LOGINMatapos akong iwan ni Daveron sa gabing dapat sana ay isa sa mga pinakamasayang araw namin bilang mag-asawa, ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan habang nakatitig sa direksyong tinahak ng kotse niya. Para akong naghihintay ng isang himala na baka bigla siyang bumalik, bumaba ng kotse, at sabihin na mas pinili niyang manatili sa akin kaysa sa anumang dahilan kung bakit siya umalis. Pero lumipas ang mga segundo, minuto, at oras, at ang tanging bumati sa akin ay ang katahimikan ng bahay na dapat sana ay puno ng saya ngayong gabi.
Dahan-dahan akong bumalik sa sala at naupo sa harap ng mesa kung saan maingat kong inayos ang aming anniversary dinner. Nandoon pa rin ang paborito niyang pagkain, ang cake na pinili ko dahil alam kong gusto niya ang lasa nito, at ang maliit na regalo na ilang araw kong pinag-isipan. Sa loob noon ay ang unang ultrasound picture ng anak namin. Ang munting biyayang gusto kong ibigay sa kaniya bilang sorpresa. Hindi ko mapigilang mapangiti habang hinahaplos ang maliit na sobre kung saan ko itinago ang larawan. “Dapat ngayong gabi natin sasabihin sa kanya, baby,” mahina kong bulong habang inilalapat ang kamay ko sa tiyan ko. “Dapat makita natin kung gaano siya kasaya kapag nalaman niyang magiging tatay na siya.” Ngunit kasabay ng saya ay ang unti-unting pagpasok ng takot sa puso ko. Paano kung hindi siya matuwa? Paano kung hindi niya ito tanggapin? Paano kung ang balitang matagal kong hinihintay ay maging dahilan para lalo siyang lumayo sa amin? Napapikit ako at agad kong itinaboy ang mga negatibong iniisip. Hindi ko dapat pagdudahan ang asawa ko. Si Daveron ang lalaking minahal ko sa loob ng tatlong taon. Siya ang taong pinili ko kahit hindi siya palabas ng nararamdaman. Naniniwala akong sa tamang panahon, makikita rin niya kung gaano siya kahalaga sa akin. Kaya naghintay ako. Hanggang sa hindi ko na namalayan na lumipas ang buong gabi. Alas dose. Ala una. Alas dos ng madaling-araw. Unti-unting namatay ang ilaw ng kandila sa mesa, at ang pagkain na inihanda ko para sa amin ay nanatiling hindi nagalaw. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ang makita ang isang malamig na hapunan kaysa sa marinig ang sasakyan niyang papalayo. Siguro dahil doon ko nakita kung gaano ako umasa na ngayong gabi ay pipiliin niya ako. Nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan bandang alas tres ng madaling-araw, mabilis akong napatingin. Sandali akong nakaramdam ng saya dahil sa wakas ay bumalik siya. Pero nang makita ko ang mukha niya, napalitan iyon ng lungkot. Pagod ang ekspresyon niya at parang ang buong gabi ay wala lang sa kaniya. “Hindi ka pa natutulog?” tanong niya habang inaalis ang suot niyang jacket. Napangiti ako nang mahina. “Hinihintay kasi kita.” Sandali siyang natigilan, ngunit hindi ko nakita ang reaksyong hinihintay ko. Walang pagyakap. Walang halik. Walang kahit simpleng paghingi ng tawad. “Dapat nagpahinga ka na.” Isang simpleng salita, pero sapat para masaktan ako. Dahil sa loob ng tatlong taon, hindi ko naman hinihingi ang lahat mula kay Daveron. Hindi ko hinihingi ang mamahaling regalo o malalaking pagpapakita ng pagmamahal. Ang gusto ko lang ay maramdaman na mahalaga rin ako sa kaniya. “May sasabihin sana ako sa’yo,” mahina kong sambit. Tumingin siya sa akin. At sa sandaling iyon, gusto ko nang sabihin. Gusto kong sabihin na magkaka-anak na kami. Na may isang munting tao na balang araw ay tatawag sa kaniya na Daddy. Pero nakita ko ang pagod sa mga mata niya. At bigla akong natakot. Kaya ang mga salitang dapat sana ay pinakamagandang balita ay nanatiling nakakulong sa dibdib ko. “Wag na lang pala,” sabi ko. At sa unang pagkakataon, pinili kong itago ang isang bagay sa asawa ko. Kinabukasan, dumating si Nanay Pasha at agad niyang napansin ang hindi ko itinago nang maayos. Hindi man siya nagsalita agad, nakita ko ang pagtingin niya sa mesa—sa pagkaing hindi nabawasan, sa cake na hindi nabuksan, at sa regalong nanatiling nakabalot. “Kristine,” tawag niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya. “Ano’ng nangyari kagabi?” Pinilit kong ngumiti. “Wala naman po, Nay.” Pero agad siyang napailing. “Hija, kilala kita. Hindi mo ako maloloko.” Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit mas gusto kong umiyak sa harap niya kaysa kay Daveron. Siguro dahil alam kong si Nanay Pasha lang ang nakakaalam kung gaano ako kasaya nang malaman kong buntis ako. “May kailangan lang daw po siyang asikasuhin,” mahina kong sagot. “At iniwan ka niya sa anniversary niyo?” Hindi ako nakasagot. Dahil masakit aminin na oo. “Okay lang po, Nay,” mabilis kong sambit. “Sanay na naman po ako.” Pero alam kong mas lalo siyang nasaktan sa sinabi ko. Dahil hindi dapat nasasanay ang isang babae na hindi piliin. Kinagabihan, umuwi si Daveron na parang walang nangyari. Parang hindi niya ako iniwan sa gabing espesyal para sa amin. Parang hindi ako ilang oras na naghihintay habang hawak ang balitang dapat sana ay magpapasaya sa kaniya. “May pagkain ba?” Iyon ang unang tanong niya.Napatingin ako sa kaniya bago ako tahimik na tumango. “Meron.” Umupo siya at nagsimulang kumain habang ako naman ay tahimik na nakatingin sa kaniya. Maya-maya ay nagsalita siya. “Kristine.” “Hmm?” “Pasensya na pala kagabi.” Sandali akong umasa, pero agad niyang dinugtungan. “May problema lang sa trabaho.” Trabaho. Iyon lang? Isang simpleng paliwanag para sa isang gabing iniwan niya ako. Tumango ako. “Okay.” Pero kahit sinabi kong okay, alam kong hindi. Dahil simula noon, napansin ko ang pagbabago sa kaniya. Mas madalas niyang hawakan ang cellphone niya. Kapag tumutunog iyon, lumalayo siya para sumagot. Minsan ay lumalabas siya ng bahay at bumabalik na parang may mabigat na iniisip. At sa bawat pagkakataon na nakikita ko siyang nakatingin sa screen niya, hindi ko maiwasang maramdaman na may bagay siyang itinatago. Isang gabi, naiwan niya ang cellphone niya sa sala habang naliligo siya. Hindi ko talaga balak tingnan. Hindi ako ganoong asawa. Pero nang biglang umilaw ang screen, hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may bahagi sa akin na ayaw malaman ang sagot, pero may bahagi rin na gustong malaman kung bakit may taong kayang tumawag sa kaniya sa oras na dapat sana ay para sa akin. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone. At doon ko nakita ang mensahe. Isang pangalan ang nakita ko. Ang pangalan na siyang hindi ko inakalang babalik sa buhay ko— o buhay ni Daveron. “Salamat sa pagpunta kagabi. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.” It was Amber. Daveron’s ex-fiancée. Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko. Nakatitig lang ako sa screen habang unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Sa tiyan ko ay may isang buhay na lumalaki. Isang biyayang gusto kong ipaalam sa kaniya. Pero ngayon, sa unang pagkakataon… Natakot akong malaman kung sino ang pipiliin sa amin ni Daveron kapag nalaman niyang buntis ako.FIVE YEARS LATERLimang taon mula nang tuluyan kong iwan ang buhay na akala ko ay magiging akin habang buhay. Limang taon mula nang hawakan ko ang huling piraso ng lakas ko at piliing umalis sa taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Noong araw na iyon, dala ko ang sakit, ang pagkabigo, at isang munting buhay na hindi ko kailanman pinagsisihan. Akala ko noon, sa pagkawala ni Daveron ay mawawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sentro ng mundo ko. Siya ang dahilan ng mga ngiti ko, siya ang taong hinihintay kong umuwi, at siya rin ang taong hindi ko inakalang magiging dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan ko.Pero mali ako.Dahil hindi pala katapusan ang pagkawala ng isang tao. Minsan, iyon pa ang simula para matagpuan mo ang sarili mong matagal mo nang nakalimutan habang minamahal ang ibang tao.Hindi naging madali ang limang taon na lumipas. May mga gabing tahimik akong umiiyak
Simula nang makita ko ang mensahe sa cellphone ni Daveron, hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan. Hindi dahil nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya, kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, may takot nang sumabay sa pagmamahal na matagal kong iningatan.Dati, kapag umuuwi siyang gabi, ang nararamdaman ko ay pangungulila. Hinihintay ko siya dahil gusto kong marinig ang boses niya, makita ang mukha niya, at maramdaman na kahit pagod siya ay pinipili pa rin niyang umuwi sa akin. Pero ngayon, sa bawat pagbukas ng pintuan, hindi ko na alam kung saya ba ang mararamdaman ko o kaba dahil baka may panibago na naman akong matuklasan.Alam kong may nakaraan si Daveron at Amber, pero kailan man ay hindi ko nakita si Daveron na nangulila sa kaniya. At iyon ang pinakamasakit, ang pakiramdam na habang iniisip kong kilala ko siya nang lubos, may isang bahagi pala siya na hindi niya kailan man ipinakita sa akin.Maraming beses kong gustong tanungin siya. Maraming beses kong g
Matapos akong iwan ni Daveron sa gabing dapat sana ay isa sa mga pinakamasayang araw namin bilang mag-asawa, ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan habang nakatitig sa direksyong tinahak ng kotse niya. Para akong naghihintay ng isang himala na baka bigla siyang bumalik, bumaba ng kotse, at sabihin na mas pinili niyang manatili sa akin kaysa sa anumang dahilan kung bakit siya umalis. Pero lumipas ang mga segundo, minuto, at oras, at ang tanging bumati sa akin ay ang katahimikan ng bahay na dapat sana ay puno ng saya ngayong gabi.Dahan-dahan akong bumalik sa sala at naupo sa harap ng mesa kung saan maingat kong inayos ang aming anniversary dinner. Nandoon pa rin ang paborito niyang pagkain, ang cake na pinili ko dahil alam kong gusto niya ang lasa nito, at ang maliit na regalo na ilang araw kong pinag-isipan. Sa loob noon ay ang unang ultrasound picture ng anak namin. Ang munting biyayang gusto kong ibigay sa kaniya bilang sorpresa.Hindi ko mapigilang mapangiti hab
Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa loob ng tatlong taon, palagi kong iniisip kung darating ba ang araw na magkakaroon kami ng sariling pamilya. At ngayon, nandito na ang sagot sa mga dasal ko.May bubuo na sa pagmamahalan namin ni Daveron.Pero habang nakangiti ako, may isang bagay na sumagi sa isip ko.Paano ko sasabihin sa kaniya?Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Oo, asawa ko siya. Alam kong may karapatan siyang malaman agad, pero natatakot ako.Hindi dahil ayaw kong malaman niya.Kundi dahil umaasa ako na sa pagkakataong ito… magiging masaya rin siya.“Bestie…” tawag ni Jill na siyang nagbalik sa akin sa realidad. “Ano’ng iniisip mo?”Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. “Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Daveron.”Umupo siya sa harapan ko at napabuntong-hininga. “Kristine, alam mo naman na hindi ako pabor sa relasyon niyo, pero… anak niya rin ‘yan. Kailangan niyang malaman.”Tumango ako.“Oo. Sasabihin ko rin. Pero gusto ko sana espesyal.”“Espesyal?” taas-no
“Ginabi ka na ng uwi, ah?” sambit ko nang bumukas ang pintuan ng living room at pasuray-suray na pumasok si Daveron. “T-Teka, lasing ka ba?” sunod kong tanong.Hindi ito sumagot at sa halip ay diretso itong tumungo sa akin at kaagad akong niyakap at siniil ng halik. Hindi ito ang unang beses na may nangyari sa amin, pero sa loob ng tatlong taon ay ngayon lang siya mas naging wild.Baka dahil sa sobrang kalasingan?Halos hindi ko na namalayan na dinala niya na pala ako sa kuwarto namin at doon ay hubo’t hubad na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit din ang aking pakiramdam at gustong-gusto ko ang bawat haplos at halik niya sa akin.“Hmm…” mahinang ung0l ko nang kagatin niya ang balikat ko bago ipasok ang sandata niya.“Fvck! You’re so fvcking tight, love…” ung0l ni Daveron na siyang nagpatindig balahibo sa akin.This is the first time na tinawag niya akong “love” and it felt nice.Lalo akong ginanahan at sa bawat indayog niya at baon na baon. Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-u







