarto, moderno ang disenyo, at mula sa kisame hanggang sahig na bintana ay tanaw ang matatayog na gusali ng Bonifacio Global City. Hindi iyon ang kaniyang silid. Hindi rin iyon ang kaniyang bahay. Bigla siyang nakaramdam ng malamig na kilabot na gumapang sa kaniyang batok.Mabilis niyang hinila ang kumot upang takpan ang sarili. Doon lamang niya napagtant
WARNING!!! DETAILED HOT SCENE AHEAD!Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang humupa ang pagsusuka ni Kristine. Halos wala na itong malay habang nakasandal sa gilid ng kama, mabigat ang paghinga at namumutla ang mukha. Tahimik na inilapag ni Daveron ang basong may tubig sa bedside table at pinagmasdan ang kalagayan nito.Doon lamang niya napansing may mga mantsa na rin ng suka ang damit ng babae. Napabuntong-hininga siya habang napapikit, tila naghahanap ng ibang paraan upang hindi na niya gawin ang susunod na kailangan.“Seriously… this if fvcking torture.” mahina niyang bulong sa sarili. Alam niyang hindi maaaring pabayaan si Kristine na matulog sa ganoong kalagayan dahil baka lalo lamang itong magkasakit. Ngunit ang simpleng ideya ng pagpapalit ng damit nito ay sapat na upang maging hindi siya mapalagay. Hindi iyon dahil sa pagkainis, kundi dahil sa respeto na nananatili pa rin niya para sa babaeng minsan niyang minahal.Gano’n pa man ay wala siyang ibang mapagpipilian sa sandali
Paglabas ni Kristine mula sa comfort room ay bahagya niyang hinilot ang kaniyang sentido. Unti-unti nang umiikot ang kaniyang paningin dahil sa ilang baso ng wine na nainom niya, at pakiramdam niya ay bahagya nang lumulutang ang kaniyang katawan. Humugot siya ng malalim na hininga habang nakasandal sandali sa dingding ng hallway.Nang maramdaman niyang medyo maayos na ang kaniyang balanse ay muli siyang naglakad pabalik sa mesa nila ni Jill. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may isang matangkad na pigurang papalapit sa kabilang direksiyon.Bahagyang napatigil si Kristine at napakurap nang ilang beses. Nanlalabo ang kaniyang paningin kaya pilit niyang sininagan ng ilaw ang mukha ng lalaking papalapit. Ilang segundo siyang nakatitig rito bago marahan siyang napasimangot.“Leche naman, oh…” bulong niya habang napapailing. “Pati ba naman dito... ginugulo mo pa rin ako?”Samantala, kagagaling lamang ni Daveron sa isang pribadong business dinner sa ikalawang palapag ng Enchanted Bar. H







