Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE / KABANATA 1- Engrandeng kasalan

Share

THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE
THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE
Author: Batino

KABANATA 1- Engrandeng kasalan

Author: Batino
last update Last Updated: 2024-07-14 21:05:41

POV ni Eleja Juarez

“Hahaha! Sige lang, Elijah Juarez. Magpakasaya ka lang, dahil bukas na bukas din, maglalaho rin ang ngiti mong ’yan!”

Narinig kong sambit ng isang babae habang ako’y papunta sa dressing room upang isuot ang aking mala-crystal na gown.

Ang gown ay tunay na nakakasilaw — tila nawala lahat ng stress sa katawan ko nang masilayan ko ito. Ang mga diyamanteng nakadisenyo rito ay kumikislap sa ilalim ng malamlam na sinag ng buwan, at ang bawat galaw ko ay tila sayaw ng mga bituin sa langit. Sa unang pagkakataon, nabura ang kaba ko. Isa itong wedding gown na di ko kailanman inakalang maisusuot ko sa tunay na buhay.

Ang mga narinig kong panlalait kanina ay hindi ko na pinansin. Wala na akong panahon sa mga taong hindi masaya para sa amin. Dahil ngayong ikakasal na kami ni Lejandro, walang sinuman ang makakapagpahiwalay sa amin.

Wala na rin akong oras para harapin ang babaeng iyon. Kailangan kong magbihis—hinihintay na ako ng aking magiging asawa, pati ng aming mga panauhin. Kahit nakakakaba ang mga sinabi niya, isinantabi ko ang lahat. Ayokong masira ang araw ng aming kasal.

"Isang engrandeng kasalan ang nagaganap ngayon sa Hacienda Ferman."

Sa paligid, tanging ang musikang romantiko ang maririnig, habang ang venue ay nababalutan ng mga dekorasyong nakakabighani at puting mga bulaklak na animo’y ulap na dumapo sa lupa. Ang bawat sulok ay perpektong isinakdal ng ganda.

Ako si Eleja Juarez—ang maswerteng babaeng pakakasalan ni Lejandro Ferman, ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Ferman. Isa siyang bilyonaryo na pinapangarap ng maraming babae, ngunit ako lang ang pinili niya mula pa noong una kaming magkita.

Love at first sight daw. Paulit-ulit niyang sinasabi iyon, at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Sa tuwing naiisip ko ‘yon, hindi ko mapigilang kiligin.

Ang aming kasal ay dinaluhan ng mga kamag-anak, kaibigan, at mga personalidad mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Tunay ngang engrande. Ngunit sa kabila ng saya, alam kong maraming mata ang nakatingin sa akin—hindi lahat pabor.

Ngunit masaya ako. Dahil sa kabila ng lahat, ipinaglaban ako ni Lejandro.

Habang abala siya sa pakikipagkuwentuhan sa mga bisita, ako nama’y nanatili sa isang sulok, nag-iisa. Walang lumalapit para bumati o mag-congratulate. Pero sanay na ako. Ang mahalaga, nakuha ko ang puso ng lalaking mahal ko. Hindi ko kailangan ng basbas ng lahat.

Tumawag si Lejandro.

“Honey... halika rito.” Hinalikan niya ako sa noo.

“Bakit ka nag-iisa riyan? Join us. This is our special day, honey.”

Ngumiti ako, pilit na pinapagtakpan ang aking pag-aalinlangan. Dahil alam kong sa sandaling magsalita ang mga bisita, baka hindi ko kayanin ang mga susunod na salita. Ramdam kong hindi ako welcome sa karamihan. Pero wala akong pakialam. Mahal ako ni Lejandro. At iyon lang ang mahalaga.

Lumapit sa akin ang isang babae—isang magandang babae na hindi mo aakalaing mortal lang. Ang bawat hakbang niya’y puno ng pino at sopistikadong kilos. Siya si Furtiza Monteroso.

“Congratulations, Mrs. Ferman! Bagay na bagay sa'yo ang gown mo. I love it! Kailan kaya ako makakasuot ng ganyang kagandang gown?”

Ngumiti ako, pilit na tinatago ang aking nararamdaman. Alam kong ang bawat salita niya’y may kasamang panlalait.

Lumingon ako sa paligid. Lahat ng bisita’y may kasamang pamilya. Ako lang ang nag-iisa. Kahit isa sa mga kamag-anak ko, wala. Hindi ko rin alam kung bakit. Pinadalhan ko sila ng imbitasyon. Siguro'y nahihiya sila, o sadyang hindi nila kayang tanggapin ang pinili kong buhay.

“Where is your family or relatives? Hindi ba sila nakarating? Hulaan ko—baka wala silang sosyal na damit na maisusuot?” sabay ngisi ni Furtiza.

“Masaya ka ba kahit hindi dumalo ang mga magulang mo? Napangasawa mo nga ang isang bilyonaryo, pero... sapat ba ‘yon?”

Ngumiti ako. “Baka busy lang sila. At oo, masayang-masaya ako. Sana ikaw rin, makahanap ng lalaking tulad ni Lejandro.”

May kirot sa mga mata ni Furtiza. Tila hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

Lumapit siya sa akin at bumulong:

“Talaga bang masaya ka? Hindi mo ba napapansin na ikaw na lang ang pinag-uusapan dito? Hindi ka nababagay sa pamilya namin.”

Hindi pa man ako nakakaganti ng sagot, agad akong niyakap ni Lejandro. Ramdam niya siguro ang tensyon. Isa iyong pagpapakita na ako ang panig niya, at hindi si Furtiza—na matagal nang gustong ipareha sa kanya ng pamilya niya.

Maya-maya, unti-unti nang nagsi-uwian ang mga bisita.

Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Si Bernard, matalik na kaibigan ni Lejandro, ay lumapit sa akin.

“Congratulations, Eleja Ferman. You look stunning. Nagniningning ka ngayong gabi.”

Alam ng lahat na may pagtingin si Bernard sa akin. Isa na namang tsismis ito. Pero alam ni Lejandro ang lahat, at hindi siya nagseselos. Buo ang tiwala niya.

Biglang may lumapit na tauhan.

“Señorito Lejandro, may tawag po mula sa Singapore. Galing po kay Haciendero Enrick. Kailangan niya raw po kayo agad.”

Kaunti na lang ang natitira sa venue—kasama pa rin sina Bernard, Furtiza, at ilang katulong.

“Sandali lang, honey. Kakausapin ko lang sila. Babalik agad ako,” sabi ni Lejandro bago siya lumayo.

Naiwan akong muli. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin na tila huhusga sa bawat kilos ko.

“Naku, mukhang may problema sa Singapore,” bulong ni Furtiza. “Sigurado ako, pupunta doon si Lejandro.”

Hindi ako kumibo. Pinili kong manahimik.

Makalipas ang ilang oras, dumating muli si Lejandro. Mabigat ang kanyang mukha. Hindi ko matukoy kung lungkot ba iyon o galit.

“Bernard, Furtiza, mauna na kami ni Eleja. Kailangan ko siyang makausap, nang kami lang. Kayo na ang bahala rito,” sabi niya.

Pagdating namin sa mansion, bigla niya akong hinarap—seryoso at puno ng tensyon.

“A-anong nangyari? Ayos lang ba si Papa?” tanong ko, na para bang sasabog na sa kaba ang dibdib ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Raquel Raquel
maganda siya
goodnovel comment avatar
Polds Garcia Batino
exciting more chapter
goodnovel comment avatar
Monica matabia
Ganda ... umpisa palang
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   203.

    “Aray! Kainis!” sigaw ni Vivian, sabay sapo sa noo na parang sinadya niyang idiin ang pagkakauntog sa mesa. Ramdam ang kirot pero mas nangingibabaw ang inis at sama ng loob na gusto niyang iparating. Napapikit siya at mariing kumagat sa labi, tila ba gustong ipakita kay Alexander kung gaano siya nasaktan—hindi lang sa noo, kundi pati sa damdamin. Samantala, nanatiling kalmado si Alexander, nakaupo lang sa tabi ni Vivian na para bang walang nangyari. Pinagmasdan lang niya ito, bahagyang napailing at lihim na natawa sa loob-loob. Grabe, kakaiba talaga ang babaeng ito, sabi niya sa sarili, hindi natinag sa eksenang ginawa ni Vivian. Makalipas ang ilang oras ng klase, naglabasan na sila sa silid. Habang nag-aayos ng gamit, napatingin si Vivian sa kanyang relo—hindi mamahalin, mumurahin lang, pero sapat na para ipaalala sa kanya ang oras. Habang tinititigan niya ito, biglang lumapit ang tatlong kababaihan, diretso mismo sa harap ni Alexander. Agad itong nakakuha ng atensyon ni Vivian. N

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   202. Celistiana University Collee- CUC

    “Celistiana University College-CUC” — isang tanyag at iginagalang na paaralan sa gitna ng Maynila. Pinaniniwalaan ng lahat na ito’y hindi lamang tahanan ng talino at karunungan kundi ng patas at pantay na pagtrato. Kilala ang mga propesor dito sa kanilang pagiging makatarungan at malasakit sa bawat estudyante, mayaman man o mahirap, taga-lungsod man o probinsya. “Hello, Class! Good morning sa inyong lahat…” masiglang bati ng guro na may kasamang malapad na ngiti. Habang umuusad ang oras ng klase, ramdam ng mga estudyante ang kasiglahan ng ikalawang linggo nila sa paaralan—may kaba, may saya, at may pag-asang dala ng mga bagong aralin. “Pero may good news ako,” dagdag pa ng guro, bahagyang pinatagal ang suspense na tila lalo pang nagpa-usisa sa lahat. “May bago tayong transfer student… at hindi lang basta transfer student, kundi galing pa sa malayong Probinsya ng HACIENDA FERMAN.” Agad nag-ugong ang bulungan sa loob ng silid. Ang ilan ay napatingin sa isa’t isa, may halong excitemen

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   201. True wife Series 2 - Ang Pag-ibig ni Alexander sa Dalagang si Vivian Atenza!

    Sypnosis/ chapter 201 unang kabanata sa Buhay ni Alexander Juarez Ferman Nais lamang ni Alexander ang tahimik na buhay at bagong simula. Ngunit sa kanyang pag-ibig kay Vivian Atenza, unti-unti ring nabubuksan ang mga sikreto ng kanyang sariling pamilya—mga sikretong kayang maghiwalay sa kanila. Matapos ang unos ng nakaraan, akala ni Alexander ay makakahanap na siya ng katahimikan. Ngunit sa kanyang pag-aaral sa Maynila, nakilala niya ang babaeng magpapabago ng lahat—ang babaeng hindi niya alam ay konektado rin sa pamilyang nang wasak sa kanya buong pamilya. Sa pagitan ng pag-ibig at pamilya, alin ang pipiliin ni Alexander? Chapter 201 Hindi inaasahan ni Alexander na sa isang library niya unang makikilala ang babaeng magpapasira sa katahimikang pilit niyang binuo. Isang dalagang mahinhin ngunit matalim ang mga mata—si Vivian Atenza. “Excuse me… puwede bang mahiram ‘yan?” tanong ng dalaga, tinuturo ang librong hawak niya. Sa unang beses na nagtama ang kanilang mga mata, may

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   200.

    “Alexander!” hagulgol ni Mrs. Mendez, ang pangalawang ina ni Alexander. Halos hindi na siya makahinga sa tindi ng sakit na nararamdaman. Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata habang nanginginig ang kanyang mga kamay na may hawak na baril. “Patawarin mo ako, anak!” sigaw niya sa gitna ng pag-iyak. “Napamahal ka na sa amin ng ama mo... kaya't masakit para sa akin ang ideyang iiwan mo kami para sumama sa iyong tunay na ina. Hindi ko ‘yon kakayanin, anak ko...” Dahan-dahan niyang itinaas ang baril—tumama ang unang putok sa ere, kasabay ng pagkislot ng lahat sa paligid. Nag-echo ang kalabit ng gatilyo sa katahimikan ng buong silid. Umagos ang luha sa pisngi ni Mrs. Mendez habang marahang ibinaba ang baril, ngayon ay nakatutok na sa sarili niyang sentido. “Kung iiwan mo lang din naman kami ng ama mo... mas mabuti pang mamatay na lang ako!” bulalas niya, bago tuluyang maiyak nang malakas, halos mawalan ng ulirat sa matinding pighati. “Mama, Mendez!” “Mrs. Mendez!” Sabay na sigaw ng mag

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   199.

    "Buhay ka pa rin pala hanggang ngayon, Elijah Ferman?!" sigaw ni Mrs. Mendez habang mariing nakatitig, punung-puno ng hinanakit at galit ang bawat salita. "Dapat nakuntento ka na lang na wala ang anak mo sa tabi mo—may anak ka na ngang pangalawa! Bakit kailangan mo pang kunin si Alexander sa akin?!"dagdag pa ni Mrs.Mendez." Tumigil si Elijah sa paghinga nang marinig ang pangalan ng anak. Para bang isang matalim na kutsilyong sumaksak sa puso niya ang mga salitang iyon. Ngunit hindi siya umiwas, hindi siya umatras. "Dahil anak ko siya…anak ko siya Mrs.Mendez" bulong niya, paos ang boses, ngunit punô ng kirot. "At ikaw… ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuhay sa dilim ng maraming taon." Lumapit siya, bakas ang panginginig ng katawan — hindi dahil sa takot, kundi dahil sa damdaming halos sumabog mula sa dibdib niyang ilang taon nang nagpipigil. "Hindi mo lang ako pinagkaitan ng anak… pinagkaitan mo ako ng pagkatao." Pumatak ang luha mula sa kanyang mata, mabilis, mainit, at walang pa

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   198

    "Sandali lang naman! Sino ba kayo, at parang gusto niyo nang gibain ang pinto ng aking tahanan?" kalmadong tanong ni Alexander, pilit pinananatili ang kumpiyansa sa boses kahit ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib. Ayaw niyang mahalata ng mga nasa labas na halos mamilipit na siya sa kaba. Sa kabila ng mahinahong tono, matalim ang kanyang tingin sa pinto—handa sa kung anumang kaguluhan ang sumunod. Sa sinabi niyang iyon, bigla ring tumigil ang kaguluhang kanina’y halos umalingawngaw sa buong paligid. Napalitan iyon ng katahimikang mas nakakabingi pa kaysa sa kaninang ingay. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang ini-unlock ang pinto. Marahan niya itong binuksan, at sa pagbukas nito, bumulaga sa kanya ang mga pamilyar na mukha—mga tauhan ng babaeng tinuring niyang ina, ang nagligtas at kumupkop sa kanya sa panahong siya'y walang-wala. Napasinghap siya sa gulat. "Mama?" halos bulong na sambit niya, hindi makapaniwala sa nakikita. "Bakit... bakit kayo narito?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status