Se connecterGabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina.
Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang mga ito. Pero nagkamali s'ya. Hindi na kailanman magbabago ang mga ito. "Anong klaseng kapalaran ba ito? Bakit ako pa? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit sa'kin pa napunta ang lahat ng kamalasan at pagdurusa?" Bulong n'ya sa sarili, mababa, mahina sa takot na baka magising ang kan'yang ama at kapatid. Siguradong magagalit ang mga ito sa kan'ya at baka pagbuhatan na naman s'ya ng kamay. Ayaw n'yang mangyari 'yon. Sapat na ang mga peklat at pasa n'ya sa katawan para matutong umiwas sa gulo. Minabuti na lamang n'yang ayusin ang kan'yang higaan para matulog, dahil kinabukasan ay darating si Mr. Black para sunduin s'ya. Gusto sana n'yang tumutol sa kasal ngunit kapag ginawa n'ya 'yon, ay siguradong magagalit ang kan'yang ama. Baka bawiin ng mapapangasawa n'ya ang isang milyong piso na pambayad sa utang ng kan'yang ama. Isa pa, naisip n'yang mas makabubuti kung aalis na s'ya sa bahay nila. Malaking oportunidad na ang kasal para makawala s'ya sa mala-impiyernong pamumuhay kasama ang kan'yang pamilya. Tutal wala namang magandang idinulot ang mga ito sa kan'ya kun'di pasakit at labis na pagpapahirap. Sana ay tama ang kan'yang desisyon na ipaubaya na lang ang tadhana sa mapapangasawa n'ya. Pero napaisip s'ya ng malalim: ano kaya ang magiging reaksiyon ni Mr. Black kapag nakita at nasilayan ang kan'yang hitsura? Maputi lang s'ya pero may bakas ng isang nakaraang aksidente ang nakaukit na makikita sa kan'yang mukha. Yun ang tunay dahilan kung bakit siya ikinakahiya at itinataboy ng sariling pamilya. Mula ng maaksidente s'ya kasama ang kan'yang ama ay nag-iba na ang pakikitungo ng sariling pamilya sa kan'ya. Siguro ay gano'n talaga kahit wala naman s'yang kasalanan. …Pinipilit na lamang n'yang kalimutan ang lahat dahil hindi na rin naman n'ya maibabalik ang nakaraan. "Ano kaya ang naghihintay na kapalaran sa'kin bukas?" Bulong n'ya matapos ayusin ang kan'yang luma at sira-sirang higaan. Nahiga s'ya at nagkumot ngunit hindi n'ya mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Paano kung mas mabagsik at mas malupit pa sa kan'yang ama at kapatid ang Mr. Black na 'yon? Napaisip s'ya. Bakit kakaiba yata ang apelyido nito? Tunog dayuhan. Ngunit agad n'yang inalis kaisipang 'yon sa isip–hindi naman kaila sa kan'ya na may ilang pamilya sa kanilang lugar ang may ganoong apelyido. Baka isa lang sa mga ito ang mapapangasawa n'ya. Isa pa malalaman din n'ya kinabukasan kung sino ang malas na lalaking mapapangasawa n'ya, sa ngayon kailangan na n'yang matulog. Gigising pa s'ya ng maaga para maghanda tulad ng utos sa kan'ya ng kan'yang ama. Umayos s'ya ng higa, binalot ng manipis na kumot ang sarili para hindi lamigin. Nang masigurong kumportable na ay pumikit na s'ya para matulog. Hindi rin naman nagtagal at unti-unti na s'yang nilamon ng kadiliman. Kinabukasan, hindi pa man sumisikat ang araw ay gumising na s'ya. Itinupi n'ya ang kumot at iniligpit ang higaan saka s'ya nag-inat para buhayin ang dugo at dumaloy 'yon ng maayos sa kan'yang mga ugat. Makalipas ang ilang sandali ay inayos n'ya ang buhok at lumabas na ng kan'yang silid. Marahan at maingat s'yang humakbang patungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Ganoon ang ginagawa n'ya kapag gusto n'yang mainitan ang sikmura. Matapos n"yang magtimpla ng kape ay naghilamos lang s'ya at inihanda ang lulutuin. Hindi n'ya alam kung anong oras darating ang mapapangasawa n'ya dahil wala namang nabanggit ang kan'yang ama. "Sana ay agahan n'ya para makaalis na ako sa pamamahay na ito." Wika n'ya. Pareho lang naman ang sasapitin ng kan'yang kapalaran kahit matuloy ang kanilang kasal ng Damian na 'yon. Kesa kung anu-ano ang iniisip, minabuti na lamang n'yang uminom muna ng kape saka ituon ang buong atensiyon sa pagluluto. May natirang kaning lamig noong nagdaang gabi kaya 'yon na lamang ang kan'yang iluluto. Habang umiinom ng kape ay hindi n'ya mapigilang ilibot ang paningin sa kabuuan ng kusina. Saksi 'yon sa bawat pasakit ng kan'yang sariling pamilya. Sa bawat daing at pasakit, sa mga pagmamakaawa n'ya sa kan'yang ama at kapatid na huwag s'yang saktan. Pero bawat pagmamakaawa n'ya ay tila balewala sa mga ito. "Huling araw ko na dito... at lahat ng masasamang pangyayari, lahat ng hirap at sakit na naranasan ko sa loob at labas ng tahanang ito, ay aking iiwanan upang makapagsimula muli." wika n'ya sa sarili habang nakapako ang tingin sa paligid. "Wala nang abusadong pamilya, wala nang mapanakit na ama at kapatid. At sana, sa bagong mundong aking papasukin at sa bagong buhay na naghihintay, ay hindi ko na muling maranasan ang kalupitan at kasamaan ng mga taong nakapaligid sa akin." Wika n'ya bago sumimsim ng kape. "Ang aga mong nagising ah, ipagtimpla mo nga ako ng kape." Wika ng babae sa kanya. Sinulyapan n'ya ito; ngunit ng makilala n'ya kung sino ang babaeng nasa harapan ay tahimik s'yang tumayo upang sundin ang utos ng kan'yang ina. Hindi n'ya alam na nakauwi na pala ito mula sa kung saan. Hindi kasi ito tulad ng ibang ina na nasa bahay lang at inaasikaso ang pamilya. Ang kan'yang ina ay mahilig gumala kung saan-saan kasama ang mga kaibigan. Hindi naman s'ya nag-uusisa para iwas sakit ng katawan. "Huling araw mo na pala rito," panimula nito habang nakatingin sa kan'ya ng walang anuman ni katiting na awa at pagmamahal ng isang ina. "Balita ko ay ipinagbili ka ng 'yong ama sa isang negosyante. Ayos 'yon, tiba-tiba ka. Siguradong buhay reyna ka kahit gan'yan ang hitsura mo." Wika nito habang abala s'ya sa pagtitimpla ng kape. Nang matapos ay maingat n'yang dinala ang tasa sa kinaroroonan ng kan'yang ina at inilapag sa harapan nito. "Alam ko naman hong pangit ako... at alam ko ring walang sinumang magkakagusto o mamahalin ang katulad ko." Aniya sa napakababa at mahinang tono, tila bumubulong lamang sa sarili at sa hangin. Walang galit, walang hinanakit, kun'di purong pagtanggap lamang sa katotohanang matagal na n'yang isiniksik sa kan'yang isipan at puso. Humalakhak naman ang kan'yang ina na para bang may nakakatawa s'yang sinabi. "Tama ka. Baka nga alilain ka lang ng mapapangasawa mo kasi hindi talaga kaaya-aya ang iyong hitsura. Pero huwag kang mag-aalala, hindi naman importante 'yon. Ang mahalaga ay hindi mo na mararanasan ang hirap ng buhay. Malaking kabawasan ka din sa pakainin kapag umalis ka na dito." Sabi nito ngunit hindi s'ya nag-reak o anuman. Kaligayahan kasi ng kan'yang ina na makitang kawawa s'ya. "Magluluto na po ako ng almusal," wika na lamang n'ya rito upang ilihis ang usapan. "May grocery diyan sa kabinet, magluto ka ng masarap." Anito kaya lumapit s'ya sa kinaroroonan ng kabinet at binuksan 'yon. Bahagya s'yang nagulat ng tumambad sa kan'yang paningin ang laman noon. May sardinas, mga itlog, cup noodles at tinapay. "Ma, saan n'yo nakuha ang lahat ng ito? Sobrang dami," wika n'ya ng makitang hindi lang mga itlog, sardinas at cup noodles ang laman ng kabinet. Mayroon ring mga hotdogs at tocino. "Huwag ka ng magtanong, simulan mo na ang pagluluto at maaga akong aalis." Wika nito na tila nainis sa kan'yang tanong. "Pasensiya na po, magluluto na ako." Aniya saka tahimik na kumilos. "Pagkatapos mong magluto ay labhan mo ang mga damit namin. Sulitin mo na ang huling araw mo sa pamamahay na ito, tutal magbubuhay reyna ka na naman. Maano ba naman na mahirapan ka sa huling araw mo rito?" Anito na para bang isa lang talagang alila ang papel n'ya sa pamamahay na 'yon. "Sige po," tugon n'ya ng hindi lumilingon sa kan'yang ina. "Mabuti naman kung ganoon." Malamig na wika nito. Tumango lang s'ya ngunit sa loob-loob n'ya ay parang kinukurot ang kan'yang dibdib. Kahit kailan ay hindi manlang n'ya naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ina. Talagang kinalimutan na nito na mag-ina sila. Na minsa'y itinuring s'ya nito na isang prinsesa na ayaw padapuan sa langaw o sa lamok. Pero ngayon? Heto s'ya, kung utusan ay daig pa ang maid. Subalit ayos lang, huli na naman 'yon dahil hindi na s'ya babalik sa mga ito anuman ang mangyari. "Tawagin mo ako kapag nakaluto ka na." Wika nito bago n'ya narinig ang papalayo nitong yabag. Nang masiguro n'yang wala na ito ay saka lamang s'ya lumingon sa may pinto. "Hindi n'yo talaga ako minahal kahit kaunti. Pero ayos lang dahil ito na rin ang huling araw na makikita at maaalila n'yo ako. Kapag nakaalis na ako dito, hinding-hindi na ako babalik. Sapat na ang maraming taon ng pagpapaka-tanga na magbabago pa kayo. Ito na rin ang huling beses na aasa ako na kahit kaunti ay may pakialam kayo sa akin." Malungkot na wika n'ya. Marahan n'yang pinunasan ang gilid ng kan'yang mga mata saka nagpatuloy sa ginagawa. Kumuha s'ya ng limang itlog, isang pakete ng hotdog saka dinala sa lamesa. Pagkuwa'y kumuha s'ya ng lalagyan at sinimulang batiin ang itlog. Nang matapos ay isinunod n'ya ang hotdog. Inalisan n'ya ng balot 'yon saka ginihaan at itinabi. Dinampot n'ya ang tasa ng kape at sumimsim ng kaunti saka n'ya sinimulan ang pagluluto. Inuna muna n'ya ang pagpiprito ng hotdog at itlog saka isinunod ang sinangag. Habang nagluluto ay naramdaman n'ya ang pagkalam ng kan'yang sikmura. Gutom na, s'ya ngunit hindi muna puwedeng kumain kung ayaw n'yang masaktan ng sobrang aga. Pakiramdam tuloy n'ya ay sobra s'yang nakakaawa dahil sa kalagayan n'ya. Ngunit kaunting tiis na lamang at magbabago na rin ang kan'yang kapalaran. Kailangan lang n'yang maging matalino lalo na kapag kasal na sila ng Damian na 'yon. "Kaya mo ito Seraphina, kaunting tiis na lang." Pagpapalakas-loob n'ya sa sarili. Yun na lang naman ang magagawa n'ya at wala ng iba.Hindi maipinta ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa kanyang repleksiyon sa harap ng malaking salamin."Ano ba itong ipinasuot mo sa akin, Ate Kathleen? Ang sikip-sikip at ang ikli, tapos itong... itong ano ko, kulang na lang ay lumuwa," reklamo niya habang tinuturo ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung pinagtitripan ba siya ni Ate Kathleen o ano.Sa halip na magreklamo, sinubukan na lang niyang hatakin ang harapang bahagi ng suot na bestida pero nahihirapan siya.Sinubukan niyang ibaba ang zipper pero hindi niya maabot kahit anong pagpupumilit niya."Ma'am, ano bang problema sa suot mo? Maayos naman siya. Bagay na bagay nga eh, mas lalo pang lumabas ang kaputian mo.""Pati mga pasa ko lumabas din," wika niya nang mapansin ang mga pasa sa kanyang braso. Karamihan sa mga iyon ay bago pa lamang, at ang iba naman ay naghihilom na.Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para sa sarili.Marahan niyang hinaplos ang brasong may pasa pero na
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong beses sa isang araw, pero ngayong natupad na ang simpleng hiling na 'yon, wala na s'yang mahihiling pa. Payag na nga s'yang kunin na ni Lord upang makapagpahinga nang maayos. Sa tagal ba naman n'yang inalila ng sariling pamilya, pakiramdam n'ya ay pagod na pagod na s'ya. “Miss Cruz, ano ba ‘yang mga pinagsasasabi mo? Ang bata-bata mo pa para kunin ni Lord! Saka ngayon ka pa ba mag-iisip ng ganyan, kung kailan nakalaya ka na sa pang-aalila ng pamilya mo? Tingnan mo naman—nakatira ka na sa mansiyon ngayon, may masasarap na pagkain, maayos na kagamitan, at kumportableng silid. Isa pa, hindi man naging mabuti sa’yo ang iyong pamilya, hindi ibig sabihin no’n ay wala nang nagmamahal sa’yo. Nandito
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina. Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba tayong nakahinto? Bakit hindi niyo agad ako ginising?" Halos hindi na humihingang tanong niya sa matandang driver. "Kararating lang po natin, kaya sige na, bumaba na po kayo at pumasok sa loob ng mansiyon. Naroon na si Mr. Black at naghihintay sa iyo. May pag-uusapan daw kayo, kaya bago pa siya mainip at uminit ang ulo ang mabuti pa'y puntahan mo na siya." Wika nito at matamis siyang nginitian. "Ngunit… n-natatakot po ako sa amo niyo. Paano kung saktan niya ako tulad ng ginagawa ng ama at kapatid ko?" Puno ng pangambang wika niya dito. Hindi naman sa nagpapaawa siya sa matanda, ngunit iyon talaga ang nararamdaman niya. Kung ang sarili nga niyang pamilya ay kaya siyang saktan, iba
Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba ka rin naman." Wika ng kan'yang Kuya Michael ng sumulpot ito sa kan'yang harapan hawak ang tasa ng umuusok na kape. "Pero… Kuya, madami akong labahin. Kailangan ko itong matapos bago dumating si Mr. Black." Aniya pero sinamaan s'ya nito ng tingin. "Sinusuway mo na ba ako?" Galit na tanong nito kaya naalarma s'ya. Sunod-sunod s'yang umiling sa takot na baka saktan s'ya nito. "K-kukunin ko na po," wika n'ya sabay yuko. "Gusto mo pa akong galitin susunod ka din naman pala." Anito na may pagduro pa sa kanya. Mas lalo naman s'yang napayuko at hinayaan lang itong duru-duruin siya. Iniisip na lamang n'yang 'yon na ang huling beses na magagawa nito sa kan'ya 'yon. "Ano pa ang tinatayo-tayo
Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang mga ito. Pero nagkamali s'ya. Hindi na kailanman magbabago ang mga ito. "Anong klaseng kapalaran ba ito? Bakit ako pa? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit sa'kin pa napunta ang lahat ng kamalasan at pagdurusa?" Bulong n'ya sa sarili, mababa, mahina sa takot na baka magising ang kan'yang ama at kapatid. Siguradong magagalit ang mga ito sa kan'ya at baka pagbuhatan na naman s'ya ng kamay. Ayaw n'yang mangyari 'yon. Sapat na ang mga peklat at pasa n'ya sa katawan para matutong umiwas sa gulo.Minabuti na lamang n'yang ayusin ang kan'yang higaan para matulog, dahil kinabukasan ay darating si Mr. Black para sunduin s'ya. Gusto sana n'yang tumutol sa kasal ngunit kapag ginawa n'ya 'yon, ay si
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karapatang huminto, magreklamo at magpahinga, ang importante lang sa mga ito'y ang kapakinabangan sa bawat paghihirap n'ya. Hindi n'ya alam kung hanggang kailan s'ya magiging sunud-sunuran at tila walang sariling desisyon sa mga gusto at hindi n'ya gustong gawin. Wala naman s'yang pagpipilian kun'di ang sumunod sa nais ng kan'yang pamilya. "Seraphina! Hindi ka pa rin tapos d'yan hanggang ngayon?! Anong oras na! Magluluto ka pa ng hapunan!" Galit na sigaw ng pamilyar na boses sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang lumingon sa pinanggalingan ng boses, at do'n n'ya nakita ang kan'yang ama. Nakatayo sa may pinto at base sa hitsura nito, sigurado s'yang lasing na naman i







