Share

Chapter 45

Alex's Pov

Dalawang Linggo matapos ang pagkakaligtas sa akin sa dagat ay halos nasa loob lamang ako ng aking kuwarto at nagkukulong. Hindi tuloy maiwasan ng mga magulang ko ang mag-alala kaya kinausap nila ako.

"Nag-aalala na kami sa'yo, Alex. Ayos ka lang ba talaga? Baka gusto mong ituloy na ang bakasyon mo sa ibang bansa?" kausap sa akin ni Daddy isang umaga. Magkasama sila ni Mama nang puntahan nila ako sa aking silid para kausapin.

"Oo nga naman, Anak. Ituloy muna ang bakasyon mo. Huwag mong alalahanin si Alexa dahil naniniwala kami ng daddy mo na mahahanap din natin siya. Tingnan mo tayong dalawa. Hindi natin akalain na muli nating matatagpuan at makakasama ang daddy at kapatid mo, 'di ba? Kaya maniwala rin tayo na matatagpuan at makakasama nating muli ang kapatid mo," pagbibigay ni Mama ng pag-asa sa akin. Alam ko na gusto lamang palakasin ng mga magulang ko ang aking loob ngunit sa loob nila ay sobrang nag-aalala sila sa kapatid ko. Ayaw lamang nilang ipakita at iparamdam sa ak
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status