INICIAR SESIÓNMahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina.
Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba tayong nakahinto? Bakit hindi niyo agad ako ginising?" Halos hindi na humihingang tanong niya sa matandang driver. "Kararating lang po natin, kaya sige na, bumaba na po kayo at pumasok sa loob ng mansiyon. Naroon na si Mr. Black at naghihintay sa iyo. May pag-uusapan daw kayo, kaya bago pa siya mainip at uminit ang ulo ang mabuti pa'y puntahan mo na siya." Wika nito at matamis siyang nginitian. "Ngunit… n-natatakot po ako sa amo niyo. Paano kung saktan niya ako tulad ng ginagawa ng ama at kapatid ko?" Puno ng pangambang wika niya dito. Hindi naman sa nagpapaawa siya sa matanda, ngunit iyon talaga ang nararamdaman niya. Kung ang sarili nga niyang pamilya ay kaya siyang saktan, ibang tao pa kaya? "Miss Cruz, huwag kang mag-alala, ganoon lang talaga ang amo ko ngunit sang totoo ay mabait at hindi siya nananakit ng walang malalim na dahilan. Huwag mo lang siyang galitin at siguradong magiging payapa ang buhay mo rito sa mansiyon. Isa pa, araw-araw naman siyang wala dahil lagi siyang nasa kumpanya. Halos doon na nga siya tumira dahil sa dami ng trabaho. Ito lang ang tatandaan mo upang hindi siya magalit. Huwag na huwag mo siyang tatanungin kung hindi naman importante. Iwasan mong makialam sa mga desisyon niya upang walang gulo. Kapag may inutos siya sundin mo lang." Saad ng matanda sa kanya. Marahan naman siyang tumango at tinandaan ng mabuti ang mga sinabi nito. "Kung araw-araw po siyang wala dito sa mansiyon, sino lang ang makakasama ko? Sigurado naman po akong lagi niya kayong kasama." Wika niya ayon na din sa kaniyang obserbasyon. "Huwag po kayong mag-alala Miss Cruz, may mga kasambahay dito sa mansiyon kaya hindi ka malulungkot. Puwede mo po silang utusan anumang oras." Anito, kaya lang parang hindi magandang ideya. "Ano po, tara na? Siguradong naiinip na si Mr. Black, baka magalit iyon kung hindi pa tayo papasok sa loob." Dagdag pa nito kaya inalis na niya ang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Hinintay lang niya ang matanda at sabay na silang pumasok sa loob ng malaking bahay. "Sobrang laki naman po ng bahay na ito. Sino po ang kasama ni Mr. Black na manirahan dito?" Tanong niya habang inililibot ang paningin sa paligid. Pakiramdam nga niya ay bigla siyang nalula dahil sa sobrang karangyaan. At habang inililibot ang paningin sa paligid ay may bagay na kumuha sa kaniyang atensiyon. Yun ay ang crystal na chandelier. Nakapuwesto iyon sa may hagdan kaya talagang takaw atensiyon lalo na ang mga palamuti niyon. "Kami-kami lang. Malayo ang tirahan ng mga magulang ni Mr. Black dito. Isang oras na biyahe bago marating ang subdivision nila." Sagot nito saka siya sinenyasang maupo sa mahabang sofa. Nag-aalangan naman siyang naupo doon saka nagmasid sa paligid. "Mabuti naman at gising ka na." Wika ng lalaking unti-unti ng nagiging pamilyar ang boses sa kanya. Mabilis siyang tumayo at nilingon ito. "P-pasensiya na po nakatulog ako sa biyahe." Hingi niya ng paumanhin sa binata. "Whatever." Masungit na sabi nito sabay sulyap sa suot na relong pambisig. "I'm leaving, ang mga maid na ang bahala sa iyo, pero ang gusto ko pag-uwi ay malinis ka ng tingnan at presentable. Iiwan ko si Alfred para siya na ang magsabi ng mga kailangan mong malaman." Wika nito, "Naiintindihan ko po Mr. Black," aniya at bahagyang nagyuko upang magbigay-galang. "Alfred! Stay here at ituro mo sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Siguraduhin mo din na pagbalik ko ay presentable na siyang tingnan, hindi iyong para siyang gusgusin." Bilin nito sa lalaki imbes na pansinin siya. "Masusunod Mr. Black, mag-iingat po kayo sa biyahe." Wika ng driver nito. "Sungit, pasalamat ka at guwapo ka. Kundi isinumpa na kita dahil sa ugali mo." Aniya sa kaniyang isipan. "I'm going, ikaw na ang bahala sa babaeng 'yan. Turuan mo ng tamang asal at kung paano kumilos ng tama para hindi naman nakakahiyang ipakilala sa publiko." Makahulugang sabi nito bago tuluyang lumabas ng bahay. "Kita mo ang lalaking 'yon, ang sama ng ugali. Akala mo kung sinong guwapo." Aniya, ngunit tinawanan lang siya ng matandang lalaki. "Hayaan mo na siya Miss Cruz, ang mabuti pa'y halika sa dining upang makakain ka na. Pagkatapos mong kumain ay ihahatid kita sa magiging silid mo upang makapag-ayos ka ng sarili bago magpahinga." Wika ng matanda sa kanya. Nahihiya naman siyang sumunod dito dahil gutom na gutom na rin siya. "Mang Alfred, matagal ka na po bang nagtatrabaho bilang driver kay Mr. Black? Ano po ba talaga ang ugali niya? Ang hirap kasi niyang basahin. Saka hindi po ba siya magagalit kung kakain ako ng wala siya?" Sunod-sunod niyang tanong sa matanda. "Hindi siya magagalit, may karapatan kang kumain, matulog at magpahinga. Hindi ka alila dito tulad sa bahay niyo. Saka oo matagal na ako sa kanya bilang driver at kanang kamay. Ang totoo ay bihira kaming magkalayo tulad ngayon. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo, kumain ka ng mabuti para naman magkaroon ka ng laman, ang payat-payat mo oh. At kung sakaling may kailangan ka, sabihin mo lang sa mga kasambahay." Saad nito kaya nakaramdam siya ng kaginhawaan. "Salamat po Mang Alfred, sa tanang buhay ko kayo pa lamang ang trumato sa akin ng ganito. Ang sarili kong pamilya kasi ay ikinakahiya ako, sinasaktan at inaalila lalo na sina Papa at Kuya." "Kaya ba puro pasa ka?" Tanong nito na sunod-sunod niyang tinanguan. "Mula po noong maaksidente kami ni Papa at masira ang kabila kong mukha ay ikinakahiya na nila ako. Kung ituring nila ako ay daig ko pa ang alila. Kaunting pagkakamali lang ay pinagbubuhatan na nila ako ng kamay. Madalas nga po ay naiisip ko kung anak ba ako nina Mama at Papa o baka naman ampon lang ako. Wala kasing may gusto sa akin eh." Saad niya hindi para makakuha ng simpatya mula sa matanda. Kundi para maglabas ng sama ng loob at hinanakit para sa mga magulang. "Kawawang bata ka naman. Tapos nagawa ka pang ibenta ng sarili mong ama. Anong klaseng magulang sila? Pero parang okay na din 'yun, at least dito sa mansiyon iisa lang ang kailangan mong iwasan na magalit. Anuman ang gawin niya, hayaan mo lang siya. Hindi lahat ng asawa ay kailangang makialam para iwas gulo." Sabi nito kaya tinandaan niya ng mabuti 'yon. Ayaw rin naman niya ng gulo kaya siya na lamang ang mag-a-adjust. "Maupo ka na Miss Cruz, ikampante mo ang iyong sarili. Magpakabusog ka," anang matanda sa kanya ng makarating sila sa dining. Ipinaghila pa siya ng silya ng matanda kaya nahihiya siyang ngumiti dito ng makaupo. "Ihain niyo na ang mga pagkain para makakain si Miss Cruz." Utos nito sa mga kasambahay na agad namang tumalima. Wala pang dalawang minuto ay halos mapuno na ang mesa ng masasarap na pagkain. May lechong manok, mga seafoods, at kung anu-ano na hindi pa niya natitikman ni minsan. Puro tira-tira lang kasi ang kinakain niya. "Ang dami naman pong pagkain. Bakit hindi niyo ako sabayan?" Aniya sa mga ito. "Miss Cruz, hindi puwede ang gusto mo. Mapapangasawa ka ng amo namin, at bilang mga tauhan, hindi kami puwedeng sumabay sa iyo na kumain. Kaya sige na, kumain ka na, damihan mo para naman kahit papaano ay magkaroon ka ng laman. Kung may gusto ka pa sabihan mo lang ang mga kasambahay para mailuto. Maiwan muna kita dito, may aasikasuhin lang ako sa labas." Paalam sa kanya ng matanda at nagmamadaling nilisan ang dining area. Napasunod na lang siya ng tingin dito hanggang sa tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin. "Ang lungkot naman, marami ngang pagkain ngunit wala naman akong kasabay kumain." Wika niya ng sulyapan ang nakaparaming pagkain sa mesa. "Ma'am, kumain na po kayo." Anang isa sa mga maid sa kanya. Tiningnan niya ito at malungkot na nginitian. "Hindi niyo ba talaga ako puwedeng sabayan na kumain? Hindi ko naman makakain lahat ng ito, kaya sige na po kumain din kayo. Wala naman si Mang Alfred kaya walang magsusumbong sa amo niyong masungit." Kumbinsi niya sa mga ito dahilan para magkatinginan ang mga kasambahay. Mukha naman kasing mababait ang mga ito kaya gusto niyang makipagkaibigan. "Sige na nga po," anang mga ito kaya malawak siyang napangiti. "Maupo na kayo kung ganoon." Utos niya sa mga ito. Mabilis naman ang mga itong sumunod sa gusto niya kahit na parang nahihiya. "Kumain ka na po Ma'am, pagkatapos ay tutulungan namin kayong mag-ayos ng sarili." Anang isa sa mga ito kaya kahit nahihiya ay sumandok na siya ng pagkain. "Hindi po ba kayo natatakot sa hitsura ko o di naman kaya ay nandidiri?" Tanong niya sa mga ito. "Ma'am, bakit naman po kami matatakot sa hitsura mo o mandidiri? Kahit naman may peklat kayo sa mukha nangingibabaw pa rin ang ganda mo. Para ka ngang anghel eh, napaka-inosente mo at halatang napakabata pa. Ilang taon ka na po ba?" Tanong ng isa sa mga ito na may pagka-kulot ang buhok. "Twenty-two po," sagot niya na ikinatingin ng mga ito sa isa't isa. "Napakabata mo pa Ma'am para mag-asawa. Pero siguradong may dahilan kaya ka napasok sa ganyang sitwasyon." Sabi ng babaeng may pagka-morena ang kutis. "Ibenenta ako ng mga magulang ko sa amo niyo upang may pambayad ng utang." Malungkot na sagot niya. "Pero ayos lang, iyon na ang huling pakinabang nila sa akin. Kahit papaano ay nakawala na ako sa mala-impiyernong buhay ko sa bahay na iyon. Ahm sige na po kumain na tayo bago pa lumamig ang mga pagkain." Pag-iiba niya ng usapan bago itinuon ang atensiyon sa plato niya.Tahimik pero puno ng pagtataka ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa dinaraanan ng sasakyang kinalululanan nilang mag-asawa.Sa kabilang sasakyan naman nakasakay ang kanyang mga magulang at kapatid na parang may itinatago sa kanya. Pero anuman 'yon, malalaman at malalaman din niya pagdating sa kanilang destinasyon."Hubby, hindi ito ang daan patungo sa mansiyon nina Mommy, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya nang mapansing lumagpas ito sa subdivision kung saan nakatira ang kanyang mga biyenan."Malalaman mo rin mamaya, basta relax ka lang diyan at huwag masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Hindi naman kita ipapahamak, pati na rin si baby saka ang pamilya mo," tugon nito habang nakatutok sa daan ang paningin.Alam naman niyang hindi siya ipapahamak nito dahil ramdam naman niya kung gaano siya kamahal ng asawa. Ang sa kanya lang ay ayaw niyang naglilihim ito sa kanya."May tiwala naman ako sa iyo, Hubby, curious lang talaga ako. Kasi naman, tingnan mo ang suot ko, ang ganda-ga
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagtungo na sa ospital sina Seraphina para sa kanyang unang check-up.Wala pa siyang OB-Gyne, ngunit ayon kay Damian ay may kilala itong doktor para sa mga buntis, at doon daw sila pupunta. Dahil mas marami naman itong alam kaysa sa kanya, hindi na lang siya nagkomento pa."Congratulations sa inyong mag-asawa. Malusog ang inyong baby at maayos ang kapit nito. Normal rin ang heartbeat nito, pero dahil nasa umpisa pa lamang ang pagbubuntis, kailangan ninyong maging maingat at mapagmatyag," panimula ng doktora habang tinitingnan ang mga resulta."At base sa nakikita ko sa monitor at sukat ng baby niyo, eksaktong apat na linggo na ang iyong dinadala, Mrs. Black. Darating ang mga araw na maaari kang makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka, o mabilis mapagod—lahat iyan ay normal, basta't huwag mag-atubiling bumalik dito o tumawag kung may maramdaman kang kakaiba o masakit na hindi nawawala," dagdag pa ng doktora nang lumingon ito sa kanila habang nakangiti."Iwasa
Mahigit isang linggo nang nanatili sina Damian sa Boracay bago nagpasyang umuwi kasama ang pamilya nila at mga kaibigan. Mabuti na lang at malaki ang capacity ng private plane na gamit nila kaya hindi sila nagkaroon ng problema.Dalawa lang silang nagpunta sa Boracay, pero pag-uwi ay labing-isa na sila. Wala namang problema sa kanya 'yon maging sa kanyang asawa dahil naging masaya at maayos naman ang kanilang biyahe."Napagod ako nang husto sa layo ng biyahe natin ah," sambit ni Seraphina habang papasok sila sa mansiyon.Tahimik namang nakasunod sa kanila ang pamilya nito at tila naninibago sa laki ng bahay na tinitirhan nila. Bakas din sa mukha ng tatlo ang matinding pagkamangha dahil mala-palasyo sa laki ang tinitirhan ng kanyang asawa. Gayunpaman, hindi niya nakitaan ang mga ito ng insecurity at inggit. Maayos din naman ang bahay na tinirhan ng mga ito pero walang kasambahay. May allowance buwan-buwan pero sakto lang para sa mga pangangailangan, tulad ng groceries, pambayad ng mga
CHAPTER 58Tahimik lang si Seraphina habang nakaupo sa buhanginan at pinagmamasdan ang mga turistang masayang lumalangoy sa hindi kalayuan.Gusto din sana niyang maglangoy pero hindi siya payagan ni Damian."Nakakainis!" sambit niya sabay dampot ng maliit na bato at inihagis iyon sa tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya at dinampot ang tuwalyang nakalatag sa buhangin.Babalik na lamang siya sa resthouse na nirerentahan nila at matutulog—mas mabuti na 'yon kaysa masayang ang kanyang oras sa panonood sa mga turista. Lalo lang kasi siyang naiinggit sa mga ito; baka mamaya ay bigla na lang siyang lumusong sa tubig para maglangoy kung hindi pa siya babalik sa nirerentahan nilang resthouse."Hey… yow! Sera!!" tawag ng kung sino sa kanya.Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at hinanap ang may-ari noon pero hindi kaagad niya nakita kung sino ang tumawag sa kanya."Dito! Narito kami!" muling sigaw ng pamilyar na boses.May kumaway na lalaki sa kanya pero hindi niya agad ito nakilala dahil
Masayang nagkukuwentuhan habang kumakain ang lahat nang tumikhim si Seraphina. Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng lahat at tumingin sa gawi nila ni Damian."May announcement lang po kaming mag-asawa para kina Mommy at Daddy, saka kay Dara. Tutal naman alam na ng pamilya ko ang tungkol sa balitang 'yon, kaya oras na rin para malaman ng pamilya ng asawa ko ang tungkol sa magandang balita," aniya saka sinulyapan ang asawa.Agad naman itong tumayo, hinawakan ang kanyang kamay, at malawak ang ngiting hinaplos ang kanyang tiyan.Mukha namang nakuha agad ni Dara ang nais iparating ni Damian dahil napatakip ito sa bibig habang namimilog ang mga mata."OMG! Totoo ba?" Mabilis itong tumayo at lumapit sa kanya, saka marahang yumuko at inilapit ang tainga sa kanyang tiyan."Oo, mukha ba kaming nagbibiro? Kanina lang din namin nalaman noong nagpa-test ako. Kaya lang hindi pa namin alam kung ilang linggo na, hindi pa kasi kami nakakapunta sa health center o kahit sa ospital para magpa-check-u
CHAPTER 56"Wifey, anong ginagawa mo? Bakit may hawak kang sandok at kutsilyo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Damian sa asawa nang maabutan niya ito sa kusina na kaharap ang mga gulay at panggisa. Mayroon ding karne, isda, at kung anu-ano pa na lalo pang nagpakunot sa kanyang noo."Magluluto ako, 'di ba darating sina Mommy ngayong araw? Dapat ay maghanda tayo ng masarap na pagkain para sa kanila, para pagdating nila ay kakain na lamang tayong lahat.""Wifey… nakalimutan mo na bang buntis ka? At hindi mo na kailangang magluto dahil umorder na lang ako ng maraming pagkain. Sige na, ibalik mo na 'yan sa lalagyan at magpahinga ka. Bawal magpagod—baka kung mapaano pa kayo ni baby sa ginagawa mong 'yan," wika niya at maingat na kinuha ang hawak nitong kutsilyo at ibinalik sa lalagyan. Pagkatapos ay isa-isa niyang ibinalik sa basket ang mga gulay, gayundin ang bawang, sibuyas, at iba pa. Nang matapos ay nilapitan niya ang asawang hindi maipinta ang mukha."Pangit na ba ang lasa ng luto ko
Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang m
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karap
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong be
Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba







