Se connecter“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan.
Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong beses sa isang araw, pero ngayong natupad na ang simpleng hiling na 'yon, wala na s'yang mahihiling pa. Payag na nga s'yang kunin na ni Lord upang makapagpahinga nang maayos. Sa tagal ba naman n'yang inalila ng sariling pamilya, pakiramdam n'ya ay pagod na pagod na s'ya. “Miss Cruz, ano ba ‘yang mga pinagsasasabi mo? Ang bata-bata mo pa para kunin ni Lord! Saka ngayon ka pa ba mag-iisip ng ganyan, kung kailan nakalaya ka na sa pang-aalila ng pamilya mo? Tingnan mo naman—nakatira ka na sa mansiyon ngayon, may masasarap na pagkain, maayos na kagamitan, at kumportableng silid. Isa pa, hindi man naging mabuti sa’yo ang iyong pamilya, hindi ibig sabihin no’n ay wala nang nagmamahal sa’yo. Nandito kami; mula ngayon, ituring mo kaming pamilya, okay?” wika ng kasambahay na s'yang una n'yang nakapalagayan ng loob. Hindi tuloy n'ya maiwasang mapahikbi sa narinig. Buong buhay n'ya ay hindi pa s'ya nakaranas ng ganoong atensiyon at simpatya. Ngayon, may mga taong tumatanggap sa kanya at handang ituring s'yang kapamilya. Kaya lang… karapat-dapat ba s'yang magkaroon ng kaibigan? Sa hitsura n'yang ‘yon? Kahit yata langgam ay hindi gugustuhing lumapit sa kanya, lalo na’t hindi kaaya-aya ang kanyang mukha sa paningin ng lahat. “Pero… hindi naman ako maganda tulad n'yo. Ang kinis ng mukha ninyo, samantalang ang sa akin ay puno ng peklat. Kaya nga ayaw sa akin ng pamilya ko—pangit daw ako. Tingnan n'yo ang mga braso ko, puno ng pasa at bakas ng nakaraan,” wika niya sa mababang tono. “Miss Cruz, ano bang pinagsasasabi mo diyan? Mga peklat lang ‘yan! Hindi ‘yan sukatan ng pagkatao o dahilan para hindi ka magkaroon ng mabuting kaibigan. Maganda ka—sa loob at labas. Kailangan mo lang matutong magtiwala sa sarili. Huwag mong ibaba ang iyo sarili dahil lang sa pamilyang garapal at abusado. Maging matatag ka at itaas ang iyong noo. Kung napapangitan sila sa’yo, hayaan mo lang. Maganda lang ang panlabas nilang anyo pero bulok naman ang pagkatao. Ang ganda ng ay lumilipas, pero ang kabutihan at magandang pag-uugali ay kailanman hindi nawawala. At ang tiwala sa sarili? Para ‘yang halaman—yumayabong habang tumatanda. Huwag mong kalilimutan ‘yan.” “Salamat sa payo Ate… Huwag kang mag-alala, tatandaan ko ang bawat salitang sinabi mo. Pero ano nga pala ang pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa natin alam ang pangalan ng isa’t isa,” aniya sa mabait na kasambahay. “Tawagin mo na lang akong Ate Kathleen, mas matanda naman ako sa’yo ng tatlong taon.” Wika nito at matamis s'yang nginitian. Yung ngiting walang halong panghuhusga di tulad ng iba. “Ang ganda naman ng pangalan mo, Ate Kathleen,” puri niya dito. “Hindi naman masyado. Ikaw ba, ano ang pangalan mo?” tanong nito pabalik. “Seraphina Cruz. Dati, ang tawag sa akin ng Mama at Papa ko ay ‘Sera’, pero ngayon ay Seraphina na lang. Dati ay prinsesa kung ituring nila ako, pero nang magbago ang lahat, naging alila na lamang. Madalas pa akong gawing labasan ng galit nina Kuya at Papa,” saad n'ya nang may halong lungkot. “Huwag mo na silang isipin. Ang mabuti pa’y halika, tutulungan na kitang mag-ayos. Gusto kong makita kung bagay ba sa’yo ang mga gamit na ipinabili ni Mr. Black. Ano, game ka ba?” wika nito kaya tumayo na s'ya at hinayaan itong igiya s'ya palabas ng dining area. “Ate Kathleen, may gusto sana akong itanong. Matagal ka na bang nagtatrabaho dito sa mansiyon? Mabait ba si Mr. Black? Anong klaseng amo ba s'ya? Sa palagay mo ba ay magkakasundo kami?” puno ng kuryosidad na tanong n'ya dito. Gusto n'yang makilala ang lalaki dahil malapit na silang maging mag-asawa. Wala naman sigurong masama doon. “Tatlong taon na rin ako dito. Si Mr. Black? Tahimik lang s'ya, laging seryoso, at abala sa trabaho. Malamig makitungo, pero may pagka-babaero. Sa totoo lang, maraming babae dumadalaw dito sa mansiyon. Kaya ikaw, pilitin mong huwag mahulog ang loob sa kanya kung ayaw mong masaktan. Isipin mo na lang: mag-asawa kayo sa papel—sa papel lang, ha? Para sa huli ay hindi ka magsisi. Hindi masamang magmahal, pero kung alam mong hindi babalik sa’yo ang pagmamahal na 'yon, itigil mo na agad. Isa pa, mahirap magmahal ng taong maraming babae. Mas mabuti pang i-enjoy mo na lang ang buhay bilang Mrs. Black,” paalala nito. “Wala akong balak magmahal ng babaero, Ate Kathleen. Nandito lang naman ako kapalit ng isang milyong piso. Saka bata pa ako, marami pa akong pangarap. Gusto kong maayos ang mukha ko… may posibilidad pa bang mangyari ‘yon? Maaayos pa ba ang peklat na ito?” tanong n'ya sabay haplos sa kanyang pisngi kung saan naroon ang bakas ng nakaraan. “Maaayos pa ‘yan. Sa panahon ngayon, wala nang imposible pagdating sa siyensiya. Marami nga ang nagpapagawa ng mukha para gumanda lang. At sa totoo lang, hindi naman gano’n kalala ang sa’yo—nakikita ko pa rin kung gaano ka kaganda sa likod ng mga pilat na 'yan. Ang kailangan lang ay malaking halaga. Hindi naman siguro uubos ng isang milyon ang operasyon para sa pagpapaganda mo. Heto ang payo ko: itabi mo ang bawat sentimong matatanggap mo mula kay Mr. Black. Kung gusto mo, gagawan kita ng sariling online bank account; kailangan ko lang ang cellphone mo para masimulan na natin,” wika nito na bakas ang kasiyahan sa mukha. “Ate Kathleen, pasensya na… wala akong cellphone. Kita mo naman ang suot ko—luma na at may butas pa. Sa madaling salita, wala akong kahit singkong duling. At kung may pera man ako, ibibili ko na lang ng pagkain kaysa sa bumili ng gamit,” sagot n'ya. “Oo nga pala, nakalimutan kong inalila ka ng sarili mong pamilya. Dapat ay inasahan ko na ‘yan. Pero huwag kang mag-alala, may solusyon ako diyan—pag-usapan na lang natin mamaya. Unahin muna natin ang pag-aayos mo, gaya ng utos ni Mr. Black. Dapat ay maayos at maganda ka na pag-uwi nya, kundi baka umusok ang ilong no’n,” wika nito sabay tawa—mukhang sanay na sanay na ito sa ugali ng amo nito. “Kapag natapos tayo, puwede mo ba akong ipasyal dito sa loob ng mansiyon?” “Ha? Ipapasyal kita? Ahm… sige, magpapaalam muna ako kay Mang Alfred. Istrikto kasi si Mr. Black—may mga lugar na bawal pasukin dito sa mansiyon, lalo na sa ikatlong palapag. May silid doon na mahigpit n'yang ipinagbabawal na lapitan ng sinuman,” sagot nito kaya napaisip siya. Ano kaya ang itinatago ng lalaki doon? Ginto ba? Pero wala naman s'yang pakialam—sapat na sa kanya ang maayos na tirahan, masaganang pagkain, at proteksyon. “Hayaan mo, Ate Kathleen—hinding-hindi ako pupunta roon. Masaya na ako dito sa malawak na salas, sa hardin, o kaya naman ay sa sarili kong silid. Mas maganda pa nga 'yon para hindi ako laging nakikita ni Mr. Black. Pero kung maaari… gusto ko sanang humiram ng mga aklat, papel, lapis, at pangkulay. Mahilig kasi akong magbasa at gumuhit mula pagkabata. Siguro naman ay hindi s'ya magagalit kapag hiningi ko ang mga ‘yon,” aniya, bagama’t hindi na s'ya umaasa nang labis. “Sasabihin ko kay Mang Alfred—huwag kang mag-alala, ako ang bahala,” sagot nito, dahilan upang ngumiti s'ya nang malawak. “Salamat, Ate. Pero nasaan ba ang silid ko? Kanina pa tayo naglalakad at paikot-ikot,” nagtatakang tanong n'ya. “Malawak kasi ang mansiyon at puno ng pasikot-sikot kaya natatagalan tayo. Aakyat pa tayo—ang hagdang nakita mo kanina ay patungo sa silid ni Mr. Black at sa mga silid ng kanyang pamilya. Ang sa’yo naman ay nasa ikalawang palapag din, pero malayo sa kanya. Pero malay mo, sino ba ang makakaalam… baka sa pagkatapos ng kasal n'yo ay doon ka rin matulog. Sa tabi n'ya,” pilyang wika nito na ikinalaki ng kanyang mga mata. “Ate Kathleen! Wala akong balak tumabi sa kanya—baka mandiri lang s'ya sa akin, gaya ng sinabi n'ya kanina. Akala mo naman ang gwapo n'ya, eh! Hmmp!” aniya, dahilan upang matawa ang kasambahay. “Gwapo naman talaga si Mr. Black—lalo na kapag ngumingiti, kahit bihira 'yung mangyari,” sagot nito at nauna ng umakyat sa hagdan. Agad naman s'yang sumunod, habang ang kanyang paningin ay lumilibot sa bawat sulok ng mansiyon. “Ang ganda naman ng mansiyon na ito. Siguro ay milyones ang halaga ng bawat gamit—lalo na ang mga vase at paintings na nadaanan natin sa salas. At paano n'yo nalilinis ang mga bintanang kasingtaas noon?” tanong niya habang nakatingin sa nagtataasang bintana. “Madali lang—may mahahabang hagdan kami, pero hindi kami ang naglilinis noon; may tauhang partikular na inatasan para diyan,” sagot ni Ate Kathleen bago buksan ang isang pinto na hindi kalayuan sa hagdanan. Pumasok ito at sumunod naman s'ya. Ngunit sa pagpasok, bigla s'yang natigilan ng tumambad sa kanyang paningin ang isang napakaganda at marangyang silid. Napaka-elegante ng lahat, kaya wala siyang nasabi kundi isang mahinang “Wow…”Hindi maipinta ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa kanyang repleksiyon sa harap ng malaking salamin."Ano ba itong ipinasuot mo sa akin, Ate Kathleen? Ang sikip-sikip at ang ikli, tapos itong... itong ano ko, kulang na lang ay lumuwa," reklamo niya habang tinuturo ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung pinagtitripan ba siya ni Ate Kathleen o ano.Sa halip na magreklamo, sinubukan na lang niyang hatakin ang harapang bahagi ng suot na bestida pero nahihirapan siya.Sinubukan niyang ibaba ang zipper pero hindi niya maabot kahit anong pagpupumilit niya."Ma'am, ano bang problema sa suot mo? Maayos naman siya. Bagay na bagay nga eh, mas lalo pang lumabas ang kaputian mo.""Pati mga pasa ko lumabas din," wika niya nang mapansin ang mga pasa sa kanyang braso. Karamihan sa mga iyon ay bago pa lamang, at ang iba naman ay naghihilom na.Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para sa sarili.Marahan niyang hinaplos ang brasong may pasa pero na
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong beses sa isang araw, pero ngayong natupad na ang simpleng hiling na 'yon, wala na s'yang mahihiling pa. Payag na nga s'yang kunin na ni Lord upang makapagpahinga nang maayos. Sa tagal ba naman n'yang inalila ng sariling pamilya, pakiramdam n'ya ay pagod na pagod na s'ya. “Miss Cruz, ano ba ‘yang mga pinagsasasabi mo? Ang bata-bata mo pa para kunin ni Lord! Saka ngayon ka pa ba mag-iisip ng ganyan, kung kailan nakalaya ka na sa pang-aalila ng pamilya mo? Tingnan mo naman—nakatira ka na sa mansiyon ngayon, may masasarap na pagkain, maayos na kagamitan, at kumportableng silid. Isa pa, hindi man naging mabuti sa’yo ang iyong pamilya, hindi ibig sabihin no’n ay wala nang nagmamahal sa’yo. Nandito
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina. Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba tayong nakahinto? Bakit hindi niyo agad ako ginising?" Halos hindi na humihingang tanong niya sa matandang driver. "Kararating lang po natin, kaya sige na, bumaba na po kayo at pumasok sa loob ng mansiyon. Naroon na si Mr. Black at naghihintay sa iyo. May pag-uusapan daw kayo, kaya bago pa siya mainip at uminit ang ulo ang mabuti pa'y puntahan mo na siya." Wika nito at matamis siyang nginitian. "Ngunit… n-natatakot po ako sa amo niyo. Paano kung saktan niya ako tulad ng ginagawa ng ama at kapatid ko?" Puno ng pangambang wika niya dito. Hindi naman sa nagpapaawa siya sa matanda, ngunit iyon talaga ang nararamdaman niya. Kung ang sarili nga niyang pamilya ay kaya siyang saktan, iba
Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba ka rin naman." Wika ng kan'yang Kuya Michael ng sumulpot ito sa kan'yang harapan hawak ang tasa ng umuusok na kape. "Pero… Kuya, madami akong labahin. Kailangan ko itong matapos bago dumating si Mr. Black." Aniya pero sinamaan s'ya nito ng tingin. "Sinusuway mo na ba ako?" Galit na tanong nito kaya naalarma s'ya. Sunod-sunod s'yang umiling sa takot na baka saktan s'ya nito. "K-kukunin ko na po," wika n'ya sabay yuko. "Gusto mo pa akong galitin susunod ka din naman pala." Anito na may pagduro pa sa kanya. Mas lalo naman s'yang napayuko at hinayaan lang itong duru-duruin siya. Iniisip na lamang n'yang 'yon na ang huling beses na magagawa nito sa kan'ya 'yon. "Ano pa ang tinatayo-tayo
Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang mga ito. Pero nagkamali s'ya. Hindi na kailanman magbabago ang mga ito. "Anong klaseng kapalaran ba ito? Bakit ako pa? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit sa'kin pa napunta ang lahat ng kamalasan at pagdurusa?" Bulong n'ya sa sarili, mababa, mahina sa takot na baka magising ang kan'yang ama at kapatid. Siguradong magagalit ang mga ito sa kan'ya at baka pagbuhatan na naman s'ya ng kamay. Ayaw n'yang mangyari 'yon. Sapat na ang mga peklat at pasa n'ya sa katawan para matutong umiwas sa gulo.Minabuti na lamang n'yang ayusin ang kan'yang higaan para matulog, dahil kinabukasan ay darating si Mr. Black para sunduin s'ya. Gusto sana n'yang tumutol sa kasal ngunit kapag ginawa n'ya 'yon, ay si
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karapatang huminto, magreklamo at magpahinga, ang importante lang sa mga ito'y ang kapakinabangan sa bawat paghihirap n'ya. Hindi n'ya alam kung hanggang kailan s'ya magiging sunud-sunuran at tila walang sariling desisyon sa mga gusto at hindi n'ya gustong gawin. Wala naman s'yang pagpipilian kun'di ang sumunod sa nais ng kan'yang pamilya. "Seraphina! Hindi ka pa rin tapos d'yan hanggang ngayon?! Anong oras na! Magluluto ka pa ng hapunan!" Galit na sigaw ng pamilyar na boses sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang lumingon sa pinanggalingan ng boses, at do'n n'ya nakita ang kan'yang ama. Nakatayo sa may pinto at base sa hitsura nito, sigurado s'yang lasing na naman i







