LOGINMatapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos.
"Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba ka rin naman." Wika ng kan'yang Kuya Michael ng sumulpot ito sa kan'yang harapan hawak ang tasa ng umuusok na kape. "Pero… Kuya, madami akong labahin. Kailangan ko itong matapos bago dumating si Mr. Black." Aniya pero sinamaan s'ya nito ng tingin. "Sinusuway mo na ba ako?" Galit na tanong nito kaya naalarma s'ya. Sunod-sunod s'yang umiling sa takot na baka saktan s'ya nito. "K-kukunin ko na po," wika n'ya sabay yuko. "Gusto mo pa akong galitin susunod ka din naman pala." Anito na may pagduro pa sa kanya. Mas lalo naman s'yang napayuko at hinayaan lang itong duru-duruin siya. Iniisip na lamang n'yang 'yon na ang huling beses na magagawa nito sa kan'ya 'yon. "Ano pa ang tinatayo-tayo mo d'yan? Kumilos ka na! Pasalamat ka at sinabihan ako ni Papa na huwag kang kakantiin." Malamig na wika nito saka s'ya tinalikuran. Lihim naman s'yang nakahinga ng maluwag dahil kahit papa'no ay hindi nadagdagan ang sakit ng kan'yang katawan. Minabuti na lang n'yang ilapag ang laundry basket at dumiretso sa silid ng nakatatandang kapatid. Pagpasok n'ya sa loob ay napakunot s'ya ng noo dahil sa dami ng kalat. Sa sobrang dami hindi na n'ya maisa-isa ang lahat ng 'yon. Hindi rin n'ya maiwasang mapaisip kung paano nagagawang matulog ng kan'yang kapatid sa ganoong kakalat na silid. Kung tutuusin mas malinis pa ang kan'yang silid kahit na puro luma ang mga gamit n'ya. "Bahala s'yang maglinis ng kalat n'ya. Kukunin ko lang ang lalabhan ko at lalabas na dito." Bulong n'ya. Lumapit s'ya sa kinaroroonan ng kama at dinampot ang isang unan, handa na sanang alisin ang punda pero hindi natuloy ng makarinig s'ya ng ugong ng sasakyan sa labas. Dahil sa kuryusidad, napalapit s'ya sa may bintana at dumungaw sa labas. Mula sa kan'yang kinatatayuan ay kitang-kita n'ya ang paglabas ng isang lalaki ngunit natigilan s'ya ng mapansing may edad na ito. "S'ya ba ang mapapangasawa ko?" Bulong n'ya habang nakasunod ang kan'yang paningin sa bawat kilos ng lalaki. "Ano ito? Pangit na nga ako tapos matanda at kulubot na ang mapapangasawa ko? Hayyysss!! Kapag minamalas ka nga naman talaga oh." Napapailing s'yang napahawak sa noo. Mukhang hindi naman asawa ang kailangan ng matanda kundi caregiver. "Hoy Seraphina, ipinapatawag ka ni Papa, dumating na ang mapapangasawa mo." Pukaw sa kan'ya ng nakatatandang kapatid. "Opo, lalabas na." Aniya, at kahit nag-aalinlangan ay lumabas s'ya ng silid nito at dumiretso sa labas ng bahay. Habang papalapit sa kinaroroonan ng kan'yang ama ay bigla namang bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang guwapong nilalang. Napahinto siya sa paglalakad at napatitig sa mukha nito. Pero ng makita n'ya ang malamig nitong mga mata ay napayuko s'ya. Hindi n'ya kayang salubungin ang ganoong klase ng titig na para bang dinadala s'ya sa ibang dimension. Idagdag pa ang nakakatakot nitong presensiya na nagpapatayo sa kan'yang mga balahibo. "Mr. Black, ikinagagalak kong makita kayo dito." Wika ng kan'yang ama dahilan para mapalingon s'ya dito. Pagkuwa'y muli n'yang ibinalik ang atensiyon sa lalaki at pasimple itong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi na n'ya kailangang hulaan kung gaano kamahal ang suot nito. Bagay na bagay naman dito dahil mas lalo pa itong gumwapo. Sigurado s'ya na kahit sinong babae ang makakita dito ay mahuhumaling. Pero sandali lang, ang lalaking ito ba ang mapapangasawa n'ya? Hitsura pa lang ay hindi na s'ya nababagay rito idagdag pa ang estado n'ya sa buhay. "Wala akong masyadong oras. Nandito lang ako para sunduin ang mapapangasawa ko." Malamig at diretsahang wika ng lalaki habang nakatitig sa kan'ya. Hindi naman n'ya maiwasang makaramdam ng ilang nang mapansin n'yang salubong ang mga kilay nito habang nakatutok ang mga mata sa kan'yang mukha. "S'ya ba ang mapapangasawa ko?" Tanong ng lalaki na tila dismayado na sumandal sa sasakyan. Pasimple nitong hinagod ang kabuuan n'ya at pagkuwa'y naiiling na bumuntong-hininga. "Opo Mr. Black, s'ya ang bunso kong anak, si Seraphina." Anang kan'yang ama na halatang kinakabahan na baka hindi s'ya magustuhan ng lalaki. "So bumili pala ako ng produkto na hindi pasok sa standard ko." Makahulugang wika ng lalaki na ikinumpara pa talaga s'ya sa mababang uri ng produkto. "Alam kong hindi s'ya kagandahan Mr. Black, pero puwede mo naman s'yang pakinabangan sa ibang paraan. Mabait naman s'yang bata, masunurin at masipag. Hindi ka na lugi sa isang milyon. Isipin mo na lang na isa s'yang personal na tagapagsibi." Wika ng kan'yang ama dahilan para makagat n'ya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Sa tanang buhay n'ya, isa lang pala s'yang tagapagsilbi kung ituring ng sariling pamilya. Kaya naman pala gano'n s'ya kung itrato ng mga ito. Tapos ngayon pati ang mapapangasawa n'ya ay ganoon rin magiging turing sa kan'ya. Sobrang malas talaga n'ya sa buhay. Bakit pa ba s'ya ipinanganak kung puro kamalasan lang din naman pala ang mararanasan n'ya sa piling ng mga taong dapat ay pumu-protekta sa kan'ya at nagmamahal? "Fine, I'll take her." Rinig n'yang wika ng lalaki. "Salamat Mr. Black," anang kan'yang ama na daig pa ang nanalo sa kung anong pustahan. "Puwede n'yo na s'yang isama ngayon din. Salamat sa isang milyon." Excited na dagdag nito. Gano'n lang, gano'n lang kadali para dito na ipamigay s'ya. Napapaisip tuloy s'ya kung totoo ba n'yang ama ito o hindi. Hindi kaya ampon lang s'ya? Napulot sa kung saan at inuwi para magkaroon ng anak na babae? Kaya ng masira ang kan'yang mukha ay ganoon na lamang kadali sa mga ito na magbago ng pakikitungo sa kan'ya. Pero sana nga ay ampon na lamang s'ya para hindi n'ya pagsisihan na naging parte pa ng pamilya ng mga ito. Mas matatanggap pa n'ya na isa lang s'yang ampon kesa sa tunay nga s'yang pero wala namang halaga. "Let's go, wala akong oras para sa mga walang kuwentang bagay." Anang lalaki at nauna ng bumalik sa loob ng sasakyan. Ilang sandali s'yang hindi nakakibo ngunit ng maramdaman n'ya ang mahinang pagtapik sa kan'yang balikat ay doon lamang s'ya kumilos. "Miss Cruz," anang matandang lalaki at sinenyasan s'yang sumakay na sa sasakyan. "Tatabi po ako sa amo mo? Baka saktan n'ya ako, ang sama pa naman n'yang tumingin." Pabulong ngunit malinaw na wika n'ya. "Kung nag-aalangan po kayo, puwede kayong maupo sa front seat." Sabi nito saka s'ya pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. "Salamat po," aniya bago pumasok sa loob ng sasakyan. "Good that you know your place," wika ni Mr. Black sa kan'ya. Tumango naman s'ya ngunit hindi n'ya ito nilingon. "Paano po ang mga gamit ko?" Tanong n'ya sa matandang lalaki ng makapasok ito sa sasakyan at maupo sa harap ng manibela. "Ayos lang Miss Cruz, may nakahanda ng mga gamit para sa iyo sa mansiyon. Isa pa, ayaw ni Mr. Black na may mga gamit na ipinapasok sa pamamahay n'ya. Baka magalit s'ya kung magdadala ka ng lumang mga gamit." Pabulong na wika nito bago binuhay ang makina ng sasakyan. "Miss Cruz, ikabit mo po ang iyong seatbelt." Anito ngunit hindi n'ya alam kung paano 'yon gumagana. "Hindi po ako marunong," nahihiyang wika n'ya. Natawa naman ang matanda subalit hindi 'yung tipong nang-iinsulto kundi, dahil sa ka-inosentehan n'ya. "Matututo rin po kayo Miss Cruz," anito, "ganito lang ang gagawin mo." Itinuro nito sa kan'ya kung paano magkabit ng seatbelt kaya tinandaan n'ya 'yon ng mabuti. "Alfred, ano pa ba ang ginagawa mo?" Galit na sita ni Mr. Black sa driver nito. "Aalis na po tayo Mr. Black," wika ng matanda at kaagad na pinaandar ang sasakyan saka nagmaneho. Sinulyapan n'ya ang kanilang bahay ngunit ng maalala kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan n'ya doon ay bumaling na lamang s'ya sa unahan ng sasakyan. First time n'yang makasakay sa mamahaling kotse at inaamin n'yang sobrang sarap pala sa pakiramdam na makasakay sa ganoon. Mahirap lang naman sila kaya tricycle at jeep lang ang palagi nilang sinasakyan lalo na s'ya. "Idadaan ka lang namin sa bahay," wika ng lalaki na tahimik lang sa backseat at tutok na tutok sa laptop nito. "O-okay po," tugon n'ya. Ilang sandali n'yang hinintay kung may iba pa ba itong sasabihin ngunit nanatili na itong tahimik. Pasimple n'yang sinulyapan ang binata gamit ang rear view mirror at doon niya nakita kung gaano ito kaabala. Mabilis din ang galaw ng mga daliri nito na para bang eksperto. Doon n'ya napagtanto kung gaano ba talaga kalayo ang agwat nila sa buhay. Sinulyapan n'ya ang sarili at doon ay kitang-kita kung gaano kamiserable ang kan'yang buhay. May butas ang suot n'yang bestida at lumang-luma na 'yon. Maging ang suot n'yang tsinelas ay malaki at malapit ng masira. Payat din s'ya at madaming pasa sa magkabilang braso na bago pa lamang naghihilom. Kapag hindi kasi agad s'ya nakakasunod sa utos ng kan'yang ama at kapatid ay sinasaktan s'ya ng mga ito. Ang kan'yang ina naman ay malamig lang ang pakikitungo sa kan'ya subalit hindi naman s'ya pinagbubuhatan ng kamay, 'yon nga lang panay sigaw ito kapag galit na. "Mr. Black, hindi n'yo naman po kailangang magpakasal sa akin. Puwede naman akong magtrabaho sa inyo bilang kasambahay. Siguro naman ay mababayaran ko ang isang milyon bago ako tumanda." Saad n'ya baka sakaling magbago ang isip nito. "Hindi ikaw ang magdedesisyon sa kung ano ang magiging kapalaran mo. Ako ang lalaki, ako ang masusunod." Wika nito kaya natahimik na lamang s'ya. Ayaw n'yang magalit ito sa kan'ya at baka kung ano pa ang gawin nito na pagsisihan n'ya sa huli.Mabilis na lumipas ang mga taon, kasabay no'n ang mabilis na paglaki ni baby Dahlia. Malayong-malayo na siya sa dating sanggol na antukin. Ngayon kasi ay hindi na ito mapirmi sa isang tabi kaya lagi na lamang nakabusangot si Seraphina.Mula nang matutong maglakad ang anak ay palagi na lamang siyang nakasunod dito at aligaga, lalo't marunong na itong mangunyapit kung saan-saan. Nawala nga ang problema niya sa asawa, may cute naman palang pumalit."Anak, hindi ka ba napapagod? Ako kasi, hinihingal na kahahabol sa iyo," aniya kasabay ng pagkarga sa anak.Kasalukuyan silang nasa isang private island para magbakasyon, kaya lang imbes na makapagpahinga siya ay heto at naghahabol kay baby Dahlia.Para tuloy gusto na lang niyang umuwi ng Manila para marami siyang katulong sa pagbabantay sa anak. Ayaw naman niyang kumuha ng yaya dahil mas gusto niyang siya ang nag-aalaga kahit nakakapagod. 'Yun naman ang tungkulin niya bilang ina—ang alagaan at siguraduhing laging ligtas ang anak."Wifey, barb
Halos mapuno ng mga lobo at iba't ibang dekorasyon ang malawak na hardin ng mansiyon nina Damian at Seraphina. Ngayong araw kasi gaganapin ang binyag ni baby Dahlia, at dahil nag-iisa pa lamang na apo—talagang sinigurado ng mga magulang niya na engrande iyon kahit mariin niyang tinutulan. Kaya lang, hindi naman siya nanalo sa mga ito. Bakit daw siya tututol eh hindi naman para sa kanya iyon kundi para sa kanyang anak? At dahil ayaw niyang makipagtalo, hinayaan na lang niya ang mga itong gawin ang gusto."Hubby, bakit hindi maipinta ang pagmumukha mo?" tanong sa kanya ni Seraphina nang lapitan siya nito.Hindi nito karga ang kanilang anak kaya naisip niyang na kay Dara na naman si baby Dahlia.Mula nang ipanganak ang kanilang panganay, halos araw-araw na present din ang kanyang kapatid. At doon lang niya napagtanto na mahilig ito sa bata."Hubby? Tulala ka na, may problema ba?" muling tanong sa kanya ni Seraphina na nasa tono ang pag-aalala para sa kanya.Ganoon naman ito, napaka-maala
Mabilis na lumipas ang mga buwan, ligtas na nailuwal ni Seraphina ang isang malusog na batang babae na pinangalanan nilang Dahlia Amara.Tuwang-tuwa naman ang kaniyang mga biyanan, lalo na ang kaniyang pamilya, sa pagdating ng bagong miyembro.At bilang bagong ina, wala siyang mapagsidlan ng saya dahil maayos niyang nailuwal ang anak. Pero kung masaya siya, siyempre mas masaya si Damian habang ipinagmamalaki na kamukhang-kamukha nito ang kanilang anak."Bakit ba panay ang tingin mo sa akin?" naiiritang tanong niya dito. Pero imbes na matakot, ay mahina itong tumawa kaya umismid siya at binato ito ng diaper, pero mabilis nitong nailagan 'yon.Ang unfair kasi, siya ang nagdala sa loob ng siyam na buwan, pero si Damian ang kamukha. Kung may nakuha man sa kanya ang anak, 'yon ay kutis lang."Wifey, anong problema? Bakit ba nagagalit ka?" malambing na tanong ni Damian sa kanya.Lumapit ito sa kanya at naupo sa gilid ng kama, saka siya maingat na niyakap. Paulit-ulit din nitong hinalikan an
Abala sa paghahanda ng mesa si Seraphina nang magsidatingan ang kanilang mga kapitbahay.Agad namang sinalubong ng kanyang ina ang mga ito at iginiya patungo sa mahabang mesa at pinaupo.Nagpatuloy naman siya sa kanyang ginagawa habang panaka-nakang sinusulyapan ang mga ito."Napakaswerte mo naman, may mayaman kang manugang. Sana all na lang ako. Ang anak ko kaya, kailan makaka-bingwit ng isang bilyonaryo para makaahon na rin kami sa hirap tulad ninyo."Marahan siyang napailing sa narinig. Ano ba ang tingin ng kapitbahay nilang si Aling Marites sa mga mayayaman? Isda na kailangang hulihin?Pero sabagay, may mga tao talagang ganoon mag-isip. Gano'n din naman ang kanyang mga magulang dati nang ibenta siya sa kanyang asawa. Ang kaibahan lang, si Damian kusang-loob na ibinigay ang mga pangangailangan nila; hindi niya kailanman ginamit ang asawa para humingi ng mga mamahaling bagay."Maswerte talaga kami kasi mabait ang manugang ko. Pero hindi ibig sabihin ay umaasa na kami sa kanya. Oo, a
Tahimik pero puno ng pagtataka ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa dinaraanan ng sasakyang kinalululanan nilang mag-asawa.Sa kabilang sasakyan naman nakasakay ang kanyang mga magulang at kapatid na parang may itinatago sa kanya. Pero anuman 'yon, malalaman at malalaman din niya pagdating sa kanilang destinasyon."Hubby, hindi ito ang daan patungo sa mansiyon nina Mommy, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya nang mapansing lumagpas ito sa subdivision kung saan nakatira ang kanyang mga biyenan."Malalaman mo rin mamaya, basta relax ka lang diyan at huwag masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Hindi naman kita ipapahamak, pati na rin si baby saka ang pamilya mo," tugon nito habang nakatutok sa daan ang paningin.Alam naman niyang hindi siya ipapahamak nito dahil ramdam naman niya kung gaano siya kamahal ng asawa. Ang sa kanya lang ay ayaw niyang naglilihim ito sa kanya."May tiwala naman ako sa iyo, Hubby, curious lang talaga ako. Kasi naman, tingnan mo ang suot ko, ang ganda-ga
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagtungo na sa ospital sina Seraphina para sa kanyang unang check-up.Wala pa siyang OB-Gyne, ngunit ayon kay Damian ay may kilala itong doktor para sa mga buntis, at doon daw sila pupunta. Dahil mas marami naman itong alam kaysa sa kanya, hindi na lang siya nagkomento pa."Congratulations sa inyong mag-asawa. Malusog ang inyong baby at maayos ang kapit nito. Normal rin ang heartbeat nito, pero dahil nasa umpisa pa lamang ang pagbubuntis, kailangan ninyong maging maingat at mapagmatyag," panimula ng doktora habang tinitingnan ang mga resulta."At base sa nakikita ko sa monitor at sukat ng baby niyo, eksaktong apat na linggo na ang iyong dinadala, Mrs. Black. Darating ang mga araw na maaari kang makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka, o mabilis mapagod—lahat iyan ay normal, basta't huwag mag-atubiling bumalik dito o tumawag kung may maramdaman kang kakaiba o masakit na hindi nawawala," dagdag pa ng doktora nang lumingon ito sa kanila habang nakangiti."Iwasa
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong be
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina. Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba
Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang m
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karap







