Mag-log inMabilis na lumipas ang mga taon, kasabay no'n ang mabilis na paglaki ni baby Dahlia. Malayong-malayo na siya sa dating sanggol na antukin. Ngayon kasi ay hindi na ito mapirmi sa isang tabi kaya lagi na lamang nakabusangot si Seraphina.Mula nang matutong maglakad ang anak ay palagi na lamang siyang nakasunod dito at aligaga, lalo't marunong na itong mangunyapit kung saan-saan. Nawala nga ang problema niya sa asawa, may cute naman palang pumalit."Anak, hindi ka ba napapagod? Ako kasi, hinihingal na kahahabol sa iyo," aniya kasabay ng pagkarga sa anak.Kasalukuyan silang nasa isang private island para magbakasyon, kaya lang imbes na makapagpahinga siya ay heto at naghahabol kay baby Dahlia.Para tuloy gusto na lang niyang umuwi ng Manila para marami siyang katulong sa pagbabantay sa anak. Ayaw naman niyang kumuha ng yaya dahil mas gusto niyang siya ang nag-aalaga kahit nakakapagod. 'Yun naman ang tungkulin niya bilang ina—ang alagaan at siguraduhing laging ligtas ang anak."Wifey, barb
Halos mapuno ng mga lobo at iba't ibang dekorasyon ang malawak na hardin ng mansiyon nina Damian at Seraphina. Ngayong araw kasi gaganapin ang binyag ni baby Dahlia, at dahil nag-iisa pa lamang na apo—talagang sinigurado ng mga magulang niya na engrande iyon kahit mariin niyang tinutulan. Kaya lang, hindi naman siya nanalo sa mga ito. Bakit daw siya tututol eh hindi naman para sa kanya iyon kundi para sa kanyang anak? At dahil ayaw niyang makipagtalo, hinayaan na lang niya ang mga itong gawin ang gusto."Hubby, bakit hindi maipinta ang pagmumukha mo?" tanong sa kanya ni Seraphina nang lapitan siya nito.Hindi nito karga ang kanilang anak kaya naisip niyang na kay Dara na naman si baby Dahlia.Mula nang ipanganak ang kanilang panganay, halos araw-araw na present din ang kanyang kapatid. At doon lang niya napagtanto na mahilig ito sa bata."Hubby? Tulala ka na, may problema ba?" muling tanong sa kanya ni Seraphina na nasa tono ang pag-aalala para sa kanya.Ganoon naman ito, napaka-maala
Mabilis na lumipas ang mga buwan, ligtas na nailuwal ni Seraphina ang isang malusog na batang babae na pinangalanan nilang Dahlia Amara.Tuwang-tuwa naman ang kaniyang mga biyanan, lalo na ang kaniyang pamilya, sa pagdating ng bagong miyembro.At bilang bagong ina, wala siyang mapagsidlan ng saya dahil maayos niyang nailuwal ang anak. Pero kung masaya siya, siyempre mas masaya si Damian habang ipinagmamalaki na kamukhang-kamukha nito ang kanilang anak."Bakit ba panay ang tingin mo sa akin?" naiiritang tanong niya dito. Pero imbes na matakot, ay mahina itong tumawa kaya umismid siya at binato ito ng diaper, pero mabilis nitong nailagan 'yon.Ang unfair kasi, siya ang nagdala sa loob ng siyam na buwan, pero si Damian ang kamukha. Kung may nakuha man sa kanya ang anak, 'yon ay kutis lang."Wifey, anong problema? Bakit ba nagagalit ka?" malambing na tanong ni Damian sa kanya.Lumapit ito sa kanya at naupo sa gilid ng kama, saka siya maingat na niyakap. Paulit-ulit din nitong hinalikan an
Abala sa paghahanda ng mesa si Seraphina nang magsidatingan ang kanilang mga kapitbahay.Agad namang sinalubong ng kanyang ina ang mga ito at iginiya patungo sa mahabang mesa at pinaupo.Nagpatuloy naman siya sa kanyang ginagawa habang panaka-nakang sinusulyapan ang mga ito."Napakaswerte mo naman, may mayaman kang manugang. Sana all na lang ako. Ang anak ko kaya, kailan makaka-bingwit ng isang bilyonaryo para makaahon na rin kami sa hirap tulad ninyo."Marahan siyang napailing sa narinig. Ano ba ang tingin ng kapitbahay nilang si Aling Marites sa mga mayayaman? Isda na kailangang hulihin?Pero sabagay, may mga tao talagang ganoon mag-isip. Gano'n din naman ang kanyang mga magulang dati nang ibenta siya sa kanyang asawa. Ang kaibahan lang, si Damian kusang-loob na ibinigay ang mga pangangailangan nila; hindi niya kailanman ginamit ang asawa para humingi ng mga mamahaling bagay."Maswerte talaga kami kasi mabait ang manugang ko. Pero hindi ibig sabihin ay umaasa na kami sa kanya. Oo, a
Tahimik pero puno ng pagtataka ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa dinaraanan ng sasakyang kinalululanan nilang mag-asawa.Sa kabilang sasakyan naman nakasakay ang kanyang mga magulang at kapatid na parang may itinatago sa kanya. Pero anuman 'yon, malalaman at malalaman din niya pagdating sa kanilang destinasyon."Hubby, hindi ito ang daan patungo sa mansiyon nina Mommy, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya nang mapansing lumagpas ito sa subdivision kung saan nakatira ang kanyang mga biyenan."Malalaman mo rin mamaya, basta relax ka lang diyan at huwag masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Hindi naman kita ipapahamak, pati na rin si baby saka ang pamilya mo," tugon nito habang nakatutok sa daan ang paningin.Alam naman niyang hindi siya ipapahamak nito dahil ramdam naman niya kung gaano siya kamahal ng asawa. Ang sa kanya lang ay ayaw niyang naglilihim ito sa kanya."May tiwala naman ako sa iyo, Hubby, curious lang talaga ako. Kasi naman, tingnan mo ang suot ko, ang ganda-ga
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagtungo na sa ospital sina Seraphina para sa kanyang unang check-up.Wala pa siyang OB-Gyne, ngunit ayon kay Damian ay may kilala itong doktor para sa mga buntis, at doon daw sila pupunta. Dahil mas marami naman itong alam kaysa sa kanya, hindi na lang siya nagkomento pa."Congratulations sa inyong mag-asawa. Malusog ang inyong baby at maayos ang kapit nito. Normal rin ang heartbeat nito, pero dahil nasa umpisa pa lamang ang pagbubuntis, kailangan ninyong maging maingat at mapagmatyag," panimula ng doktora habang tinitingnan ang mga resulta."At base sa nakikita ko sa monitor at sukat ng baby niyo, eksaktong apat na linggo na ang iyong dinadala, Mrs. Black. Darating ang mga araw na maaari kang makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka, o mabilis mapagod—lahat iyan ay normal, basta't huwag mag-atubiling bumalik dito o tumawag kung may maramdaman kang kakaiba o masakit na hindi nawawala," dagdag pa ng doktora nang lumingon ito sa kanila habang nakangiti."Iwasa
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karap
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong be
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina. Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba
Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba







